Committed to Love You [Part 1]

By theashtone

475K 17.7K 550

Keith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to... More

Prologue
Stubborn as a Pimple
Keith Ivan Kun
A Glimpse of the Past
A Big NO
Insecure
Childhood Memories
Weak
Promise? Promise.
Unexpressed
Broken and Defeated
I'll Be There
Show-off
Simbang Madaling-araw
Da Moves
Effort
"I'm trying!"
Muntikan Na
Love Square?
Prejudiced
Bittersweet
Smile
Medyo Awkward
#SelosKills
Truth or Consequence
Past and Present
palusot.com
Loner Or Nagpapaka-loner?
Sorry
Keith's Three Laws of Courtship
Ninja!!!
Double-Date
Takas
Seventeen
Painkiller
Puzzle
From the Beginning
Balak
Questions
Broken Once Again
Fallen
Systolic Heart Failure
Realization
Acceptance
Epilogue: Come Back to Me

Sampal

7.6K 304 24
By theashtone

Sampal

Keith's P.O.V.

It's almost nine in the evening. Nandito ako sa harap ng counter ng isang bar, umiinom nang mag-isa.

Gusto ko munang malayo ngayon sa bahay.. dahil lahat nang nakikita ko dun eh nagpapaalala lang sakin kung ga'no ako nagpakatanga.. kung ga'no ako umasa sa wala.

How I wish na sana panaginip lang tong lahat nang nangyayari sakin. Pero wala akong magagawa dahil totoo ang lahat nang ito, at hindi lang isang panaginip ang nangyari sakin, bangungot ang nararanasan ko ngayon.

So yun nga, halos dalawang oras na akong nakatunganga dito sa bar at umiinom. Of course light lang ang iniinom ko, pero dahil halos dalawang oras na akong nandito, medyo nagkakatama na rin ako.

"You're not going anywhere," naalala ko na naman yung sinabi sakin ni Grey.

Nagkuyom ako ng palad sa inis. How dare him to dictate me on what I shall do. Wala siyang karapatan na utusan ako.. siya na mismo ang nag-alis sa kanya ng karapatan niyang utusan ako..

Huminga ako ng malalim. Di pa rin ako makapaniwala na ginawa sakin yun ni Grey. Buti na lang pala at di ko siya sinagot agad, ano na lang magiging sitwasyon ko nun? Magmumukha akong katatawanan.

"Argh.. I hate you!" Sabi ko pa.

Then biglang may tumabi sakin. Nung una di ko siya pinansin, pero nararamdaman ko na nakatitig siya sakin kaya pinadaanan ko rin siya ng tingin.

Well, lalaki yung tumabi sakin.. After ko siyang madaanan ng tingin eh bumalik na ako sa pag-inom ko.

"Hello." Sabi ng isang boses sa tabi ko.

Paglingon ko eh nagulat ako, sakin pala nakaharap yung lalaki kanina. Kumunot yung noo ko.

"What do you want?" Irita kong sabi sa kanya.

Medyo na taken-aback siya sa sinabi ko, but still, he smiled at me.

"Napansin ko kasi na mag-isa ka lang.. May problema ka ba?" Tanong nito sakin.

"Sinabihan ba kita na makialam sa personal life ko?" Tanong ko na di sa kanya tumitingin.

"Well.. I'm sorry for invading your privacy.. Now, may I ask why are you here? May problema ka ba?" Tanong niya ulit sakin.

"I have problems yeah. So many problems, at wala kang maitutulong. I don't entertain strangers so back off!" Sabi ko at tinalikuran ko siya.

"Well I'm Kyle. Kyle Ramirez," pakilala niya sakin.

Tinitigan ko siya ng masama. "Wala akong pake."

"Hey, I'm just trying to help-"

"I don't need your help," sagot ko naman.

"Maybe you need someone you can talk to?" Tanong pa nito.

"I don't need anyone. Iniwan na ako ng lahat!" Sabi ko pa.

"Sorry- okay? Sorry- now, can I just know who you are?" Tanong nito sakin.

Tinitigan ko ulit siya ng ilang segundo.

"Keith Ivan Seki Kun. 17," sabi ko naman.

"Japanese?" Tanong nito.

"Half Japanese, Half Korean. Pure Filipino at heart," tipid ko namang sagot.

Ngumiti siya sa sinabi ko.

"I'm 17 also. Nice to meet you," sabi niya sabay abot ng kamay.

"Ibaba mo yang kamay mo. I still don't trust you," sabi ko naman.

"Uhm- Ivan-"

"Call me Keith," tipid kong sagot.

"Okay- Keith- hindi naman sa nangingi-alam ako sa personal life mo but I think na kung ano man yang problema mo, hindi naman ata alak ang solution diyan," sabi niya.

Tinitigan ko siya ng masama. "Then ano?"

"You can just tell me kung ano yung problem mo. Maybe- I can give you an advice or something-" sabi ni Kyle.

"Gusto mo malaman ang problema ko? Ganito yun: Yung PA ko, pinaasa ako na mahal niya ako, ako naman umasa naman ako at nagpakatanga. At minahal lang ako ng PA ko kasi inutusan siya ng parents ko. Ngayon, anong magaling na advice ang kaya mo ibigay?" Tanong ko sa kanya.

Alanganin na tumitig sakin si Kyle.

"Well- that's a bit- complicated," sabi niya.

Di ko siya pinansin. Bumaling na lang ako sa iniinom ko at di na nagsalita.

"Your PA is a girl right?" Tanong pa sakin ni Kyle.

"No. And don't you dare judge me. Basagin ko tong baso sa mukha mo," sabi ko.

"Hey. Di ako judgmental. You really scare and amuse me at the same time. I like you," sagot ni Kyle.

"Shut up," sabi ko naman.

Tumayo na ako para umalis. Pero pagtayo ko eh medyo na out of balance ako dahil medyo marami na akong nainom.

"Hey- Kaya mo ba?" Tanong ni Kyle sakin na hinawakan ako sa braso.

"Don't touch me-" sabi ko.

"I can bring you to your house if you want," sabi ni Kyle na nakasunod sakin.

"I have a car. And kaya ko magmaneho. At wala pa akong balak na umuwi," sabi ko naman.

"You're drunk Keith. Let me drive for you, dadalhin kita kung san mo gusto. But please don't drive. Mapapahamak ka lang," sabi ni Kyle.

I stared at him for a few seconds. Kinuha ko yung susi ko sa bulsa ko at inabot ko yun sa kanya.

"Wag mo 'kong ibabangga. Mahal pa sayo ang kotse ko. Don't you dare steal my car. Ilalabas kitang bangkay. At ngayon pa lang, kung may gagawin kang masama itigil mo na kung mahal mo yang buhay mo," sabi ko.

Tumawa lang si Kyle. "Oo na! Mukha ba akong masamang tao?" Tanong niya.

"Wala akong sinabi na masama kang tao. Hindi lang ako tiwala sayo," sabi ko naman sabay pasok sa kotse.

"San po tayo Boss?" Tanong ni Kyle.

"Sa lugar kung san walang problema," sagot ko.

Ngumiti lang si Kyle. "Okay Sir."

Napatitig ako kay Kyle. I don't usually trust a person nang basta basta.. Pero dahil sa makulit din tong gago na to eh hinayaan ko na. Mukha namang mabait pero mukhang may kapilyuhan din.

"Who are you?" Tanong ko sa kanya.

Tumitig siya sakin. "I'm Kyle-"

"Wag kang bugok. Sagutin mo ko nang maayos-" sabi ko.

Ngumiti lang si Kyle.

"Well, I'm Kyle Christiansen Ramirez. Fil-Canadian. 17. Kaka-graduate lang last March. And I'm the only son of Mr. and Mrs. Ramirez, they own a corporation. But I don't brag of my status," sabi ni Kyle.

Napansin ko nga rin na naka-simpleng shirt, pants, at rubber shoes lang si Kyle. Hindi masyadong halatang mayaman. Mukha ring walang dalang kotse kasi basta-basta na lang na sumama sakin.

"What are you doing there?" Tanong ko sa kanya.

"San? Sa bar? I just escaped my bodyguards at dun ako dinala ng mga paa ko. Di kasi sila mag-aakala na suuot ako dun," sabi ni Kyle.

"Bumalik ka na kaya? Baka mapagkamalan pa akong kidnapper," sabi ko.

Tumawa lang si Kyle. "Nah. Ayoko umuwi. Boring sa bahay. At katulad mo, gusto ko ring pumunta sa lugar kung san walang problema."

Huminga ako ng malalim bago ako tumitig sa labas ng bintana ng kotse ko.

"And.. nandito na tayo," sabi ni Kyle at tumigil na yung kotse.

"Where are we?" Tanong ko.

"Sa lugar kung san walang problema," sabi ni Kyle sabay lakad. Sumunod naman ako sa kanya.

"Is this a playground?" Tanong ko.

"Yeah." Sagot naman ni Kyle.

Naupo ako sa isang bench na nandun. Tumabi naman sakin si Kyle.

I just sat there. Nakatitig sa kawalan. Pero nararamdaman ko na nakatitig sakin si Kyle.

"I'm good-looking, yes I know that. So stop staring at me-"

"I like you Keith," sabi ni Kyle.

"Yeah. You already said that earlier," sabi ko naman.

"No. What I mean is I like you.. Uhm, the other way.." sabi ni Kyle na namumula.

"The other way?" Tanong ko. Pero maya-maya pa ay na-realize ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Stop that. Kakakilala pa lang natin," sabi ko naman.

"Yeah I know. But you're interesting. What I mean is uhm, maybe I'm infatuated sayo," sabi ni Kyle.

"Thanks," sabi ko naman.

"I know you love your PA-"

"I don't love my PA," sabi ko naman.

"Okay. You don't love your PA. But can we- uhm- be friends?" Alanganing tanong ni Kyle.

I stared at him. Halata naman yung sincerity niya sa mukha. Di ko lang talaga gusto yung idea na sinabi niyang gusto niya ako.

"Okay. Friends," sabi ko naman at nakipag-kamay ako sa kanya.

"Keith!" Isang boses ang sumigaw mula sa likod ko.

Tumayo ako at paglingon ko eh nakita ko si Grey na nakatitig sakin na galit na galit. Lumapit siya sakin..

"What are you-"

Pero di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinuntok na niya ako at bumagsak ako sa lupa.

"Hey! Wag mo namang saktan yun tao-" boses ni Kyle.

"Stay out of here!" Sabi ni Grey.

Tumayo naman ako. Tinitigan ko siya ng masama.

"We will go home now," sabi ni Grey sabay hawak sa kamay ko.

"I won't go with you!" Sabi ko naman at binawi ko yung kamay ko.

"You will go with me," matigas niyang sabi. "At ikaw, kung sino ka man, umuwi ka na sa inyo," baling ni Grey kay Kyle.

"Who are you to tell me to go home? Ah ikaw siguro yung PA niya. Di na ako magtataka kung bakit di siya nakatiis sayo," sabi ni Kyle.

"Uuwi na kami ni Keith. Kung ayaw mong umuwi sa inyo then fine," sabi ni Grey sabay hatak sakin.

"Bitiwan mo ko!" Sabi ko.

"Ano? Ayaw mong umuwi kasi gusto mo makipag-landian diyan sa kasama mo? How cheap are you? Sinundan kita mula pa dun sa bar!" Sabi ni Grey.

Nanghina yung tuhod ko sa sinabi niya. I opened my mouth to gasp for air. Tila nagsikip yung dibdib ko. Namalayan ko na lang na tumulo na yung luha ko.

"Umuwi ka na Kyle. Thanks sa oras mo," sabi ko na nagpupunas ng luha.

"BUT-"

"Umuwi ka na. Please.. Ayoko ng gulo," sabi ko naman.

Inabot niya sakin yung susi ng kotse ko. May inabot siya sakin.

"Calling card. Just in case na di mo kayanin ang ugali ng PA mo," sabi niya bago siya naglakad palayo.

"Sasama ka na? Kung makikipag-landian ka pwede wag sa mga ganitong lugar?" Iritang sabi ni Grey.

"Wala kaming ginagawang masama!"

"Galing sa bar. Magkahawak ang kamay. Tanga lang ang di makakaisip ng malisya sa ginagawa niyo!" Sabi ni Grey.

"Sinamahan niya lang ako dahil lasing ako! Nag-drive siya ng kotse ko dahil lasing ako! At nakikipag-kamay ako sa kanya dahil gusto niyang makipag-kaibigan! Lakihan mo din kasing yang mata mo!" Sabi ko na umiiyak na.

Naglakad na ako papunta sa kotse ko. "I'll drive." Habol sakin ni Grey.

"Ga'nun na ba kababa ang tingin mo sakin Grey? Akala mo basta-basta na lang ako papatol sa kung kanino? Dahil ba napaasa mo ako ganun ka na kababa mag- isip sakin?" Sabi ko at pinahid ko yung dugo na galing sa maliit na putok sa labi ko.

"Ang sakit mo magsalita Grey," sabi ko sa basag na boses. Pinipigil ko yung luha ko pero di ko magawa. Masakit pala yung basta basta ka na lang na huhusgahan ng mga tao.

"I'm- I'm sorry Keith- I didn't mean to- to say that-" sabi ni Grey. Hahawakan niya sana ako pero iniwas ko yung kamay ko.

"Di ako ganun Grey! Sa tingin mo ba pati dangal ko basta basta ko na lang isusugal? Yun na lang pinanghahawakan ko Grey. Kahit walang nagmamahal sakin, basta alam ko sa sarili ko na may dangal at dignidad pa naman akong pinanghahawakan, nagkakaroon pa naman ako ng rason para ipagpatuloy tong buhay na to!" Sabi ko.

"Sorry. Di ko sinasadya," sabi ni Grey.

"Lahat naman di mo sinasadya! Di mo sinasadya na saktan ako! Di mo sinasadya na paasahin ako! Di mo sinasadya na husgahan ako!" Sabi ko.

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo Keith. You just met that guy and di mo alam kung ano ang motibo niya sayo," sagot ni Grey.

"Oh of course! May pakialam ka na pala sakin! Kelan mo pa naisip yung kapakanan ko? Inisip mo ba yung mararamdaman ko kung sakaling malaman ko yung totoo? Inisip mo ba na masasaktan ako nung iniwan mo ko? No. Dahil lahat kayo, sinaktan niyo lang ako!" Sabi ko.

Naghabol na ako ng hininga. Hindi ko na talaga natiis. At this very moment, gusto ko magalit kay Grey.. gusto ko ipamukha sa kanya kung ga'no niya ako sinaktan..

"Maybe nagtataka ka kung bakit hindi ko sayo binuhos yung galit ko nung bumalik ka dito sa Pilipinas! Alam kung bakit? BECAUSE-WORDS-ARE-NOT-ENOUGH-TO-EXPRESS-MY-HATRED-TO-YOU!" Sigaw ko sa nanginginig na boses.

"Walang araw na hindi ko hiniling na sana bumalik ka! Walang araw na dumaan na hindi ko namimi-miss yung boses mo! Pero umasa ako, as usual, sa wala! Dahil paulit-ulit mo lang naman akong sinasaktan! Yung puso kong basag na, dinurog mo pa!" Sabi ko.

"I know it's all my fault kung bakit ka nagkaganyan! Alam ko di ako dapat umalis! Pero pwede kalimutan na natin yun? Hindi ka makaka-move on kung parati kang trapped sa past mo!" Sagot ni Grey.

"Never! Dahil hindi ko makakalimutan ang araw na nagpakatanga ako! Hindi ko makakalimutan ang araw na pinaasa mo ako! Hindi ki makakalimutan ang araw na nagmahal ako pero nasaktan lang ako!" Sabi ko.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga. Iyak na rin ako ng iyak. Nanginginig na ang buo kong katawan sa galit na nararamdaman ko.

"Forgive me. Kung nasaktan man kita, forgive me! I'm sorry!" Sabi ni Grey.

Pero wala akong ibang gusto kundi ang mapadama kay Grey yung sakit na naramdaman ko. Gusto ko rin siyang mahirapan.

Kaya naman bumwelo ako at sinuntok ko siya. "How dare you break my heart!" Sabi ko at sinuntok ko ulit siya.

Grey didn't react. Tinanggap lang niya lahat ng suntok ko. He just stood there, accepting every blow from me.

"Wala naman akong kasalanan sayo! Wala akong kasalanan sa inyong lahat! Pero bakit niyo sakin to ginawa?! Bakit kailangan niyo akong saktan?!" Paos ko nang sigaw.

Umatras ako palayo kay Grey.. "Ayoko na Grey.. Pagod na ko makipaglaro.. Gusto ko nang matapos to.. Pagod na pagod na ako.. Ayoko na.."

Tumalikod ako at kasabay nun ay ang pagdidilim ng paningin ko.. Napahawak na lang ako sa dibdib ko pero bigla akong nawalan ng lakas..

"Gusto ko nang magpahinga.."

Kasabay nun ay nanghina na ang tuhod ko at bumagsak na ako sa damuhan..

I just want everything to end.

Continue Reading

You'll Also Like

116K 5.8K 56
Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a successful lawyer so he didn't think twi...
878K 39.9K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
11.7K 610 35
"You starting to get me confuse." ********* "You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person." COEN. He's Captivating yet...