My Quarantine Girl

Od UnoNimusS

139K 763 139

SPG 🔥 For 18+ only 💦 Více

My Quarantine Girl I
My Quarantine Girl II
My Quarantine Girl III
My Quarantine Girl IV
My Quarantine Girl V
My Quarantine Girl VI
My Quarantine Girl VII
My Quarantine Girl VIII
My Quarantine Girl IX
My Quarantine Girl X
My Quarantine Girl XI
My Quarantine Girl XIII
My Quarantine Girl XIV
My Quarantine Girl XV
My Quarantine Girl XVI

My Quarantine Girl XII

2.1K 34 15
Od UnoNimusS


Chapter XII:

LOU'S POV:

Hindi na ako nakapag-paalam kay Yna at Jeff nang sundan ko si Alex..

Hindi ko naman siya nahabol kaya madali na akong umuwi..

Pag-dating ko sa bahay ay agad ako dumerecho sa kwarto niya, nagmamadali siyang ini-impake ang mga gamit niya at halos wala ito sa sarili..

"Alex mag-usap tayo.." mahinahon na usal ko

Seryoso siya at hindi suma-sagot..

"Alex please? Mag-usap naman tayo.."

"Alex naman eh... Alam kong nag-sinungaling ako pero para yon sa kabutihan mo.." paliwanag ko sakanya

"Kabutihan ko pero kinasama ng pamilya ko, ginawa mo pa akong selfish sa sarili kong mga mata.." tugon niya habang nag-aayos ito ng gamit sa bag niya

"Alex hindi ko naman alam na ganon ang mangyayari sa kanila.."

"Bakit sino bang may alam? Ako? Si Papa? Sino? Wala diba??"

"Alex---"

"Kasi Lou kung meron mang may alam sana naiwasan ang ganong pangyayari at kung alam ko malamang hindi na ako sumama sayo dito! Naiintindihan mo ba? Ha?! Ang point ko, kung nandon ako sa pag-sugod ni Gabby baka sakaling hindi nabaril ang mga kapatid ko, dahil ako naman ang hanap niya eh! Ako ang balak niya patayin at hindi si Sam at Paul!"

"Im sorry..." naiiyak na usal ko

"Oh baka alam mo? Alam mo naman talaga kaya nga dinala mo ako dito diba?"

"Alex ang alam ko lang makikipag-kita ang Papa mo kay Gabby, hindi ko alam na ganon ang mangya---"

"Bullshit! Don pa lang dapat expected mo na kung anong pwede mangyari! Nag-iisip ka ba?! O sadyang nabayaran ka ng malaki para ilayo ako!!"

😢😢😢😢😢😢

"Alex mali ang iniisip mo..."

"Pilit mo ko nilayo para ano?!"

"Alex.."

"Bakit kailangan gawin mo 'to?! Alam mo ba kung anong pakiramdam ko ngayon?"

"Alex hindi ko sinasadya.." umiiyak na usal ko

"Bukod sa naging sakim ako dahil naligtas ko lang ay ang sarili ko, pakiramdam ko ako ang nag-dala sa mga kapatid ko sa kapahamakan.."

"Sorry Alex, sorry.." umiiyak na usal ko

"And worst? Pakiramdam ko, ako ang papatay sakanila..."

😭😭😭😭😭😭

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko..

Masakit para sakin na ganon ang nararamdaman niya, at doon nakita ko kung gaano kahalaga para sakanya ang pamilya niya kahit pa hindi niya pina-pakita na mahal niya ang mga ito..

Hindi ko magawang sabihin na Papa niya ang may gusto na dalhin ko siya dito at ilayo sa gulo, alam kong hindi niya maiintindihan at galit lang ang paiiralin niya, ayoko rin na madagdagan nanaman ang ikasasama ng loob niya para kay Tito Alex..

Mas mabuti na sakin nalang siya magalit..

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

Binuhat niya ang gamit niya at nag madali itong lumabas sa pinto ng kwarto..

Dinaanan niya lang ako at wala itong imik sakin..

"Alex!!" usal ko at agad siya hinabol

"Alex please naman! Sige papayagan kita umalis pero sasama ako sayo.."

Natigilan siya at tiningnan ako nito ng masama..

"Papayagan? Bakit? Hawak mo ba ang mga paa ko? Ang buhay ko? Ang desisyon ko?"

"Alex---"

"Lou mawala ka na sa buhay ko please lang! Pinag-sisisihan ko na yung araw na nakilala kita! Sana hindi ka na dumating sa buhay ko!"

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

"Hindi ko kaya pabayaan ka Alex--" naiiyak na usal ko

"Lou tigilan mo na ako..."

"Mula noon, hanggang ngayon.. Alam kong pinag-tagpo tayo uli dahil ako ang sasagip sayo.."

"Ano bang pinag-sasabi mo?" takang usal niya

Sa palagay ko, panahon na para malaman niya ang totoo, at kung ano at sino ako sa nakaraan niya..

"Naaalala mo ba yung bata--- yung batang sumagip sayo.."

"Oh ano naman? Si Gabby yon diba? Siya yon.."

😳😳😳😳😳😳

"Ha? Hi---hindi..." gulat na tugon ko

"Paanong hindi? Anak siya ni Lucille at Papa, kaya malamang andon siya sa bahay ni Lucille! At siya yung batang nag-ligtas sa buhay ko.."

"Paano mo nasabing siya yung batang 'yon?"

"Kasi kilala niya ako ngayon! Common sense nalang, niligtas niya ako kasi alam niyang kapatid niya ako at iisa ang Ama namin.."

"Hindi si Gabby 'yon..."

"So sino? Ikaw? Tsss! You want me to believe your lies?! Alam mo Lou? Mula nang makilala kita gumulo ang buhay ko.."

"Gumulo?" tulalang usal ko

"Oo! Dahil sayo! Kaya pwede ba? Umalis ka na, at ayoko na makita ka pa uli!"

Hindi ko na siya pinigilan, hinayaan ko siya sa kagustuhan niyang umalis..

Sabagay, sino ba naman ako? Si Gabby naman ang sumagip sa buhay niya noon, ang kapatid niyang sunod-sunuran sa Lolo niya..

😑😑😑😑😑😑

ALEX'S / UNO'S POV:

Nahihibang na siya kung sasabihin niyang siya yung batang sumagip sakin noon!

Napaka-impossible! Nang makilala ko siya noon sa hotel ni-wala nga siyang alam sa buhay ko at pinag-daanan ko!

Sinungaling siya!

😒😒😒😒😒😒

Hindi na ako nagpa-tagal pa, agad ako bumiyahe pabalik sa Bicol para hanapin si Papa..

Makalipas ang dalawang araw na mano-manong biyahe ay nakarating ako sa Bicol at agad na dumerecho sa rest house nila Tita Mau!

Walang tao dito, magulo ang loob at tila ba pinasok ng mga armado!

Bumiyahe ako papunta sa bahay ni Papa na siyang tinuluyan namin, pero mas magulo ang loob nito!

May bakas pa ng dugo na naka-kalat sa sahig!

😣😣😣😣😣😣

"Buti naman at dumating ka..."

Boses ng isang babae at agad kong nilingon yon!

"Gabby..." gulat na usal ko

"Ang tagal kitang hinanap Alexander!"

"Nasan si Papa?! Saan mo dinala ang mga kapatid ko?!"

"Ang selfish naman! Kapatid mo? Hindi ba mas okay pakinggan na kapatid natin?" sarkastikong tugon niya

"Hindi ako nakikipag-biruan sayo! Ilabas mo sila! At wag na wag mo idamay ang mga bata!"

"Matatakot na ba ako?" natatawang usal niya

Unti-unti siya lumapit sakin at hinawakan ang mukha ko..

"Sayang kapatid kita, gusto ko pa naman sanang gawin sayo ang ginawa ng halimaw na Lucille sa alaala mo!"

"Wag mo kong hawakan!" galit na tugon ko at agad na nilayo ang kamay niya

"Bakit? Naa-arouse ka ba? O naaalala mo ang masaklap na dinanas mo sa Ina ko?"

"Gabby wag ka na magpa-gamit kay Lolo!"

"Anong sina-sabi mo?"

"Alam kong si Lolo ang puno't dulo ng lahat ng ito! Alam kong hawak ka niya at pinapa-ikot!"

"Tsss! Nasabi na pala sayo yan ng magaling nating Ama?! Dahil diyan hindi ka na rin dapat mabuhay pa..."

"Gabby niloloko ka lang nila!"

"Dalhin niyo na yan! Igapos niyo! Pero wag niyong isasama sa Tatay niya!" usal ni Gabby

Agad naman lumabas ang mga tauhan niya, hindi na ako naka-palag pa dahil may mga baril sila!

Itinali nila ang mga kamay ko at sinuutan ako ng piring sa mata!

Dinala nila ako at wala akong kamalay-malay kung saan nila ako ita-tapon!

"Ano Pare dito nalang ba 'to?!" usal ng isang lalaki ng madala nila ako sa hide-out nila

"Oo! Utos ni Maam Kers wag gagalawin, hihintayin pa raw ang desisyon ni Boss Amo!"

"Oh sige, hoy ikaw! Wag kang mag-tangka na tumakas kung ayaw mo mailibing ng maaga!" pananakot sakin ng isang lalaki

Maya-maya pa ay inalis na nila ang piring sa mga mata ko..

Mahapdi ang mga mata ko kaya matagal bago ko ito tuluyan na mai-mulat..

"Pa---Papa??" usal ko nang makita ko itong naka-lumpasay sa lupa

"Papa!!!" malakas na sigaw ko

Pero hindi ito guma-galaw! Duguan siya at tila hinang-hina!

"Papa gumising ka!!!" umiiyak na usal ko

"Papa! Bumangon ka! Papa si Alex 'to!!"

"Tulong!!! Tulungan niyo kami!!" pagwa-wala ko

"Hoy!! Wag kang sumigaw diyan!" suway sakin ng isang lalaki na nagba-bantay sa amin

"Tulungan niyo kami parang awa niyo na! Papa! Papa please gumising ka! Tulong!!" umiiyak na usal ko

Halos manlambot ang mga tuhod ko nang makita ko ang mukha ni Papa na duguan!

😭😭😭😭😭😭

Hindi ko alam kung paano siya tutulungan!

"Kuya! Tulungan niyo siya! Tubig! Kahit tubig painumin niyo siya! Parang awa niyo na!!" pagma-makaawa ko

Tila naawa naman ang isang bantay samin, tumayo ito at kumuha ng tubig..

Lumapit siya kay Papa at ginising ito..

"Hoy! Umayos ka! Pinaiinom ka ng tubig ng Anak mo!" usal nito kay Papa

"Kuya iupo mo siya, parang awa mo na, hirap na hirap siya.." paki-usap ko dito

Huminga siya ng malalim at unti-unti ini-upo nito si Papa, sinandal niya sa pader at tsaka tuluyang pina-inom ng tubig..

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

"Ayan ha? Tumahimik ka na!" usal niya sakin matapos niya painumin si Papa

"Sa---salamat.."

Umalis ito at doon ko tuluyan nakita ang kabuuhan ni Papa..

Awang-awa ako sa sinapit ni Papa, napakarami ng sugat sa mukha niya at halos pumutok na ang labi niya..

😢😢😢😢😢😢

"Papa..." usal ko sakanya

"Papa si Alex 'to, lumaban ka! Papa wag ka susuko! Itatakas kita dito, pangako yan!"

Unti-unti itong gumalaw at dinilat ang mga mata niya..

"A---Alex??? Anak??" nanghihinang tugon niya

"Papa lumaban ka! Lumaban ka ha?"

"Bakit ka nandito? Anong gina-gawa mo dito?"

"Pa hindi na mahalaga 'yon!"

"Bakit hindi ka pinigilan ni Lou? Bakit ka andito?" umiiyak na usal ni Papa

"Pa wag mo na isipin si Lou! Dahil sakanya napahamak kayong lahat!"

"Anak..."

"Pa kung hindi ako sumama sakanya hindi 'to mangyayari!"

"Anak naki-usap ako kay Lou na ilayo ka dahil ayoko madamay ka sa gulo.."

"A---ano??" takang usal ko

"Ako ang nag-utos kay Lou na dalhin ka sa malayong lugar para hindi ka makuha ni Gabby.." paliwanag ni Papa

"Pero Papa--"

"Dahil ayokong madamay ka pa at masira uli ang buhay mo Anak.."

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

"Alam mo na bang mangyayari 'to?"

"Bago pa ako maki-usap kay Lou pinag-bantaan na ni Gabby ang buhay mo Anak at ayoko mapa-ano ka.."

"Kaya ba kinuha mo si Lou para bayaran at bantayan ako?"

"Bayaran? Alex Anak, hindi ko bina-bayaran si Lou.."

😳😳😳😳😳😳

"Hindi bina-bayaran??" takang usal ko

"Yon ba ang sinabi niya sayo? Hindi ko siya binayaran kahit kailan Anak.."

Shit!!!

😖😖😖😖😖😖

Sinabi niya lang yon para pag-takpan si Papa?

Bakit mo gina-gawa 'to Lou!!

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

"Mabuting tao si Lou, at ayaw niyang may masamang mangyari sayo Alex.." paliwanag ni Papa

"Pero nasaan sila Tita Mau? At ang mga kapatid ko?" pag-iiba ko

"Naka-takas sila pero nabaril si Sam at Paul.." naiiyak na tugon ni Papa

"Tama na yan!"

Natigilan kami ni Papa nang marinig namin ang boses na 'yon ni Gabby!

"Hayop ka! Napaka-sama mo!" galit na galit na usal ko

"Wag mo ubusin ang lakas mo para sa galit mo sakin Alex, ikaw rin, baka hindi ka tumagal.."

"Gabby Anak wag mo na idamay ang kapatid mo.." nanghihinang paki-usap ni Papa

"Bakit hindi? Siya ang bunga ng kasalanan mo sa amin ni Mama!"

"Wala siyang alam Gabby.."

"Kahit meron kahit wala! Duma-daloy sa dugo niya ang dugo mo!!" galit na galit na tugon ni Gabby

"Anak pina-iikot lang ni Don Ronaldo at Señor Matteo ang ulo mo!"

"Tumigil ka!!"

"Ang alam mo ay ako ang pumatay sa Mama mo, pero hindi totoo 'yon Gabby.."

"Ikaw ang bumaril kay Mama noong kinuha niyo si Alex sakanya!"

"Yan ang kwento sayo ni Don Ronaldo, pero hindi yan ang totoo.."

"Tumahimik ka!!!" boses ng isang lalaki

😳😳😳😳😳😳

Natigilan kami nang nakita naming si Lolo 'yon!

"Alex noon pa man hindi ka na marunong tumupad sa usapan!" usal ni Lolo kay Papa

Lumapit ito kay Papa at tumayo sa harapan niya..

"Hindi isang tulad mo ang sisira sa Apelidong pinangangalagaan ko!" galit na usal ni Lolo at sinampal si Papa sa kanang pisngi nito

"Huwag Lolo!!" malakas na usal ko

Tiningnan lang ako ni Lolo..

"At ngayon ikaw mismo ang nag-lagay ng buhay ng mga Anak mo sa panganib.." sarkastikong usal ni Lolo

"Aminin mo na ang totoo kay Gabby.." usal ni Papa

"Wala akong aaminin! Dahil sabay-sabay ko na kayong papatayin dito!" tugon ni Lolo

"Teka Señor, wag mo sabihing---"

"Gabby Iha, tulad ka rin ng Ama mo, madaling mapa-ikot! Madaling lokohin, madaling matakot!"

"Baka nakakalimutan mong nasa lugar kita Señor.." mayabang na usal ni Gabby

"Sige tawagin mo ang mga tauhan mo kung may sasagot pa sayo.."

😳😳😳😳😳😳

Nilingon ko ang mga lalaking nagba-bantay sa amin ni Papa kanina, laking gulat ko nang makita kong naka-lumpasay na sila at walang buhay!

"Ha---hayop ka!" galit na galit na usal ni Gabby

"Matagal na Iha, mula nang aksidente kong mabaril ang Ina mo.."

"Ikaw?" gulat na tugon ni Gabby

"Tama ang Ama mo, pina-ikot kita, ginamit kumbaga. Hinanda kita para sa araw na 'to.."

"Wala kang kasing sama!!" usal ni Papa

"Nagkaka-gulo na noon nang mahuli si Lucille at makitang hostage si Alex ang Apo ko, nakita ko si Quinne na umiiyak dahil sa sitwasyon.." kwento ni Lolo

"Malamang Ama ako, at ayoko naki-kitang nasa-saktan ang nag-iisang Anak ko, kaya pumasok ako sa loob ng crime scene ng walang nakaka-alam, nag-tago ako sa likod ng isang cabinet. Nakita ko si Alex na may hawak na baril at naka-tutok yon kay Lucille..."

"Pero hindi ko 'yon ipinutok!" galit na usal ni Papa

"Alam ko, dahil alam kong mahal mo si Lucille at hindi mo siya kayang saktan! Pero may hawak rin na baril si Lucille at naka-tutok yon sa Apo kong si Alex! At dahil duwag ka! Ako ang pumatay sa baliw na babaeng 'yon!!"

"Hayop ka!! Napakasama mo!!" umiiyak na usal ni Gabby

"Walang naka-kita sa akin kaya naman buong buhay ko tinago ang bagay na 'yon.." paliwanag pa ni Lolo

"Tinago, at sinira si Papa sa paningin naming lahat!!" galit na usal ko

"Anong gusto mo?! Hayaan kong mamatay ang nag-iisang Apo ko na siyang magpapa-tuloy ng lahat ng pinag-hirapan ko!" sarkastikong tugon ni Lolo

"Napakasama mo Lolo..." naiiyak na usal ko

"Gabby, patawarin mo ako.." umiiyak na usal ni Papa

"Kaya kinuha kita Gabby at ipina-ampon sa iba! Pinilit kong maging masama ang tingin mo sa Ama mo! Dahil alam kong darating ang araw na 'to! Oh hindi ba't nag tagumpay ako?!" usal ni Lolo habang sarkastikong tuma-tawa

"Hayop ka! Sinira mo ang buhay ko! Papatayin kita!" galit na usal ni Gabby

Lumapit si Gabby kay Lolo at sinakal ito!

Malakas si Lolo at pilit siyang luma-laban kay Gabby!

Mabilis akong kumilos at agad na tinanggal ang tali sa mga kamay ko!

Agad ko nilapitan si Papa at tinulungan itong tanggalin ang mga tali sa kamay at paa niya!

"Papa tara na! Iwan na natin sila!" usal ko

"Umalis ka na Alex! Iligtas mo na ang sarili mo!"

"Pa ano ba?! Halika na!" pag-pilit ko sakanya

"Napabayaan ko na noon si Gabby, hindi na uli ngayon.." umiiyak na tugon ni Papa

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

"Papa..."

"Umalis ka na Anak! Sige na.."

"Papa hindi---"

Nagulat ako nang itulak ako palayo ni Papa!

😳😳😳😳😳😳

At may pumutok na baril!

"Pa???" usal ko at agad siyang nilapitan muli

Dahan-dahan na kumapit si Papa sa balikat ko at halos hindi na ito maka-tayo!

"Papa!!" malakas at umiiyak na usal ni Gabby

Tiningnan ko si Papa at may tama siya sa tagiliran niya!

"Hi---hindi! Papa! Hindi!!!"

Nang-hina ako nang makita kong mabilis na duma-daloy ang dugo niya at nanghi-hina na si Papa!

Agad na tumakbo si Gabby palapit samin!

Pero natigilan siya nang muling iputok ni Lolo ang baril na hawak niya!

😖😖😖😖😖😖

"Gabby!!!" malakas na usal ko

Dahan-dahan na binitawan ko si Papa at tumakbo upang saluhin si Gabby!

"Gabby hindi! Wag ka susuko! Gabby!!" usal ko sakanya nang masalo ko siya sa mga braso ko

Sa likod ang tama ni Gabby!

"Gabby wag! Please wag!" umiiyak na usal ko

"Lolo tama na! Tama na please!" umiiyak na paki-usap ko kay Lolo

"Kasalanan ito lahat ng Papa mo! Kung hindi siya sumira sa usapan na huwag na makipag-kita pa kay Lucille hindi sana mangyayari ang lahat nang 'to!!"

"Lolo tama na po, parang awa niyo na.."

"Huli na ang lahat Alex Apo.. Pasensya ka nalang.."

Tinutok sakin ni Lolo ang baril niya..

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

Ito na siguro ang katapusan ko..

"Alex! Takbo!"

Agad ko nilingon ang boses na 'yon!

"Lou??" takang usal ko

"Bitawan mo ang baril mo! Kung ayaw mong una kong pasabugin ang bungo mo!" usal ni Lou kay Lolo habang naka-tutok ang hawak niyang baril sa ulo ni Lolo

"Matapang ka..." nata-tawang tugon ni Lolo

"Baba ang baril!!"

Unti-unti binaba ni Lolo ang baril niya..

Dahan-dahan ako kumilos at lumapit kay Lou..

"Lolo tama na, sumuko ka na.." usal ko

"Hindi susuko yang Lolo mo! Sagad sa buto na ang kasamaan niyan!" tugon ni Lou

"Paano mo nalamang andito ako?" takang tanong ko sakanya

"Diba sabi mo noon may invisible string na, na naka-tali sa kamay nating dalawa? Hindi mawawala 'yon, hindi na mawawala pa. Kaya ayon hinila ako dito ng string na nasayo.."

☺️☺️☺️☺️☺️☺️

Naalala niya pa 'yon...

"Hawakan mo 'to! Kukunin ko ang Papa mo.." usal ni Lou sakin habang inaabot ang baril niya

Kinuha ko 'yon at tinutok pa rin ito kay Lolo!

Mabilis na kumilos si Lou at inalalayan si Papa!

Dinala niya ito sa labas at isinakay sa sasakyan niya..

Pag-balik niya ay si Gabby naman ang inalalayan niya papunta sa sasakyan..

"Alex halika na!" usal ni Lou sakin

Madali akong sumunod kay Lou!

Hindi ko na pinansin pa si Lolo at hinayaan na siya, tinalikuran ko si Lolo at iniwan..

"Alex!!" malakas na sigaw ni Lou sakin

Agad na binitawan ni Lou si Gabby at mabilis na tumakbo si Lou palapit sakin!

"A---lex!!!"

Tila ba nag slow-motion ang pag-lapit ni Lou sakin pati na ang boses niya..

Agad niya akong niyakap!

At umikot ito kaya naman napa-harap ako kay Lolo..

😳😳😳😳😳😳

"Hi---hindi!"

😖😖😖😖😖😖

Kinalabit ni Lolo ang hawak niyang baril at agad na tinamaan nito si Lou!

"Lou!!!!" malakas na usal ko

Agad ko kinapa ang likod niya!

Nang-hina ako nang may dugong dumaplis sa palad ko!

😖😖😖😖😖😖

"Hindi! Hindi! Lou hindi!" agad akong lumuha sa nakita ko

"Hindi ba't sabi ko? Ito na ang katapusan niyo?" usal ni Lolo

Kakalabitin na niya muli ang baril na hawak niya at sa puntong 'to naka-tutok ito sa akin!

"Pero hindi katapusan ng Anak ko!"

Natigilan ako, at nakita ko si Mama!

"Quinne?" usal ni Lolo

Agad na pinutok ni Mama ang baril na hawak niya!

Tinamaan nito si Lolo sa tuhod kaya naman bumagsak siya at napa-luhod!

"A---anak... hu---huwag..." paki-usap ni Lolo kay Mama

"Ginawa mo akong tau-tauhan mo! Tinanggap ko yon!" umiiyak na usal ni Mama

"Quinne Anak---"

"Hindi kita Ama! Demonyo ka!!"

"Ginawa ko 'yon lahat para sayo Quinne.."

"Pero hindi para sa pamilya ko! Hindi ako papayag na pati si Alex itataya mo sa impyerno!"

😳😳😳😳😳😳

Muling pinutok ni Mama ang baril na hawak niya at tinamaan si Lolo sa kanang balikat niya!

"Quinne!!!" umiiyak na sigaw ni Lolo

"Sawang-sawa na ako sa lahat ng kasamaan mo!"

"Anak maawa ka.."

"Hindi nararapat sayo ang salitang awa.."

Kitang-kita ko sa mata ni Mama ang galit!

Ngayon ko lang nakita si Mama na punong-puno ng galit at puot!

"Patawarin mo ako Dad.." umiiyak na usal ni Mama

😳😳😳😳😳😳

"Ma!" malakas na usal ko

Nang muli niyang barilin si Lolo at tinamaan ito sa kaliwang balikat niya!

Agad ako tumakbo palapit kay Mama!

Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa kanang pisngi niya!

"Ma tama na, tama na please!" umiiyak na paki-usap ko

"Dapat sakanya mamatay!"

"Mama huwag!!"

Humiwalay ako ng yakap kay Mama at humarang sa harapan ni Lolo!

"Umalis ka diyan Alex!" galit na suway ni Mama sakin

"Tama na Ma... please Mama.." pagma-makaawa ko

"Patawarin mo ako Apo..." umiiyak na usal ni Lolo

😭😭😭😭😭😭

"Tama na Mama, ayokong maka-patay ka.."

Dahan-dahan binitawan ni Mama ang baril niya..

At doon ay kumalma na siya, lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit..

"Patawarin mo ako Alex.." umiiyak na usal ni Mama

"Wala kang kasalanan Ma.."

"Patawarin mo ang Papa mo Alex.."

"Alam ko na lahat Ma, wag ka na mag-isip pa.."

Bigla naman narinig namin ang tunog ng Ambulansya at Pulis..

😔😔😔😔😔😔

Lumapit kami ni Mama kanila Papa at Gabby!

Unang pina-sakay ni Mama si Papa at Gabby sa Ambulansya..

Agad naman na dinakip si Lolo at isinakay ito ng mga Pulis!

Mabilis ko binuhat si Lou at sinakay sa sasakyan niya!

Kasama ko si Mama na tinakbo si Lou sa ospital..

Pag-dating doon ay alalang-alala ako kay Lou dahil namumutla na siya!

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

"Lou lumaban ka please! Wag mo ko iiwan! Please Lou! Andito lang ako, please Lou..." umiiyak na usal ko habang nag-aabang sa pinto ng Operating Room

Sabay na inoperahan si Papa, Gabby at Lou..

Hindi ako mapakali dahil nag-aalala ako sakanilang tatlo!

Maya-maya pa ay lumabas na ang Doctor nila Papa at Gabby!

Maayos ang lagay ni Gabby habang si Papa naman ay kailangan salinan ng dugo..

Dahil pareho kami ng blood type, agad ako nag-presinta para mag-donate kay Papa..

Bago pa ako tuluyan kunan ng dugo ay lumabas na ang Doctor ni Lou..

"Doc, anong balita? Kamusta si Lou?" nag-aalalang bungad ko dito

"Sorry, pero malubha ang lagay niya.."

"Ha? Paanong malubha?"

"Bukod sa maraming dugo ang nawala sakanya, tinamaan rin ng bala ang kidney niya.." paliwanag ng Doctor

"Pero diba dalawa naman ang kidney? At kaya naman mabuhay pa ng tao kahit isa nalang ang kidney niya.." takang tugon ko

"Oo naman, kaya pa rin mag-function kahit isa nalang ang kidney.."

"Eh di tanggalin nalang ang kidney ni Lou na tinamaan ng bala Doc, hindi po ba pwede?"

"Ayon nga ang problema, isa nalang ang kidney niya.."

😳😳😳😳😳😳

Paano nangyari yon???

"Ha? Isa? As in wala na yung isa niyang kidney?" gulat na tugon ko

"Yes, kaya nga hina-hanap ko sana kung may family member ba siya dito para maitanong kung nag-undergo ba ang patient ng operation before.."

😣😣😣😣😣😣

"Wa---wala Doc eh... hindi rin ma-contact pa.."

"If ever we need a kidney donor to save her.."

"Willing ako Doc.." seryosong tugon ko

"But I need to talk with Patient's Family first."

"Sige po Doc, try namin ma-contact.."

"As soon as possible sana.."

"Si---sige po..."

Paano ko sasabihin sa mga Magulang ni Lou ang nangyari?

At bakit isa nalang ang kidney niya?

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

Lou...

Lou kailangan mo pang mabuhay!

Ang dami mong dapat ipaliwanag sakin..

😔😔😔😔😔😔

Bakit pati yung pagpapa-tago ni Papa sakin nilihim niya, nag sinungaling pa siya na bina-bayaran siya..

Pero kahit halos hilingin kong mawala siya, dumating pa rin siya kanina..

Nagawa niya pang itaya ang buhay niya para sa akin..

🥺🥺🥺🥺🥺🥺

You don't deserve this! You don't deserve a selfish person like me Lou...

HI GUYS!
KINDLY LEAVE A COMMENT, VOTE AND FOLLOW MY PAGE TOO IF YOU LIKE THE STORY 😊🔥 THANK YOU! 🔥

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

286K 11.7K 43
A Collection of Mature Oneshots of Richard Faulkerson Jr. and Maine Mendoza
760K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
177K 1.7K 18
Papayag ka ba? na Maging STRESS RELIEVER NYA??
917K 1.6K 6
💦PLEASURE SERIES #1💦 W A R N I N G : SPG - Start: 09-30-18 End: 12-26-18 xxxx