Persia's Prayer

By Hadelic

7.7K 446 153

It was the first time she's taken an interest to a guy. Persia Anais was really excited to captivate her hand... More

Persia's Prayer
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter eleven

chapter ten

1K 46 39
By Hadelic

"Gusto mo pasok ka muna sa amin? Baka gusto mo ng maiinom? Nakakahiya naman at inihatid mo pa ako hanggang dito sa amin.."

Dylan snorted. "It's fine. Isa pa, nakakahiya sa Papa mo.."

Naikwento ko kay Dylan ang tungkol sa aking pamilya. Magaan ang loob ko sa kanya kaya naman natural na naging makwento ako sa kanya. Dylan is an only child and he came from a rich family. He is sheltered until highschool kaya naman naiintindihan kung bakit palakaibigan siya sa kahit na sino.  Dahil doon kaya siya nalabel-an na playboy.

"Bakit ka naman mahihiya? Wala ka naman noon.."

Dylan laughed. "Fine.. Ayos lang ba sa Papa mo? Baka magalit iyon?"

"Wala naman si Papa ngayon at nasa bahay ampunan pa iyon ng ganitong oras. At kung madadatnan ka, ayos lang iyon. Inimbita naman kita kaya walang masama doon.."

Dylan smiled again. "If you insist.."

Binuksan ko ang gate ng bahay at saka ko pinapasok si Dylan. Something caught my attention. It was a shadow pero mabilis iyong nawala. Hindi ko na lamang binigyan ng atensyon dahil baka guni-guni ko lamang iyon.

I made a coffee for Dylan at saka binigyan ko ng muffins na ginawa ko kaninang umaga. I hope he's okay with leftover breads. Wala naman kasing ibang gaanong engrandeng pagkain sa loob ng refrigerator.

Doon kami pumwesto sa may terasa at saka doon nagkwentuhan.

"So, gaano ka kayaman?" I asked him. Natawa siya sa tanungan ko.

"Really, you're gonna ask me that?"

I laughed. "Nagtataka kasi ako bakit sa isang state university ka nag-aaral gayong mas maraming prestihiyosong unibersidad sa Maynila?"

"I just want to breathe.." he said. Naintindihan ko ang kaagad ang sinabi niya. Hindi siguro madali para sa kanya ang lahat. Kahit na mayaman sila, hindi kailanman magiging perpekto ang pamumuhay nila. Living extravagant life mean you have to live on the society's standard. Unlike ordinary people like me. Mahirap pero may kalayaan.

"Ohh.." pagtango ko. "Mukhang masaya ka nga at nakahinga ka na."

He smiled. Alam niyang naintindihan ko ang sinabi niya. "Yep, I gained friends. And it was fun."

Gaano ba talaga sila kayaman at kailangang nasa bahay lang siya? Wala ba siyang naging kaibigan?

"Oh, but to answer your question. We are rich. But compared to Alastair's family, well... I can't estimate. His family's wealth is no joke."

Huh?

"Si Alastair? Hidalgo?" Nagtataka kong tanong.

Dylan nodded. "Kaunti lang ang nakakaalam. Siguro, ilan lang sa aming mga teammates niya. He is extremely rich he can buy anything. Like literally anything, be it people, information and so on.."

Nanlaki ang mata ko. How can I let go of that big fish?!

"Huh? Parang hindi naman halata?"

Well, he owns a car but hindi naman high class ang sasakyan niya. Ang bahay na tinutuluyan niya, it's too simple kumpara sa sinasabi nitong si Dylan. So paano siya naging mayaman?

"Ahh, he's a rich conglomerate's son but he's you know.. really stubborn. Hindi niya gustong sumunod sa kagustuhan ng magulang."

Sa sinabing iyon ni Dylan, napuno ang utak ko ng kuryosidad. Hindi ko nga gaanong kilala si Alastair pero may tila nagsasabi sa utak ko na kilalanin pa siya. Is it because he's rich?

No. Kaya kong kitain ang pera kaya alam kong hindi ako curious dahil nalaman kong nagmula siya sa mayamang angkan. Subalit, may malalim pang dahilan pero mas pinili kong isantabi ang mga tanong na iyon. Dahil naitatak ko na sa isip ko na hindi ko na kailangang i-involve ang buhay ko kay Alastair. We are now strangers.

Or so I thought.

Dahil pagkatapos ng practice ngayong araw, nagulat na lamang ako nang magsidatingan sa court namin ang mga players ng basketball team. I just learned that today is the celebration of the basketball team on their victory on STCAA. The celebration was delayed because of the exam week. Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis. Masakit na kasi ang binti ko at gusto ko ng makauwi.

May dumating na mga pagkain at inihilera iyon sa mga table na nakasalansan. There's a lot of food at halos manuot iyon sa ilong ko. The smell of fried chicken was enough to make my mouth water.

Maiingay ang team nila at nagkukumpulan ang mga manlalaro. Kami lang ni Emily ang halos nakahiwalay dahil nasa kabilang side kami ng court. Nagtatawanan ang mga teammates ko habang kausap ang players ng basketball team.

Dumako ang tingin ko kay Alastair na nasa usually poker face pa din. Nakikipag-usap siya sa ilang babae. Ilang sandali pa ay lumingon siya sa banda ko kaya kaagad din akong umiwas ng tingin. Damn, muntik na akong mahuli!

"So, I just want to celebrate the basketball team's victory. Dito na lang tayo kumain dahil hindi kaya ng budget na sa labas pa tayo kumain." Coach Travis said. "Congrats, boys. And also to the volleyball players. You can make it next year. I'm so proud you, guys!"

Nagkantyawan ang mga lalaki sa sinabi ng kanilang coach and then we started to eat. Emily was excited as she was looking at the barbecue.

"Friend, saktong sakto! Gutom na gutom na ako!" I can see her almost crying. Paano ba naman, puro na kami practice and I think I also got slimmer. Mas malala yata ang pag-eensayo ko kesa kumain.

"Pumila na tayo kung ganoon," I smiled at her. I am a bit hungry but kumuha ako ng pansit at fried chicken. I think that will suffice. Sa bahay na lang ako kakain. Wala akong energy na kumain ng marami ngayon kahit kumakalam na ang sikmura ko.

"Bakit iyan lang kakainin mo, friend?! Ang sasarap ng pagkain, oh!" Pinipilit pa ako ni Emily na kumuha ng iba pang putahe sa mesa. Ang kanyang plato ay tila bundok na sa dami ng pagkain.

"Baka hindi ko maubos kapag sobrang dami." I said. And I felt uncomfortable suddenly.

Inilibot ko ang paningin habang kumakain. Halos lahat ng kalalakihan ay nakikipag-usap sa mga kateammates ko especially Celestine. Well, hindi na ako magtataka doon. She's charming and beautiful.

Hinanap ng mata ko si Dylan pero wala ito doon. Saan na naman kaya nagsuot ang damuhong iyon? Why is he absent today? I was about to text him where he went off when my phone vibrated. Inilapag ko ang plato sa bench at saka binasa ang dumating na mensahe.

I almost choked because of my food when I saw Alastair's message for me. I looked out for him but he's silently eating while looking at his phone.

Siya:

.

Kumunot ang noo ko. Why is he sending me a dot? Baka wrong send lang siya or accidentally napindot lamang niya?

I decided to ignore his message. Inisip ko na walang dahilan iyon o kaya napindot lamang niya iyon ng aksidente.

Muli kong ipinagpatuloy ang pagkain. After a few minutes, my phone vibrated again. I decided to check who it is. It was him again.

Siya:

,

I sighed. Is he freaking kidding me? Bakit siya nagtetext ng dot at comma? Is this some type of code or something? May ibig sabihin ba ang comma at tuldok niya? God, this person....really...

I decided to send a reply para manahimik na ang kaluluwa ni Alastair.

Ako:

What do you want?

He replied in a few seconds.

Siya:

What are you talking about?

Seryoso ba talaga ang taong 'to?

Ako:

You just sent me a dot and comma.

Siya:

Why would I send you that?

I sighed. Ano bang problema niya?

"Bakit panay ang buntong-hininga mo? Ang sarap ng barbecue na ito, friend! Kuha lang ako ulit saglit ha?"

Tumango na lamang ako kay Emily kahit okupado ang utak ko sa sinasabi nitong si Alastair. He just sent me a dot and comma and now he's denying it?!

Ako:

Aba, malay ko sa'yo. Ikaw itong nagsesend sa akin ng kung ano-ano tapos ngayon dine-deny mo. Am I a joke to you?

Hindi ko na maitago ang pagkayamot. He just said we'll  just treat each other like strangers but he's like teasing me on purpose by sending me something and then deny it afterwards.

Siya:

.

Mas lalo lang akong nainis. Subalit dahil pagod na at masakit na ang katawan ko, hindi ko na lamang pinatulan. And I'm too tired to think. Siya iyong tipo ng tao na hindi mo kayang basahin kung ano ang iniisip kaya mas mabuti na lamang na ignorahin ko siya.

I just texted Dylan of his whereabouts pero sinabi ni Dylan na umuwi siya ng maaga. Mas lalo lang akong nawalan ng ganang kumain.

"Busog na ako, Emily.." I told Emily. Inilagay ko na ang paper plate sa trash bin at saka kumuha ng maiinom. Bago pa ako makabalik sa pwesto, muntik na akong mabunggo sa lalaking nasa unahan ko. When I inhaled the scent, it was really familiar. Kilalang kilala ko ang amoy na iyon. At hindi ako nagkakamali.

Napakagat na lamang ako sa labi nang tingalain ko siya. Nakatingin siya ng diretso sa akin. Mabilis na nag-init ang tenga ko. Gosh, I'm still so inlove with him that I can't even look at him in the eye.

"Will you please move aside?" tahimik niyang tugon.

"Oh.." nagmamadali na akong umiwas. Halos matisod na ako sa pagmamadali papalapit kay Emily. That was really awkward. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa distansya namin ni Alastair kanina.

"I saw that.." nang-aasar na tugon ni Emily.

"What?"

"Alastair told you something. Ano naman kaya ang sinabi ni Alastair at grabe ang pamumula mo?!"

Hinampas ko si Emily sa pagkayamot. "I am not blushing. I told you I am done with him."

Emily grinned. "Ganoon?"

"Oo nga! Halika na nga!"

Panay pa ang pang-aasar ni Emily sa akin pero hindi ko pinapansin iyon.

I was busy studying because of my upcoming examinations. Pagkatapos ng klase, uuwi na ako kaagad. Nagpaaalam naman ako kay Coach na maaga na ako uuwi dahil sa parating na exams sa sunod na linggo.

"Hindi mo na kailangang mag-aral! Perfect mo na ang examinations!"

"Hindi ako gaanong nakapag-aral dahil sa practice. Kaya bumabawi ako."

"Uh-huh? But you're still a fast learner. Mabilis mo namang naiintindihan lahat."

I wished it was just like that. But the lessons are sometimes difficult to self study especially because hindi ako nakakaattend ng make-up classes. I have to study and read on my free time. Even during lunch breaks.

It was two in the afternoon when I decided to eat lunch on the cafeteria. Mas pinili kong kumain ngayon dahil hindi gaanong maingay. At hindi ako nagkakamali, dahil bilang lamang ang estudyanteng kumakain ng ganoong oras.

May umupo sa unahan ko pero hindi ko tiningnan kung sino iyon. I continued reading while eating at napapansin ko na ganoon din ang nasa unahan ko. Kumakain ito habang nagbabasa. I did not even look who it was and I am not interested. Mas mahalagang matapos ko ang binabasa ko.

I finished after a few hours pero pagtayo ko sa upuan, I was shocked to see Alastair sitting in front of me while reading a book. Nagtama ang tingin naming dalawa. My hearbeat raced again at kaagad nag-init ang mukha ko.

"What are you doing here?" I asked.

He did not answer. Instead, he continued to read while eating his strawberry yogurt.

"Sinusundan mo ba ako?" matapang kong tugon.

"No." he said kahit hindi naman tumitingin sa akin.

"Then, bakit kailangang dito ka pa umupo?"

"This is my spot when I'm studying. You have a problem with that?"

Really? Pero parang hindi ko naman siya nakikitang nag-aaral?

"W-Wala naman.." sagot ko.

Nagmamadali akong umalis doon. Sa pagmamadali ko, nalaglag ang pouch ko at kumalat ang mga lapis. Umalis siya sa pagkakaupo ko at kinuha ang ilang lapis na nagkalat sa ilalim ng mesa. Nauntog pa ako sa ilalim ng mesa dahil sa pagkataranta. Nakakahiya!

Kumikirot ang noo ko pero hindi ko na iyon alintana dahil kailangan ko ng umalis. I should act normal pero bakit ganito.

"Here.." he said while giving me the pencils. I got his full attention. Nakatingin siya sa may noo ko at siguro napansin niya ang pamumula noon.

"Are you okay?" He asked calmly.

"Y-Yes, thanks.."

I immediately got away as quickly as possible. Nahihiya ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alam kong hindi ko na dapat siya kinukulit at iyon naman ang ginagawa ko, pero hindi talaga biro ang pagkakagusto ko sa kanya.

Akala ko oras lang ang sagot. Na sa tagal na hindi ko siya makikita, maaaring maglaho ang nararamdaman ko but for Pete's sake, bakit ba siya nagpapakita sa akin? Or it's just coincidence? Sadyang bang feeling lang ako?

After school, I decided hang out with Andrew. Madalas kaming magkasama nitong nakaraang araw and I admit, it was really fun to hang out with him. He's kind and funny. Sa isang araw talaga, isasama ko na si Emily para maipakilala ko siya kay Andrew.

I texted Andrew pero sinabi nito na hintayin ko siya sa basement ng school. Palapit na ako sa sasakyan ni Andrew nang makita ko ang isang pamilyar na bulto. Alastair was waiting in front of his car and it's like he's waiting for someone.

"Hon!"

Kasabay noon ay ang babaeng nagmamadaling yumakap kay Alastair. Sa higpit ng yakap, aakalain mong matagal silang hindi nagkita. Napatago ako ng wala sa oras sa isang sasakyan malapit sa kanila.

"I miss you, Hon! Did you miss me too?"

Tila natulos ako sa narinig. Siya ba iyong babaeng papakasalan ni Alastair? She's very beautiful. Iyon lang ang mababanggit ko. Bukod sa maaliwalis niyang ngiti, napakaamo ng kanyang mga mukha. Hindi ko kilala ang babae at hindi ko ito gaanong maaninag ng husto dahil baka mahuli akong nakikinig sa usapan nila.

"I missed you.." Alastair said. I can see he's smiling!

Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko itatanggi iyon. Dahil sa pagkakataong ito, sadyang may nararamdaman pa ako para sa kanya. Mas masakit at mas nakakamatay. Iyon ay dahil sa nakita ko na ang katotohanang may iba na ngang minamahal ang taong pinapangarap kong makasama.

He was so inlove with this woman. How can I ever compete with that? And they are engaged. Who am I to interfere?

Ilang minuto yata akong hindi gumagalaw doon na hindi ko namalayan na nakaalis na ang sasakyan ni Alastair. Hindi ako makakilos at nanlalanta ang buo kong katawan. I lost my strength because of the pain. No, I just felt my whole world crumble in an instant.

"Per..sia? Why are you sitting there?" Nagmamadali si Dylan nang makita ako. "I'm sorry, ipinatawag lang ako sa Dean. Did you wait for too long?"

Hindi ako makaimik. Basta ang alam ko lang, nilingon ko si Dylan, nangingilid ang luha at wala pang isang segundo, nagsipatakan na ang luha kong kanina ko pang kinikimkim.

"Oy, Persia..." nabigla siya dahil yata sa biglaan kong pag-iyak. "I know I'm late but do you really have to cry?"

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. All I can remember is Alastair's sweet voice and the beautiful girl's endearment for Alastair.

"Calm down, Persia. Did you wait for too long that it made you upset?"

Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang yakapin ako at aluin. Mas lalo akong umiyak at saka ko niyakap ng mahigpit si Dylan. Nang kumalma ako ay saka ako tinulungan ni Dylan na makapasok sa sasakyan niya.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob and it was really awkward. Bigay na bigay ang pag-iyak ko lalo na at hindi naman alam ni Dylan ang dahilan. I may looked crazy in front of Dylan. Bigla-bigla na lang umiiyak nang walang dahilan.

"I can tell, Persia.. There's another reason for your tears, right?"

I nodded without looking at him. Mabigat na mabigat ang loob ko na hindi na ako makapagsinungaling.

"Let me guess.. You're in love with Alastair, right?"

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...