Chapter 25

154 12 9
                                    

Chapter 25



Umagang-umaga ay nasa banyo na ako kaagad dumiretso nang magising ako dahil sa pagkahilo ko, naduduwal din ako na ewan. 




Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Ilang segundo lang ay may nagtatali na ng buhok ko pagkatapos ay hinahagod ang likod ko.




"You're pale. Should we cancel the schedule for our baby's check-up and move it—"




"H-hindi na." Pagtanggi ko kaagad sa suhestyon niya. 




Normal lang naman sa mga nagbubuntis ang ganito dahil ganito din si Felicia noong nabuntis siya kay Francis. 




Dahan-dahan akong tumayo habang nakaalalay sa likod ko si Zihyun inikot niya ako paharap sa kanya tsaka kumuha ng maliit na face towel at binasa ng tubig tsaka piniga. Pinunasan niya ang gilid ng labi ko gamit iyon.



Magkasalubong ang kilay niya habang pinupunasan ang labi ko na para bang isa iyong Math problem na dapat pagtuunan ng pansin.




"Sasama ka ba sa check-up?" Tanong ko sa kanya nang matapos siya sa pagpupunas ng labi ko. 




"Yes, love." Aniya sa mababang boses bago hinalikan ang tungki ng ilong ko. 





Napanguso ako nang maamoy ang mabango niyang hininga, bakit gano'n? Pagkagising ko ang baho ng hininga ko e' pero kay Zihyun amoy mint parin. Hindi kaya nananaginip to na nag-to-toothbrush? 





"Bakit ang hilig mong halikan ang tungki ng ilong ko?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.






Natawa siya at pinanggigilan ang magkabilang pisngi ko, nagsalubong ang kilay ko dahil sa ginawa niya. "You love to crinkle your nose when you're happy and excited,"





Bata pa lang ako ay nakasanayan ko nang gawin iyon lalo na pag tuwang-tuwa ako. Hindi ko alam na pati iyon ay mapapansin niya.





"Paano mo nalaman?" I asked, curiously. Tanging sila Felicia lang ang nakakapansin ng naka-ugalian kong gawain na iyon e'. 




"I told you I'm observing you, love." Nakangising aniya at masuyo akong hinila palapit sa kanya hanggang sa mayakap niya nang tuluyan ang bewang ko. "...at hindi lang iyon ang napapansin ko sayo."





"Ano pa kung ganoon?" Kuryosong tanong ko habang lihim na napangiti.




"Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at hindi. Alam ko rin ang ginagawa mo tuwing ayaw mo sa taong nasa harap o kausap mo." Marahan pa ang pagsabi niya no'n habang hinahaplos ang likod ko. "You're too transparent with your emotions, kahit hindi mo sabihin alam ko...your eyes are honest."




Parang may mainit na palad ang humaplos sa puso ko nang marinig mula sa kanya iyon. Akala ko ay hindi niya rin mapapansin gaya ng mga taong nakapaligid sa 'kin maliban sa mga matagal ko nang kasama na sila Felicia, siyempre.





"Love?"





"Hmm.." I hummed.




"What do you want for breakfast?" 




"You." Walang pag-aalinlangan kong sagot habang palihim na nakangiti.



Ilang segundong nilukob ng katahimikan ang buong banyo pero agad din iyong nabasag nang magsalita si Zihyun.




"L-love?" Parang kinakapos sa hangin niyang ani.



"Ano?" Tugon ko.




Marked By The PainWhere stories live. Discover now