Savage Sandiwa

Par paraiso_neo

9.7K 658 34

(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One... Plus

Prologue
The Birth
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55 (Last Chapter)
Epilogue
Farewell
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3

Kabanata 18

163 8 1
Par paraiso_neo

Kyline

"Magsigising kayong lahat, may mga nawawala na namang estudyante." rinig kong anunsyo ng boses mula sa labas ng dorm.

Kaya nagising ako kahit di ko pa trip magising, pero kung totoo ngang may nawawala na naman. So ibig sabihin may bago na namang gulo sa Normsantandia.

Sa loob ng maraming taon, ngayon lang ulit nagkaroon ng banta sa buong Normsantandia.

"Sandiwa Ky, bumangon na po kayo diyan." sigaw at tawag ng kung sino man sa labas.

Psh! Kaya wala ako sa mood na lumakad sa pinto para sana sigawan yung nasa pinto, kasi di pa ba obvious na gising na ko. Ang lakas-lakas kaya nung announcer.

Pero nagbago bigla isip ko ng..

"Oh, Ama ikaw pala yan. Muntik na sana akong makapatay hehe." nakangising bungad ko sakanya.

"Ky, tara na muna sa headquarters. And yes kasama ka, sa ayaw mo man mo o gusto." seryosong saad ni Ama, psh! Kailan pa naging seryoso sa buhay to ah oo nga pala lagi siyang ganyan, nagbabago lang pag si Ina kaharap niya.

"Ay bakit sa sinabi niyo po ba may karapatan pa po ba akong tumanggi?" nakakunot noo na tanong ko sakanya.

"Agang-aga Ky, umayos ka." saway niya sa akin.

Inaano ko ba to? Nagtatanong lang naman ako duh. Tanong lang naman yun, so anong aayusin ko?

"Ky, nababasa ko isip mo. Umayos ka talaga mainit ulo ng Nanay mo kaya umayos ka talaga." pananakot niya sa akin.

Ay wow natakot ako. Tsk, ayoko na nga makipagtalo, at dahil sa wala talaga ako sa mood kasi maaga akong nagising ay iniwan ko si Ama sa tapat ng dorm ko at naglaho ako para makarating agad sa headquarters.

Narinig ko pa ang pagtawag niya pero di ko na pinansin yun.

Pagdating ko sa dorm di inaasahang nakita ko si Brylle. Napatingin siya sakin ng makita niya ako, at agad iniwas ang tingin. Napatingin naman ako kay Allyson na dati ay ngumingiti sakin ngayon ay hindi na.

Ano problema ng mga to? Agang-aga ah. Syur ako nanaginip to ng masasama kagabi, buti pa ko maganda panaginip ko, nawala na daw sa landas ko ang mga abnong estudyante dito sa campus.

Pero joke lang baka masampiga ako ni Ina pag nalaman niyang hiniling kong mawala mga kupal na estudyante dito, nakakabanas sila mga tsismosa ba naman, walang ibang alam kung makichismis sa nangyayari sa buhay ko. Oo sa buhay ko, wala eh yun trip nila.

"Ky, bat ba ang tagal mo?" bungad ni Ina sakin dahilan para mapairap ako sa ere.

"Ina ilang beses ko bang sasabihin na, ayoko sumali sa inyo. I want a normal daily routine, I don't want to be royalty because I don't want to be." pabalang na sagot ko sakanya, alam kong masama ang sumagot pero napipikon na kasi ako.

Simula pagkabata ako wala na silang ibang pinamulat sakin kundi na isa akong prinsesa at balang araw ay hahalili kay Ina sa trono ng Ainabridge.

Pero ayoko, ayoko maging reyna balang araw.

"Sandiwa Ky, stop that. Nawawalan ka na ng respeto sa iyong Ina." saway ni Tiya Jenica sakin.

"Pakiusap wag niyo nalang po ako pakialaman, at dahil nandito na rin ako. Edi makikimeeting na din ako psh!" saad ko at umupo sa isang upuan. Nakita kong tinapik ni Tiya Jenica si Ina, kaya napakibit balikat nalang sa Ina at umupo nalang.

"Nagpatawag ako ng meeting dahil malaki ang suspetsa namin na mga sirena ang kumuha kay Clyde at sa ilang nawawalang estudyante rito. At nito ring nakaraang araw, madalas marinig ni Keiron ang boses ni Serena, so may posibilidad na buhay pa siya.." panimula ni Ina, at doon ko nakita ang sinasabi nilang Sandiwa Criszette noon, sadyang matalino si Ina at iba ang talas ng pag-iisip.

Kaya niyang pagdugtong-dugtong ang mga tig-katiting na detalye sa maikling panahon lamang. At isa eto sa rason kung bakit ayoko maging reyna, dahil di ako katulad ni Ina. At pakiramdam ko gusto ng lahat na maging ganun din ako.

Dahil si Ina ang gumawa ng kasaysayan dito sa Normsantandia ng kabataan niya at di ko siya kayang sabayan, I don't want to just a reflection of her. Gusto ko kung makilala man ako ay dahil sa sarili kong paggawa ng ikakatanyag ko.

Alam kong nasa dugo na namin ang pagiging matapang, cold at handang ibuwis ang sarili para sa buong Normsantandia. Pero ako hindi ko alam kung kaya ko nga bang ibuwis ang sarili ko para sa lahat.

"B-buhay si Serena totoo ba yan?" di makapaniwalang saad ni Tiyo Andrei na base sa kwento nila Ina ay dati siyang kasintahan ni Tiya Serena. At nakita ko naman ang pagtikhim ni Tiya Jenny, selos pa nga.

"Oo Andrei, malakas ang kutob ko na buhay siya at nasa peligro siya ngayon." saad naman ni Ama.

"Kung ganun dapat na tayo kumilos, gusto ko ng makita si Serena." sabat ni Tiya Stacey ang bestfriend ni Ina, solid pa din sila hanggang ngayon.

"Zette, may balita na ba sa anak namin?" bakas sa pag-aalala na singit ni Tiya Coleen.

Dahilan para matahimik ako at naisip na naman si Clyde. Nasaan ka na kaya? Sana ligtas ka.

"Ginagawa na namin lahat, Coleen. Ililigtas natin ang anak mo at magtiwala ka sa anak mo, kaya niyang labanan yun nagawa niya ngang lokohin anak ko, eto pa kayang makikipaglaban siya sa bagong kaaway." sarkastikong saad ni Ina. Nagulat ang lahat at ramdam mo talaga ang pagkabigla sa mukha ni Tiya Coleen.

Mukhang alam ko na kung saan mapupunta to.

"Zette, alam mong hindi niloko ni Clyde si Kyline. Alam mo yan!" depensa ni Tiya Coleen.

"Sana nga Coleen, kasi kung totoo nga talaga. Hinding-hindi ko mapapatawad ang anak mo, siya ang dahilan kung bakit nagkakaganto si Ky sa lahat." ramdam mo ang sakit at pait sa mga binibitawang salita ni Ina at dahan-dahang tumayo. Kaya napatayo rin si Tiya Coleen.

Lahat kami ay nagpabaling-baling lang sa sagutan nila. And ako naman ay di na kumportable sa nangyayari na eto. Like hello, nandito ako yuhoo. Nandito yung pinag-aawayan niyo.

"Bakit kailangan mo sisihin anak ko? Wala siyang kasalanan, sumunod lang siya." sagot ni Tiya Coleen para mapalingon ako Tiya at mapaisip sa kung anong ibig sabihin niya.

"Bakit Coleen? Sino ba dapat kong sisihin, sinaktan ng anak mo ang anak ko. Muntik pa siyang mamatay ng dahil sa anak mo, bakit di niya pinaglaban ang anak ko ganun ba talaga ang pagmamahal para sa anak mo. Pag di na kaya ilaban, susuko nalang tapos umarte na parang walang nangyari." mabigat na linya ni Ina dahilan para maramdaman ko ang unti-unting pagbabagsakan ng luha ko.

"Coleen, Criszette? Ano ba may mga bata tayong kasama. Ang iimmature niyo." saway ni Tiyo Christian sakanilang dalawa.

"Pero kuya, sinong matinong magulang hahayaang nasasaktan ang anak niya." sabi ni Ina kay Tiyo Christian.

Tumayo na si Tiyo Miguel para awatin si Tiya Coleen habang si Ama naman ang humawak kay Ina.

"Inuulit ko Criszette, di ginustong saktan ni Clyde si Kyline." pagdidiin na sabat ni Tiya Coleen.

Hindi ako ginustong saktan ni Clyde? Anong kalokohan yun, maliwanag na maliwanag ang nakita ko noon na panloloko sakin ni Clyde.

"Coleen, Criszette ano ba? Para kayong mga bata. Itigil niyo yan!" saway ni Tiya Stacey na di na nakapagpigil na makinig nalang sa sagutan ng dalawa kaya tumayo na din siya at umawat.

Nagpatuloy sila sa pagsasagutan at habang tumatagal bumibigat ang nararamdaman ko at ng mapuno ako ay ako na ang tumayo at hinampas ang lamesa para matigil sila.

"Ano ba? Masakit na nga diba? Bakit kailangan niyo pa po ulitin, bakit kailangan niyo pa po yan pag-awayan sa mismong harap ko. Did you think na wala kayong nasasaktan sa ginagawa niyo po ngayon sa harap namin. I'm out, bahala na kayo diyan. Paano niyo matatalo ang bagong kalaban kung mismong kayo ang nag-aaway. And for you Tiya Coleen, mahal ko po si Clyde pero di ko alam kung ganun pa din po ba hanggang ngayon dahil ginago po ako ng anak niyo. Harap-harapan niya po akong ginago.." umiiyak na saad ko, eto yung unang beses na umiyak ako sa harap nila. At eto yung unang beses na pinakita kong mahina ako. At tsaka ako nanakbo paalis ng headquarters.

Ang bigat-bigat sa pakiramdam.

"Sandali lang Ky." sunod ng isa sakin at tawag niya, at alam kong si Brylle to. Alam kong siya yan.

Kaya napatigil ako sa pagtakbo at napalingon sakanya.

"Iwan mo na ko, Brylle. I don't need you!!" I shouted pero parang wala siyang narinig. The only thing I was know at lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

At doon ako umiyak.







Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

12.3K 557 34
Virago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kah...
63.1K 3.2K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
89.1K 1.7K 62
UNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all tho...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...