Angel's Prayer

Par Abanteeee

160 2 1

Born from a religious family, Angel's definition of love is far different from a typical girl. She dreams to... Plus

DISCLAIMER
1: The Holy Mass
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 2
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 3
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 5
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 6
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 7
ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
UPDATE

ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 4

15 0 0
Par Abanteeee


NAGTATAKANG nakatingin ngayon si Gabriel sa akin. Nakatayo pa rin siya sa pintuan habang hawak -hawak ang unan niya. Iretable pa rin ang mga mukha niya ngayon at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Ano!" seryoso at madiing sabi niya. Napatayo naman ako ng tuwid mula sa pagkakayuko. Hindi ko alam kung hihingi ba ako sa kaniya ng pasensya o kung pabayaan ko nalang siya at hintayin  siyang umalis ng kusa?

"K-kailan ka pa d-dumating dito?" nauutal kong tanong. Hindi naman ako natatakot sa kaniya, medyo kinakabahan lang. Madalas din kasing pasigaw ang pagsasalita niya. Nagtataka rin ako kung bakit dito siya natulog. Akala ko kasi ay hindi pa siya dumating.

Nakatitig pa rin siya sakin na parang naiinis siya sa buong pagkatao ko. Nilibot niya ang paningin niya sa paligid ng kwarto ko at nahinto lang ito nang makita niya ang laman ng cabinet na hindi ko maisara ngayon dahil sa kapunuan. Kunot nuo din niyang tinignan ang kama ko.

"Diyan! Diyan mo ilagay ang ibang damit mo at kung pwede ay iwasan mong mag-ingay!" naiinis na sabi niya sabay turo sa ilalim ng kama ko. Napakunot din ang nuo ko sa sinabi niya. Una sa lahat, siya itong sumisigaw pero ako 'tong sinasabihan niya na huwag mag-ingay, pangalawa, bakit ko naman ilalagay ang damit ko sa ilalim ng kama?

"Pasensya na hindi ko kasi napansin yu---"

"I don't care! Basta tumahimik ka lang at patulugin mo 'ko!" pabulyaw pa din na sabi niya at saka walang pag-aalinlangang lumabas sa kwarto ko.

Pambihira, sadyang pambihira ang lalaking 'yun. Sobrang malala 'yung problema niya sa mundo. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko o patapusin 'yung sinasabi ko.

Muli akong umupo sa sahig para linisin ang mga bubog at mga malalaking piraso ng nabasag na vase. Dahan dahan ko itong dinadampot para hindi ako masugatan, nang kunin ko na ang huling basag na piraso ng vase ay napansin ko ang isang parang kahon sa ilalim ng kama ko. 

Mabilis akong tumayo at saka tinapon ang mga bubog sa basurahan at muling bumalik sa kwarto. Muli din akong umupo sa sahig at inilabas ang kahon sa ilalim ng kama ko. Nang mailabas ko na ito ay nanlaki ang mata ko. 

Hindi ito basta ordinaryong kahon, isa itong baul na lalagyan ng mga gamit. Nakakita na ako ng ganito sa mga historical films pero mas maganda pala tignan sa personal ang baul lalo na kung may kalumaan na ito. Para kang nakakita ng isang treasure sa tabi ng dagat.

Hinipan ko ang takip ng baul dahilan para magsiliparan ang kaunting mga alikabok. Napatango ako sa sarili nang mapagtanto ko na ito pala 'yung tinutukoy ni Gabriel 'nong tinuro niya ang ilalim ng kama ko. May point din naman kasi siya, pwede ko ilagay ang ilang damit ko. Wala ding laman ang baul at malinis naman ang loob nito.

Napaisip din ako kung bakit hindi ako sinabihan ni Fr. Suarez kanina na may baul sa ilalim ng kama ko, siguro ay nakalimutan niya lang.

Ilang saglit pa ay sinimulan ko ulit ayusin ang mga damit ko. Nilagay ko sa maliit na cabinet ang mga pang-araw araw na susuotin ko at inilagay ko naman sa baul ang mga damit ko na sinusuot ko lang tuwing may espesyal na lakad ako. Mas maganda sana kung kayamanan ang ilagay ko sa loob ng baul kaya lang wala akong ganon.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng damit ay sandali pa akong nahiga sa kama. Maliit nga lang ito at pang-isang tao lang pero malambot naman ito at masarap higaan.

Naisip ko bigla si Gabriel. Siguro ay nasa kaniyang kwarto siya ngayon at natutulog. Siguradong mas malambot at mas malaki pa ang kama niya sa bahay nila. Naisip ko din ang ugali niya. Sigurado akong hindi ganon lumaki si Gabriel. Sabi ng mga magulang niya, nagbago ang anak nila noong nawala yung kuya ni Gabriel. Simula 'non ay nagbulakbol na siya at naging mailap. Hindi na din siya nagsisimba at madalas binabalewala ang turo ng simbahan. 

Nalungkot ako bigla. Batid ko na may mahirap na pinagdadaanan si Gabriel ngayon kaya niya nagagawa ang mga bagay na masasama. Kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para muling manumbalik ang pagmamahal sa puso niya at muli niyang makita at maramdaman na mahal siya ng Diyos.

Kailangan naming ipakita sa kaniya na hindi natutulog ang Diyos. Kailangan niyang maging matatag at labanan ang tukso at panlilinlang ng demonyo nang sa ganon ay makita niya ang liwanag at kaligtasan sa huli.

Mahirap labanan ang temptasyon lalo pa kung nakakonekta ito sa mga pagnanasa ng tao. Mahirap panatilihin ang pananampalataya sa mundong puno ng tukso at paghihirap. Mahirap isabuhay ang dakilang utos ng Panginoon kung pinapaligiran ka ng kasamaan at pagsubok.

Ngunit mas mahirap at mas masakit ang magiging kaparusahan para sa mga taong piniling pairalin ang kanilang kapusukan at manirahan sa kasamaan kapalit ang panandaliang kaligayahan at kasaganahan.

Mas mainam pang maghirap tayo sa pagiging tapat sa Diyos kaysa sa maging sagana sa ngayon ngunit mapaparusahan sa huli.

Ilang minuto ang nagdaan ay nakaramdam ako ng antok. Tinignan ko ang suot kong relo, mag-aalas sais pa lang ng umaga at wala namn akong ibang magagawa ngayon. Humikab ako saka umayos sa pagkakahiga dahil napagpasiyahan kong matulog nalang muna para makapagpahinga.

ALAS 12 na ng tanghali at naglalakad ako ngayon sa daan papuntang simbahan. Inutusan kasi ako ni Fr. Suarez kanina na bumili ng ilang gamit para sa simbahan. Mainit ang sikat ng araw ngayon at mahapdi ito sa balat kaya binibilisan ko ang paglalakad ko. Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng payong.

"Pauwi ka na?"  natigil ako sa paglalakad nang marinig ko si Aljur na nagsalita. Naka blue t-shirt ito at naka short, may dala din itong payong at sinasabayan ako ngayon sa paglalakad.

"Huh? Ah oo, pauwi na 'ko sa simbahan. 'San ka pala galing?" tugon ko. Napakunot naman ang nuo nito. kinuha niya rin ang isang supot na dala ko, magaan lang naman iyon pero kinuha niya pa rin sa'kin.

"Sa simbahan ka uuwi? Bakit?" nagtatakang wika nito imbes na sagutin ang tanong ko.  Napatango ako, hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya. Dumikit ako nang bahagya kay Aljur para mapayongan din ako. Napangiti naman siya sa ginawa ko pero pinandilatan ko siya ng mata dahilan para mapatigil siya.

"Di ko pa pala nasasabi sa'yo na simula ngayon ay sa simbahan na ako tutuloy. May kailangan kasi akong tulungan" sabi ko na nagpakunot ng nuo niya.

"Sino? Kailangan ba ni Fr. Suarez ng tulong sa simbahan? May mga choir naman na pumupunta sa simbahan para magpraktis pero hindi naman siya nagsasabi" takang saad nito. 

"Ibang klaseng tulong ang kailangan kong gawin 'don at hindi naman si Fr. Suarez 'yung tutulungan ko" tugon ko. Hindi naman talaga si Father ang may kailangan ng tulong, isa pa nga siya sa mga tutulong eh.

"Kung hindi siya, sino?" tanong muli ni Aljur. Kahit kailan talaga napaka chismoso ng lalaking 'to.

"Si Gabriel." maikling sagot ko sabay tingin sa kaniya. Naningkit naman ang tingin niya sa akin na parang nagseselos, magtatanong pa sana siya nang bigla akong nagsalita " Sabihin nalang natin na isa siyang tao na nangangailangan ng gabay at tulong." saad ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay dahilan para mawala ang pagseselos niya at mapalitan ng nagtatakang tingin.

"Huh? Kailan ka pa naging tour guide sa simbahan?" usal nito. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Hindi talaga niya mahilig sa mga matalinhagang salita. 

"Anong tour guide? Ang ibig kong sabihin, kailangan ni Gabriel ng tulong namin ni Fr. Suarez. Kailangan niya ng gabay para makita niya ulit ang liwanag" sagot ko pa sabay kamot sa ulo dahil sa inis. Muli na naman siyang nagtaka. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?

"Liwanag? Bulag ba ang  tutulungan mo? Kaya ba kailangan mong tumira sa simbahan para tulungan siya sa paggalaw?" tanong ulit nito. Ewan ko lang kung nagbibiro ba siyang hindi niya naiintindihan ang point ko o sadyang hindi niya lang talaga gets.

"Hindi naniniwala sa Diyos si Gabriel at lagi siyang masungit at nagsasalita ng masasamang bagay. Humingi ng tulong ang mga magulang niya para baguhin ang maling pananaw ni Gabriel at para maibalik ang pananampalataya niya sa Diyos" diretsong sabi ko kay Aljur na ngayon ay mukhang naiintindihan na ang gusto kong sabihin.

"Ah gets ko na. Tutulungan mo siya na makakita muli ng pag-asa at  mabalik ang pananampalataya niya sa Panginoon" naiintindihang wika niya. Para siyang kinder na natuto magbilang, cute pero nakakagigil. Napatango naman ako na parang pre-school teacher.

"Pero hindi ba dapat siya mismo ang makakita ng liwanag at hindi dapat ang iba ang magturo sa kaniya non?" tanong ni Aljur. Napatigil naman ako sa sinabi niya. Totoo naman, dapat nga na si Gabriel mismo ang makatuklas ng pag-asa. Siya dapat mismo ang magbabalik sa pananampalataya niya sa Diyos. Siya dapat ang gagawa ng paraan para makakita muli ng liwanag. 

Ngunit paano mangyayari iyon kung siya rin mismo ay sumuko na sa kadiliman? Hindi ba't kailangan niya din ng tulong namin?

"Hindi ba't kailangan na sa kaniyang sarili mismo magsimula ang pagnanais niyang maging mabuti? Kung hindi niya mismo gugustuhing lumapit sa Diyos, ano pang magagawa ng ibang tao sa kaniya? Hindi ba dapat na magmula sa sarili ang pagbabago? Paano makakapasok sa isip niya ang aral ng Panginoon kung siya mismo ay nagbibingi-bingihan? Paano niya makikita ang kabutihan ng Diyos kung pilit siyang nagbubulag-bulagan?" mahabang tanong ni Aljur. Napaisip ako sa sinabi niya. Tama nga siya, kailangan magmula sa sarili mismo ang kagustuhan sa pagbabago. Ngunit may mali rin sa sinabi niya.

"Tama ka na dapat sa sarili mismo magmula ang kagustuhan ng tao na magbago pero mali ka sa pag-aakalang hindi na makakamit ng tao ang kabutihan ng Diyos dahil lang sa siya ay nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan." panimula ko

"Makapangyarihan ang Maykapal at gayundin ang kaniyang mga salita. Minsan, hindi nakikita ng tao ang pagmamahal ng Diyos, minsan hindi nila naririnig ang salita ng Maykapal pero nararamdaman nila ito. Hindi sa mata o sa tenga nararamdaman ang pagmamahal, nasa puso ito. Kahit sinong bulag ay kayang makita ang pagmamahal ng Diyos. Kahit sinong bingi ay kayang makarinig ng mga salitang nagdudulot ng kapayapaan at liwanag." dagdag ko pa. Tungkulin ng mga tao na iparamdam sa isa't isa ang pagmamahal, kaya nga namin tutulungan si Gabriel. Hindi naman kumibo si Aljur. Ewan ko kung naiintindihan niya ang gusto kong iparating.

Sa kaso ni Gabriel, isa siyang bulag at bingi. Nabulag siya sa sakit dulot ng pagsubok at nabingi siya sa maingay na daing ng mga taong naghirap sa mundo. Ang tanging paraan na magagawa ko ay ang iparamdam sa kaniya ang pagmamahal na nararapat niyang maramdaman. Pagmamahal na nagmumula sa Panginoon.

Ilang minuto pa kaming naglakad ni Aljur habang nagku-kwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay. Nasabi niya rin na papunta siya sa simbahan ngayon, may praktis kasi sila ng choir.

Natigil ang pag-kukwentuhan namin ni Aljur nang marating na namin ang simbahan ng San Sebastian. May iilang kasapi ng choir narin ang nadito. Mabilis na nagpaalam sa akin si Aljur para puntahan ang mga kasamahan niya, tumango naman ako sa kaniya at dumeritso na ako sa likod ng simbahan para hanapin si Fr. Suarez at ibigay ang mga inutos niya sa'kin.

Nang makarating na ako sa likod ng simbahan ay kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto ni father pero walang sumagot. Nang mapagtanto ko na wala si Fr. Suarez sa kwarto niya ay dumiretso nalang ako sa silid ko para magpalit ng damit. Basang basa na kasi ang suot ko ngayon dhil sa pawis.

Nang matapos akong makapagbihis ay muli akong lumabas ng kwarto at pumunta sa loob ng simbahan kung saan kasalukuyang nag-eensayo ang mga choir. Maganda pakinggan ang mga ito habang nagpapractise sila. Maliban nalang kay  Aljur na nakangising umaawit at nakatingin ngayon sa posisyon ko, nagpapa-cute ito. Gusto ko siyang paalalahanan na seryosohin niya ang pag-awit sa mga kantang para sa Diyos. Kung makangisi kasi siya ay parang nasa isang audition siya ng isang  talent show at isa ako sa mga hurado.

Inalis ko na lang ang tingin ko sa mga choir dahil nasisira lang ni Aljur ang magandang awit. Sakto namang nagtama ang tingin namin ni Fr. Suarez na naglalakad ngayon papunta sa akin. Kalmado ang awra nito na parang laging maganda ang gising. Kabaliktaran naman niya ang lalaking nasa likod at nakasunod sa kaniya. Mabigat at seryoso ang awra ni Gabriel. Nakatutok siya sa cellphone niya habang sinusundan si father sa paglalakad. Napapikit naman ako. 

Tuwing nakikita ko ang cellphone na hawak ni Gabriel ay bigla kong naaalala ang nakita ko sa likod ng puno. Minsan ay naitatanong ko rin sa sarili ko kung ilang ulit na siyang nanuod ng malaswang video 'pagkatapos nong araw na 'yun. Napailing ako sa naisip ko.

"Angel, nakarating ka na pala. Kumain ka na ba?" bati ni Father na nakangiti. Wala namang sinabi si Gabriel na nasa likuran pa rin ng pari. Ni hindi ito tumingin sa akin.

"Hindi pa po father, kakarating ko lang kasi, nasa kwarto ko po 'yung mga inutos niyo, kukunin ko lang saglit" sagot ko at akmang aalis na sana pero pinigilan ako ni Fr. Suarez

"Mamaya mo nalang ibigay iyon, Sa ngayon, sabay na tayong tatlong pumunta sa silid ko para sabay na rin tayong magtanghalian " saad ni Father na siyang tinanguan ko lang. dapat masanay na rin ako na parating kasabay sa pagkain silang dalawa. 

Tahimik ngunit seryoso pa ring nakatayo si Gabriel. Gusto ko sana siyang kausapin para magsalita rin siya pero naalala ko 'yung nangyari kaninang madaling araw. Naisip ko na mas mainam na palang tahimik siya kesa sa nagsasalita siya pero pasigaw naman. Isa pa, wala rin naman akong sasabihin.

"Sige ho" tugon ko kay father na ngayon ay naglalakad na papunta sa likod ng simbahan. Sumunod ako sa kaniya at ganun din si Gabriel na ngayon ay katabi kong naglalakad. Panay lang ang titig niya sa hawak na cellphone.

Bahagya kong sinilip ang cellphone niya at napa-thankyou lord- ako sa isip ko nang makita kong nanunuod lang siya ng documentary sa youtube. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Fr. Suarez kapag nakita niyang nanunuod ng porn ni Gabriel sa loob mismo ng simbahan. Sigurado akong mawiwindang siya kapag nangyari 'yun at magiging mailang ang sitwasyon.

Nang makarating na kami sa kwarto ni Fr. Suarez ay kinuha niya ang susi sa bulsa ng slack niya at binuksan ang kaniyang silid. Ilang beses na akong nakapasok sa kwarto ni Father. Dito rin kasi madalas ipinalalagay ni Father Suarez ang mga gamit na kailangang ligpitin tuwing matatapos na ang simbang gabi. 

Malaki ang kwarto ni Father Suarez kumpara sa kwarto kung saan ako tumutuloy. Malinis, mabango at maayos din ito. May sarili itong banyo sa loob di tulad sa kwarto ko dito sa simbahan na walang sariling palikuran. Sa bandang gitna ng silid niya ay may malaking pader na pumapagitna. Sa kanang parte kasi nakakonekta ang kama kung saan natutulog si Father samantalang sa kaliwang parte naman ng silid ang nagsisilbing opisina niya kung  saan siya nagbabasa ng Bibliya at nag-aasikaso sa mga bagay na may kinalaman sa simbahan. May bookshelves din siya at mesa na ngayon ay may nakahain na mga ulam. May tatlong plato sa lamesa, isang bowl ng kare-kare, sinabawang isda at bowl ng kanin.

Lumapit si Father sa lamesa at binuksan ang bintanang nasa tabi lang nito. Makikita sa labas ng bintana ang maliit na garden ng San Sebastian Church. Umupo si Father Suarez sa upuan na sinundan din ni Gabriel. Lumapit na rin ako sa lamesa at umupo. Bahagyang itinaas ni father ang kamay niya gaya ng ginagawa niya tuwing sasambitin ang Ama Namin. Itinaas ko rin bahagya ang kamay ko para sabayan si Father sa pagdadasal.

Sandali kaming napatingin ni Fr. Suarez kay Gabriel ngayon na abala pa rin sa cellphone niya. Tumikhim ng mahina si father para kunin ang atensyon ni Gabriel pero nanatili pa rin itong abala sa hawak na cellphone. Sinubukan ko ding umubo para makuha ang atensyon niya pero wala pa ring epekto. Nagmumukha lang tuloy akong may hika. 

Ilang sandali pa ay napatingin nalang si Father Suarez sa akin na para bang gusto niyang tawagin ko si Gabriel. Gutom na rin ako kaya hindi na ako nag-alinlangan pang tawagin ito. Ayokong malipasan ng gutom dahil lang sa lalaking 'to.

"Gabriel. Kakain na" mahinang sabi ko sa kaniya. Kunot nuo naman siyang napatingin sa'kin. Bakit ba ang hilig niyang magkunot ng nuo, di ba siya natatakot magka wrinkle?

Saglit ko pang itinuro ang pagkain sa harap niya para iparating na kakain na kami kaya dapat niya ng ibaba ang cellphone niya para magdasal. Binaba nga niya ang cellphone niya pero nanlaki ang mata namin ni Fr. Suarez sa sunod na ginawa niya.

Pagkatapos niya kasing ibinaba ang hawak na cellphone ay walang sabi nitong dinampot ang kutsara at kumuha ng ulam. Sumubo din siya at kumain habang nanatiling nakataas ang kamay namin ni Father. 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maloloka. Ang ibig kong iparating sa kaniya kanina ay kakain na kami kaya ibaba na niya ang cellphone niya para makapagdadasal na. Hindi ko naman sinabing kumain na agad siya.

Natigil naman siya sa pagsubo nang hindi kami gumalaw ni Fr. Suarez. Bakas sa mukha niya na nagtataka siya kung bakit hindi kami kumakain. Tumingin pa ito sa akin at saka itinaas ang kilay niya.

"Why? Ako lang ba ang kakain?" saad nito na di ko malaman kung may halo bang pagka-sarkastiko o kung ano. Napatingin naman ako kay Fr. Suarez para tignan ang reaksyon niya pero imbes na magalit ito ay nakangiti pa siyang nakatingin kay Gabriel. Ang weird!

"Hijo, maaari bang magdasal muna tayo?" mahinahong tanong ni Fr. Suarez. 

Binaba naman ni Gabriel ang hawak na kutsara at tsaka nilunok ang nginunguyang pagkain. Kung gawin ko siguro sa bahay namin ang ginawa ni Gabriel, sigurado akong bibigwasan ako nina mama at papa. Relihiyoso naman ang mga magulang niya kaya nakakapagtaka na hindi siya sanay magdasal bago kumain.

Halatang napipilitan namang itinaaas ng bahagya ni Gabriel ang kamay niya at saka pumikit. Napapikit na rin ako at yumuko. Pinangunahan ni Fr. Suarez ang panalangin para sa pasasalamat sa pagkaing nakahain ngayon sa amin. Sa tingin ko ay ipinagdadasal na rin ngayon ni Father ang kalagayang esperitwal ni Gabriel.

Nang matapos ang panalangin ay muling nagpatuloy sa pagkain si Gabriel. Napuno ng kare-kare ang pinggan niya at halatang nasasarapan ito sa putahe. Iniangat ko din ang kutsara ko at saka naglagay ng kare kare sa pinggan ko, tinikman ko ito at napatango ako sa sarap. Hindi ako masyadong mahilig sa kare-kare pero masasabi kong masarap ang pagkakaluto nito.

Kumuha pa ako ng kare-kare at inilagay ito sa plato ko. Tuwing nginunguya ko ang ulam ay hindi ko maiwasang mapangiti sa sarap. Panay din ang subo ko dito at hindi na pinansin ang sinabawang isda na nakahain din sa mesa.

"Saan niyo po nabili ang kare-kare na 'to father?" tanong ko kay Fr. Suarez na nagsisimula na ring kumain. Tumingin naman ito sa akin at sa kare-kare.

"Hindi ko binili ang kare-kare na 'to Angel. Niluto mismo 'yan dito sa simbahan" sagot ni Father na medyo ikinagulat ko. Akala ko ay ipinabili lang ito ni Fr. Suarez sa karenderya.

"Ganon po ba? Ikaw po ba mismo ang nagluto? Hindi ko alam na marunong din po kayong magluto. Sobrang sarap po ng kare-kareng 'to. Talagang makakaramdam ng saya ang taong kakain ng ulam na'to. At saka mararamdaman mo talaga ang pagmamahal ng nagluto dahil sa lasa ng kare-kare. Kung mag-aasawa ako father gusto ko kasing galing mo magluto para busog ako sa pagkain at sa pagmamahal" papuri ko pa pero napangiti lang si Fr. Suarez. Okay lang naman na purihin ko siya ng ganon, pari naman siya kaya walang malisya.

"Naku Angel, hindi ako ang nagluto niyan. Gustuhin ko man magluto ng ganiyan ka sarap eh hindi ko naman kaya" saad niya. Kumuot naman ang nuo ko. Sinong nagluto nito eh wala naman si Aling Linda ngayon sa simbahan. Si Aling Linda lang kasi ang tagaluto o kusinera sa simbahan pero wala ito ngayon dahil may inaasikaso sa kabilang bayan.

"Sino po ba nagluto nito?" tanong ko. 

"Si Gabriel"  diretsong sagot ni Fr. Suarez.  Napalingon naman ako kay Gabriel na katabi ko lang. Saglit pang nagtama ang mata namin bago siya umiwas ng tingin. Marunong pala siyang magluto?

Masarap naman talaga ang kare-kare na niluto niya pero sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang. Akala ko si Fr. Suarez ang nagluto kaya ko nasabi 'yung huling winika ko.

Nakayuko ngayon si Gabriel. Hindi ko tuloy makita yung expresyon niya. Napatigil ako sa pagsasalita at nagpatuloy nalang sa pagkain. Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko pero parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin at napuno kami ngayon ng katahimikan.

Panay subo lang din si Fr. Suarez at tahimik lang ito samantalang malapit ng matapos sa pagkain si Gabriel. Kaunti na lang din ang kanin at ulam na meron ako. 

Ilang saglit pa ay tumayo na si Fr. Suarez sa pagkakaupo. Tapos na siya sa pagkain samantalang naiwan naman kami ni Gabriel. Matatapos na din siya kaya binilisan ko na ang pagsubo ko ng pagkain para hindi ako mahuli. Alam kong hindi dapat ako nakikipag-unahan kay Gabriel ngayon pero masyadong awkward kung ako nalang ang matira.

"Ako na po ang magliligit at paghuhugas ng mga pinggan" magalang na sabi ko kay Fr. Suarez na nakatayo ngayon at nakatingin sa labas ng bintana. Napatingin ito sakin at saglit na nag-isip.

"Mas mabuti siguro kung kayong dalawa ni Gabriel ang maghugas ng mga pinagkainan para madali niyong matapos ang gawain. Magandang pagkakataon din iyon para makilala niyo ang isa't isa" wika ni Father. Napatingin naman ako kay Gabriel na kakatapos lang din kumain. Tumingin naman ito sa amin at itinaas ang kilay na para bang tinatanong niya si father kung seryoso ito.

"Sige ho" maikling tugon ko. Tinignan ko ulit si Gabriel na ngayon ay pinandilatan na ako ng mata. Tinaasan ko rin siya ng kilay at nagtitigan kami na parang pinapatay namin ang isa't isa. 


PANAY  tingin ako ngayon kay Gabriel na nagdadabog at napapadyak ang paa. Nasa San Sebastian Hall kami ngayon para maghugas ng mga hugasin. Maliit lang ang San Sebastian Hall, nasa likod din ito ng simbahan katabi ng mga kwarto namin. Dito kadalasan nagme-meeting ang mga kaabag ng pari o di kaya ang mga choir at sakristan, dito rin nakapwesto ang lababo at dalawang banyo.

 Kinakabahan ako ngayon dahil parang mababasag lahat ng mga pinggan at basong hinuhugasan niya, gusto ko sana siyang pagsabihan pero natatakot ako na baka bugahan niya ako ng apoy o di kaya ay kainin niya ako ng buhay. Sana pala hindi ko na siya pinilit, kaya ko namang maghugas mag-isa.

Muli ko siyang pinagmasdan, magulo ang buhok niya, makapal ang kilay, maganda ang  kaniyang mga mata, matangos din ang ilong niya at medyo maputla ang manipis niyang labi. Halatang gwapo siya kahit lagi siyang nakasimangot at galit pero mas gusto kong makita siya na nakangiti o di kaya ay tumatawa. Mapapansin kasi sa magaganda niyang mata na may pangit na nakaraan siyang lagi niyang iniinda. 

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?! Maghugas ka kaya!" malakas na sermon ni Gabriel sa'kin nang napansin niyang nakatutok lang ako sa posisyon niya ar hindi gumagalaw. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Bakit ba lagi kang galit? Konti nalang mababasag mo na lahat ng plato dito." naiinis na wika ko. 

"Bakit mo pa kasi ako dinamay!? Maghuhugas lang ng plato, sinali-sali pa'ko" iritableng tugon niya, napahawak naman ako sa bewang ko ngayon.

"Hoy excuse me lang ha! Si Fr. Suarez ang nag-utos sa ating dalawa, hindi ko rin naman gustong may kasamang maghugas ng pinggan, lalo na kung pareho mong nangbabasag ng plato." napipikong wika ko. Nagdugtong naman ang kilay niya, para siyang angry birds ngayon.

Kokontra pa sana siya pero biglang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko naman ito at nakita si Aljur na naglalakad papunta sa amin ngayon. Nagsi-alisan na rin ang ilang mga choir, mukhang tapos na silang mag-ensayo.

"Angel, tapos na kaming magpraktis, may gagawin ka? Gala tayo sa plaza" pag-aanyaya ni Aljur sa'kin, napatingin din ito kay Gabriel na nagdadabog paring naghuhugas ng pinggan. Kung ipokpok ko kaya sa ulo niya ang hawak kong baso ngayon?

"Ah, pasensya na Aljur pero may inutos pa kasi sa'min si Father" magalang na pagtanggi ko. Tumango naman siya at ngumiti. Narinig ko namang napa-tsk si Gabriel. Problema niya?

"Okay lang, next time nalang tayo gumala" wika niya sabay kindat sa'kin. Winisikan ko naman siya ng tubig. "Sino siya?" tanonong ni Aljur habang tinuturo nito si Gabriel na walang pakialam sa paligid. 

Napailing naman ako kay Aljur sabay bulong " Demonyo", nagtaka naman siya sa binulong ko. Nang mapagtanto niyang wala siyang mahihita sa'kin ay pa simple siyang humarap kay Gabriel at ngumiti.

"Bro, Ako nga pala si Aljur, anong pangalan mo?" pagpapakilala ni Aljur sabay lahad ang kamay para makipag-shake hands pero hindi naman tumugon si Gabriel sa kaniya. Ilang sandali pa ay nasa ere pa rin ang mga kamay niya kaya ako nalang ang nakipag shake hands kay Aljur para isalba ito sa kahihiyan.

"Siya si Gabriel at lagi siyang bad mood kaya pagpasyensyahan mo na lang"  sarkastikong wika ko kay Aljur habang diniinan ang salitang 'bad mood'. Tama naman ako, laging mainit ang ulo ni Gabriel.

Nakita ko naman si Gabriel na napatingin ng masama sa'kin pero agad din niyang nilihis ang tingin niya dahil pinandilatan ko siya ng mata. 

"Okay lang yun" bulong sa'kin ni Aljur at muling hinarap si Gabriel na patuloy pa rin sa pagdadabog, kapag may mabasag talaga sa mga plato at mapagalitan kami, sinasabi ko talaga, ipopok-pok ko lahat ng natitirang pinggan sa kaniya.

"Nice meeting you Gabriel, masaya ako dahil magkakaroon ako ng bagong kaibigan" masayang wika ni Aljur na parang hindi siya nito pinahiya kanina, tinapik niya pa ito sa braso. Lumingon naman si Gabriel kay Aljur at saka tinignan ito mula ulo hanggang paa.

"Inutusan ka rin ba ni Father na maghugas ng mga pinggan"  napakurap ako ng dalawang beses sa tinanong ni Gabriel. Seryoso ba siya? Mukhang talagang dinibdib niya ang mga hugasin.

Nagtataka namang  napa-iling si Aljur dahilan para mas lalong sumeryoso ang awra ni Gabriel. 

"Kung hindi ka maghuhugas ng pinggan, pwede ba umalis ka na? May gagawin pa kami" diretsong sabi niya. Biglang nag-init ang ulo ko sa naging tugon niya, napatingin naman ako kay Aljur na hindi rin makapaniwala sa inasal ni Gabriel. Ilang sandali pa humarap sa akin si Aljur, bakas pa rin ang pagkabigla sa mukha niya.

"Ah....M-mauna na muna ako..... Kita nalang tayo sa susunod Angel" mahinang paalam ni Aljur, gusto ko sanang humingi ng pasensya sa kaniya pero mas gusto kong sabunutan ngayon si Gabriel. Tumango nalang ako bilang tugon, ngumiti naman si Aljur at umalis. Mabuti nalang talaga at hindi basa ulo ang manliligaw ko.


Nang makaalis na si Aljur at nasiguro ko na wala ng ibang choir ang nandito ay matalim kong tinignan si Gabriel. Napansin naman niya ito kaya napaharap na rin siya. Matalim din ang tingin niya sa akin kaya para kami ngayong nag-aaway gamit ang tingin.

"Anong problema mo ha?! Nakikipagkaibigan 'yung tao tapos ganon 'yung sasabihin mo?!" panimulang sermon ko kay Gabriel pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"I don't need friends." maiksing tugon nito at padabog na nilagay ang isang plato sa tray. Kinuha ko naman ito at sinabunan, hindi pa nga 'yun tapos hugasan, nilagay na niya sa tray.

"Then sana sinabi mo ng maayos. Kawawa naman 'yung tao" saad ko.  

"Why should I? At isa pa, sinabi niya mismo na hindi siya inutusan ni father na maghugas kaya wala ng ibang rason para kausapin siya. Kung hindi siya tutulong then he should leave. Makakaabala lang siya sa paghuhugas natin" iretableng wika nito. Napahawak ako sa sentido ko, bakit parang napakalaking trabaho sa kaniya ang paghuhugas ng tatlong plato, tatlong bowl. tatlong kutsara, tatlong tinidor,  tatlong sandok at tatlong baso? 

Magsasalita pa sana ako pero nilagay na niya sa tray ang mga hinugasan niyang plato kahit na hindi ko pa nasabunan ang mga ito. Muli pa siyang humarap sa akin at napabuntong hininga na para bang nase-stress na siya sa'kin

"Look, kung gusto mong makipaglandian sa lalaking 'yun, 'wag dito sa simbahan. Hindi nakakatulong sa gawain natin at hindi nakaka-banal" sarkastikong wika niya na lalong nagpakulo ng dugo ko. Anong akala niya sa akin kanina, nakikipagharutan kay Aljur? 

"Anong makipaglandian? Hindi ako nakikipagharutan kay Aljur at isa pa, ang point dito ay dapat, kinausap mo si Aljur ng maayos" pagtutol ko sa sinabi niya. Akmang kukunin ko sana ang mga plato sa tray pero tumalikod agad si Gabriel at mabilis na naglakad palayo. Patuloy lang siya sa paglalakad pabalik sa silid ni Fr. Suarez nang hindi manlang lumingon sa'kin.

Napabuntong hininga nalang akong nakatingin sa kaniya na papalayo sa'kin at di makapaniwalang napabulong sa sarili ko

"Pambihira, hindi ko pa nasasabunan ang mga platong 'yun"

__________________________________________

#Angel'sPrayer

Please continue reading. Thank you and God Bless!


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

43.9M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
Ace Par Antonia

Roman d'amour

192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
The Boyfriend App Par Mon D Rea

Roman pour Adolescents

1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
75.9K 178 15
SPG