A UNIQUECORN LOVE STORY [Boyx...

By theACEoverall

211K 6.2K 890

Planado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng b... More

Dedication
A word of caution
Prologue
Chapter 1 : New Beginnings
Chapter 2 : Then that boy
Chapter 3 : Meet the "V"
Chapter 4 : Let X be the variable
Chapter 5 : AROTISI
Chapter 6 : No, Sir!
Chapter 7 : Varied Variables
Chapter 9 : Ceasefire
Chapter 10 : Ceasefire 2
Chapter 11 : First contact
Chapter 12 : Old gone new
Chapter 13 : Plan X
Chapter 14 : Krushers
Chapter 15 : Penpendesarapen
Chapter 16 : Clearer Contact
Chapter 17: The Crossover
Chapter 18: Overcrossed
Chapter 19 : After Party Rainbow
Chapter 20 : After Party Rainbow 2
Chapter 21: Sir? Seriously?
Chapter 22: The Letter
Chapter 23: Let It Blossom
Chapter 24: La Cuillère de Apollo
Chapter 25: The Moment
Chapter 26 : The Start
Chapter 27: Unwritten Piece
Chapter 28: On Mutual Grounds
Chapter 29: Up And Coming
Chapter 30: Parallels
Chapter 31 : Acquiesce
Chapter 32 : Up And Coming 2
Chapter 33 : Up and Out
Chapter 34 : Actual Welcome
Chapter 35 : Clash Of The Egos
Chapter 36 : Accord
Chapter 37 : The Truce
Chapter 38 : Playdate
Chapter 39 : Intramurals
Chapter 40 : Game Detriment
Chapter 41 : Spasms & Heartbeats
Chapter 42 : A Subconscious Lesson
Chapter 43 : Plain & Simple
Chapter 44 : As One
Short Author's Note
Chapter 45 : Side Step
Chapter 46 : Semester Mix-up
Chapter 47 : Cafe Blues
Chapter 48 : A Whisper in the Shadows
Chapter 49 : Warming up
Chapter 50 : Naughty Idea
Chapter 51 : Tom & Johnny
ANNOUNCEMENT
Chapter 52 : On Matters of Sex and Sunshine
Chapter 53 : Virgin No More
Chapter 54 : Supermarket Spree
Chapter 55 : Baby Thesis

Chapter 8 : A token of gratitude

4.1K 147 9
By theACEoverall

## Chapter 8 : A token of gratitude ##

>Vince's POV<

Dahil hindi naman nag-set ng tutorial si baklang bwisit kaya naisipan ko na lang pumunta sa mall malapit sa school.

Kung sa tingin nyo napaka-gay ng pag-mall para sa isang lalaki huwag nyo akong husgahan. Hindi ako nandito para mag-shopping. Nandito ako para mag-arcades.

Doon lang naman ako nakakahanap ng peace of mind e. At least doon walang mga bwisit sa buhay ko.

Ang ayoko lang e ung paglalakad ko na lang pinapansin pa ng mga tao.

"Ang gwapo naman nun."

"May GF na kaya?"

"Mukhang model e. Kunin natin number"

Hina-hinaan nyo naman ang boses nyo kasi hindi naman obvious na ako pinaguusapan nyo.

Hays. Ayoko talaga ng attention masyado. Pero dahil sikat na grupo namin sa school siguro kailangan ko nang masanay. Si Lord kasi binigyan ako ng gwapong mukha e. (sinisi ba naman si Lord?)

Dumiretso na ko sa arcades tutal wala naman na akong iba pang gagawin sa mall na to.

Buti kakaunti lang tao ngayon. Weekday kasi kaya karamihan sa tao may pasok. Buti na lang free day ko.

Solo ko ang arcades.

Pagkabili ko ng sandamutak na token umupo na ako sa unang game machine - Tekken.

Favorite game ko to. Adik na adik ako dito nung elementary pa ko. Medyo natigil nga lang nung high school ako kasi running for honors nga ako.

Pero ngayong college na ako at malapit lang sa university ang mall baka mapapadalas ulit ang addiction ko.

-A new challenger has arrived-

Siguro nakakadalawang opponent pa lang ako ng biglang may nag-challenge sa kabilang machine. Hindi ko naman makita kung sino kasi nasa tapat ko. Ayoko namang tumayo baka sabihin nya interesado akong malaman kung sino sya.

Pumili na kami ng characters namin.

Ako: Jin.

Kalaban ko: Lili. (picture at the side.)

{Author's Note: Sa mga readers na hindi masyadong familiar sa arcades world pasensya na po. Pero kung interesado kayong malaman tingnan nyo na lang ung arcades section sa Quantum, Timezone etc. then hanapin nyo ung Tekken :))))}

Mukhang babae tong kalaban ko kasi babae rin ang ginamit nya. Haha. Easy win.

After three minutes..

You Lose.

Huh? Imposibleng natalo ako. Hindi maari. Mukhang minaliit ko masyado tong kalaban ko ha.

Nag-insert ulit ako ng token then ibang character naman pinili ko.

After three minutes..

You Lose.

Huh? Hindi pa ko nakakabawi ah. Arggghhhh Naiinis na ko dito at lagi akong natatalo. Tuloy ang laban oy!!! Hindi ako susuko hangga't hindi ako nakakabawi sayo kung sino ka man!!!

After thirty minutes..

You Lose.

You Lose.

You Lose.

Lili Wins.

Ok give up na ko. Mas magaling na sakin tong kalaban ko sa kabilang linya. Expert siguro to kay Lili kasi nakailang laban na kami hindi pa man lang sya nagpalit. Ako halos lahat ng cast nagamit ko na.

Naisipan ko na rin tingnan kung sino ung hindi ko matalo-talo.

O________________O - sya.

O________________O - ako.

"IKAW NA NAMAN????!!!!!!!!!"

Si baklang bwisit na naman???!!! Ibig sabihin sya ung kalaban ko all this time? Na tinatalo ako lagi?? Hindi pwede to!!

"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ko?!!" Ang awkward ng pwesto namin. Sa gilid ng machines kami naguusap. Nakaupo pa rin kasi kami sa magkabilang dulo.

"Ewan ko sayo? Malay ko bang nandito ka rin. Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na sinusundan kita. Ilusyunado!!!"

"Hanggang dito ba naman pinepeste mo buhay ko?"

"Haha." Ang sarcastic ng tawa nya. "Ako pa ha? E ikaw nga jan ang hindi sumusuko kahit ilang beses na kitang natalo."

"Alam ko bang ikaw kalaban ko?"

"E alam ko rin bang ikaw ang tangang kalaban ko?"

"Arrgggghhhh Epal!!!!"

"Talunan!!! Beh beh beh-beh-beh." Nilagay nya pa ung dalawang kamay nya sa ulo nya. Ung tipong parang batang nangaasar. Isip-bata.

"Madaya ka naman kasi." Hindi ako papatalo.

"Ang sabihin mo hindi mo matanggap na natalo kita sa arcades. Naturinang tunay na lalaki."

"Arrrgggghhhh" Hindi pwedeng matalo nya ko. Babawi ako.

Nakaisip ako ng idea.

"Sige talo na ko sayo sa Tekken. Pero dito ka lang naman magaling e. Basketball tayo? Pataasan ng score."

"Teka parang unfair ka naman. Hindi ako marunong nun e."

"Wala ka pala e." Alam kong hindi to magpapatalo.

"Sige, sige pumapayag ako. Makaranas ka lang ng panalo."

"Pero may deal.."

"Huh? Ano?"

"Ililibre mo kong tokens kapag natalo ka. Kung ikaw mananalo ako manlilibre."

"Huh? Unfair ka talaga!!"

"Wala ka pala e."

"Sige na sige na. Akala mo naman magpapatalo ako."

Ang lakas talaga ng loob nitong baklang to kahit kailan.

So un na nga naglaro na kami. And after the game..

-Scores-

Paul: 9 points

Vince: 90 points

"Ang daya mo!!! Ang galing mo kayang magbasketball!!!"

"E ikaw pala engot jan e. Bakit ka um-oo??"

"Arggghhhhh. Epal. Epal. Epal" Pinagpapalo nya ko sa braso. Hindi naman ako natinag sa pangaasar.

"Talo. Talo. Talo."

"Bahala ka jan." Then lumakad na sya papalayo.

"Teka. Teka. We had a deal right?"

"Ayt. Oo nga pala."

Bwahahahaha. Payback time. Humanda ka sakin.



>Paul's POV<

Wrong idea talaga na nag-agree pa ko sa deal nitong mokong na to.

"Bili mo pa kong tokens." Boss ang dating?

"Wala na kong pera."

"Huh? We had a deal remember?"

"Deal? E halos naka-benteng tokens ka na kaya?"

"E gusto ko pang maglaro e." Demanding?

"Wala na nga akong pera." At totoo un. Pinakita ko pa coin purse ko. Nasaid nya. Wait.

OMG!! Nasaid na pera ko!!! Wala na kong pamasahe papauwi!!!

Epal tong lalaking to. Ang yaman yaman nagpapalibre ng tokens sa akin. Sa mga pinabili nyang tokens ni hindi man lang nya ko binigyan ng kahit isa. Nanonood lang ako sa pinaglalaro nya.

"Pulubi ka talaga. Sige uwi na ko." Hala nagpaalam na ang loko. Buti naman natigil din.

Malayo layo na sya ng maisip ko ulit na wala na kong pamasahe.

Ayokong maglakad papauwi. Is pa hindi ko alam kung paano ung walking direction kapag uuwi ako.

"Huy wait lang." Nagulat siguro sya na hinabol ko sya.

"Bakit? Wala kang pamasahe?" Huh? Paano nya nalaman?

"Ummm .. hehe .. Oo e." Magmamataas pa ba ako? Kesa naman walking galore ako mamaya.

"Bahala ka jan."

"Hala. Please please. Pautang kahit pamasahe lang please. please."

"E di ba sabi mo kanina talunan ako? Na tanga ako sa Tekken?"

"Sige na, sige na, binabawi ko na lahat un." Makauwi lang ako ng matiwasay.

"Talaga?"

"Oo na nga!!"

"Ayoko pa ring pautangin ka. Bukod na lang kung sasabihin mong 'Mas magaling si Vince kaysa sa akin sa kahit anong larangan. Gwapo sya at matalino at hot at mabait. Karapat-dapat ko syang sambahin'."

"Huh? Hilo ka ba? Ano ko? Alipin mo?"

"E bahala ka. Those are the magic words. Kundi maglalakad ka pauwi. Gabi pa naman na."

Argghhhh kung hindi lang talaga kailangan e.

"Mas magaling si Vince kaysa sa akin sa kahit anong larangan. Gwapo sya at matalino at hot at mabait. Karapat-dapat ko syang sambahin."

"Ayun naman pala e." He made an evil smile. "Sige ihahatid na kita papauwi." Sa kotse?

"Akala ko ba pauutangin mo ako?"

"Wala akong barya e. Ihahatid na nga lang kita. Dala ko kotse ko." Wow yaman may kotse.

At least hindi ako maglalakad. Pero i swear nilunok ko ung pagkalaki-laki kong pride sa mga sinabi ko.

Mas magaling si Vince kaysa sa akin sa kahit anong larangan. Gwapo sya at matalino at hot at mabait. Karapat-dapat ko syang sambahin.

Hindi ako makapapayag na mas magaling sya sakin sa kahit anong larangan no!!! Sa basketball sige, pero doon lang.

At gwapo sya? Ummm pwede na.

At matalino? Except sa math.

At hot? Really hot.

At mabait? Never.

Wait.

Erase. Erase. Erase.

Wait. wait. Iniisip ko ba sya?? Talaga?? Urrrggghhh kinikilabutan ako. At nasa kotse na pa ako. Bilis na bilis na. Gusto ko nang umuwi. Ayoko nang makasama tong lalaking busangot na to baka kung ano pang gawin nya sakin. Baka ipamurder nya ko? Wag naman sana.

"Dito na ko." Sa wakas nakarating rin kami.

"Ang liit naman ng bahay mo." Nanglait pa ang loko.

"Oo na, sige salamat ha."

"Marunong ka palang magpasalamat."

"Thank you na nga. Bye."

"Sige. Your welcome. See you tomorrow."

Then umalis na sya.

Wait. Did he just said "See you tomorrow."

Mukhang bumait ang loko ha.

At bakit parang bumilis tibok ng puso ko nung sinabi nya un.

Continue Reading

You'll Also Like

116K 2.6K 39
Noong unang panahon ,panahon pa ng hapon wala pang kikay-charot hi mga sis it's me rj this is my story or namin hahahaha wag na kayong mainis Palagi...
30K 2.2K 31
Jeff's dream is no ordinary dream. It has three doors -- the Door of Losts, the Outside Door, and the Door of Soulmates. Saan kaya niya mahahanap sa...
2M 135K 48
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...