COULD BE US (frandeesal)

By _haizpriv

55.4K 3.3K 888

you can read if you want! More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38

15

1.3K 78 11
By _haizpriv

FRIDAY NIGHT.  AUGUST 28, 2012


FRANCES POV 


Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Coleen, kaharap ang laptop ko at nag rereview dahil wala akong magawa.



Namimiss ko na si Jaydee at yung huling labas namin nung wednesday pa. Binuksan ko yung phone ko para i-dm siya sa ig.



Yung huli naming usap kahapon pa ng  umaga.



Me: I missed you, kita tayo? :((



Naghintay lang ako kung maseseen niya. Binalik ko na din ang tingin ko sa laptop.



Biglang nag vibrate ang phone ko. Nakita kong may message na siya, 10 minutes siya bago mag reply sa instagram.



Jaydeerous: I missed you too, sorry busy sa acads. Sure pwede tayo mag kita.



Agad naman akong nag reply.



Me: Tomorrow? weekend naman e.



Jaydeerous: Sige titignan ko.



Pagkatapos 'non hindi na ako nag reply at nag react nalang.



Tapos na ako mag review lahat lahat. Ngayong week lang naman ang nireview ko.



"Hoy Frances, may bisita ka!" Sigaw ni coleen mula sa pinto, naalala ko naman na nag dm sakin si kielle kanina na pupunta daw siya dito sa condo ngayon.



Friends na kami ni kielle at nag usap kami kahapon, friendly talk lang naman at wala ng hihigit pa doon.



"Frances, bilisan mo!" Sigaw ulit ni Coco. Ang ingay talaga.



"Wait, palabas na!" Niligpit ko na ang laptop ko bago lumabas ng kwarto.



Nakita ko naman si kielle na naka upo na sa sala.



Lumapit ako sakanya at nag apir kaming dalawa. Parang tropa tropa lang.



"Wala talaga akong magawa sa bahay, sorry hahahaha" sabi niya at natawa.



"Okay lang yan, ano kaba mag kaibigan na tayo kaya okay lang yan" sagot ko naman. Tumango tango lang siya sa sinabi ko.



Dito siya nag palipas ng gabi at nanood lang kami sa netflix ng movie na magugustuhan naming tatlo ni Coco.



"Frances, Coco, Uwi na ako 11:30 na pala" sambit ni kielle habang nanonood kami.



"Malapit na matapos yung movie. Tapusin mo na kaya?" Agad na sabi ni Coco



"Hindi na, tsaka maaga pa ako bukas sa meeting" Sagot ni Kielle.



4th year college na pala si kielle at 5 years ang agwat namin.



"Mag-ingat ka sa pag drive ha!" Bilin ko kay kielle.



"Hoy ingat babyeee!" Paalam ni Coco sakanya.



Tuluyan ng umalis si Kielle.



Tinapos na namin ni Coco ang movie bago matulog.



Tapos na ang movie kaya pumasok na kami ni Coco sa kwarto.



"Hoy hala! Nag chat sa'kin si ate Gabb. Niyayaya niya ako sa condo niya bukas!" Biglang sigaw ni Coco at halatang kilig na kilig.



"Bagay talaga sakanya yung pangalang Gabbabaero no?" Tanong ko kay coleen. Tumawa naman kaming dalawa.



"Baka magalit pa sakin yung baby ko na yon. Ikaw naman" Sambit niyaz natawa naman kaming dalawa.



Napagdesisyunan na naming matulog kaya nahiga na kami.



Naalala ko na hindi pa pala ako nag goodnight kay Jaydee. Kinuha ko ang phone ko para i-dm siya.



Me: Jaydee, Goodnight mwa.



JAYDEE'S POV


Kahapon nag kita kami ni Madie. Niyaya niya akong mag Mall of Asia, kaya pumayag ako pero saglit lang kaming nag kasama.



FLASHBACK



Nandito kami ngayon sa mall nag lilibot, at bahala na kung anong makita namin.



"Simula ngayon, Jaydong na ang tawag ko sayo Jaydee" Sabi ni madie, agad naman akong sumagot.



"Sige, tapos tawag ko na din sayo Madong" Sabi ko sakanya. Lakas mo mag imbento ng pangalan ha.



"Jaydong tara Ice Skating tayo, Masaya 'yon tara!" Hila sakin ni Madie. Gusto ko tumanggi kase hindi naman ako marunong 'non.



"Hindi ako marunong niyan Madong.  Ikaw nalang" Sabi ko sakanya.



"Edi tuturuan kita" Pagpupumilit niya.



"Tignan mo yun oh" Turo niya sa babae at lalaki na nag s-skating na.



"Tinuturuan niya din yung kasama niya.  Ganyan din kitang tuturuan" Sabi ni Madie sa'kin.



Nandito na kami ngayon at may suot na kami sa paa na pang skating.



Agad akong inalalayan ni Madie na tumayo at dahan dahan lang kaming nag s-skate.



Tinuturuan niya ako at ilang beses akong natutumba, "Okay lang yan.  Ganyan talaga sa una pero kapag nasanay ka madali nalang yan"



Kalahating oras na kami dito. Binitawan ako ni Madie sa pagkakahawak niya sakin at nag skate ako ng mag isa.



"Ang saya pala nito!" Masayang sabi ko kay Madie at medyo marunong na ako ngayon.



"Sabi ko sayo masaya to e!" Sabi ni Madie kaya nag skate kami nang nag skate. Pero dahan dahan lang kasi medyo natutumba pa ako.



Natapos na ang oras namin, nang makalabas kami. Agad nanaman akong hinila ni Madie.



"Punta tayo sa seaside maganda dun ngayon may sunset. Tsaka malapit na mag 6pm" Sambit niya habang hila hila ako.


"Dahan dahan lang Madong, makakapunta din naman tayo doon" Sabi ko sakanya dahil ang bilis niya mag lakad.



Nandito na kami sa seaside at naabutan pa namin ang sunset. Ang ganda nito.



"Ang ganda ng sunset no?" Tanong niya.



"Oo nga e, tignan mo yung mga barkong dumadaan ang ganda tignan kapag naiilawan sila ng araw" Turo ko sa barko at tumingin kay Madie.



Nakatingin din sakin si Madie nang halos 5 seconds kaming nagkatinginan sa isa't isa at sabay kaming umiwas ng tingin.



Halata sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin pero parang ayaw ng bibig niya.



Tuluyan ng lumubog ang araw, kaya nag ka yayaan na kami umuwi.



END OF FLASHBACK



Nakahiga na ako ngayon. Matutulog na ako ng biglang nag vibrate ang phone ko.



Binuksan ko ito at nakita ko ang dalawang nag message sakin.



Frances: Jaydee, Goodnight mwa.



Madelain: Jaydong Goodnight tulog mainam.



Sabay na sabay pa silang nag dm, kaya nag message na ako para makatulog na ako.



To Frances:


Me: Goodnight Frances sleeptight, See u tom.


To Madelain:


Me: Goodnight Madie, Sana wag kana magising.



Nagulat ako ng biglang nag salita si Amanda sa tabi ko.



"Iba talaga pag Jaydee. Pogi mo naman par! pero mas pogi padin ako" Sabi ni Amy sakin at nag swag pa siya.



"Syempre nung umuulan ng kapogian nasa langit ako nag dodonate sainyo" Biro ko'ng dabi sakanya. tumawa naman kami.



Ang lakas ng tawa namin baka nabubulabog na yung katabi naming unit.



Wala pang isang minuto may kumatok sa pinto namin. Nagkatinginan kami ni Amanda kung sino ang magbubukas.



Agad tumayo si Amanda at lumabas ng kwarto. Sumunod naman ako sakanya.



Pagkabukas ng pinto ni Amanda may dalawang babaeng nakatayo dito.



"Pwede pong pakihinaan ang boses niyo po? Kasi po gumagawa po kami ng video. Ang ingay po kasi" Pakiusap nung isang babae na nakatingin kay Amanda.



Mukang bagong lipat silang dalawa dito sa condo kasi parang ngayon ko lang sila nakita.



"Pasensya na po, hindi na mauulit" Sabi ni Amanda sakanila



"Btw, I'm Rans" Pagpapakilala nung nagsalitang babae kanina.



"I'm Yssa" Pakilala din ng kasama niya.



Agad naman naming tinanggap ang kamay nila at nag pakilala din.



Napansin ko naman tong si Amanda na nakatingin pa din doon sa Yssa at titig na titig.



"Huy tama na baka matunaw yan!" Bulong ko kay Amanda at natawa.



"Sige una na kami, mag vivideo pa kami" Paalam nung Rans at niyaya na yung Yssa na bumalik sa unit nila.



Sinundan lang namin sila ng tingin.  Napalingon naman ulit dito yung Yssa bago pumasok ng unit nila. Tinignan ko si Amanda na nakatingin din sakanya.



Pumasok na ako sa unit. Hindi ko maiwasang matawa sakanila. Inasar asar ko na si Amanda 'non pagkatapos.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 8.4K 59
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
221K 5.4K 33
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
234K 15.3K 78
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
1.5M 48.6K 66
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...