ALPHA

By Sentisimo

1.2K 361 17

Science Fiction and Teen Fiction Sa pamamagitan ng Genetic Engineering, binigyan ang bawat kabataan ng kakaib... More

ALPHA - Teaser
Prologue
Chapter 1: Hawkson College
Chapter 2: Quake
Chapter 3: After Shock
Chapter 4: S.C.L.
Chapter 5: Activated
Chapter 6: Laser Beam
Chapter 7: Crimson
Chapter 8: The Text
Chapter 9: Cover Up
Chapter 10: Decoded
Chapter 11: Under Desk
Chapter 12: Wound
Chapter 13: Violet
Chapter 14: Under Drugs?
Chapter 15: Teleporting Katana
Chapter 16: The Vanity Code
Chapter 17: It's Just the Beginning
Chapter 18: Underground
Chapter 19: Broken
Chapter 20: Goodbye
Chapter 21: Stick on the Wall
Chapter 22: Quadrangle Duel
Chapter 23: Vomit Here, Vomit There
Chapter 24: The Signs of Mutation
Chapter 25: Stimulus: Touch
Chapter 26: The Fire and Plant Manipulator and the Voice
Chapter 27: Touch Thing to See Things
Chapter 28: Keep Silent
Chapter 29: Fear of Losing Someone
Chapter 30: The Friend in Need, Is a Friend Indeed
Chapter 31: Frozen
Chapter 32: The Myth and Riddle in Virtual World
Chapter 33: Not Big At All
Chapter 34: Ant like Sweets
Chapter 35: You Can Manipulate Your Own Bed Dream, But Not Only You
Chapter 36: The Wards
Chapter 37: Global Crisis
Chapter 38: The Comfort Rooms
Chapter 40: The Prototype Inventions
Chapter 41: Irrefutable Truth
Chapter 42: Sneakers
Chapter 43: Defense-Offense Mechanism
Chapter 44: The Defendants
Chapter 45: Place to Place
Chapter 46: A Bowl of Surprise
Chapter 47: The Death Case (Part 1)
Chapter 48: The Death Case (Part 2)
Chapter 49: Awake
Chapter 50: I LOSE, I WIN
Chapter 51: Angel in Disguise
Chapter 52: One More Death Case
Chapter 53: Meeting New Roommate
Chapter 54: Operation: Finding Truth
Chapter 55: Guilty
Chapter 56: Date
Chapter 57: Matheo's Remaining Truth
Chapter 58: The Entering
Chapter 59: The Aching Heart
Chapter 60: AI Battle Category
Chapter 61: AI Battle Category (Part 2)
Chapter 62: AI Battle Category (Part 3)
Chapter 63: Inside One's Heart
Chapter 64: Awakening from the Dark
Chapter 65: The Director's Elite Kids
Chapter 66: Failed Mad Mission
Chapter 67: The Fighters
Chapter 68: The Fighters (Part 2)
Chapter 69: The Prom Night
Chapter 70: The Judgement
Chapter 71: Judgement: Nothing More to Hide
Chapter 72: Genes
Chapter 73: Into the End
Epilogue

Chapter 39: Museum of Technology

5 2 0
By Sentisimo

Angelo's POV

Lumabas na ko ng banyo nang matapos akong maligo at magsipilyo. Sinoot ko na rin ang
weird na costume namin at magpapanggap kaming mga baliw. Joke lang. Ang gara talaga jusme.

Agad kong pinatay yung kanta na nasa device ko. 'Di ko kasi mapigilan na laging magpakanta sabay pasok sa banyo para maligo.

Naabutan ko naman na nasa labas ng kwarto yung lalaking na-meet ko sa isang kakatwang panaginip na di ko alam kung totoo. Matheo pangalan niya diba? Paano ko kaya sisimulan makipagchitchat dito?

Kakaisip ko, kusang tumaas nalang kilay ko. Mas okay na siguro ganun ang ginawa ng kilay ko. Hello ng tahimik na taong kagaya ko.

"Wait." Bigkas nito habang nakakailang dipa na ang nalakad ko.

"Yup?" ika ko.

"Sabay na tayo" sabi naman niya.
Ako ba hinihintay nito? Ang assuming ko naman.

Ngumiti muna siya sa akin. Edi ngiti rin ako.

"Tagal kasi ng kapatid ko sa loob. Tsss." Pag-iinform niya sa akin.

Natawa naman ako sa ekspresyon ng mukha niya. Halatang frustated.

"Bahala na nga siya. Marunong naman sumunod iyon." Sunod-sunod ang pagnanalita niya.

Wala ako masabi. "Intayin mo na, baka kung saan pa mapadpad yun. Ang laki pa naman ng lugar na ito." Sabi ko nalang. Syempre para may memasabi.

"Matagal pa 'yun. Hula ko nga kakasimula palang nun maligo." Parehas kaming nagtawanan sa maliit na bagay na paliligo ng kapatid niya. Siguro Grade 11 palang ito at lalaki rin. May mga lalaking magkapatid talagang hindi mapaghiwalay. Sana all close
sa kapatid.

Pumaroon na kami sa unang pasilidad at binuksan ko na ang pinto na kung saan nakapaskil ang "Museum of Technology," dito ang unang destinasyon namin.

"Both of You, Come here!" Sabi sa malaki at nakakatakot na tono ng boses.

Tumatawa naman ang mga bugok kong kaibigan banda sa likod. 'Di ko nalang sila pinansin habang nakalabas ang kanilang hintuturo na sumesenyas ng lagot.

Ano kaya ang gagawin sa amin ni Sr. Daryl. Siya ngayon ang may hawak ng facility na ito. Facility na kung saan nakahimlay ang mga makalumang kagamitan na
pinagbasehan ng maraming teknolohiya sa panahon ngayon.

Improvement ng monitor. Improvement ng camera, cellphone, computer at marami
pang iba. Tell ko maya. Papagalitan pa kami. Charr

Pinapasok si Matheo sa isang capsule. Capsule na kasya lamang ang isang tao.

Sinarado na ni Sr. Daryl ang pinto at pinabayaan lamang si Matheo doon sa loob. Hindi kaya ma-suffocate yung lalakeng yun dun? Kumuha si Sr. Daryl ng isang mahabang espada at saka hinahasa sa gilid ng capsule. Pinahawak niya sa akin ang espadang ito.

Inutusan niya akong isulot ito sa butas na nasa capsule. At ang magaling na si ako ay sinunod naman na isaksak sa butas ang espada. Sinabi niya sa madla na may labasan sa likod ang butas. Mukhang nagdedemo si Sr at kami ang nakuhang volunteer.

Inutusan niya muli ako na pumunta sa likod ng nasabing capsule para i-check kung may lalabasan ang mahabang espada.

Nang pagkakita ko...ayun isang malaking P-U-T-* ang ginawa ko.

Nagmalfunction na ang utak ko. Ano nagawa ko? Shet may dugo. Mula sa loob ng capsule, umaagos ang dugo.

Nagmadali akong pumunta sa harapan upang buksan ang pintuan. Seryoso namang napatitig si Sr. Daryl sa akin na lubusan ko naman kinatakot.

Inabot ko ang buksanan ng pinto at mabilis niyang sinunggaban ng kaniyang malaking kamay ang kamay ko.

"May dugo po sa likod baka napahamak na po si Matheo," pagmamakaawa ko ngumiti lang siya ng nakaloloko at umiling lang siya.

Wala namang muwang ang mga nanonood na tila wala silang pakeelam. Baka iniisip nilang kalokohan lang ang lahat at palabas ni sr Daryl ang mga nagaganap.

"Matheo, okay ka lang ba dyan sa loob?" pasigaw at hinahampas ko na ang capsule.

"Gawa sa sound proof ang mga materyales na ginamit diyan. Wala siyang maririnig mula sa loob niyan. At sinong Matheo? Walang Matheo dito." Ika nito sa mababa at seryosong boses. Hindi ako maaapektuhan ng pagkukunwari niya.

"Yung lalake po sa loob. Matheo po ang ngalan. Please palabasin na po ninyo siya."

Sinenyasan na ni Sr. Daryl ang dalawang armadong lalaki na malapit sa amin at saka inutusang dakpin na ko. Ako lang ang gumagawa ng sobrang ingay at ang lahat, parang natuliro at pinagmamasdan lamang ako, they bet I was acting like a fool.

Kita ko naman sa iba kong kaklase na parang naniniwala na sila sa akin at naaawa, pero patay malisya ang mga ito.

"Mga sr. wala po akong kasalanan. Inutusan lang po ako. Hindi po ako mamamatay tao." Bakit naman ganito kanina ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, bakit ngayon sobrang bigat? Tuloy ako sa pagmamakaawa habang papalit-palit ako ng tingin sa dalawang armadong lalaki at kay Sr. Daryl.

Nararamdaman ko na ang init sa gilid ng aking mga mata. Ang hapdi. Umaagos na ang luha ko. Ganito ba talaga sila kahigpit?

Nakaluhod ako mula sa harapan ng maraming tao. Patuloy akong nagpupumiglas, lukot-hawak ko ang pantalon sa bandang binti ni Sr. Daryl.

"Please Sr, " I cried. Wala akong nagawa dahil mas malakas ang pwersa ng dalawang lalaking dakip ako.

"Maniwala kayo! Hindi ako nagloloko. Tignan niyo. Please..." walang wala ako. I can't be like this. I can't pursue them all.

"Ilabas na ninyo yan? Ganyan ang nangyayari sa mga hindi marunong sumunod sa patakaran." Huling mga salitang binitawan niya bago ako nailabas sa pintuan na 'yon.

Sana may naawa sa akin.

Kinaladkad ako patungo sa CR ng dalawang armadong lalaki. Pinunit nila ang damit ko. Hinayaan naman nila akong umupo sa isang mahabang upuan sa loob ng Cr.

Marahas nilang binuksan ang bag na dala-dala nila at pinagana ang panggupit ng buhok.

Tinabasan nila ang buhok ko hanggang sa hindi na magpantay-pantay ito.

Tinulak nalang ako na parang hindi tao sa sahig. Binuksan nila ang shower at iniwan nalang akong nag-iisa sa CR.

Umiiyak akong nakatikom ang bibig ko. Dama ko ang lamig na bumabalot sa katawan ko. Iyak lang ako ng iyak. Alam ko namang matatapos rin 'to. Gusto ko nang
umuwi.

"Kuya...tahan na." sabi ng isang pamilyar na boses ng babae. Ini-angat ko ang ulo upang makita kung sino ang nasa harapan ko.

Siya yung babaeng nakasabayan ko dati sa pag-uwi. Sinungitan ko siya dati doon sa isang convenient store habang kumakain ako ng ice cream.

Inaya niya akong pumunta sa kwarto niya sa palapag ng mga babae. Dito nalang raw kami, medyo malayo raw kasi yung isang kwarto niya. Grabe 'tong isang 'to dala-dalawang kwarto.

Pinapasok niya ako sa CR n'ya. Doon niya raw aayusin yung panget na tabas ng buhok ko. Napagkwentuhan namin yung nangyari kanina sa akin. Naabutan niya raw kasi na pwersahan akong pinapapasok sa CR ng mga lalaki.

Pinagtawanan naman niya ako dahil ang katulad ko umiiyak ng ganun. Sipain ko kaya 'to pagtawanan ko rin kung paano siya umiyak. Pero awa talaga ang buong naramdaman niya habang pinapanood ang ginagawa sa akin.

Nakwento ko rin ng dahil sa hindi ako naligo sa CR ng mga lalake, paggamit ng pambabaeng sabon, late dumating...ganito na nangyari. Biro ko sa kaniya.

Napag-usapan rin namin na napaka-strict talaga ng regulations dito. Wala nga akong kaalam-alam dun. Sabi naman niya sa akin, andun raw sa device ko yun.

Nakaprogram na after ma-fill-up-an lahat ng blanks ay magpa-pop-up yun. Wala e, diko
binabasa 'yun. Accept lang ako ng accept ng terms and regulations.

After niyang ayusin ang paggupit sa buhok ko, sinabi niyang maiwan na niya muna ko dahil susunod raw siya doon sa Museum of Technology. Pinigilan ko siya.

Jusko kung ako nga muntik na makalbo, gagawin din sa kaniya ang ginawa sa akin kung itutuloy niya pa ang balak niya.

Nag-echosan muna kami at nagpasalamat ako ng sobra
sa kaniya tapos ayun lumabas na siya ng CR na nakangiti.

Mag-isa kong tinitigan ang sarili ko sa salamin na basang-basa at nanlalamig ang buong katawan.

Dumikit na ang ibang maliliit na tabas ng buhok sa aking katawan, parte sa aking balikat leeg at dibdib.

Tinitigan ko lang ng maigi ang sarili ko. Ang huli kong kitang kalbo ang buhok ko nang maliit palang ako. Napangiti ako at the same time napaluha dahil sa nangyari.

Mabilis akong nagshower at buti may available na damit para sa akin si Marthia.

Marthia raw ang pangalan niya. Pagkalabas ko ay inaya na niya akong kumain ng agahan, nagulat ako, hindi na rin raw ito tumuloy sa Museum of Technology (MoT) baka ano pa raw mangyari sa kaniya roon.

Kumuha na rin siya ng pagkain para sa kaniya at para sa akin.
Tinanong ko kung paano siya nakakuha ng dalawang pagkain. Sagot naman niya, close siya ng nagtitinda sa isang cafeteria sa ika-anim na palapag na kung saan kumakain ang mga opisyales dito sa loob ng Institusyon.

Nakangiti s'ya habang kinekwento niya ang unang pagtakas niya ng pagkain. Sa 5th floor kasi ang cafeteria namin at limited lang ang pagkain. So kung hindi raw sapat sa kaniya ang nabigay sa kaniya kukuha lang raw siya ng patakas doon sa 6th floor cafeteria.

Nagtataka nga raw yung kuya niya dahil lahat yata nahahanapan n'ya ng paraan.

"O huwag ka mafo-fall sa akin ha? Mabait lang talaga ako." Biro niya kasi nakangiti ako sa kaniya.

"Huy gumising ka sa katotohanan Martha. Nagpapasalamat lang ako ng sobra dahil nandiyan ka para sa akin," depensa ko.

"Sabihin, hindi lang nakatingin. Matunaw pa ko n'yan kakatitig mo. Chaka Marthia...hindi Martha. Ang bantot ng pangalan a. Makaluma ka talaga Kuya Gelolo." Kinuya na nga ako. Damn ang tanda ko na ba?

Nagtawanan lang kami at nagchikahan. Hindi na rin siya lumabas ng kwarto hanggang sa abutan na kami ng tanghalian na kung ano-ano nalang ang pinagchismisan.

Previous experienceS, feelings, epic failS na katangahan at marami pang iba.

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
633K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
29.5K 1.4K 53
Isa siyang prinsipe nang mga taong lobo ,na may inosenting at malamig na mata. at sa likod ng inosenting mata ay siyang kabaliktaran ng kanyang hang...
25.8K 884 33
Ezekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends...