Scarlet Princess

By btgkoorin

189K 10.2K 1.7K

Upang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore, kailangan nilang sundin ang isang napakahalaga... More

Simula🔥
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Wakas
Thank You!

Kabanata 29

4.2K 276 99
By btgkoorin

Hello! This is the last point of view of Flaire at mahaba ang kabanata na ito. Basahin hanggang dulo ang naghihintay na namang twist ng buhay ng ating mga bida.

[FLAIRE DAVERSON FAVILA]

"Flaire, mapapahamak ka kapag nagtagal ka rito. Tanggap namin ng anak ko ang totoong katauhan mo pero nag-aalala ako sa maaring mangyari sayo kapag nalaman nilang nandito ka at sariwa pa ang kaalamang kalat sa bayan." Tumango ako kay Aling Lana, binalingan si Lynlyn at nginitian. Ang marinig na tanggap nila ang pagkatao ko ay isang napakahalagang bagay na sa akin.

Mula nang bumalik ako rito sa bayan, dumiretso ako sa tirahan ng mag-ina para hintayin ang taong hindi ko alam kung darating ba. Naikwento ko sa kanila ang nangyari at agad naman nilang naunawaan.

"Hihintayin ko lang po siyang dumating, Aling Lana at aalis na rin ako."

Hindi nila ako hinayaang lumabas man lang sa kanilang tirahan dahil usap usapan sa buong bayan ang tungkol sa akin. Na anak ako ng kinatatakutang hari ng kalabang angkan. Kahit na nanalaytay sa akin ang dugo ng angkan ng pulang apoy ay sumama pa rin ang tingin sa akin ng karamihan.

Wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin ang nangyayari dahil iyon naman talaga ang totoo. Pero hindi ako kasing sama ng iniisip nila, kahit kailan hindi ako magiging tulad ng Skarlatang Prinsesa sa aklat.

"Hindi ka naman siguro magbubuwis ng buhay rito kung hindi mo iniibig ang ikalawang Prinsepe, tama ba?" Napaiwas ako ng tingin kay Aling Lana at pinakiramdaman ang sinasabi ng dibdib. Sa lakas ng tibok ng puso ko ay parang pinahihiwatig na tama si Aling Lana kahit hindi ko man masabi gamit ang bibig.

"At alam mong magkakagulo kapag nagkatuluyan kayo." Malungkot na pahayag niya at hindi naman ako kumontra dahil totoo.

Hindi kami pwede dahil magkalaban ang angkan namin. Hindi kami pwede dahil nakatakda akong mamuno sa angkan namin habang nararapat sya bilang kahalili ng kanyang kuya na magiging hari kalaunan.

Ngumiti ako kay Aling Lana dahil sa naisip at isinatinig ito sa kanya.

"Kung gayon, magiging tulad kami ng aking ina at ama." 

Pagdating ng hapon ay tahimik pa rin akong nakamasid sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba habang naghihintay. Sila Aling Lana at Lynlyn naman ay sumaglit sa pamilihan para sa kanilang hapunan.

Dumukdok ako sa mesa at pinikit ang mga mata. Sana'y dumating na siya.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog sa kinalalagyan ko at nagising sa tapik sa aking pisnge. Kinusot ko ang mata at binalingan ang gumising sa akin.

"Flaire..."

Natigilan ako at namamasa ang mga matang inambahan ng yakap ang taong hinihintay kong dumating kanina pa. Narinig ko itong dumaing pero isinantabi ko at hinigpitan ang yakap.

"Sorry, Prinsepe Alixid!" Ngayon ay naluluha ko nang paumanhin. Naramdan ko naman ang pagganti niya ng yakap na siya namang nagpalakas pa lalo ng kabog ng dibdib ko. Maliban pa dito ay parang nawala ang mabigat sa dibdib nang makita at mayakap siya.

Bumitaw ako sa yakap at pinagmasdan siya. Ganun na lamang ang paghinga ko ng malalim nang makitang wala siyang galos o sugat man lang. Alam kong tumakas lang siya at hindi ko alam kung anong ginawa niya para ligtas na makarating rito.

"Prinsepe Alixid---"

"Hindi ka magpapakasal sa iba." Madiin niyang pahayag na ikinaiwas ko nang maalala ang sinulat sa liham na para sa kanya. Naramdaman ko ang pag-angat ng dalawang kamay niya na hinawakan ang magkabilang pisngi ko at iginaya upang iharap sa kanya. Nagtama ang paningin namin at ganun na lamang ang panlalambot ng tuhod ko sa lalim at seryosong titig ng magagandang mata niya.

"Sorry---"

"Sumama ka sa akin." Napatanga naman ako.

"Pero Prinsipe Alixid---"

"Alixid!"

Akmang hihilahin na niya ako ay hindi ako sumunod. Seryoso niya akong tinignan at hindi na ako hinintay na magsalita at muling hinila palabas ng tirahan nila Aling Lana. Sa lakas niya ay wala akong nagawa kundi ang magpadala.

Pagkalabas namin ay nakasalubong namin sina Aling Lana at Lynlyn na nagulat sa prisensya ni Prinsipe Alixid pero agad ring nakabawi.

"Aling Lana, Lynlyn, maraming salamat sa inyo."  Paalam ko at muli na naman akong hinila ni Prinsipe Alixid. Tahimik akong sumunod sa kanya na alerto sa paligid namin. Ngayon ko lang napansin na, gabi na pala.

Pinagmasdan ko ang matipunong likod ng Prinsipe at dinamdam ang tibok ng puso. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula pero masaya ako. Masaya akong kasama ko at nakikita ko siya ngayon.

Palabas na kami ng bakod nang marinig ko ang pagkakagulo sa pamilihan. Naririnig ko ang sigaw ng mga kawal na wari'y may hinahanap. Agad akong kinabahan at nahinto kami ni Prinsipe Alixid.

Gumawa siya ng ulap na apoy at agad akong isinakay at sumunod siya. Pinalipad niya ito at mabilis kaming nakalayo sa bayan. Umangat ang lipad nito at ngayo'y kitang kita ko ang maliwanag na bayan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko at binalingan ang Prinsipe na siya namang nagpakabog ng dibdib nang makita ang titig niya sa akin. Agad akong napayuko, hindi matagalan ang pagtitig.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang isang kubo sa tuktok ng isang talampas. Malayo na ito sa bayan at sa ibang direksyon patungo sa kinaroroonan ng palasyo nila ama.

"Dun tayo." Turo ko sa kanya at agad naman kaming nakarating sa nakita kong kubo.

Ang natatabunang buwan kanina ay nagpakita na kung kaya't ang liwanag nito ang nagsilbi naming ilaw. Lumapit kami sa kubo at pinakiramdaman kung may tao ngunit wala.

Si Prinsipe Alixid ang nagbukas ng pinto at bumungad sa amin ang madilim na loob. Nagpalabas ako ng apoy sa kamay na nagbigay liwanag rito kung kaya't nakita namin ang laman nito, isang kama, maliit na mesa at dalawang upuan na lahat ay gawa sa kahoy. Tumuloy kami at nakakita naman ako ng lampara na agad kong sinindihan gamit ang apoy ko.

Uupo sana ako sa isang upuan ng hatakin ako ni Prinsipe Alixid paupo sa malapit na kama. Magkatabi kaming nakaupo at ganun na lang ang gulat ko ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"I miss you." Mahinang sabi niya na nagpagulat sa akin. Nakapatong ang baba niya sa kanang balikat ko kung kaya't hindi ko makita ang mukha niya. Pakiramdam ko ay namumula ang mga pisnge dahil sa sinabi niya.

Ang lakas talaga ng epekto ng lalaking ito sa puso ko. Pinulupot ko ang magkabilang braso sa batok niya kung kaya't mas naglapit kami sa isa't isa.

"I-I miss you too." Akmang aalis siya sa pagyayakap nang higpitan ko ang pagyakap ko. Nangangalay man ay ayaw kong makita niya ang ekspresyon ko.

"Sorry, dahil sa akin napahamak ka. Hindi ko akalain na makikialam sila ama-" Natigilan ako at agad na kinalas ang mga braso at lumayo sa kaniya. Agad akong tumayo at malungkot na tumingin sa kaniya.

"Alam kong alam mo ang totoong pagkatao ko---"

"Nakalimutan mo ang sinabi ko sa'yo." Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi ako nakagalaw nang hawakan niya ang magkabilang braso ko at mataman akong tiningnan.

"Minahal kita kasama ang totoong pagkatao mo, Flaire Daverson Favila."

Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata patungo sa pisngi habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Ang-ang saya sa pakiramdam pero sa halip na ngumiti ay umiyak ako. Hindi makapaniwala.

Bumalik sa akin ang alaala na tinatawag niya akong scarlet princess. Nung bago pa lang ako sa palasyo, nung kaarawan ko. Ngayon ko lang napagtanto, una pa lang ay alam na niya ang pagkatao ko.

Mas lalo akong lumuha at yumuko. Maging siya ay tinago rin sa akin ang totoo. Hindi ko mawari kung magagalit sa kaniya o hindi dahil pakiramdam ko nangingibabaw ang pag-ibig ko sa kanya.

"Sorry---"

"Ayos lang." Umangat ako ng tingin at sinalubong ang tingin niya. Totoong ayos lang kahit masakit pero mahal ko siya, oo mahal ko siya kaya ayos lang.

Natanggal ang magkabila niyang kamay sa braso ko at nilipat sa magkabilang pisngi ko habang ang kanyang hinlalaki ay pinapahid ang luha ko. Dinikit niya ang kanyang noo sa noo ko.

"Mahal mo din ba ako, Flaire?" Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-asa at pagmamakaawa sa akin. Pumikit ako at huminga ng malalim pagkatapos ay nagmulat.

"Oo. Mahal kita, Prinsipe Alixid."

Agad na naglapat ang labi niya sa labi ko. Kapwa kami napapikit at tinugon ko ang nakakapanghinang halik niya. Ikinawit ko ang mga braso sa leeg niya at naramdaman ko naman ang mga kamay niya sa likod ko, sumusuporta.

Natigil kami at kumuha ng hangin bago bumalik sa paghahalikan. Nawala ang kamay niya sa likod ko at naramdaman ko ito sa leeg ko. Yumuko siya at ang isa niyang kamay ay nasa likod ng tuhod ko at binuhat ako nang hindi napuputol ang halik. Naramdaman ko ang paglapag niya sa akin sa patag na kahoy na malamang ay ang kama na nasa malapit.

Napamulat ako nang maramdamang umibabaw siya sa akin. Hindi natuon ang paningin ko sa katawan niyang lapat na lapat sa katawan ko kundi sa mga mata niyang puno ng halo halong emosyon. Pakiramdam ko ay hinihigop nito ang lakas ko at gusto ang nararamdamang sumisiklab. Napatingin ako sa mga labi niya at sa mata niya.

Ginawaran niya ako ng masuyong halik at sinagot ko ito ng kaparehong intensidad. Sa lalim ng halik namin ay naramdaman ko na lang ang pagkawala ng aming kasuotan at ginawa ang sagradong bagay na dulot ng parehong nararamdaman namin.

*****

"Flaire!" Tawag niya sa akin gamit ang mapanuyang boses. Gusto niyang alisin ko ang dalawang kamay na nakatakip sa mukha ko pero hindi ko siya pinagbigyan. Kahit ito na lang ang magawa ko sa hiyang nararamdaman ko. At ngayong nasa kandungan niya ako ay mas lumala.

Nagising ako kanina na suot na ulit ang damit kagabi. Nahihiya ako sa katotohanang siya ang nagbihis sa akin at nakita ang hubad kong katawan. Gusto kong magalit sa kanya pero pagod ang katawan ko at masakit pa ang sa baba ko.

Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno na malapit sa kubo. Binuhat niya ako kanina at pinaupo sa kanyang kandungan. At iyon na nga kanina niya pa ako inaasar at tinatawanan dahil sa ginawa kong pagtakip sa mukha.

Inalis ko ang mga kamay ko at masama siyang tiningnan. Kinurot ko sya sa braso na nagpa-aray sa kanya ngunit agad ring ngumiti kalaunan.

"I love you." Napanguso ako sa sinabi niya at iniwas ang tingin. Lintik! Kinikilig ako.

Pareho kaming natigilan at nagkatinginan. May paparating. Inalalayan niya akong tumayo at itinago ako sa likod niya kung kaya't hindi ko nakita ang dumating. Kung paano nila kami rito nakita ay hindi ko alam.

"Mahal na Prinsesa." Nanlaki ang mga matang tumingin sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin si Vesiana at Vance na seryosong nakatingin sa akin at kay Prinsipe Alixid- err Alixid.

"Kailangan mo nang bumalik sa Palasyo dahil mapapahamak ka lang lalo na't paparating na rin dito ang naghahanap sa Mahal na Prinsipe."

Humigpit ang hawak sa akin ni Alixid at ganun din ang hawak ko sa kanya. Umiling ako kay Vesiana. Ayaw ko.

"Alixid!" Natuon ang paningin namin sa kararating lang at ganun na lang ang gulat ko nang makita si Prinsepe Acnus, sa likod nito si Yumina, Zack at Nathe na malungkot na nakatingin sa amin.

Napatingin sila kay Vesiana at nagulat nang makita ito. Nagtataka kung anong ginagawa rito at nang makita ang katabi ay nag-iba ang tingin at agad na nakuha ang totoong pagkatao ng babae.

Umatras kami ni Alixid na parehong ayaw sumama sa magkabilang panig. Nagkatinginan kaming dalawa na hindi alam ang gagawin dahil sa biglaang kaganapan. Nanatili ang mahigpit naming hawak sa isa't isa at binalingan ulit ang nakahanap sa amin.

Akmang lalapit na sa amin si Vesiana at Vance nang maging alerto at handa nang umatake si Prinsipe Acnus.

Natigilan kami nang biglang nagpakita si Ama at seryosong nakatingin sa aming dalawa. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang panig dahil sa pagdating nito. Bumaling ito sa akin at sa lalaking mahal ko.

"Alam nyo ang magiging kahahantungan ng gagawin nyo kung kaya't bago pa matuloy ay kailangan nyong maghiwalay na dalawa."

Nanginginig ang mga kamay na yumuko ako habang nagsimula na namang lumuha. Nasaktan sa sinabi ng ama. Ang kahahantungan ay ang gulo sa pagitan ng mga angkan namin.

"Flaire, ayaw kong mawala ka sa akin tulad ng iyong ina matapos isilang ka. Kung magpapatuloy kayong dalawa, magagaya sa amin ang mangyayari sa inyo. Mawawala ang isa, maiiwan ang kapareha at mahihiwalay ang bunga. Ikinalulungkot ko ngunit tutol ako sa pag-iibigan nyong dalawa."

Ang sakit, ang sakit sa puso. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan sa sinasabi ni ama. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Alixid. Pakiramdam ko ay maging siya ay nanghina rin sa narinig.

"Hindi lang ang ina mo ang nawala dahil sa bawal na pag-iibigan, maging ang ina rin nila Vesiana at Vance Morrel."

*****

Kamusta? Okay pa ang puso? Ang mata? Hahaha

Btw, thank you sa paghihintay. Ang next ay Kabanata 30 which is pure na point of view ni Prinsipe Alixid. Abangan...

-btgkoorin

Continue Reading

You'll Also Like

64.9K 2.1K 34
Highest Rank on WP: #5 in undead😉 Mula sa normal na pamumuhay, naging masalimuot kinabukasan. Na sa isang iglap. Lahat ng kinaadikan mo ay mangyayar...
769K 22.5K 39
Do you have powers or any special abilities? Then... Welcome to MAGICUS ACADEMY and have the chance to meet the Queen of all Queens
165K 7.4K 98
'WE NEED BACKUP HERE IN THE 4TH STREET! THERE'S TOO MANY OF THEM WE'RE GETTING HEAVY CASUALTIES' 'This is HQ. Hold your position for 50 mins. Help is...
269K 6.5K 33
"I have transferred you to Black Star Academy. Doon mo na ipagpapatuloy ang senior high mo." That was the last thing Dad ever said before he died. Bl...