COULD BE US (frandeesal)

By _haizpriv

55.4K 3.3K 888

you can read if you want! More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38

21

1.1K 73 8
By _haizpriv

FRANCES POV


Kinabukasan. Saturday na, sabi nga ni Coco, maglalaba kami dahil sa Monday na kami s-stay sa condo nila Jaydee at Amanda.




Tapos na kami ni Coco maglaba dahil kaninang umaga pa kami nag simula, time check 12:15 PM.



"Frances, tignan mo yung ig story ni Jaydee. Kasama niya si Madie mag gym" Salita ni Coleen na nag phophone, parang ayokong tignan. Mukhang ma hu-hurt lang ako.



"Hayaan mo na, masyado kang ma issue nag gym lang naman sila." Sagot ko kay Coco at kinuha ko ang phone ko.



Nag notif agad ang dm sakin ni Jaydee, parang ayaw ko muna siya replyan pero hindi ko din matiis.



Jaydeerous: Goodmorning, Frances, breakfast ka pag gising mo. Have a great day mwa.



Kanina pa 'ting umaga yung message, hindi ko alam kung mag rereply ba ako. Tinignan ko ang story niya dahil hindi ko din matiis ang sarili ko.



Mirror shot nilang dalawa ni Madie, nakanguso pa si Madie kay Jaydee at nakatingin sakanya. Kitang kita din sa likod ng picture si Amy na may kausap na babae, hindi ko alam kung sino 'yon, 3 hours ago na yung story.



Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, simpleng ganon lang nag seselos na ako pero hindi ko sinasabi. Nag reply nalang ako kay Jaydee.



Me: Eat your lunch Jaydee, enjoy.



Pagkatapos ay sinend ko na, parang naiirita pa ako. Nag pop-up naman ang dm ni Kielle, agad ko itong nabasa.



Eve Ezekielle: Tara Samgyup tayo ni Coleen. Here at mall yung malapit dyan sa condo niyo.



"Coleen, nag-yayaya si Kielle mag Samgyup, tara?" Tanong ko kay Coco, mukhang papayag naman siya.



"Saan daw?" Pabalik niyang tanong.



"Samgyup, diyan sa malapit na mall" Sagot ko nang mabilis, para hindi na mag sayang pa ng oras.



"Tara na." Sabi niya at tumayo na, tumayo na din ako para makapag ayos. Nag message muna ako kay Kielle bago kami lumabas.



Me: Otw na kami, palabas na kami ng condo.



Sinend ko na iyon at pinatay ang phone ko. Palabas na kami ni Coco ng unit namin at bumaba.



Naglakad nalang kami ni Coleen papunta doon sa mall dahil malapit lang naman.



Papasok na kami ng Mall ni Coleen nang mahagip ng paningin ko si Jaydee at Madie na papalabas ng PANDORA. Anong ginagawa nila doon? tsaka bakit silang dalawa lang, wala sila Amy at Laney?



"Coleen, bilisan mo maglakad tara na" Irita kong hila ko kay Coleen kaya nagulat siya. Nagseselos nanaman ako, bakit ba sila ganon.



"Dahan dahan Frances, para tayong hinahabol!" Salita ni Coleen habang hila hila ko pa din siya. Ayoko lang makita nila kami.



"Frances, nalagpasan na natin yung Samgyup" Kasabay ng pagbitaw ko kay Coco, agad akong nabalik sa wisyo at bumalik sa nalagpasan naming Samgyup.



"Bakit ba tayo tumatakbo kanina?" Tanong niya habang naka kunot ang noo.



"Wala, tara na pumasok na tayo" Sagot ko ng mahinahon at pumasok na sa Samgyup Restaurant. Nakita agad namin si Kielle dahil bungad lang ang napili niyang maupuan, nakahanda na din ang mga pwedeng iluto sa table. Nagsalang na din siya ng mga beef.



"Frances, Coleen dito!" Sigaw ni Kielle samin, agad naman kaming pumunta ni Coleen doon.



Umupo na kami ni Coleen at magkatabi kami. "Magsalang na kayo ng gusto niyong iluto" Sambit samin ni Kielle.



"Bakit kayo tumatakbo kanina? Nakita ko kayo" Dugtong ni Kielle kaya nagtinginan kaming dalawa ni Coleen.



"W-Wala, nagmadali lang kami baka kanina kapa kasi naghihintay." Sagot ko at ngumiti kay Kielle.



"Hindi naman kayo matagal dumating e, Sakto nga lang ang pagdating niyo. Ngayon lang lahat sinerve yung mga order ko" Salita niya habang may hawak na chopstick.



"Alam niyo, kumain nalang muna tayo" Sabi no Coleen at kumuha na ng chopstick, kumuha na din ako at nag salang ng gusto kong kainin.



"May sasabihin ako sainyo" Salita ni Kielle ng nagsasalang kami ni Coleen.



"Ano yon?" Tanong namin ni Coco ng sabay.



"Pinasok ako ni mommy sa Cebu Pacific International Airport. Inayos na nila ang papel ko para kapag naka graduate nako hindi na ako mahihirapan. Mag tetake nalang ako ng board exam at mag papahinga nalang muna ng ilang buwan"  Sabi niya ng nakangiti, napangiti kami ni Coleen sa sinabi niya. Sobrang nakaka proud si Kielle.



"Congarts!" Sabay naming sabi ni Coleen, medyo napalakas ata kasi napatingin samin yung iilang tao dito.



"Thank you!" Masayang sabi ni Kielle.



Kinuha ko ang phone ko at pinicturan si Kielle na kumakain, inistory ko sa ig iyon at may caption nang. "Padayon, Future FA"


Tinignan ko ang convo namin ni Jaydee at wala pa siyang reply. Pinatay ko nalang ang phone ko at kumain. Siguro busy 'yon kay Madie.



Pinagpatuloy lang namin ang pag kain, at nag kwentuhan ng kung ano ano tungkol sa mga job.



Nang matapos na kaming kumain, biglang may lumapit na waiter at inabot ang bill kay Kielle. Maglalabas na sana kami ni Coco ng wallet.



"No it's okay, libre ko to" Pagpigil samin ni Kielle kaya napababa namin ang wallet namin ni Coleen at sabay nag thank you.



"May lakad paba kayo? pagkatapos nito?" Tanong samin ni Kielle, mukang wala siyang pupuntahan at gusto niyang tumambay sa unit namin.



"Wala naman, gusto mo tambay ka nalang sa unit namin?" Sagot ni Coleen ng nakangiti.



"Sige, wala din naman akong gagawin tsaka ayoko pa umuwi" Sabi ni Kielle at tumayo na. Tumayo na din kami ni Coleen para makalabas na kami dito sa restaurant.



Palabas na kami ng mall at papunta sa pinarkingan ni Kielle dahil dala niya daw ang kotse niya, mas okay na iyon para hindi na kami maglakad ni Coco.



Nagtatawanan lang kami dito sa kotse ni Kielle habang papunta sa condo namin ni Coleen.



Nang makarating na kami, bumaba na kami at umakyat sa unit. Wala naman kaming ginawa kundi manood ng kung ano anong nakakatakot mag hapon. Gabi na din, kaya tumingin ako sa clock, it's already 7 pm. Ilang oras na din pala kaming nag mo-movie marathon. Kumain na din kami, nag order nalang kami sa foodpanda.



Tinignan ko ang phone ko kung may Reply na si Jaydee.



Jaydeerous: Frances, let's meet tomorrow?



Kita kong dm sakin ni Jaydee, hindi ko alam anong isasagot ko. Naalala kong sinabi niya sakin kahapon na magkikita kami sa sunday.



Me: Sure.



Reply ko ng tipid dahil naalala ko nanaman ang nakita ko kanina na kasama niya si Madie sa Pandora, naiirita ako. Ano kayang ginawa nila doon? Binilhan niya ba si Madie ng necklace?



Btw nasa akin pa pala ang necklace ni Jaydee. Hindi ko na ito hinubad simula nung sinuot niya sakin ito.


Jaydeerous: Ang cold naman, para akong nasa tagaytay.



Reply sakin ni Jaydee.



Me: Talaga lang.



Nakita kong may ini-story nanaman si Jaydee.



"Frances, tignan mo yung story ngayon ni Jaydee, hahahaha! sana all sinusuyo!" Biglang sabi ni Coco at patawa tawa pa. Pinindot ko na ang story ni Jaydee at nabasa ko ito agad.



"Saan ba makakabili ng Melkti, borger, tsaka prays ni Frances?" Yan yung nakalagay, nakakainis talaga. Tumingin ako kay Coco na nakatingin sakin na naka ngiti.



"Frances, Coleen uuwi na ako. Gabi na din" Sabi ni Kielle kaya napatingin kami ni Coleen sakanya.



"Ingat ka Kielle!" Paalam ko at ngumiti sakanya. Nakatingin siya sakin at nag iwas din ng tingin nung ngumiti ako.



"Bye Kielle ingat!" Sunod na sabi ni Coleen.



Tumango tango lang si Kielle at palabas na ng unit. Tuluyan na siyang umalis.



Nag reply na ako kay Jaydee pagkatapos.



Me: Jaydee, goodnight see u tom. I love you.



Hindi naman ako marupok, medyo lang.



Jaydeerous: Aga naman, goodnight. I love you too my Sunset.



Hindi ko napansin si Coleen na katabi ko pala at nakatingin sa phone na hawak ko. Tumatalon talon siya ngayon.



"Ako yung kinikilig sainyo, Frances!" Sigaw niya habang tuma-talon talon pa.



Bago kami natulog, nag kwento ako sakanya tungkol doon sa mall na kasama ni Jaydee si Madie na palabas ng Pandora. Wala naman siyang nasabi na negatibo kaya hindi na ako nag overthink pa, at natulog na kami.

Continue Reading

You'll Also Like

574K 27.4K 53
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
146K 3.9K 47
TAEKOOK STORY TOP : JUNGKOOK BOTTOM : TAEHYUNG In this story taehyung was purchased by biggest multi billionaire jeon jungkook rude cruel Taehyun...
153K 6.9K 57
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
578K 29.6K 23
โ†ณ โ [ ILLUSION ] โž โ” yandere hazbin hotel x fem! reader โ” yandere helluva boss x fem! reader โ”• ๐ˆ๐ง ๐ฐ๐ก๐ข๐œ๐ก, a powerful d...