Chapter 20

176 11 8
                                    

CHAPTER 20


One month later...



"Tingin mo saan mas maganda rito sa dalawa?" Hinarap ko si Zihyun at pinakita sa kanya ang dalawang bath tub na pinagpipilian ko para sana sa Master's bedroom doon sa bahay na binili niya.



Sobrang atat kasi niya at gusto nang doon kami tumira. Pangalawang araw na namin ngayon at kahapon ay inuna kong bilhin ang mga importanteng gamit para sa bahay gaya na lang ng mga gamit para sa kusina. Dapat lang mauna doon dahil hindi na ako makapaghintay na makapagluto roon.



"As long as we fit together, love," pilyong sagot naman ni Zihyun na siyang taga-tulak ng push cart para sa mga kailangang ilagay doon.



"Para sa Master's bedroom 'to, Zihyun. Umayos ka!" May pagbabanta na sa boses ko pero mukhang hindi niya sineryoso ang pananakot ko dahil nakuha pa niya'ng humalakhak.



"It's up to you, love!" Aniya at ngumiti pa dahilan para magpakita na naman ang dimple niya.



Napabuntong hininga ako. Hindi naman ibig sabihin na mag asawa kami ay hindi ko na tatanungin ang opinyon niya sa mga ganito. Pero dahil ayos lang sa kanya na kahit anong magustuhan ko, e'di sige. Hindi naman ako mahirap kausap.



"Ito na lang." Sagot ko at tinuro ang simpleng bath tub pero tingin ko naman ay kasya kami kahit hindi iyon kalakihan, hindi rin naman maliit kung baga, sakto lang.


Hinarap ni Zihyun iyong Manager nitong store na kanina pa nakasunod sa amin at nililista ang mga bibilhin namin, hindi naman niya kailangang gawin iyon pero mukhang magkakilala si Zihyun at iyong may-ari nitong store dahil may special treatment na nangyayari.



"We'll get that." Ani Zihyun doon sa Manager. Tumango naman ito.


"Gaya po ng sa shower at iba niyo pa po'ng kukunin is i-de-deliver po ito in three days." Anito.


Humarap naman sa akin si Zihyun, "Love, may gusto ka pa bang idagdag?"


"Wala na," Nakangiting tumango ako at sinenyasan naman niya iyong Manager at isang sales clerk na kunin na ang push cart kung saan nakalagay ang mga maliliit na appliances at furnitures. Lumapit ako kay Zihyun at niyakap siya mula sa likuran,


"I noticed that you're becoming clingy these past few weeks, love." Rinig ko pang sabi niya. Napasimangot naman ako at kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya.



"Ayaw mo na sa 'kin kasi clingy ako?"


Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako pero agad ding umiling at lumapit sa 'kin bago sinapo ang magkabilang pisngi ko at pinatakan ng isang halik ang tungki ng ilong ko.



"No. Of course, not. I actually love it. Do you want to visit a doctor though?!"


"At bakit naman ako bibisita sa doktor?" Pagsusungit ko.


Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko bago binalik ang tingin sa mukha ko, "We've been doing it almost every night, love and I trust my friend's bullet."



"Pero hindi ibig sabihin no'n na magkakalaman na 'to." Hinaplos ko ang tiyan ko at ngumisi naman siya.



"I'm observing you every single day, love. I noticed how your mood changes every minute. Just like earlier, you were clingy and when I told you about it. You easily got irritated.But, it's okay if you don't want to confirm it, yet. Just please, tell me if you want something or you feel something weird, okay?!" Muli niyang pinatakan ng halik ang tungki ng ilong ko at sunod ay ang labi ko.



Marked By The PainWhere stories live. Discover now