Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

121K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 11

2.6K 63 0
By jhelly_star

Kabanata 11

Call

--

Tahimik si Audrey sa mga sumunod na klase. Pati sa lunch ay tahimik rin siya. Wala tuloy akong choice kundi ang magkwento sa kanya. Kinwento ko si Mama at ang mga kaibigan ko na nasa Cagayan pero wala talaga siyang kibo. Tumatango lang siya at ngumingiti ng bahagya. Alam kong nakikinig siya pero alam ko rin na wala siyang sa mood.

I took a deep breath. Maybe this is really the effect when you like someone? Parang ayoko na palang magkagusto o magka crush manlang. Kung magiging ganito ako kapag nagkaroon ako ng ganon, mas mabuting umiwas nalang sa mga lalaki.

Pero ang sabi ni Mama kasama sa pagtanda namin ang pagkakagusto. Kasama sa paglaki namin ang sakit na mararamdaman sa mga taong gusto namin. Kaya sa tingin ko... normal lang ito? Siguro nga.

Pero sa ngayon pag aaral ko muna ang uunahin ko. Kung may matipuhan man ako, edi maganda. Atleast mararanasan ko ang magkagusto, diba?

I suddenly remembered Brandon again. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kapag naalala ko siya sa tuwing ganito ang topic sa utak ko. Bakit kailangang siya ang lalaking pumasok sa isip ko kapag crush at pagkakagusto ang pinag uusapan? Anong kinalaman niya roon?

I just ignored my thoughts because I am more worried about Audrey. Hanggang sa nag biyernes kasi ay tahimik siya at minsan nalang magsalita. It was there that I realized that she was really affected by what she had seen in that day. Bumuntong hininga ako. Maayos na kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya?

"Ayos ka lang?" tanong ni Arjun habang naglalakad kami palabas ng bahay.

"Yup. May iniisip lang ako."

Hindi pa rin mawala sa isip ko si Audrey. I know she's really sad about what happened and even if I want to be with her now, I don't know their house. Plus I have a lot more to do. Ngayon ang araw ng pagbili ko ng mga pagkain at sasamahan ako ni Arjun.

"Anong iniisip mo?" kuryosong tanong ni Arjun.

"Si Audrey. May nangyari kasing hindi maganda noong nakaraan kaya nag aalala ako sa kanya."

"Anong nangyari?" kumunot ang noo niya.

Nilingon ko siya. Ayos lang kayang sabihin ko sa kanya ang nangyari? Audrey might be mad at me. Hindi pa naman niya gusto si Arjun.

Umiling ako kay Arjun dahil siguradong hindi magugustuhan ni Audrey kung sasabihin ko kay Arjun ang problema niya ngayon.

"Wala," sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Come on, tell me. Hindi ko naman sasabihin na sinabi mo sa akin. Tsaka hindi ako makikialam," parang nabasa niya ang iniisip ko.

Umiling ako. "Baka magalit iyon. Hindi niya gustong pinagsasabi ang mga problema niya sa iba."

"Pero hindi ko naman sasabihin sa iba. Gusto ko lang malaman."

"Para saan naman? Bakit gusto mong malaman?"

Nilingon ko ulit siya. Kumunot ang noo niya sandali at pagkatapos ay ngumuso. Hindi siya sumagot kaya ngumisi ako.

"Ako na ang bahala sa kanya. Maliit na problema lang naman iyon."

Pero alam kong hindi maliit na problema iyon para kay Audrey.

Bumuntong hininga siya. "Fine..."

We took a jeep to the grocery store. Gulay at karne lang ang bibilhin ko dahil nagtitipid ako. I don't have much money yet. Pero bibili na rin ako ng iba pang mga kailangan. Yung mga kailangan lang.

"Marunong kang magluto?" tanong ni Arjun nang nakita akong bumibili ng sariwang gulay.

Nandito na kami sa isang maliit na grocery store. Mura lang ang mga paninda rito pero mga sariwa naman at maganda ang mga gulay at karne.

Tumango ako kay Arjun habang tinitignan pa ang ibang gulay.

"Oo. Tinuruan ako ng Mama ko dati," sabi ko.

Tumango tango siya. He already knew what happened to my mother but that's all I said. I didn’t tell him why I am here. I’m not ready to tell him yet. Pakiramdam ko kasi kapag maraming nakaka alam, magiging magulo ang plano ko.

I don't have an exact plan yet but I plan to go to the Agravantes. Until now I am still gathering courage but now I know I am gaining some courage to face them. It's only a matter of time. Alam kong mahaharap ko na sila.

"Sige nga. Anong mga kaya mong lutuin?" tanong ni Arjun na hinahamon pa yata ako.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya at ngumisi. "Marami."

Nagtaas rin siya ng kilay. "Ano ano?"

"Arjun, sa sobrang dami, kukulangin tayo sa oras. Baka gabihin tayo rito."

"Yabang!" tumawa siya.

Tumawa rin ako at nagpatuloy na sa pamimili. Kaya lang may nahagip ang mga mata ko na nagpabalik ng tingin ko sa dereksyon na iyon. Bahagya akong nagulat nang nakita si Morrisa at sa likod niya ay si Brandon!

Seryoso siyang nakatingin sa akin at naabutan niya pa akong nakangiti at tumatawa. Kumabog ang puso ko sa kaba at sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nadagdagan pa ang kaba ko nang tumingin sa gawi ko si Morrisa at agad nanlaki ang kanyang mga mata at napangiti nang nakita ako.

"Ate Cassandra!" she called happily.

I even found it hard to smile at her because of the nervousness. I don't know why I'm always nervous whenever Brandon is around. Ni hindi ko nga alam kung kaba ba talaga iyon o... pagkatuwa.

What the hell, Cassandra? Pagkatuwa? Bakit ka naman matutuwa na nandyan si Brandon?

Well... I mean, hindi naman dapat ako sobrang matuwa, diba? Magkaibigan kami kaya dapat sakto lang ang reaksyon. But I can't understand this heart of mine and it will always beats whenever he's there. I also don't understand, alright.

Pero binalewala ko nalang iyon at ngumiti sa papalapit na si Morrisa. Brandon followed her still watching me seriously. But he also shifted his gaze to Arjun behind me.

"Hi!" I said to Morrisa.

"It's nice to see you again, ate! Nag go-grocery ka rin?" sabay tingin niya sa basket ko.

"Yup. Ikaw? Bakit kayo nandito?" tanong ko at tumingin kay Brandon.

Syempre grocery din, Cassandra!

Nanatili ang paningin ni Brandon sa likod ko pero tumingin rin sa akin ang seryosong mga mata.

"Grocery rin! Dito ko gustong mag grocery palagi dahil mura at magaganda ang tinda. First time mo dito, ate?" Morrisa asked happily.

"Uh, yes. Kalilipat ko lang kasi rito sa Maynila kaya naniningin pa ako ng magagandang grocery. Dito maganda pala," ngumiti ako.

"Maganda talaga dito, ate! Dito ka nalang palagi para palagi din tayong magkikita!"

Bahagya akong natigil sa sinabi niya pero ngumiti at tumango rin kalaunan. Hindi ko inakala na dito rin sila nag go-grocery. Ang alam ko mayaman sila kaya bakit dito sa mumurahin sila bumibili? At talagang kasama niya pa si Brandon.

Nalipat ang mga mata ni Morrisa sa likod ko kaya umayos ako ng tayo at nilingon si Arjun.

"Boyfriend mo, ate?" tanong ni Morrisa, medyo pilit ang ngiti.

"Ah, hindi. He's my friend, si Arjun. Pareho kami ng bahay na tinutuluyan."

"Pareho kayo ng bahay na tinutuluyan?" gulat niyang tanong.

Natigilan ako roon. Brandon's sharp gaze shifted to me and he obviously didn't like what I said. Napakurap kurap ako at agad binawi ang sinabi.

"H-Hindi. Ang ibig kong sabihin ay... pareho kami ng bakuran na tinutuluyan. Sa bakuran na iyon ay may tatlong bahay, ako sa isa at siya naman sa kabilang bahay," mahaba kong paliwanag.

"Ah..." tumango tango si Morrisa. "You mean... nangungupahan at iisa lang ang may ari ng bakuran?"

Tumango ako. "Oo..."

"Ibig sabihin malaki ang bakuran na iyon? May tatlong bahay sa loob?"

"Ah, oo..." sagot ko ulit.

"Ang galing!" ngumiti siya at tumingin kay Arjun. "Hi, Kuya Arjun! Ako po si Morrisa," naglahad siya ng kamay.

Tinanggap iyon ni Arjun at ngumiti. "Nice to meet you, Morrisa."

"And this is my Kuya, si Kuya Brandon. Kuya, mag hi ka naman sa kanila," si Morrisa sa kapatid niyang napaka seryoso lang.

"Hi," malamig na bati ni Brandon at hindi manlang naglahad ng kamay kay Arjun. Busangot ang kanyang mukha.

"Oo, kilala ko siya sa school," si Arjun.

"Magkakilala rin si ate Cassandra at si Kuya!" balita ni Morrisa.

"Oh? Magkakilala kayo, Sandra?" si Arjun sa akin.

"Ah, oo. Kaibigan ko si Brandon..." napalunok ako at muling sumulyap kay Brandon.

Tumango tango si Arjun at bumaling kay Brandon. Ngumiti naman si Morrisa sa akin.

"Sayang at tapos na kaming mamili. Mauuna na kami sainyo," anya.

"That's okay. Pwede pa naman tayong magkita sa susunod na linggo dito."

"Talaga, ate? Dito ka na rin bibili palagi?"

I smiled. "Oo. You're right, maganda at mura nga lang rito."

"That's great!"

Ngumiti siya at napapalakpak pa.

"Mauuna na kami at baka maunahan pa kami sa pila. Nice to meet you again, ate! Bye, Kuya Arjun!"

"Bye," si Arjun.

I waved at Morrisa and smiled. Pagkatapos noon ay tinignan ko si Brandon na nakatingin sa akin. Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya bilang pagpapa alam. Seryoso rin siyang tumango at isang beses tinignan ang nasa likod ko bago sumunod sa kapatid niyang nauna na. Siya ang nagtutulak sa kanilang cart.

"Magkakilala pala kayo ni Brandon? Hindi mo nakwento sa akin," si Arjun.

"Oo. Busy lang kasi ako palagi kaya hindi ko na nakwento."

"Paano kayo nagkakilala?"

Nagkaibit ako ng balikat. "Natamaan niya ako ng bola nila noong first day of school. Hindi niya sinasadya. At... iyon. Doon kami nagkakilala."

"Mmm..." tumango tango siya.

Nagpatuloy ako sa paniningin sa mga gulay. Sumulyap ako sa cashier ng grocery store at nakitang nandoon pa rin sina Brandon at nagbabayad. Sumulyap rin siya sa amin kaya nag iwas agad ako ng tingin.

The Agravantes business is agribusiness, base on my research. Marami silang planta sa iba't ibang lugar ng Pilipinas. Meron sa Mindanao, Luzon at Visayas. Pero ang pinaka malaki nilang planta ay nasa Visayas. My father, Marvino Agravante, is in charge in that large farm.

Wala masyadong nakalagay tungkol sa business nila. Wala rin masyadong sinasabi tungkol sa pagkatao nila. But I see a lot of hate comments about Elizabeth Agravante so from the beginning I'm already sure that she doesn't really have a good attitude.

Umiling ako.

Agravantes don't often go to parties. They only go when the party is big and when they are not busy with work. Agravante cousins is also not that active on social media or at parties. Si Johanna lang ang medyo active. There are only a few friends and they are really untouchable.

I stared at the picture of Loreleil Agravante at a fancy party of a well-known family. It's a birthday party. Maganda siya at may pagkakahawig ng kaunti kay Louissa Agravante. She's also cold, based on her emotionless face. Hindi ko siya mabasa ng mabuti. Sa tingin ko lang ay malamig rin siya kagaya ni Louissa at mahirap kausapin o lapitan. Para bang napaka taas niyang tao na matatakot kang lapitan.

That's why they are siblings, huh? Louissa and Loreleil?

I wondered where did Loreleil go? Hindi ko pa siya nakikita sa personal. I want to see her too. Ano kayang dahilan kung bakit siya umalis? Ang sabi ni Louissa sa kanyang lolo noong napa-dean's office kaming dalawa ni Elizabeth ay hate ni Loreleil rito. Bakit kaya?

Hapunan nang pumunta si Arjun sa bahay ko para makipag kwentuhan. Sakto na kumakain ako noon kaya inalok ko siyang sumabay sa akin. Kumain na siya pero pumayag pa rin siyang sumabay sa akin. Gusto niya daw kasing matikman ang luto ko.

We just talked for a while and after finishing eating, he went back to their house while I put our plates in the sink. After I washed the dishes my cellphone rang just in time for a text. Kinuha ko iyon at tinignan.

Brandon:

Hi. What are you doing?

I stared at his text for a moment. I bit my lower lip and remembered our meeting earlier at the grocery store. Seryosong seryoso siya at mukhang galit. Mukhang bad mood siya kanina. Tapos ngayon hindi ko inasahan na magte-text siya.

I lay down on my bed and typed a reply for him. Tapos na akong maglinis at gumawa pa ng ibang gawaing bahay kaya wala na akong gagawin. Maliligo nalang ako. I should shower now but because Brandon texted...

Cassandra:

Hi. Just preparing to sleep. You?

Wala akong tv dito kaya wala akong mapagka abalahan kapag walang ginagawa. Pero nalilibang naman ako sa paggawa ng mga gawaing bahay at pagbabasa ng mga notes.

Brandon:

Nothing, just texting you.

Cassandra:

You should sleep. May pasok pa tayo bukas.

Brandon:

Hindi ako makatulog.

My heart pounded for some reason. Tumagilid ako ng higa at nagtipa ng reply.

Cassandra:

Bakit?

Brandon:

May iniisip ako.

Cassandra:

Anong iniisip mo?

Brandon:

Can I call?

What? Bigla akong napa ahon sa pagkakahiga at tinitigan ang text niya. Ilang sandali akong nag isip at sumandal sa dulo ng maliit na kama ko. Sa isang iglap, parang hindi na naman ako mapakali.

Why does he want to call? Because he can't sleep? He wants someone to talk to? But what are we going to talk about? Why don't he just call someone else? Call his friends? Or why don't he just distract himself with other things until drowsiness visited him?

Huminga ako ng malalim at binalewala nalang ang mga tanong sa isip. Fine! Hindi pa rin naman ako inaantok. Tsaka... we're friends, right?

Cassandra:

Sure, okay...

Just a few seconds later after I sent it to him, his name immediately appeared on my cellphone. Tumikhim ako bago sinagot ang tawag. Nilagay ko sa tenga ang phone.

"Hello..." I said in a low voice.

"Hi," ang napapaos niyang boses ay nagpatindig sa balahibo ko.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Parang na-balanko ang isip ko at hindi ako makapag isip ng mga salita.

"Sorry. Are you sleepy?" he asked.

"Ah, hindi pa naman. Ayos lang..." kinagat ko ang labi ko.

"Mmm..."

"Bakit ka tumawag? Hindi ka makatulog?"

Pumikit ako ng mariin. Kasasabi niya lang, Sandra.

"No..." he whispered.

"Mmm. Ano naman ang maitutulong ko para antukin ka?" I tried to light the mood. "You can just read your notes until you fell asleep, you know..."

Hindi ko alam kung makakatulong ba ang sinabi ko.

He chuckled slightly. "Is that what you do when you can’t sleep?"

"Minsan. Pero madalas pumipikit lang ako tapos makakatulog na ako."

He chuckled again. Kinagat ko ang labi ko.

"Pero gusto ko ng kausap kapag hindi ako makatulog," anya.

Pinaglaruan ko ang kumot na nasa tuhod ko.

"Palagi akong may kinakausap kapag hindi ako inaantok."

"Sino naman ang mga kinakausap mo?"

"Ikaw..."

"Nung wala pa ako? Your friends? Or your girlfriend?"

Pumikit ako nang napagtanto ang sinabi. Nag init ang pisngi ko at parang gusto kong bawiin ang sinabi.

"Nope. I don't have a girlfriend before. Si Morrisa ang ginugulo ko kapag hindi ako makatulog."

Oh... Ngumuso ako.

"Bakit? Anong iniisip mo? Wala pa akong nagiging girlfriend, Cassandra," he said playfully and chuckled.

Hindi ako nagsalita sa kahihiyan. Umirap ako. Bakit ba ako ang tinawagan ng lalaking ito? At bakit nga ba ako pumapayag na makausap niya ako ngayon?

"I don't do girlfriends..." he added.

"Pero maraming nagkakagusto sayo?" I said casually.

"I'm not interested with them."

Talaga ba? Hindi ako naniniwala. Sa katulad niya na lalaking gwapo, mayaman at matipuno, imposibleng wala pa siyang naging girlfriends.

"Tss..." iyon nalang ang nasabi ko dahil hindi talaga ako naniniwala sa kanya.

Brandon chuckled again. "Why? I'm telling the truth!"

"Oo na. Tss. Ano? Inaantok ka na ba?" pag iiba ko ng usapan.

"Mmm, medyo. Pero kailangan ko pa ng kausap."

I sighed. "Ang sabi mo ang kapatid mo noon ang ginugulo mo sa tuwing hindi ka makatulog. Ngayon ako na ba ang palagi mong guguluhin?" sarkastiko kong tanong pero parang... gusto ko naman...

What?!

Humalakhak siya. "Ayaw mo? Nakaka abala ba ako?"

"Tss," hindi na ako nagsalita.

"Bakit ba ang sungit mo? Sa iba ang bait bait mo... kapag sakin..."

Natigilan ako sandali sa sinabi niya.

"Paano mo naman nasabi yan? Nakita mo na ba akong naging mabait?" nagtaas ako ng isang kilay.

"Yes. Sa kaibigan mo. At sa... kaibigan at kapitbahay mo rin. Tss..." suplado niyang sinabi. Nai-imagine ko agad ang nakabusangot niyang mukha.

Bahagyang umawang ang labi ko roon at parang gusto kong matawa.

"You're always smiling at them everytime you see them but when it comes to me, when I'm the one you will see, there's no smile appearing in your lips."

Gusto ko talagang matawa. Sa tono niya ay para siyang nagtatampo. Minsan lang kami magkita at magkausap, palagi niya naman akong tinetext pero hanggang doon lang iyon. Sa personal ay madalang kaming magkausap dahil nga college na siya habang high school palang ako. Busy siya palagi. Kaya masasabi kong hindi pa kami close. Pero ngayon parang gusto kong matawa. Hindi ko alam na napapansin niya ang hindi ko palaging pagngiti sa kanya.

Pero ngumingiti naman ako sa kanya minsan, ah? Kaya ano itong nirereklamo niya? He wants me to smile to him everytime I see him? Is that it? I really wanted to laugh but he sounds so serious so I restrain myself.

"You're always nice to them while you're so cold to me," dagdag niya pa.

Ngumiti ako pero pinigilan ang pagtawa. I don’t know what to say honestly. I didn’t expect him to tell me this at hindi ko akalaing natutuwa ako!

Hindi ko na tuloy napigilan, natawa na ako. Tinakpan ko agad ang bibig ko pero alam kong narinig niya na iyon.

"What's funny?" I heard the slight irritation on his voice.

"Ano ba kasi yang mga sinasabi mo?" natatawa kong tanong.

"I'm just saying that you're so unfair when it comes to me."

"Unfair? What do you mean unfair?"

"You're always cold! While you're so kind and nice to others."

Humalakhak ako at umiling. Hindi talaga ako makapaniwala na sinasabi niya ito sa akin ngayon pero natatawa pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit! I find him... cute.

"Fine! Ngingiti na ako sayo kapag makikita kita. Okay na?"

"Tss..."

I chuckled. Is he always like this to his friends? Makulit at parang bata? Hindi ko alam na may ganito siyang ugali. Sa itsura at hugis ng katawan niya, hindi halata na ganito siyang tao. Kinagat ko ang labi ko para pigilan pa ang pagngiti.

Humiga ako sa kama dahil parang ako pa yata ang inaantok sa usapan naming dalawa. Niyakap ko ang isang unan ko habang nasa tenga ko pa rin ang aking phone.

"Are you sleepy now?" marahan kong tanong.

"Medyo..."

"Mmm. Ako rin. Inaantok na ako..."

"You should sleep. Gabi na."

"Ikaw rin. Siguro naman makakatulog ka na ngayon?"

Hindi siya nagsalita. Ngumiti ako at pumikit. Ako talaga ang hinihila ng antok dito. Pakiramdam ko siya pa ang nagising dahil sa usapan naming dalawa. Muli akong napangiti nang naalala ang pagtatampo niya kanina pero unti unti na talaga akong hinihila ng antok. My smile slowly faded.

"Good night, Brandon..." mahina kong sambit sa sobrang ka-antukan.

"Good night. Have a nice dream..."

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.2M 245K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
4.6K 224 47
The goddess of hunt meets her Arrow. And they both conquer the sky. Their love turns, spin and reach rock bottom. But the sky shelter them with color...