Blackmailing the Beast

By jennaration

924K 21.1K 1.8K

[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really be... More

Blackmailing the Beast
Prologo
Chapter 1 - Meet the Belle
Chapter 2 - Belle in action
Chapter 3 - Belle is hired
Chapter 4 - Belle in mission
Chapter 5 - Cup B-elle
Chapter 6 - Belle's interview
Chapter 7 - Belle found the castle
Chapter 8 - Belle trapped in the castle
Chapter 10 - Boss ni Belle
Chapter 11 - Belle to the rescue
Chapter 12 - Beast's pandesal
Chapter 13 - Here comes the Beast
Chapter 14 - The other Belle
Chapter 15 - Blackmailing the Beast
Chapter 16 - Belle's nightmares
Chapter 17 - Yummy Beast
Chapter 18 - Belle the nerd
Chapter 19 - Belle the troublemaker
Chapter 20 - Unidentified Belle
Chapter 21 - Belle in love
Chapter 22 - Beauty vs Beast
Chapter 23 - Mistakenly Belle
Chapter 24 - Belle meets the family
Chapter 25 - Belle is dead or alive
Chapter 26 - Beast's version of truth
Chapter 27 - Belle before the storm
Chapter 28 - Belle meets the Falcon's
Chapter 29 - Belle in disguise

Chapter 9 - Ulam ni Belle

51.8K 1.2K 65
By jennaration

Beauty

Gig tonight. 8pm.

Iyan ang laman ng pinadalang text ng isa sa manager sa lounge. Ang kaibigan ko na si Lucio talaga ang dahilan kung bakit ako nakapasok doon kahit part time lang. Nakatira siya sa eksklusibong subdivision sa Rizal na katabi namin. Bale yung lugar namin ang basura sa mga mansyon sa mga bahay nila. Puro mayayaman kasi ang nakatira doon.

Nakilala ko siya nang minsang nagjojogging siya. Yung mga baklang kaibigan ko nakipagsi-jogging sa kanya. Pati ako na nakapantalon isinama nila. Pero worth it naman dahil maganda ang view. Tumutulo ang pawis niya sa mga musles niya sa likod. Naka-sweatpants nga lang kasi. Sa sobrang kakatitig ko sa likod niya hindi ko namalayan na huminto pala ito. Kaya ayun nauntog ako sa matigas niyang likod. tinulungan niya ako na makatayo. At magmula noon naging friends na kami.

Kahit anong attire ko sinasamahan ko siya mag-exercise. Kahit siguro naka-tuwalya lang ako.

Sayang nga at hindi naging kami. May girlfriend na kasi. Ang nakakainis lang masyadong mabait yung babae kaya hindi ko magawang magalit.

Pero mas maganda talaga ako kaysa sa kanya.

"Hoy,saan ka natulog kagabi?" tanong ni Beth. Nakahiga ako dito sa may sofa dahil napagod ako sa mga nangyari kahapon.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa gilid ko.

Napasimangot ako kapag naiisip ko yung nangyari kanina.

"Beth,kumot. Ang lamig-lamig eh." iritang sabi ko habang kinakapa kung may kumot sa may paanan ko. Baka tumabi na naman sa akin si Beth sa pagtulog. Sumilip ako kung bakit walang kumot. Sofa agad ang nakita ko.

Bigla akong napaupo nang maalalang wala pala ako sa bahay ni Beth. Naramdaman ko din ang pangangalay ng likod ko. Nakahiga lang ako sa may carpeted na floor ng walanghiya. Tumayo ako habang sapo ang likod ko. Nakita ko si Hunter na mahimbing na natutulog sa mala-hari niyang kama. Habang ako natulog lang sa sahig? Nasaan ang hustisya?

Nagdadabog na nilapitan ko ito. Ikinulong niya ako dito sa bahay niya tapos hindi man lang ako inilipat sa kama ng makatulog ako. Nagtataka naman ako kung bakit hindi pa niya ako pinaalis kagabi.Buti sana kung may napala ako dito. Matigas talaga ang paninindigan niyang hindi ako tanggapin bilang sekretarya niya. Dadarating din ang araw at luluhod ang mga tala. By tala, i meant Hunter. Napangisi ako.

Umupo ako sa may gilid niya. Mukha siyang anghel kapag tulog. Sinundot ko ang pisngi niya.Napahagikgik ako nang hindi man lang ito gumalaw. Tulog mantika ang damulag.

I pinched both of his cheeks. Diniinan ko pa iyon. Tinigilan ko lang ng hawiin niya ang kamay ko. Hindi naman ito nagising.

Sayang ang lalakeng ito. Masyadong galit sa mundo.

"Bakit ang sama ng ugali mo?" mahinang usal ko. "Kung sampalin kaya kita,makaka-move on ka na kaya?" dugtong ko.

Tinitigan ko ang mukha niya. Grabe! Sobrang kinis. Baka mas madumi pa yung sabon na perla kaysa sa mukha niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanyang mukha.

"Wala man lang blackheads. Iba siguro tubig dito sa bahay niya. Magbabaon ako mamaya ng tubig niya pauwi." usal ko habang pinapasadahan ang kabuuan ng mukha niya. May something sa mukha niya nakaka-hipnotismo.

Napakurap ako nang matitigan ko ang mga kulay asul niyang mata. Napatili ako nang mapagtantong gising na ito.

Sa kakatili ko nahulog ako mula sa kama.

"What the hell?" narinig kong singhal niya sa akin.

Tumayo ako. "Oo hell talaga! Ang sakit ng tumbong ko, Bwisit ka!" sabi ko. Hindi na maipinta ang itsura ko sa kakahipo sa bandang pwetan ko.

Bumango na rin ito. "It's your fault."

Napatanga ako dahil wala man lang itong pakialam kung nakabalandra ang abs niya. Pabalik-balik doon at sa mukha niya ang tingin ko.

Nakita kong napapailing lang siya.

"Gusto ko nang umuwi," wala sa sariling sabi ko. Napapalunok ako habang nakatitig sa biceps at triceps niya.

Pababa hanggang sa "V" line niya.

Halleluiah!

"Cook food first. I'm hungry." walang ganang sabi niya.

Doon lang ako tumayo ng tuwid at namaywang dito.

"Ano ako? Yaya mo? At tsaka isa pa, close ba tayo?" Kung makapag-utos akala mo tatay ko siya.

Napataas kilay ito.

"So would you rather go to jail or cook a brunch?" banta niya.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"OO NAH! HETO NA NGA OH! MAY SINABI BA AKONG AYOKO!?" himutok ko habang naglalakad palabas ng kwarto niya.

Bwisit talaga iyon. Ang hilig mag-utos.

Dumaan muna ako ng banyo dito sa baba para maghilamos. Grabe ang laki ng eyebags ko. Inamoy ko ang kili-kili ko. Buti naman at walang amoy. Lumabas ako para hanapin ang bag ko sa living area. Kumuha ako ng puting v-neck t-shirt sa bag ko. Malaki iyon sa akin dahil panlalaki ito. Mahilig kasi ako sa mga maluluwang na damit. Hindi gaya nung mga babae na kapit-bahay namin. Parang tatakasan ng ulirat sa sobrang sikip ng damit. Namumutla na sila sa kakapigil ng paghinga.

Nagpalit ako ng damit.

Sinipat ko kung anong oras na sa wall clock. Alas-onse na pala. Baka hinahanap na ako ni Beth. Low battery pa naman ako. Baka nasa barangay na iyon ngayon.

Nagsaing muna ako sa rice cooker niya. Pagkatapos ay binuksan ko ang ref niya. I made a face when I only see liquors and cola. Binuksan ko ang freezer at nakita kong may mga naka-styrofoam na manok at baboy. Kinuha ko ang manok at isinara ang freezer.

Magluluto na lang ako ng adobo.

Hinugasan ko ang manok at pagkatapos ay inilagay ito sa maliit na kaldero. Nahiwa-hiwa na rin naman ito. Naglagay ako ng kaunting tubig, toyo, paminta ,kanela at bawang. Isasalang ko na sana ito ng wala akong makita na grate sa stove niya.

Yumuko pa ako para lang hanapin ito sa baba pero wala talaga. Nang mapansin kong may maliliit at malalaking bilog na nakaukit sa may ibabaw ng stove niya. Doon pala ako ang lutuan.

Pasensiya na wala kasi ito sa bundok na pinaggalingan ko. Pati ba naman stove nakikikumpetensya na rin sa mansanas na iyon. Panipis ng panipis na rin. Pati pindutan nakaukit na lang din sa gilid ng stove.

Habang inaantay na maluto ang adobo ay naglagay ako ng dalawang pinggan at baso sa may island. Dito na lang kami kakain. Tutal ako lang din naman ang uutusan niyang maghugas ng pinagkainan niya.

Hindi matanggap ng pride ko na ginagawa ko ang lahat ng ito para sa isang gurang na katulad niya.

Okay . Fine.

He is not that gurang.

Hindi ko lang talaga lubos maisip na hindi siya makamove-on sa puppy love niyang iyon. Parang tanga. Hindi ba?

Mahigit isang oras ko ata niluto ang adobo. Saktong nakahain na ako nang pumasok sa kusina si Hunter.

Napatanga ako nang makita ko siya. Nakasuot ito ng denim blue na long sleeve, makipot na black pants at itim na sapatos. Basa at magulo ang kanyang buhok. Relo lang din ang suot niyang palamuti. Ibinulsa niya ang cellphone na hawak nito kanina. Tumayo siya sa harapan ko. Nabigla ako nang hinipan niya ang mga mata ko. Napakurap ako.

"ANO BA YAN!?" inis na singhal ko.

"Stop checking me out," sabi niya. Dumiretso na ito sa kanyang upuan.

"Hindi kaya." tanggi ko. Sabay upo sa kanyang tabi.

Tumaas ang sulok ng kanyang bibig. Nagsandok ito ng kanin at ulam. Ganun din ang ginawa ko pagkatapos niya.

"Masarap ba?" tanong ko. Kanina pa kasi siya kumakain ng tahimik. Hindi ko malaman kung nagustuhan ba niya ang luto ko o napipilitan lang siya.

"It's dry." komento niya.

I rolled my eyes.

"Malamang! Hindi naman yan sinigang!" pabalang na sagot ko.

Tinignan lang niya ako ng masama. Ngumuso lang ako kasi kasalukuyan akong ngumunguya.

"Where do you live?"

"Sa Tondo. Ihahatid mo ako?" pangunguna ko. Hindi ko kasi alam kung saan sulok na ako ng Pilipinas.

"Oo. Baka madamay pa ang mg kapit-bahay ko sa kalokohan mo."

"Kalokohan ka dyan. May humahabol talaga sa akin. Peksman!" nagtaas pa ako ng kamay.

Naiiling lang na uminom ito ng tubig.

"You are such a troubled woman. Sumunod ka na lang sa garahe after you're done eating."

"Teka! Maghuhugas pa ako ng pinagkainan natin."

"No need. Just shove it all in the dishwasher." sabay turo kung nasaan ang binanggit niya.

"Sige."

Naglakad na ito palabas. Nagmadali naman ako na kumain at mag-ayos dito sa kusina. Patakbo kong kinuha ang bag ko sa sala at lumabas na ng bahay. Pagkakita niya sa akin ay sumakay na ito sa kanyang kulay abong sasakyan. Hindi ko ito napansin kagabi. Hindi kasi nakailaw dito.

Hindi man lang ako pinagbuksan.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Hindi naman ako makatiis kaya ako na ang unang nagsalita. Tumagilid ako ng harap sa kanya.

"Mahal ba bayad ng ngiti mo?" nakatuon lang ang buong atensyon niya sa daan. " Alam mo tatanda kang maaga kapag hindi ka ngumingiti. Nakakaganda ng araw at nakakawala ng bad mood. Sabi nga nila --- You smile. I smile. Sige na. Para all smiles na rin ako.Oh di ba?" pangungulit ko.

"Bakit close ba tayo?" tanong niya.

Sinuntok ko ito sa braso. Sumimangot ako.

"Bwisit ka."

Umupo ako ng maayos at humalukipkip.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawa.

"Anong nakakatawa?" nakabusangot pa rin ako.

"Ikaw. Asar talo ka pala."

Umirap ako.

"We're here." sabi niya pagkapark ng sasakyan sa harap ng bahay namin. "Sigurado ka bang safe dito?" tanong niya habang sinisipat sa side mirror ang kalye.Masikip kasi dito at madaming tao na nagtsitsismisan. Madami na nga ang nakapalibot na bata sa sakyan niya eh.

Umirap ulit ako sabay kuha sa bag ko.

"Ba't ka concern? Close ba tayo?" sabay labas ng sasakyan niya. Binusinahan pa ako pero hindi na ako lumingon. Nakakainis talaga ang lalaking iyon.

Napabalik lang ako sa kasalukuyan ng may tumamang matigas na bagay sa noo ko.

"Aray naman." daing ko.

"Tinanong ko lang kung saan ka natulog, ang layo na ng narating ng imahinasyon mo."

"Diyan lang sa tabi-tabi."

"Uy baka nakikipag-jugjugan ka na dyan kung kani-kanino ah."

"Gaga hindi noh. May inasikaso lang ako kagabi. Nga pala may gig ako mamayang gabi kaya iwan mo yung susi sa may paso." doon kasi namin nilalagay ang susi kasi wala siyang spare keys.

"Whatever. Hindi naman ako aalis eh."

Tumayo ito mula sa kanyang upuan.

"Maghugas ka muna ng pinggan bago ka umalis. Okay?" kumaripas na ito ng takbo paakyat ng kanyang kwarto.

"BETTHHHHH!!!!" nanggigil na tawag ko.

Hindi naman ako kumain dito. Tamad talaga ng babaeng iyon. Lagi na lang ako inaalila.

"Kakasuhan kita ng child labor." pahabol na sigaw ko.

"I love you." iyon lang ang narinig kong sagot mula sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

55.3K 1.9K 54
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
177K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...