Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

122K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

SIMULA

6.6K 144 33
By jhelly_star

WARNING: NAKAKAINIS ANG MGA EKSENA SA ISTORYANG ITO. MAS MARAMI KANG MARARAMDAMANG INIS AT FRUSTRATION KESA KILIG AT SATISFACTION. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

--

Simula

Fake

--

Tahimik kong pinagmasdan ang apat na babaeng magkakasama sa iisang table sa napaka lawak na field ng school. I put my one hand on the tree next to me. Malakas ang hangin at sumasabay roon ang puno na ngayon ay sumasayaw na para bang masaya at tahimik lang ang kanyang buhay.

Hindi ko pa kailanman naramdaman ang mainggit sa mga tao sa paligid ko. Palagi ay sapat na sa akin ang mga bagay na meron ako. Sapat na sa akin ang kinakain ko sa isang araw kahit hindi ito kagaya ng iba na mamahalin at masasarap. Sapat na sa akin ang mga taong nasa tabi ko. Hindi na ako humihiling ng maraming kaibigan. Sapat na rin sa akin ang lahat ng natatanggap ko kung ano man iyan, pera man o pagkain o mga taong nasa paligid.

Pero ngayon habang pinagmamasdan ko ang grupo na iyon tila naiinggit ako. I also want to join their group. I also want to be a part of them. I want to go with them wherever they go. I want to be part of their family.

I want to be in HER position.

Pero ako naman talaga dapat ang nasa posisyon niya. Ako naman talaga dapat ang nandoon.

Tinanggal ko ang aking kamay sa punto at naisip na walang mangyayari kung panonoorin ko lang sila. I’m just hurting myself and also binubuhay rin ang galit na pilit kong isinasantabi dahil alam kong hindi dapat ako magpadalos dalos. Alam kong walang magandang patutunguhan kung galit ang paiiralin ko. Kailangan kong mag isip ng paraan para makalapit sa kanila.

Natigil ako sa mga iniisip nang may tumama sa binti ko. Bahagya akong nagulat. I looked at the ball that hit me which is now on my feet. Napatingin ako sa mga naglalaro ng soccer sa di kalayuan.

"Miss! I'm sorry. Are you alright?" anang palapit na lalaki na mukhang siyang nakatama sa akin.

Kasama siya sa mga naglalaro. At mukhang siya rin ang nakatama sa akin. I watched him jogged towards me. He's sweaty and wearing their game uniform. I sighed. Yumuko ako para kuhanin ang bola na tumama sa akin.

"Yup," sagot ko nang nakuha ang bola at muli siyang tinignan.

Kunot noong lumapit sa akin ang lalaking malaki ang katawan. I could see the muscle in his arm and thigh because of the uniform he was wearing. He's serious as he looked at me. He looked at me from head to toe. Tumigil siya sa harapan ko.

"Here," abot ko sa kanya ng bola.

"Thanks. You sure you're alright? I'm sorry. Ako ang nakatama," tinignan nya ang binti kong natamaan.

"I'm fine," I smiled a bit.

He nodded and took the ball. Akala ko aalis na siya pagkatapos makuha ang bola pero nanatili siya sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nagtaas ng dalawang kilay, nagtatanong kung may kailangan pa ba siya.

"You're new here?" he asked.

"Uh, yeah," tipid kong sagot at tumango.

Naglahad siya ng kamay. "I'm Brandon. It's nice to meet you...?"

I looked at his hand for a moment. Hindi ko inasahan na magpapakilala pa siya. Tinanggap ko nalang iyon  at bahagya ulit na ngumiti.

"Cassandra. Nice to meet you too."

"Cassandra... Welcome to our school," he smiled.

"Thanks."

"Brandon! Anak ng! Tagal naman niyan! Naiinip na kami, oh!?" sigaw ng isang lalaking siguro ay kasamang naglalaro ni Brandon.

I turned to the man waiting for Brandon. Naghihintay na rin ang iba pa nilang kalaro sa di kalayuan. I looked back at Brandon who just kept staring at me. Bahagya kong tinuro ang mga lalaking nagtatawag sa kanya.

"Tinatawag ka na nila," sabi ko dahil mukhang hindi niya sila narinig.

"Mamaya na ang pangchi-chics! Let's go!" tawag ulit noong kanina.

Napansin ko ang mga tingin ng ibang estudyante sa malapit na nakarinig ng pagtawag kay Brandon. I noticed some of them are looking at me. Titignan ako mula ulo hanggang paa tapos magbubulungan. Kinunot ko ang aking noo at binalik nalang ang paningin kay Brandon.

Nilingon niya ang mga kaibigan at sumenyas na sandali lang tapos binalik ulit ang atensyon sa akin. His eyes were dark looking at me. Doon ko palang yata napansin na gwapo siya. His nose was pointed, his eyes were blue and deep, his jaw was very define and he was obviously at the gym every day. Matangkad rin siya. Malalim at malaki rin ang boses.

"Well, then..." iminuwestra niya ang daan pabalik sa pinaglalaruan nila.

Tumango ako.

"See you around, Cassandra. Nice to meet you again."

He took a few more steps back while looking at me, not taking his eyes off me as if something was amazing on my face. Umangat ang gilid ng kanyang labi habang unti unti nang kumukunot ang aking noo. He bit his lower lip before turning around and running back to their game. Narinig ko ang tukso sa kanya noong tumawag sa kanya kanina, they both laughed.

Weird.

Hindi ko nalang inisip iyon at binalik nalang ang tingin sa pinapanood kong mga babae kanina. Nakita ko silang tumatayo na at nagliligpit ng kanilang mga gamit. They were laughing as they arrange their belongings. They are obviously happy and have no problems in life.

Naisip ko tuloy na kung magugulo ba sila... sa oras na dumating ako? Magugustuhan kaya nila ako? O mas gugustuhin nila ang... kinikilala nilang pinsan simula pagkabata palang?

Pero alam kong hindi naman dapat iyon ang mga tinatanong ko. Ang pinaka importanteng tanong lang sa lahat ay kung... paniniwalaan ba nila ako?

I sighed and just walked back to the building where I should be. Sa ngayon hindi lang dapat iyon ang isipin ko, kundi ang pag aaral ko rin. Simula ngayon dito na ako mag aaral kaya dapat kong pagbutihin. I just don't know if I can get along with the people here because I'm not really from here.

I'm from Cagayan de Oro. How I got here in Manila is a very long story. Hindi lang napaka haba, napaka sakit rin. Lalo na nung araw bago ako pumunta sa lugar na ito. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. But I knew I had nothing else to do but to accept everything. Right now I have no choice but to continue what I started. Hindi na ako pwedeng umatras.

Habang naglalakad palapit sa aking building ay nasulyapan ko ang mga naglalaro ng soccer. Nahanap ko ang mga mata ng lalaking nakatama ng bola sa akin kanina. Brandon isn't? Nakatingin siya sa akin na para bang kanina pa niya ako pinapanood. His eyes were serious. I don’t know why time seemed to slow as we looked at each other. I quickly averted my eyes and just continued walking, never looking back at him again.

What the hell? Iniling iling ko ang ulo ko.

This school is bigger than I thought. I thought it was just a bit based on the pictures on the internet but this is really a big school. Also the tuition fee is expensive. Mabuti nalang scholar ako kaya kaunti nalang ang kailangan kong bayaran.

Bawat parte ng school ay halatang pang mayaman talaga. Magaganda ang mga halaman, bulaklak, pintura, pinto, classroom, lockers, pati ang mga students na halos lahat ay naka dress halatang mayayaman rin. Ganon rin ang mga lalaking naka porma at malalakas ang dating.

I watched them all as they walked. They have beautiful bags hanging on their arms, beautiful shoes, beautiful clothes wearing, everything is beautiful and obviously expensive.

Bahagya akong ngumiti. Kahit ang layo layo nilang lahat sa akin ay hindi ko magawang mainggit. Dahil tulad ng sinabi ko kanina, sapat na sa akin ang kung ano man ang meron ako. If I’m just wearing jeans, a simple white t-shirt, simple shoes and a simple black backpack there’s no problem with me. I'm happy with whatever I have. I never asked to be like them.

Sa iisang bagay lang talaga ako nakakaramdam ng inggit. Iyon ay ang sa pamilya... at sa pangalan. I’m not even sure if that was really envy or anger. Or maybe both.

Pero bakit nga ba ako naiinggit? Eh, sa akin naman talaga ang lahat ng iyon. Everything in that girl is all mine. Even the life she's experiencing right now is mine. I own everything. So why should I be jealous? I must be angry. Because she stole everything from me. Inagaw nila ng kanyang walang hiyang ina.

Pero ngayong nandito na ako, babawiin ko na ang lahat.

"Hi! You're new here?" isang babae agad ang lumapit sa akin pagkaupo ko palang sa napili kong upuan.

I’m already here in my classroom. Hindi pa naman ganoon karami ang tao dahil medyo maaga pa. Siguro mamaya pa magsisimula ang klase.

"Yeah. Hi," I smiled slightly.

The girl is pretty and cute. I bet she's also rich because of the way she dress. Sino bang hindi mayaman sa school na ito? Ang alam ko ang school na ito ang pinaka maganda at pinaka kilalang school sa buong Manila. So I shouldn't be surprised that almost everyone who studies here is rich and famous.

Ngumiti siya. "I'm Audrey Mendoza. You are?" naglahad siya ng kamay.

"Cassandra Juarez," I said and accepted her hand.

"Nice to meet you, Cassandra!" Umupo siya bigla sa tabi ko. "You know I don't have many friends. I don't like my other friends because they are too maarte. Tsaka they are plastic. They don't talk to me anymore this school year while we were very close last year."

Oh. Medyo nabigla ako sa biglaan niyang pagkukwento.

"So can I be your friend? Is that okay with you? Napansin ko kasi na mag isa ka lang noong nakita palang kita sa labas. Don't worry, I'm not plastic. I'm not like my plastic old-friends."

"Uh, sure! No problem."

"That's great! So... where are you from?" tinignan niya ang damit na suot ko.

"Cagayan. I'm scholar here."

"Oh! Ang layo. Buti dito mo napiling mag aral."

"Yeah. I just... like it here."

Tumango tango siya. "And you know kapag ganyan ang suot ng mga bago rito, nasasabik agad ang mga bully. So be careful. If they know you are just a scholar here they might target you."

What? I didn't expect that. May mga bully naman sa amin pero hindi ko alam na ganon ang mga binubully nila rito...

"Pero hindi naman sila marami, don't worry. And I'm here. Kaibigan na kita ngayon kaya ako na ang bahala sayo," she winked at me.

Ngumiti ako. "Thanks."

Nagsimula ang klase at puro pakilala lang ang nangyari. Kaunti lang ang naging lessons dahil pasukan palang naman daw. Marami namang kagaya ko na transferee at scholar rin pero mailap sila. Mailap rin ako pero I'm glad Audrey is already here with me. Atleast I got a friend.

"You're interested with them?" Nakangising tanong ni Audrey nang napansin niya ang titig ko sa mga babaeng magkakasama sa iisang table.

Tumikhim ako at nag iwas ng tingin roon. We're here in the cafeteria and having a lunch. Maraming tao sa loob pero hindi naman ganon kainit. Aircon rin kasi. At masasarap ang pagkain. Nakita ko may chef pa sa loob kanina.

"I'm just curious. Ang gaganda kasi nila..." pasimple kong sinabi.

She smirked. Tinuro niya ang mga babaeng iyon gamit ang kubyertos niya bago nagsalita.

"Tumitingkad talaga sila sa lahat, noh? Because they are the Agravantes," Audrey said.

Marahan akong tumango.

"Sila ang may ari ng school na ito. Isa sila sa may pinaka mayaman na pangalan rito sa school. Tinitingala sila at nirerespeto. They are untouchable. Not because they are rude and arrogant, but because others think highly of them here. Well... it's obvious because they are really very rich. And their parents is famous too."

Based on their clothes, they are obviously super rich. Obvious in their bags, in their clothing, in how they behave, in everything. Obviously elegant and well exaggerated.

"Matatalino silang lahat. Hindi ko masasabi na mabait rin silang lahat kasi you know..." bigla siyang bumulong. "Yung isa sa kanila, medyo hindi ganon kaganda ang ugali."

Tinignan ko ulit ang mga Agravante sa table nila. Only four of them were there. I wonder if they have other friends? Are they really the only ones that always together?

"Do you wanna know their names?" Audrey asked and smirked at me.

Nilingon ko siya at tumango. Kahit alam ko naman na. I did research of course before going here. Hindi pwedeng wala akong alam sa kanila. At iyon rin ang isa sa mga bilin sa akin ni Mama.

"That looks mahinhin and shy, she's Michelle Agravante," si Audrey.

I looked over at the woman smiling softly as she talked to her cousins. She also covers her mouth when laughing. Doon palang masasabi ko na agad na mahinhin nga siya at elegante.

She has deep eyes, her nose was pointed, her lips are thin and her long black hair was in half ponytail. She's wearing a yellow off shoulder dress. Her white expensive bag is on her side. At first glance, you can already tell that she's really rich and modest.

"She's kind, beautiful, smart, elegant and talented. Mahinhin nga lang hindi katulad ng iba niyang mga pinsan."

Tumango ako.

"And that one on her side is her sister, Johanna Agravante, the playgirl of all ika nga nila," she laughed a bit. "She's funny and very friendly! Lahat ng kaibigan niya mayayaman at kilalang kilala! Pero ako hindi niya ako kaibigan. My family is almost as powerful as the Agravantes but... she never paid attention to me. I doubt if she knows me."

Oh.

"Marami na siyang naging boyfriend. But she never got serious. Like what I said, she's a total playgirl. Mahilig maglaro at lahat ng nanliligaw sa kanya sinasagot niya. Minsan pinagsasabay niya pa ang lahat ng iyon."

What?

Pinagmasdan ko si Johanna Agravante na nakikipag tawanan sa iba pang mga Agravante. She's beautiful. Unlike Michelle Agravante, she has phoenix type of eyes, but also has a pointed nose and thin lips. Unlike Michelle who has a gentle and modest face, her face and aura looks aggressive. Madilim at tila mapang akit ang mga mata. Halatang marami na ring nabihag ang mapang akit na ngisi na nasa labi niya.

"But she's also kind, elegant and smart. We always meet when there are gatherings but she doesn’t sometimes notice me. Or I really just want her attention? I don't know. I just really like them."

Bahagya akong ngumiti at tinignan si Audrey. Agad ko ring binalik ang tingin sa mga Agravante nang may naalala. Tinignan ko si Audrey at nagtanong.

"Pero hindi ba lima sila? Bakit apat nalang sila ngayon?" kuryoso kong tanong.

"Oh! Yeah. Loreleil Agravante is not here anymore."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Nung isang taon dito siya nag aaral pero ngayon hindi ko alam kung bakit wala na siya. Hindi naman nahuhuli sa pagpasok ang mga Agravante kaya nag conclude na agad ang mga students rito na baka umalis at sa ibang school na nag aral. But... we don't know the reason behind it. Silang mga Agravante lang ang nakaka alam."

Tumango tango ako at binalik ang tingin sa mga Agravante. Nasaan kaya siya?

"Pero hindi pa naman sure iyon. Malay mo baka pumasok rin bukas. Ayaw lang pumasok ngayon dahil wala rin naman masyadong gagawin," nagkibit ng balikat si Audrey.

Tumango ako.

"Next is... Louissa Agravante. Kapatid niya si Loreleil Agravante. She's the ate. Johanna and Louissa are the ates. Sila ang matanda ng isang taon sa kanilang lima."

I already know that. Pinagmasdan ko si Louissa Agravante.

Of course, like the other Agravantes, she's also beautiful. She's wearing a white mini dress. Her brown hair is down and she also has bangs. Her expensive cream bag is on her side. But unlike the other Agravantes, she looks cold and snob. She's just crossing her arms while listening to what her cousins ​​were talking about. Tipid lang rin siyang kumain na para bang iyon na ang nakasanayan. She also doesn’t look at the people around her. Naka focus lang siya sa pagkain at sa mga pinsan niya.

"I'm sure you already know that she's a bit... snob?" Audrey laughed a bit.

"Yeah..." sabi ko habang hindi inaalis ang paningin kay Louissa Agravante sa pagkamangha.

"Halata naman na kasi. Hindi siya nakikitawa sa mga pinsan niya, just poker face and scary to approach. Did you know that the other students here are afraid of her even though she's not doing anything wrong?" she laughed again.

"Really?" napatingin ako kay Audrey.

"Yup! Maybe it's because of her always cold face. Akala ng iba may mangyayari sa kanilang masama sa oras na makabangga nila ang Agravante na yan. Well, kahit ako naman natatakot, eh," muli siyang humalakhak.

Tumango tango ako.

"Next one is..." umirap si Audrey. "Elizabeth Agravante. Ang nag iisang anak at walang kapatid," halos mapait niyang sinabi.

"Bakit?" tanong ko dahil sa tono niya.

"Well... she's the one I'm talking about that... a bit... you know... hindi maganda ang ugali."

Nilingon ko si Elizabeth Agravante. Elizabeth Agravante... Nagtiim bagang ako.

"She's beautiful and smart naman but not as elegant as the other Agravantes. She's masungit, mataray and suplada! Lahat ng bumabangga sa kanya, kahit hindi sinasadya, aawayin niya at umaabot pa sa pisikal na away! I don't know. She's a bit off for me. Kaya rin palagi silang nag aaway ni Louissa Agravante dahil sa ugali niya."

"Louissa Agravante?"

"Yes! Louissa doesn't like Elizabeth's attitude. Lalo na kapag hindi naman sinasadya ng nakabangga. They don't get along but she's the only one who can stop Elizabeth.  Kagaya nga ng sinabi ko, kinakatakutan iyang si Louissa, pati si Elizabeth takot sa kanya!"

Takot yang si... Elizabeth kay Louissa? Ngumisi ako.

"Ibang iba siya sa mga Agravante. Ewan ko ba. Feeling ko... feeling ko lang, ah!" umiling si Audrey. "Hindi siya Agravante."

Bahagya akong nagulat roon.

"Puro kumilos ang iba niyang pinsan pero siya..." umiling siya at hindi na tinuloy ang sinabi.

Nilingon ko ang banda ng mga Agravante. Mataray ang itsura noong tinutukoy ni Audrey. Palaging nakataas ang isang kilay at kapag may nalalapit sa kanilang table ay iniirapan niya ito. Bahagyang kumunot ang noo ko pero sa huli ngumisi. Ganyan pala ang ugali niya rito, huh? Alam ko naman na ang ugali niya base sa iba kong research pero ngayon ko palang napatunayan.

Sadly, I'm more bad than you.

Tahimik akong naghuhugas ng kamay sa banyo ng mga babae. Also, their bathroom is big, beautiful and clean. Halatang pang mayaman talaga.

Elizabeth Agravante came out of a cubicle and went straight to my side to wash her hands. Tahimik kong pinagpatuloy ang paghuhugas at ganon rin siya.

I calmly lifted my eyes in the mirror to see Elizabeth. Nagre-retouch siya sa kanyang mukha. Pinatay ko ang gripo at kumuha ng tissue para magpunas. Sinadya ko siyang sundan rito at hintayin para makaharap. Katatapos lang naming kumain ni Audrey at nauna na siya sa classroom.

After throwing the tissue in the trash I faced Elizabeth. I leaned my side slightly against the sink and crossed my arms. Elizabeth ignored me but I knew she saw what I was doing. Nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa niya.

"Masaya ba?" tanong ko.

Doon palang siya natigil sa kanyang ginagawa. Nilingon niya ako at kumunot ang kanyang noo. Ngumisi naman ako dahil alam kong kilala niya ako. Sinabi sa akin ni Mama na kahit maraming taon na ang lumipas, binabantayan pa rin ako ng walang hiya niyang ina. Kaya sigurado akong kilala niya rin ako.

Kunot noo niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Kita ko agad ang pangmamaliit sa kanyang mga mata.

"Masaya bang mamuhay sa buhay na nararapat sa iba?"

Doon na siya natigilan. Mabilis siyang nag angat ng tingin sa akin at kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ngayon alam kong kilala niya na ako.

"Masaya bang mamuhay sa buhay na hindi naman dapat sayo?"

Nakita ko ang panginginig ng kanyang kamay na hawak pa rin ang kung ano ano niyang pampaganda.

"Masaya bang mamuhay sa buhay ko? Huh?" dahan dahan akong lumapit sa kanya. Napa atras agad siya. "Elizabeth?" dahan dahan kong binigkas ang pangalan na dapat ay sa akin.

"W-What are you saying? Who the hell are you?!" sigaw niya.

Ngumisi ako at tumigil sa paglapit. "Don't play stupid anymore. Alam kong alam mo kung sino ako..."

She couldn't speak. Gulat na gulat pa rin siya at kitang kita ko ang pagdaan ng takot at kaba sa kanyang mga mata. Mas lalo akong naging masaya sa reaksyon niya. Dapat lang na matakot ka. Dahil ngayong nandito na ako, sisiguraduhin kong itatapon ka na sa kangkungan.

"No! B-Bakit ka nandito?!" sinulyapan niya ang mga cubicles.

"Oh, don't worry. Walang tao rito maliban sa ating dalawa. I locked the door..." mapaglaro kong sambit at ngumiti sa kanya.

"How dare you! Bakit ka pa bumalik rito?!" ngayon mukhang nakabawi na siya sa pagkakagulat.

"Well..." marahan kong hinawakan ang hibla ng kanyang buhok. "Para bawiin ang lahat?"

Marahas niyang inalis ang kamay kong humahawak sa kanyang buhok. Ngumisi ako at muling humalukipkip.

"Babawiin ang lahat? Wala kang mababawi rito! Sa akin na ang lahat ngayon! I've been recognized by them as Agravante since I was born so you can't take everything back from me!" sunod sunod niyang sigaw.

Tumawa ako. "Lower your voice, dear. Baka may makarinig sayo..." panunuya ko.

Natahimik siya pero galit na galit pa rin akong tinignan. Mabilis ang paghinga niya. Ngumiti ako.

"Sabihin mo sa nanay mo na nakabalik na ako. Sabihin mong alam ko na ang totoo. At sabihin mo na maghanda na siya dahil baka bigla nalang akong pumunta sa napaka laking mansyon ng mga Agravante..."

"How dare you! Walang maniniwala sayo!"

"Yes, baka nga walang maniwala sa akin. Pero makakakapag sinungaling ba ang mukha?" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Kahit isa, wala kang kamukha sa lahat ng Agravante..."

Natawa siya. "Do you think that they will believe you just because you look one of us? No! Ako pa rin ang kikilalanin nilang anak at pamilya dahil ako ang lumaki sa kanila! I was the one they raised so no one will believe you, you cheap whore! Bitch!"

Tumawa lang ako roon. Wala na akong pakialam sa lahat ng mga binabato niyang salita. Wala nang talab sa akin ang lahat ng yan dahil manhid na ako sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko simula nang nalaman ko ang buong katotohanan.

"Let's see, then..." humakbang ako palapit at mabilis siyang napa atras.

Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.

"Let's just see what the Agravantes will do to you when they find out the truth. Just watch me. Because I will never let you take possession of the things that should be mine. You don’t own any of the Agravantes. Whether it's family... or name."

Nagtiim bagang siya at hindi na nakapag salita. Tanging galit at naiiyak na tingin na lamang ang nabato niya sa akin. Nilagpasan ko siya. Umalis ako sa bathroom at iniwan siyang galit at takot.

Just be scared, fake Elizabeth. Dahil sa oras na paniwalaan ako ng lahat, hinding hindi na ako magtitira ng awa para sainyo ng nanay mo.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
34.9K 582 42
Liannah Kieth Ongpauco Madrigal is a bitch, spoiled-brat and a good-for-nothing daughter. She escaped from her family because of many reasons. First...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...