Chapter 19

160 11 26
                                    

Chapter 19

Te amo, mi amore



Hindi ko mapigilang magpagulong-gulong sa kama dito sa kwarto ko matapos makumpirma ang ibig sabihin ng sinabi ni Zihyun sa 'kin kagabi.



Kauuwi ko lang at hinatid niya muna ako bago sila dumiretso ni Aniah sa bahay ng magulang niya, dito agad ako dumiretso sa kwarto para i-search ang ibig sabihin ng sinabi ni Zihyun. Alam ko naman ang ibig sabihin no'n pero ngayon lang talaga nag sink-in sa akin lahat matapos niyang sabihin iyon kagabi.



May. . . oh my gosh! May nangyari sa amin kagabi. . . nabinyagan agad iyong kusina, t*ngina.



Nakagat ko ang hintuturo ko habang binabalikan ang nangyari sa 'min kagabi sa countertop.



Parang kanina lang nangyari lahat. . .kanina lang naman talaga, ay oo tama, ilang ano rin 'yon bago natapos.



"Ate?"


"Ay, marupok!" Muntik na akong mahulog sa kama nang marinig ang katok ni Rafael mula sa labas,



Bumangon naman ako at naglakad palapit sa pinto para pagbuksan siya, "Hmm?"



"I just want to tell you that I won't be here for a week, the rest of the family knew about this already, ikaw na lang hindi."



"Business trip?" Tanong ko.



"No. I'll visit Ela in Germany, Zhaffiro will visit her too." He answered at tumango naman ako.


"Send my regards to her and Ian also, baka bumisita rin ako sa kanya bago mag bagong taon," Nakangiting wika ko at tumango naman siya bago tuluyang umalis.



Isinara ko na ang pinto at bumalik sa pagkakahiga sa kama, kumunot ang noo ko nang sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko.



Kinuha ko iyon at binuksan, mas lalo akong nagtaka sa dami nang notification na galing sa Instagram app ko.



Pinindot ko ang isa sa notification. Halos hindi ako makagalaw sa halo-halong nararamdaman ko nang makita ang mukha ko sa IG post ni Zihyun,



z.hyun My baby.



Napasinghap ako sa sobrang dami ng mga nag comment doon ang ilan ay hindi ko pa kilala, gusto ko nalang matawa sa mga comment ng mga pinsan ni Zihyun nang basahin ko iyon.


im_andra I'm curve ya know!

urtamara When kaya ma f-flex. *crying emoji*

casse.yeah She's so pretty!

k.roz yung totoo? Sino talaga yung baby sa inyo bud?

klaire_ I love her gray eyes.

arielle_d Ok, time to stalk her social media and save her photos. She's so gorgeous. I'll court her!

t.hunder Stay strong!

janine__ When namin siya ma me-meet? I'm so excited!

Ni-like ko ang post ni Zihyun at mga comment ng pinsan niya, hindi na ako nag comment at nag DM na lang kay Zihyun.

dianarafaela_ Gandang bungad naman no'n.


Marked By The PainWhere stories live. Discover now