Ang Poste at Ang Duwende

By Enairashhh

6.5K 623 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... More

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 26
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 32
Chapter: 33
Chapter: 34
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 7

115 13 0
By Enairashhh

Actually, simple lang naman ang plano ni bansot.

" Hangga't maari, dapat kasama natin sila sa mga rides."

Sabi nya kasi, eto daw ang way para mawala yung awkwardness namin sa isa't isa. Sama-samang natatakot, kakabahan at magsasaya.At para magkakilala rin.

" Hello?" tawag ko. Nandito na kami sa Wicked Magic City. Kasalukuyan kaming nasa bench tinatawagan ang mga isasama namin sa rides.

" Oo, bilisan mo." ani ni bansot. Tumingin sya sakin at nag-ok sign. Tumango naman ako.

[" Hello! Mayumi! Malapit na ko!"] sigaw nya! Napalayo tuloy ako.

" Oo na! Ingat ha!"sigaw ko rin.

[" Swee--- ouch! Si-sige Mayumi. End ko na! Kitakit's nalang"]saka nya binaba ang tawag. Tiningnan ko pa ang phone ko pero binaba na nga nya. Anyare don?

" Oh ano?" rinig kong tanong nung bansot. Napatingin naman ako.

" Malapit na raw" ani ko. Mukhang tensyonado si bansot ah! Bigla ko tuloy syang inakbayan!

" Okay lang yan bansot! Mabait yun si Amanda! Baka nga magkasundo kayo agad!" ngising sabi ko. Nag-tsked naman sya.

" Umalis ka nga! Nakakahiya! Nakatingin satin yung mga tao oh!" turo nya don sa mga pamilyang dumadaan.

" Mama tingnan mo oh!" gulat akong napatingin sa sumigaw na bata! Nakaturo banaman sakin e! Bakit?! Anong meron! Na-concious tuloy ako bigla!

Napatingin naman samin ang nanay nya. Aaluin na sana nya ang anak nya ang kaso nagsalita ulit

"Magsyota ba sila Ma?" inosenteng tanong nung bata! Napalayo ako kay bansot! Aba! Mukha ba kaming ganern?! Pwe!

"T-Tara na---"

" Ngayon lang po ako nakakita ng magsyotang matangkad ang babae mama! Hindi pala bagay--"ani nito pero tinakpan na ng mama nya ang bunganga nya saka hinila! Naku ikaw bata ka! Pumapatol pa naman ako sa bata! Grrrr!!

Napalingon naman ako kay bansot at nagulat ako ng makita ko kung gano kaitim ang awrang nakapalibot sa kanya!

" M-maghunos dili ka bansot! W-wag ang bata---"

" Mayumi! Thomas!" sabay kaming napalingon ni bansot. Si Mayumi ay masayang kumakaway samin. May kasama sya. Teka?!

Bat kasama nya si Kin?!

" Whuu! Sorry natagalan ako!" hingal na sabi ni Amanda. Nagkatinginan naman kami ni bansot. Parang wala naman syang reaction.

"Pre"ani ni Kin kay bansot atsaka sya tumango sakin. Nangiti naman ako. Cute cute nya kasi eh uwu

" Bat nga pala kayo magkasama ni Kin? Magkakilala ba kayo?" taka kong tanong.Pilit namang ngumiti si Amanda samantalang si Kin napapakamot sa ulo.

May kuto ata my labs ko!

" Ahh... He-he actually, kaya kami natagalan kasi nagpalit pa sya." nahihiyang sabi ni Amanda.

" Nabangga nya kasi ako kanina. Di ko naman alam na magkakilala kayo Mayumi." dagdag ni Kin.

" Saka, sorry di ko na nadala yung juice para satin. Natapon eh! S-sorry Kin!" ani nito at pinagdaop ang palad saka tumungo.

" I told you, it's okay" malumanay na sabi ni Kin.

---

" Grabe! Exciting toh!" sigaw ko! Tapos na namin sakyan ang Pirate Ship. Nanginginig nga si Amanda pagkababa eh! Tawang tawa ako kasi pati boses nya gumagaralgal din!

Nakarami na kami ng rides. Kanina nasa swing kami kaya hiwa-hiwalay. Sunod don sa kabayo-kabayo hahaha di ko alam yung tawag don. Gusto kasi don ni Amanda. Tapos sa bumpy cars. Sila ni Amanda tas kami ni Kin. Syempre si Bansot ang nagdadrive tas nag-insist din ako na ako na magda-drive. Syempre ayun nanaman ang asaran! Binangga nya yung car namin at syempre di ako nagpatalo at binangga ko rin sila ni Amanda! Ang lakas ng tawa ni Kin! Sigaw ng sigaw naman si Amanda! Tapos sa falling tower naman, isa sa extreme rides na nasakyan namin. Takot na takot si Amanda pero pinilit namin sya! Hayon pagkababa nanginginig! Sayang naman kasi yung moment noh!


Mayamaya nag-ayang bumili ng maiinom si Kin.

" Sama!" ani ko. Ngumiti naman sya sakin at tumango.

" Ano sa inyo?" tanong nya kila Bansot at Amanda.


" Water lang sakin" ngiting sabi ni Amanda.

" Coke lang" sagot naman ni Bansot. Tumango tango naman si Kin saka ako tinanguan at nagsimulang maglakad. Lumingon pa ko kay bansot at nakita kong tensyonado sya. Haha bahala sya!


---


" Ikaw, ano sayo?" tanong nya habang nasa tapat na kami ng bending machine. Grabe! Ano to, ginto? Ang mamahal nang tinda dito ha!

" Tu-tubig nalang" ani ko. Grabe nakakahiya, konti lang ang pera ko. Maya-maya inabot nya na sakin ang tubig.

" S-salamat" ani ko. Ngiti lang ang sinagot ni Kin.

Habang naglalakad pabalik naisipan kong tanungin si Kin.

" Kin, pano pala kayo nagkakilala ni bansot?" napahinto sya sa paglalakad at nanlalaking mata syang napalingon sakin! Omy! I forgot! Grabe! Baka isipin nyang bully ako! Bawas points!


" Bansot talaga? Hahahah!" tawa nya. Tss hehe. Isa din tong bully eh, kunwari pa.


" Haha! Nasanay lang!" pagdadahilan ko. Natawa nalang uli si Kin at umiling iling.


"Classmate ko sya nung grade 7. " ngiting sabi nya. Ah kaya pala.

" I envy him pa noon kasi, he's so atlethic. Daming sinasalihan na sports club. Tapos ako, mahina ang katawan, patpatin hahaha" natatawa nya pang kwento. Napangiti naman ako. Ang taray naman ni bansot! Ang atlethic ha!


" Hoy wag ka nga! Kahit patpatin ka, gwapo ka naman!" grabe ka teh! Bat parang nilaklak mo lahat ng enervon?! Nawala ata lahat ng hiya mo sa katawan ha? Leche ka! Ipreno mo yang bibig mo!


" Hahaha! Di ko alam kung maiinsulto ako o hindi eh!" natatawa ulit na sabi nya. Napatakip tuloy ako sa bibig! Bawas points ulit!


" Uhm eh pano yun? Bat nakakasali sya eh maliit sya?" kaswal kong tanong. Nagtataka rin kasi ako.

" Sino? Si Thomas? Nako, wag mong ismulin yon. Para sakin, mas higante pa syang gumalaw kapag nasa court na. Sobrang taas ng respeto ko sa taong yun"sinserong sabi nya habang nakangiti.


Nakakaguilty naman. Palagi ko kasi syang tinatawag na bansot gayong mas marami syang nagagawa kesa sakin. Yung tingin ni Kin habang sinasabi ni nya yun ang naparealize sakin na there's more into him, kay bansot.



Nalaman ko rin na halos lahat ng sport sa school sinalihan nya at madalas nag-e-excell sya sa larangang yun! Nakakabilib at the same time nakakainggit!





" Tara don tayo!" excited naming sabi ni bansot! Pagkatapos nang kwentuhan kanina agad kaming pumunta sa one of the most extreme ride dito sa Wicked Magic City! Nakita pa naming napapalunok si Amanda at Kin!


" Kanina, grabe kumapit sakin si Amanda. Feeling ko pati kuko nya bumaon"


Naalala ko nanaman yung sinabi ni bansot kanina kaya natawa ako!


" Yuhoo! Let's go!" masiglang sabi ko. Mabilis kaming tumakbo ni bansot sa pila dahil ang dami! Putek! Aabutin kami ng syam-syam pag di pa kami pumila ngayon! First time ko lang kaya makakasakay dito! Pati sa lahat ng rides first time ko lang din! I told you, mahirap lang kami. Ilang taon na akong nagtitiis sa mga pa-project kapag di nakakasama sa tour. Kaya nagpapasalamat ako kay bansot dahil unexpected na nagawan ng paraan! At makakasama pa namin sina Ki---


Teka?! Asan na yun!


" Bansot! Asan sila?" nanlalaking matang tanong ko. Nasa pila na kami! Bat ba nakalimutan ko syang hilain leche! Nanlalaki rin ang mata ni bansot na nagpalingon lingon! Leche wala nga sila!


Napalingon lingon narin ako saka ko nahagip ang dalawang kumakaway doon sa gilid ng bakal na harang! Nakangiti si Kin samantalang pilit na ngiti naman si Amanda! What the heck?!

" A-ayun sila bansot!" sigaw ko saka turo sa kanila.


" Anak ng. Mukhang di makakasama" inis na sabi nya. Bigla rin tuloy akong nakaramdam ng inis! Bat ba ayaw nilang sumama! Hindi pwede! Kailangan kong maisama si Kin.


" Oy san ka pupunta?! Malapit na tayo oh!" salubong na kilay na sabi nya habang hawak ang braso ko.

" Hindi na worth it to, kung di sila sasama!" inis na sabi ko saka maglalakad na sana ng pigilan ulit nya ko! Lecheee!

" First time mo lang diba? Lahat toh, first time mo." malumanay na sabi nya kaya napalingon ako. Kahit madilim kita ko yung lungkot sa mata nya. Nakanguso sya!

" Sulitin mo na toh poste. Dahil di na kita pauutangin! Saka halata namang takot yung dalawang yun, kaya wag na nating pilitin. Baka mapano pa. Enjoy the ride nalang." inis din nyang sabi. Napanguso naman ako. Nakakainis! Pero gusto kong sumakay! Pero, kaya ako sumama dahil kay Kin! Pero first time ko lang toh! Haays! Sakit sa ulooo!

" A-araaay!" sigaw ni bansot! Di ko namalayang hinedlock ko ulit sya sa sobrang inis ko!


" Ma'am" ay kami na! Bigla kong binitawan si bansot at nangunang sumakay. Panglima kami mula sa unahan ng ride. Di ko nasabi, nasa roller coaster kami!


" Tch." rinig kong sabi nya saka naupo sa tabi ko. Ngumiti naman ako sa kanya saka nag-peace sign.


----



" WHOOOO!!!" sigaw ko! Grabe sobrang saya! Kamusta naman yung lalaki sa likod ko ngayon? Busog na ba sa mahaba kong buhok? Hahaha!

" WHOOO! ANG PANGIT NI POSTE!!!" sigaw ni bansot saka tatawa-tawang lumingon sakin! Napasinghap ako dahil sa parang hinihila pataas ang kaluluwa ko!

Huminto ang tren sa pinakatuktok. Napalunok ako! Unti-unti itong umandar saka pabilis na pabilis na bumulusok!


" WAHHH!" sigaw ko sabay taas ng kamay! Mababalian pa ata ako nito!

" WHOOO!" sigaw din ni bansot habang nakataas ang mga kamay.


" DI NA TATANGKAD SI BANSOT! WAHAHAHA!" sigaw ko!

" DI NA MAGKAKA-BOOBS SI POSTE! HAHAHA j-joke lanhsisjnd" hahampasin ko sana sya ng lumiko ang tren! Instead na hampas lang, nasuntok ko sya bigla! Hala!


---


" Oh napano yan?" tatawa tawang ani ni Kin. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil sa hiya.


Men di rin ako makatingin kay bansot! Ang sama ng tingin sakin habang nakahawak sa ilong nyang dumudugo! Hindi ko naman sinasadya eh! Buti nalang kako may dalang panyo si Amanda. Nahihiya pa nung una si bansot pero tinanggap din nya. Kaloka! Feeling ko, iniisip ni Kin na, buti nalang di sya sumama kung hindi baka ganon rin abutin nya! Waaah! Bawas points!


" Mayumi. Don't blame yourself. Accident lang yun" ngiting sabi nya saka ko tinapik sa balikat. Pabalik na kami sa bus dahil gabi na. Hindi din kami nakasakay sa feris wheel dahil maraming nakapila. Aabutin lang kami ng syam syam.


" Salamat guys! Ang saya ng tour ko ngayon dahil nakasama ko kayo!"masiglang sabi ni Amanda. Ngumiti naman kami sa kanya. Buti naman nag-enjoy sya. Kanina pagbaba namin, sinabi ni Kin na takot daw si Amanda sa mataas na rides. Pero sumama parin sya sa mga naunang rides namin! Huhuhu! Nakaka-touch naman! Eh wala daw makakasama si Amanda sa baba kaya nagpaiwan nalang din daw sya. Saka ang bilis daw naming mawala! Tsk! Napakaexcited kasi!



" Ako rin, thanks for today. Masaya kayong kasama. Lalo ka na, pinatawa mo ko haha!" tawang sabi ni Kin. Actually kanina pa sya eh, mula pagbaba namin. Hagalpak yung tawa nya kay bansot! Tapos lagi nya akong sinasabihan na ang funny ko raw!


" Mabuti naman! Nag-enjoy kayo! Sa uulitin ha!" masiglang sabi ko pa. Siniko ko naman si bansot pero napaatras din ako dahil sa sama ng tingin nya! Nakakatakot!


" Nag-enjoy rin ako. Salamat, sinamahan nyo kami. I-ingat ka."ngiting sabi ni bansot sa kanila saka tumingin kay Amanda. Sinuklian naman sya ng ngiti ni Amanda.


---

Nang makaalis nagsorry ako kay bansot. Pero sinungitan lang ako at nauna nang sumakay sa bus! Sabi pa nya nung nakasakay na kami, hanggat di gumagaling ang sugat nya sa ilong, di nya ako mapapatawad! Buset! Drama king!



Grabe pinanindigan nga ni bansot ang sinabi nya! Nainggit kasi ako sa chocolate nya pero di ako pinansin at ang worst di nya ko binigyan! Ang sama ng ugali! Maramot! Sa inis ko di ko na rin sya pinansin! Pero sa hindi inaasahan, sumama ang tyan ko. Na-nasusuka ako! Wala akong dalang plastic! Sinabi ko kay bansot pero di nya parin ako pinapansin! Akala nya siguro nagbibiro ako!



*ubwleee!*(suka sound )

Nasukahan ko si bansot! Nanlaki naman ang mata nya at umalingawngaw ang malaks nyang tili sa buong mundo! Este- sa buong bus.




----

Sankyuu ♡

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.2K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
1M 35.3K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...