Volviendo Al Pueblo Hundido

Oleh crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... Lebih Banyak

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-14

331 19 2
Oleh crsntmoon_

"ANDREA DAHAN DAHAN LANG sa pagkain nyan, baka mabilaukan ka." Nakangiwing saad ko kay Andrea. Nandito kami ngayon sa bayan para lang mag Betamax at Kwek kwek.

"Grabe Estela Asuncion napaka sarap talaga nito! Maraming salamat talaga sa pag sama mo sa akin hayaan mo babawi ako sayo!" Nakangiting saad ni Andrea. Nakangiwi nalang akong tumango.

Nang matapos syang kumain ay napa kamot nalang ako sa ulo ko. Grabe inubos nya ang tinda ni Manong. "Salamat po Manong sa uulitin!" Masayang saad ni Andrea habang may hawak na Betamax.

Betamax ito yung dugo o kulay itim na Street Food. Merong ganto sa labas ng school namin kaya nakatikim na ako. Take note isa sya sa fav na street food ko. Kaya hindi ako nandidiri. Duh.

"May nais kabang puntahan Eeya? Nasa Tribunal si Ama at Esteban kaya't nakakasiguro akong mamaya pa ang kanilang uwi, samantalang si Elisabet at Ina ay may pinuntahang kasiyahan kaya maaari pa tayong mag lakad lakad dito sa bayan." Nakangiting saad ni Andrea.

Napangiwi naman ako at tinuro yung araw. "Hindi kaba naiinitan Andrea?" Kunot nuong tanong ko umiling naman ito. "Naiinitan, ngunit nais kitang masulo kaya tara doon sa tindahan ni Don Faustino! Tiyak akong mapupusuhan mo ang kanyang mga paninda!" Wala na akong nagawa nung magiliw akong hilahin ni Andrea.

Pumasok kami sa isang tindahan yata ito ng mga School supplies. Napahinto kami sa pag lalakad nung may lalaking maton ang sumalubong sa amin. Sa aking palagay ay kasing edad ito ni Ama at ng ibang Don na nakilala ko.

"¿Qué fuiste a mi tienda hermosa dama?" [Ano ang pinunta nyo sa aking tindahan magagandang Binibini?] Gusto ko sanang mapangiwi dahil nag Español ito.

Tsk? Bakit kasi wala akong interpreter? Need ko talaga yun ngayon. Kahit si mister Google lang ayos na sa akin.

Nakita ko ang pag ngiti ni Andrea. "Nais ko sanang ipasyal ang aking naka babatang kapatid sa iyung tindahan Don Faustino." Nakangiting saad ni Andrea. "Kapatid?" Nakita ko ang pag tingin sa akin ni Don Faustino.

Napataas naman ang kilay nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tsk. Malamya ang Don na ito. Nakakasiguro akong pusong mamon ang isang ito. Tsk.

"¡Por supuesto! Ikaw ang bunsong Andres pag paumanhin mo Señorita, maligayang kaarawan nga pala, pasensyahan mo na ako kung huli ang aking pag bati." Nakangiting saad ng Don.

Ngumiti ako sakanya. "Salamat po." Saad ko. Tumango tango naman ito. "O sya maiwan ko na muna kayo, sana'y may mapili kayo sa aking tindahan." Nakangiting saad ng Don bago pumunta sa Casher.

"Tara Eeya." Nag simula kaming mag libot libot ni Andrea. Napangiwi ako nung mapunta kami sa mga libro na puro Español. Napangiwi nga ako nung nais akong bilhan ni Andrea ng napaka kapal na libro ng Español.

Ang sabi nya mahilig daw akong mag basa. Si Estela Asuncion lang naman ang mahilig mag bansa hindi ako. Buti nalang nag dahilan ako na hindi muna ako mag babasa hanggat hindi ko pa nagagawa ang goals ko.

Tsk. Nag tanong pa sya kung ano yung goals kaya yun. Humaba lalo ang usapan namin dahil pinaintindi ko pa.

Nag lakad kami sa mga libro nanaman. This time ako naman ang nag yaya. "Eeya ano naman ang hinahanap mo riyan?" Nag tatakang saad ni Andrea habang nag kakalkal ako sa mga libro. Napabuga naman ako sa hangin. "Alam kung meron nang kopya yun ngayon, eh!" Saad ko habang nag kakalkal sa mga libro.

"Eeya maaari nating tawagin si Don Faustino para hanapin ang librong hinahanap mo!" Sigaw nito dahil nasa dulo ako ng hagdan. Umiling iling ako. "H-hindi na kailangan! Kaya ko na ito! Mahahanap ko din nama----OMG! The old copy of my favorite story!" Tuwang tuwa na saad ko.

Nakangiti kung niyakap ang libro at dahan dahang bumaba sa hagdan. "Eeya mag ingat ka sa iyung hakbang." Nag aalalang saad ni Andrea. Tumango naman ako sakanya. "Oo kaya ko ang saril----Ouch!" Napahawak ako sa likod ko nung mahulog ako sa hagdan.

"Eeya!" Nag aalalang saad ni Andrea. Mabilis syang lumapit sa akin. Naka hawak ako sa likod ko dahil sa sakit. Napatingin naman ako sa gilid nung may dalawang babaeng tumawa. Napataas ang kilay ko nung makita ang dalawang babae. "You! How dare you para ihulog mo ako sa hagdan!" Umuusok ang ilong na saad ko.

"Eeya huwag mo na silang patulan!" Pag babanta ni Andrea. Umiling ako sakanya. "Hindi Andrea kailangan malaman ng dalawang yan kung sino ang binabangga nila." Mataray na saad ko at tumayo. Inalalayan pa ako ni Andrea sa pag tayo.

Taas nuo akong lumapit doon sa dalawang bruha namay itsura impokrita naman. "Kayong dalawa? Sino kayo para itulak ako?" Mataray na saad ko sa dalawang bruha. Nag katinginan naman yung dalawang bruha. Bago humagakhak ng tawa. "Nakalimutan mo na agad ako Estela Asuncion?" Nakangising saad nung magandang babae.

Tinaasan ko ng kilay yung mestisa. "Oo, sino kaba? Bakit mo ako tinulak!" Iritang saad ko. Lalong tumawa ng sarkastika yung dalawa. Taas nuo namang lumapit sa akin yung babaeng mestisa. "Ako lang naman si Amor." Nakangising saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Amor power? Akala ko ikaw si natoy tsk." Nakangiwing saad ko. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Andrea. Nung nakaraan kasi ay nag tanong sya sa akin kung sino daw ba si Natoy. Kaya yun kwenento ko sakanya kung sino si Natoy. Pati pag sabi nya ng 'Ako si Natoy na mahal na mahal ka' ay ginaya ko kaya lalo syang tumawa.

"¿Cuáles son y." [What are you talking about?] Mataray na saad nito. Gusto nya ba talaga ng ibahan ng lenggwahe ha? Ini-espanol nya ako humanda sya sa English ko. Makakarinig sya ng malupitang English.

Nag cross arms ako at pinakatitigan ka. "You know kung wala kang magawa? Don't bother me, huh? Look at your self, try to change your attitude masyadong makalat eh. Tsk." Mataray na saad ko hinawakan ko ang kamay ni Andrea at hinila sya. "Tara Andrea, baka mahawaan tayo ng mga baliw na ito." Walang expresyong saad ko at nag simula nang nag lakad.

Tiningnan ko yung babae na mestisa na si Amor pala. Tsk? Sya yung kaibigan ni Estela Asuncion diba? Bakit parang hindi naman? Nang matapos kung tingnan si Amor ay dinaanan ko naman yung babaeng morena na kasama nya. Nakita ko ang gulat sa mata nya nang malagpasan ko sya.

"Idiota! Bakit mo ako s-----" hindi na natapos nung babaeng morena ang sasabihin nya nung makita ko sa gilid ko na pinigilan sya nung Amor. "Hayaan mo na sila Ate Margareta, may araw din ang dalawang yun." Walang expresyong saad nung Amor doon sa ate nya. Nakakasiguro akong parehas na masama ang tingin nila sa amin.

Nang makarating kami sa casher ay nilagay ko yung libro na paborito ko. Nakita ko ang pag ngiti ni Don Faustino nung makita nya ang libro na hawak ko. "Marunong kapalang mag basa ng Ingles, Señorita Estella Asuncion?" Nakangiting saad ni Don Faustino. Sabay naman kaming tumango ni Andrea.

"Syang tunay Don Faustino, marunong mag basa si Estella Asuncion ng Ingles, pati si Elisabet ay marunong din, hindi namin batid kung saan sila natotoo ng wikang iyun." Parang batang pag susumbong ni Andrea sa Don.

Tumawa naman ang Don. "Nakakatuwa naman, kung ganon marunong kang mag salita ng ingles Señorita?" Tumango ako rito. "Yes, Mister, thank you for the discount, have a good day." Nakangiting saad ko bago kinuha yung libro na ngayon ay naka balot na.

Ngumiti naman sa akin ang Don. "Your Welcome Ms. Andres, have a nice day too." Nakangising saad nito na nag patawa sa akin. Ngayon ko lang narealize na may lahing Amerikano ang Don. Kaya naman pala iba ang kulay ng buhok nito. Tsk.

Nang makalabas kami ay nakita ko ang pag kamot sa ulo ni Andrea. "Oh? Anyare sa mukha mo?" Taas kilay na saad ko. "Paano ba naman kasi marunong kayong mag ingles samantalang ako ay hindi marunong." Parang batang saad ni Andrea. Napairap naman ako.

"Tsk hayaan mo tuturuan kita, san naba ang punta natin ngayon?" Takang saad ko na nag pangiti kay Andrea. "Sa Hacienda Buenaventura Eeya, pag pasensyahan mo na kung gagamitin kita para makita ang aking mahal, huwag kang mag alala nandoon naman ang iyung antipatiko." Natatawang saad ni Andrea. Mahina lang ito dahil baka may makarinig. Pumasok kami sa kalesa at nag simulang mag kwentuhan ng kung ano ano.

NANG MAKARATING kami sa Hacienda Buenaventura ay agad na sumalubong sa amin si Aleng Crising ang Mayordoma ng pamilya Buenaventura. Tsk. Buti pa sila mabait ang Mayordoma nila. Samantalang sa amin ang Better nung Mayordoma namin. Akala mo naman na ngangain ng tao na masarap na si ako. Tsk.

"Si antipatiko po?" Tanong ko. Nakita kung may pinuntahan si Andrea sa labas kaya napailing na lamang ako. Hindi sya nakita ni Aleng Crising kaya ang akala ni Aleng Crising ay ako lang ang pumunta dito. Ngiting ngiti naman si Aleng Crising sa akin. "Nag papahinga sya sakanyang silid ngunit maaari mo naman syang gisingin." Mapang asar na saad nito.

Tumango naman ako kay Aleng Crising. Umakyat kami pataas. Ang dami naming nilikuan hanggang sa huminto kami sa pamilyar na kwarto. Binuksan ni Aleng Crising ang kwarto ng kaunti bago nakangiting tumungin sa akin. "Rito lang ako sa labas, isara mo na lamang ng kaunti para wala akong makita Señorita." Mapang asar na saad ni Crising sabay kindat.

Napataas pa ang kilay ko bago dahan dahang pumasok sa kwarto ni antipatiko habang dala ang libro na binili sa akin ni Andrea. Kagaya ng sinabi ni Aleng Crising ay hindi ko yun sinara. Nag iwan ako ng kaunting butas para namab walang masabi ang Ale.

Nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang malinis na kwarto ni Antipatiko. Napakagat pa ako sa ibaba kung labi nung maamoy ko ang napaka bagong amoy ni antipatiko na ngayon ay naka palibot sa buong kwarto.

Biglang tumibok ang puso ko nung makita kung payapang natutulog si antipatiko. Dahan dahan akong lumapit sa kama. Umopo ako sa gilid ng kama at pinakatitigan ang makinis na mukha ni antipatiko. Napatango tango pa ako nung makita ko maigi ang mukha nya.

Inaamin kung gwapo sya. May itsura tsk. Hindi ako lugi kung mapakasal ako sakanya. Pero paano naman kung makauwi na ako sa amin tapos kasal na kami? Edi kawawa naman ang antipatikong ito. Mabubyodo sya ng di oras tsk.

Hindi ko alam kung bakit gumalaw ang aking kamay kahit hindi ko naman ito kinokontrol. Hinawi ng kamay ko ang buhok ni antipatiko na tumatama sa mata nya. Shit ang gwapo.

Bumaba ang tingin ko sa kilay ni antipatiko. Gamit ang hinlalaki ko ay marahan kung hinawakan ang kilay nya. Napatango ako nung ang kapal nito. Kung sino man ang makakita sa kilay nya sure akong maiinggit ang mga babae dahil sa kapal. Baka pag kursunadahan pa nila, eh. Tsk.

Pinalitan ko ng hintuturo ang aking daliri bumaba ito sa matangos syang ilong. Pababa sa kanyang labi. Napahinto ang aking hintuturo banda sa ilong nya nung makita ko ang labi nito. Manipis ito at mapula pula. Napalunok naman ako.

"E-Eeya?" Parang nanigas ang buong katawan ko nung mag mulat ng mata si antipatiko. Automatiko akong napatayo palayo kay antipatiko. Lumipat ako sa dulo ng kama. Tinaas ko ang aking dalawang paa habang ang dala kung libro ay naka lagay sa aking hita.

Nakita ko ang pag kusot ng mata ni antipatiko kaya napairap nalang ako. "Tsk, totoo ako. Buti natulog ka at nakinig sa akin." Saad ko kay antipatiko. Kumamot naman ito ng ulo at tumingin sa pintuan. "Sino ang kasana mong pumunta rito Eeya?" Nag tatakang saad ni Antipatiko.

Nag kibit balikat lang ako. "Si Andrea may gagawin daw sya dito." Kibit balikat na saad nito. Nakita ko ang pag taas ng kilay nya kaya napairap ako. "Huwag mo nang alamin, chismoso kadin, eh." Nakangiwing saad ko sakanya na nag patawa rito.

"Aish, bakit ba kasi ako pumunta dito? Alam ko naman na tatawanan mo lang ako." Nakangiwing saad ko. Ngumiti ito sa akin. "Masaya akong makita kang muli ngayong araw Eeya, balak panaman sana kitang puntahan mamaya sa inyo Hacienda." Nakangiting saad nito inirapan ko naman sya.

"Tsk, kapag nakita ka ni Ama baka uminit na nanaman ang ulo non." Nakangiwing saad ko na nag patawa kay antipatiko. Bumaba ang tingin nya sa leeg ko. "Suot mo Eeya." Nakangiting saad ni antipatiko habang nakatingin sa kwintas na suot ko.

Tumango ako sakanya. "Sabi nga pala ni Ama malapit kanang mamatay." Nakangiwing saad ko. Muli namang humagakhak ng tawa si antipatiko. "Sana ay hindi maalala ni Don Amando tungkol sa kwintas na iyan. Baka lalong magalit ang iyung Ama sa akin kung nag kataon." Natutuwang saad pa ni Antipatiko napairap naman ako.

"Alam mo? Sarap kong suntukin, huwag mo na ngang asarin si Ama alam mo na ngang mainit ang ulo ng tao sayo, inaasar mo pa."

Iritang saad ko. Nakangiti itong tumango tango sa akin. "Kung yan ang iyung nais Eeya, ngunit hindi ko mapapangako." Nakangising saad nito sa dulo.

Sinamaan ko sya ng tingin na ikinatawa nito. Kinuha ko yung unan nya sa gilid. Nilagay ko yun sa likod ko at humiga sa kama nya na akala mo ay kama ko. Nag kumot pa ako. Bago kasi ng comforter nya, eh hehe.

Kalahating katawan ko ang nakahiga habang ang kalahati naman ay nakasandal sa dulo ng kama ni antipatiko. Tumingin ako sa paligid. Napangiwi ako nung wala akong makitang pamaypay. "Psst, asan na yung mga pamaypay ko na binigay ko sayo?" Takang saad ko habang palinga linga.

Kumamot naman sya sa ulo nya sabay tayo mukhang alam nya na kung ano ang gagawin nya. Tsk. Ilang segundo lang ay lumabas na sya sa isang kwarto dala ang pamaypay ko kahapon. Umopo sya sa tabi ko at sinimulan akong paypayan.

Inayos ko ang libro mula sa pag kakalagay ko sa hita ko. Nakita ko ang pag tingin ni antipatiko sa unang pahina ng libro. "Romeo and Juliet, By William Shakespeare." Basa nito. Nakangiti naman akong tumango tango sakanya.

"Alam mo bang paborito ko ang librong ito?" Nakangiting saad ko habang nililipat ang pahina. Napakunot naman ang kanyang nuo. Napatingin sya sa unang pahina ng libro. Ingles ang pag kakasulat nito dahil sa panahon na ito ay wala pang salin ng tagalog ang Romeo and Juliet.

"Marunong kang mag basa ng ingles, Eeya?" Takang saad nito. Nakangiti akong tumango sakanya. "Oo naman! Hindi kaba naniniwala?" Taas kilay na saad ko. Nakangiti syang umiling. "Naniniwala ngunit sa pag kakalam ko ay hindi tunuturo ang salitang ingles? Paano mo natutunan ang lenggwaheng yan." Mag kibit balikat lang ako.

"A-ano, nakakita ako ng libro ng ingles hanggang sa gusto ko mang matuto kaya ngayon nakakapag salita ako ng ingles at nakakapag basa dahil inaral ko." Nag yayabamg na saad ko.

Nakangiting tumango sa akin si antipatiko. "Maari mo bang ikwento sa akin ang paborito mong kwento, Eeya?" Tumango ako rito at sinimulan ikwento ang Romeo and Juliet pero tagalog version lang. Habang nag kukwento ako ay para kaming timang na dalawa ni Antipatiko dahil nag bibigayan kami ng opinyon sa kwento.

"At namatay silang dalawa na hindi man lang nakamit ang kaligayahan nila." Naka pangalumbaba na saad ko. Ilang beses ko na itong binasa at pinanood pero bakit nakakalungkot padin na ikwenento ko kay antipatiko? Siguro ganon talaga kapag paborito mo ang isang storya. Kahit paulit ulit mo nang nabasa, nasasabik kapading basahin ito.

"Hindi ko batid na merong mag kasintahan ang hindi nag kakatuloy." Saad ni Antipatiko. Napangiwi naman ako sa sinabi nya. "Ngek? Grabe kanaman, hindi mo alam na walang forever? Lahat ng bagay may katapusan kagaya ng pag ibig, hindi habang buhay masaya ka, hindi habang andyan sya sayo, dahil ang totoo iiwan at iiwan kadin nyan sa dulo." Mapait na saad ko. Habang nakapangalumbabang nakatingin sakanya.

Nakita ko ang pag seryoso ng mukha nya. "Ikaw ba Eeya, iiwan mo din ba ako?" Parang huminto ang mundo ko nung bigla nya yung sabihin. Kumalabog ng napaka bilis ang puso ko sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit ganto ang naramdaman ko sa sinabi nya. Siguro dahil ngayon lang may nag sabi at nag tanong sa akin nito.

Ngayon lang may nag tanong sa akin ng bagay na ito. At sya lang ang taong natatakot na mawala ako.

Nakangiti akong bumontong hininga. "Hindi ko alam, pero mas gusto kung huwag iwan ka." Nakangiting saad ko. Nakita ko ang pag aliwalas ng mukha nya. "Bakit hindi mo nais na iwan ako Eeya?" Mapang asar na saad nito. Tinaasan ko sya ng kilay. Nanlaki ang mata ko nung marealize ang sinabi nya, pinag hahampas ko sya sa braso.

"Hoy! Wala akong gusto sayo! Ayaw lang kita iwan dahil natatakot ako na masaktan kadin kagaya ng nangyari sakin, palagi nalang akong iniiwan." Napahinto ako sa pag tawa at pag hampas sakanya nang sabihin ko ang dulo. May kung anong bagay ang tumusok sa puso ko nung maalala ko ang pang iiwan ng mga taong mahal ko sa buhay.

Bakit ba kasi kung sino pa ang mahalaga sa buhay mo yun pa ang nawawala? Kagaya ni Dad. Hindi man lang nya ako na sayaw nung 18th Birthday ko. Maaga nya kaming iniwan ni Mom na dahilan ng pag iwan din sa akin ni Mom.

Pumunta si Mom sa iba't ibang bansa para maipalago ang kompanya. Minsan nalang syang mag kaoras sa akin. Minsan nga ay halos wala pa kaya malaki ang tampo ko kay Mom. Naiintindihan ko naman na para sa akin ang ginagawa nya pero hindi naiintindihan ng puso ko yun kaya hindi ko alam kung bakit ako nag tatampo.

Sunod ay si Calix. Naging mahalaga sya sa buhay ko. Sya ang naging lakas ko, kaibigan habang wala pa si Aexniqn, sya ang nag bigay sa akin ng kahulugan ng buhay pero kagaya ni Dad. Iniwan padin nya ako dahil hindi sya nakontinto sa akin.

Bumaksak nalang ang balikat ko. Gusto kung maiyak pero pinigilan ko. Naramdaman kung may tumapik sa balikat ko. Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko ang maaliwalas na mukha ni antipatiko. Ngumiti sya ng matamis sa akin na parang ikakatunaw ng puso ko.

"Hayaan mo Eeya hindi kita iiwan, pangako." Nagulat ako sa sinabi nya ngunit nung sinuklian nya yun ng ngiti ay napangiti nalang ako.

Habang ang araw ay sumasayaw sa kalangitan hito kaming dalawa ni Antipatiko nag ngingitian na parang timang, sana ay gawin nya ang pinangako nya sa akin. Sana hindi nya ako iwan kagaya ng ginawa ng iba. Sana hindi dumating ang araw na.umiyak ako ng dahilan sakanya.




***

Morning babies! It's already 8:07 na ng March 29, 2021! Weeeeewww! Lock down kaming mga Cavite! Hi sa kagaya naming lockdown hahaha! Wala kaming pasok skl hahaha! Walang online class! Walang module ng isang lingo char! Stay safe nalang mga moons! Kahit kayo healthy food and always exercise. Yun lang good morning!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

607K 34.9K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
144K 5.4K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
36.3K 1.5K 21
She's Aubrielle Milicent Catherine Alliana Abere. Aubrey, an assassin from her previous world. With a never ending life and death situation, but she...
752K 12.8K 4
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...