The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirty-One

232K 4.5K 695
By FGirlWriter

CHAPTER THIRTY-ONE

ANG pamomroblema ni Sapphire ng damit sa darating na highschool reunion party ay sandaling nawala dahil naurong ang petsa ng party sa susunod pang buwan. Hindi niya alam kung bakit na-move, basta pinadalhan lang siya ng email ng dati niyang ka-klase para ipaalam ang pagbabago ng date.

            Eksakto naman na October na by next month kaya semestral break na. At kapag semestral break, hindi na masyado busy ang asawa niyang si Johann. Kaya nga marami na silang places na pupuntahan by next month. Naka-book na ang lahat ng tickets nila para sa travel na kailangan niyang gawin for her blog.

            "I think my schedule is full," sabi niya sa sarili habang nakatingin sa planner ng iPad niya. Halos napuno ang buong October niya at mayroon na ring schedule agad ang first and second week ng November niya.

 Napangiti si Sapphire. Na-miss niya ang ganoong pakiramdam. Iyong laging may dapat puntahan at gawin. Na-stress na rin kasi siya sa pag-aasikaso ng pinapatayong bookstore niya. Although she's excited about it and having fun preparing the stuff, hindi pa rin maiwasang ma-stress siya sa dami ng kailangang pirmahan, ibilin sa sekretarya niya, sa pakikipag-usap sa mga engineer at architect, sa mga publishing companies, sa supplier ng mga kung anu-anong dapat na tinitinda sa bookstore, etc etc...

Kaya naman sabik na siyang magliwaliw. And this time, hindi na siya mag-isa. She'll be with her husband. Naiisip niya pa lang na kasama niya si Johann habang nagta-travel, siguradong masaya na. There will never be a boring time with him, she's sure of that.

"Tao po!"

Napalingon si Sapphire sa may binata nang marinig ang pagkatok sa gate sa labas. Napatayo siya mula sa sofa at saka lumabas ng bahay.

"Magandang hapon, Ma'am! Delivery lang po para kay Mrs. Sapphire Anderson."

Napataas siya ng kilay. Binuksan niya ang gate. "Ano ba? Noong isang linggo pa iyan, ah?" pagtataray niya na sa inosenteng delivery man na araw-araw na yata nakikita.

Naiinis na talaga siya. Mula nang maka-receive siya ng isang package na naglalaman ng magandang gown mula sa unknown sender ay nagsunud-sunod na iyon.

Napakamot sa ulo ang delivery man. "Ma'am pasensya na po talaga. Tagapadala lang po kasi ako. Saka po kasi kapag nagche-check naman po kami ng ipinapadala sa inyo, safe naman po iyong mga gamit. Kaya po pinapadala pa rin namin dahil hindi niyo naman po ikapapahamak."

Humalukipkip siya. "Eh, I don't know nga who's the sender. Anong hindi ikapapahamak? It's creepy and annoying!"

Nang ibinalik nila ni Johann ang unang package ay natanggap niya lang ulit iyon nang sumunod na araw. Pero hindi niya na ipinaalam kay Johann iyon lalo na at ibang note naman ang kasama ng package. The note says:

"Please, Sapphire. Keep this, hija. It's for you. This dress is only meant for you."

Hija? So, most probably, matanda ang nagpadala. Pero sino? Hindi ang Mommy niya, sigurado siya. Lalong hindi naman ang yumao niyang Lola! Ngunit base sa note na kalakip ay parang kilala talaga siya ng nagpadala.

Pagkatapos ng unang package na pinadala sa kanya ay nasundan naman iyon ng ilang pares ng sandals, shoes, flipflops, and heels. Parang pinasadya ang mga iyon para sa kanya dahil talagang nakaburda o naka-print ang pangalan niyang 'Sapphire Danaya' roon. Ibinalik niya rin iyon pero bumalik lang rin ulit sa kanya. The third package was a set of her favorite branded handkerchiefs. Hindi niya na sinauli iyon at tinanggap na lang ngunit hindi niya pinaalam kay Johann iyon.

Lahat nang natatanggap niya ay itinatago niya sa kuwarto niya sa mansyon ng Lola niya. Limang araw niya nang ginagawa iyon at kung tatanggapin niya ang padala ngayon ay pang-anim na iyon.

"Puwede bang sa susunod na magpadala iyang 'D.S.' na iyan ng package para sa'kin, harangan niyo na?" Pinirmahan niya na ang dapat pirmahan.

Napakamot sa ulo ang kausap niya. "Eh, sige po. Sasabihin ko na lang po sa opisina." Isang may di-masyadong kalakihang box ang inabot nito sa kanya at mabigat iyon.

Pagkapasok niya ng bahay ay hindi niya na binigyang pansin na buksan pa iyon. Tinawagan niya agad ang driver sa mansyon at inutusan ulit ito na pumunta sa bungalow para kunin ang regalo.

"Be here after thirty minutes," striktong bilin niya sa driver. "Baka maabutan pa 'to ng asawa ko, alright?" tukoy niya sa package. Maliit lang ang bahay at wala talaga siyang pagtataguan roon.

"Opo, señorita."

Pagkababa niya ng phone ay umupo na lang ulit siya sa sofa at saka pinagpatuloy ang pag-o-organize ng schedule niya sa iPad. But hell, she's distracted by the box! Patingin-tingin siya roon. Nangangati ang mga kamay niyang buksan iyon at tignan kung may note ba sa loob.

Sa mga nakalipas na notes na kalakip ng mga packages, she can sense no harm with whoever that D.S. is. Parang genuine naman ang intensyon niyon na magbigay ng mga bagay sa kanya. At aaminin niya, kahit ang creepy, gusto niya ang mga pinapadala sa kanya. Pasok sa taste niya ang mga gamit. Like the gown, the shoes, the handkerchiefs, the books...

Napatingin na naman siya sa bagong box. Ano naman kaya ang laman niyon ngayon?

Tinapik-tapik niya ang mga daliri sa center table. Nangalumbaba rin siya habang nakatingin sa box. Bubuksan niya ba o hindi?

After half an hour pa darating ang driver, so... should she open it?

"Ugh! Whatever!" Tumayo na siya at pinatong ang box sa ibabaw ng center table. When she was about to cut the tape, at saka naman niya narinig ang busina ng kotse ni Johann.

Nanlaki ang mga mata niya. "What the--?!" Nataranta siya bigla. Alas tres pa lang! Bakit ang aga yatang umuwi ni Johann?

Narinig niya ang mabilis na pagbukas ng gate.

Uh-oh! Saan niya itatago ang box?! Nagpalinga-linga siya.

"Misis? Misis?" pagkatok na ni Johann sa pinto.

"Oh, shoot!" mahinang bulalas niya at saka tumakbo sa kusina. Binuksan niya ang cabinet sa ilalim ng lababo at saka isiniksik doon ang box kasama ng mga pesticides, muriatic acid, at kung anu-ano pang chemicals na panglinis.

"Sapphire?" katok ulit ni Johann.

"W-Wait lang, baby!" Baby?! Sa sobrang taranta niya, kung ano na natatawag niya sa asawa. Tumakbo na ulit siya sa pintuan. Buti na lang at maliit ang bahay. Mabilis niyang naabot ang doorknob. Huminga siya ng malalim.

Pagbukas niya ng pinto ay nakapaskil na ang ngiti sa mga labi niya. "Hi! You're early!"

Tinitigan siya ng mataman ni Johann at napakunot-noo nito. "Anong tawag mo sa'kin kanina? Baby?"

She chuckled. "Lambing lang iyon." Napalunok siya. "S-Sorry natagalan ako sa pagbukas ng pinto."

"Naglalaba ka ba?" tanong ni Johann. Hinubad nito ang sapatos at saka pumasok sa loob ng bahay.

"Ah, galing ako sa loob ng banyo. You know, nag-number two," palusot niya.

"Ah! Naabala ba kita? Pasensya na, Misis. Nakalimutan ko kasi dalhin iyong susi ng pinto."

"Buti nga nakalimutan mo," nabulong niya sa sarili. Paano na lang kung may susi rin ito? Edi nakita nito ang package.

"Ha?" Napalingon ito sa kanya.

Napapitlag siya. "H-Ha? Ah, w-wala. S-sabi ko, okay lang. Tapos na rin naman ako."

"Ah...naabala kita sa paghuhugas ng puwet? Sorry, Misis! Mukha ka ngang nagmadali. Nasabon mo ba ng maayos kamay mo? Paamoy nga—"

Pabirong bintukan niya na ito nang iangat nito ang kamay niya para amuyin. "You're so eww talaga."

Natawa ito. "Uy, ayaw ipaamoy. Nakalimutan mo sabunin?"

"Yuck! Of course not!" She crossed her arms. "Bakit pala napaaga uwi mo? Akala ko may faculty meeting pa kayo?"

"Meron nga. Umuwi lang ako sandali para kunin iyong naiwan kong papers sa kuwarto. Babalik din ako ng campus agad," anito at saka dumiresto na sa kuwarto nila.

Medyo nakahinga ng maluwag si Sapphire. Aalis naman pala ito agad. Hindi nito maaabutan kapag dumating na ang driver nila.

"Bakit pala hindi ka na lang tumawag sa'kin para ako na lang ang nagdala sa'yo?" tanong niya habang sumunod siya rito sa loob ng kuwarto.

"Eh, kasi wala ka namang kotse. Ayokong mag-commute ka. Ayokong mapagod ka pa." May hinugot itong mga folder mula sa filebox nito na nasa ilalim ng study table. Binuklat-buklat nito ang mga folder. "At saka..."

"At saka?" She stomped her feet lightly over and over. Sana umalis na agad ito. Baka biglang dumating naman ang driver sa mansyon at hindi niya alam kung anong ipapalusot kay Johann kapag nag-abot ang mga ito.

Dahan-dahang lumapit sa kanya si Johann at saka pinulupot ang mga braso nito sa baywang niya. "Dito kasi may time pa 'ko landiin ka," nakangising sabi nito sabay halik sa leeg niya. "Mmm! Bango! Amoy pawis!"

She giggled when his kiss tickled her neck. "Amoy pawis ka diyan! I smell so nice kaya. Maganda iyong soap na ginamit ko. Galing pa ng Europe." Marahan niya itong tinulak. "Balik ka na ng school," taboy niya rito.

"Tsk. Parang nagbago na isip ko. Parang ayoko na bumalik," tinatamad na sabi nito at saka niya naramdaman ang mga labi nito sa balikat niya.

Natatawang lumayo siya rito. "Mas importante trabaho."

"Mas importante ka." Hinigit siya ulit nito at marahang kinagat-kagat ang kanyang labi.

Magpapadala pa sana si Sapphire sa kaharutan ni Johann pero dahil may inaalala siya, kailangan niya na talagang mataboy ito.

"Mister..." ungol niya saka mas lumayo rito. "You need to go na talaga. Mamayang gabi na lang, alright?"

"Bakit ba pinapaalis mo na 'ko? May natira pa ba sa tiyan mo? Kailangan mo pa bang ilabas?" biro nito.

Aha! "A-Actually, yes..." Humawak pa siya sa may tiyan niya at umarteng masakit iyon. "F-Feling ko talaga mayroon pa 'kong kailangang ilabas, Mister. Ikaw kasi bigla kang dumating at kumatok. Nawala tuloy ang concentration ko..."

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Ganoon ba? Pasensya na, ah? Hindi ko naisip na baka nga nagsi-CR ka kapag biglang dumating ako. Next time, magdadala na 'ko ng susi para hindi kita maabala sa concentration mo sa trono. Sige na, bumalik ka na sa banyo. Aalis na rin ako ngayon."

Napangiti siya at saka ito mabilis na hinalikan sa labi. "Okay. Take care, Mister!" Pagkuwa'y tumakbo siya papunta sa loob ng banyo para magmukhang nagmamadali talaga siya.

Pagkasara niya ng pinto ay ni-lock niya iyon at saka tinapat ang tainga sa pinto. Naririnig niya pa ang kaluskos ni Johann. She heard his footsteps coming toward the comfort room.

Kinatok nito ang pinto. "Alis na 'ko, Misis. Ilabas mo na lahat ng sama ng loob diyan, ha? Pagbalik ko, alam mo na!"

Lumayo siya sa pinto at tumawa. "You're so naughty! Sige na, umalis ka na. Hintayin na lang kita mamaya."

"O, sige. Me loves you! Mwah-mwah tsup-tsup!"

"Gay!"

Narinig niyang tatawa-tawa ito habang papalayo. Dinikit niya ulit ang tainga sa pinto at saka niya narinig ang pagsara ng pinto ng bahay. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng banyo at lumabas doon. Tumakbo siya papunta sa sala at sumilip sa bintana.

Kakasara pa lang ng gate ni Johann. Maya-maya ay narinig niya na ang papalayo nitong sasakyan.

Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman sa gusto niyang ilihim ang pagtanggap niya sa mga pinapadala ng isang mystery sender. Pero nararamdaman ni Sapphire na kailangan lang niya tanggapin ang mga iyon ngunit kung alam ni Johann, siguradong pagbabawalan lang siya ng asawa.

Nilabas niya na ulit ang tinagong package. A moment later on dumating na ang driver galing ng mansyon.

"Make sure to put this on my room, alright? Utusan niyo ang ibang maids to safely put this on my closet and keep it locked. Understand?" bilin niya pagkaabot niya rito ng box.

Tumango ang matandang driver. "Opo, señorita. At bawal din po ito makita ng Señora?" tukoy nito sa Mommy niya.

"Yes, exactly." Kumuha siya ng tatlong libo sa wallet niya at saka ibinigay rito. "Ayan po. Pandagdag baon na sa mga anak niyo."

"Nako, Señorita, huwag na po. Parte naman po ng trabaho ko na sumunod sa mga utos niyo. Nababayaran naman po ako tuwing sahod—"

"Accept that, Mang Willy, alright?" Nginitian niya pa ang matandang driver.

Nanlaki ang mga mata nito. Hindi kasi ito sanay na hindi niya napagmamalditahan. Well, she changed. Bilin sa kanya ni Johann, kapag nagbibigay siya o nagse-share ng blessings dapat nakangiti siya. Para daw maramdaman ng tao ang sincerity ng paghahandog niya.

"Sigurado po kayo, Señorita?"

Tumango siya. "Sige na po." Pagkakuha ng matanda sa ibinigay niyang pera ay nagpasalamat ulit ito ng marami bago umalis.

Bumalik na siya sa loob ng gate at nang akmang isasara niya na iyon ay may brasong pumigil niyon.

Nanlaki ang mga mata ni Sapphire nang makita si Johann! What the heck?! Nakaalis na ito kanina, ah?

"Gulat ka 'no?" anito at saka pumasok sa loob.

"N-Nakaalis ka na kanina, ah... B-Bakit nandito ka ulit?" naguguluhang tanong niya.

Napaatras si Sapphire nang lumapit ito sa kanya. Nakatalikod na sinara nito ang gate. "Tumirik iyong sasakyan ko sa kabilang kanto, eh. Palabas na 'ko ng subdivision sana."

"Oh." Nagpakura-kurap siya. "Iniwan mo iyong kotse mo doon?"

"Oo. Pinabantayan ko muna. Ayaw kasi gumana ng makina kahit anong tulak ng mga tumulong sa'kin."

"Ah, okay." Sapphire composed herself. Base sa pagsasalita ni Johann, mukhang di naman nito naabutan si Mang Willy. She'll try to focus their conversation in his old car. "Sabi ko naman kasi sa'yo, Mister, eh. You must buy a new car already."

Napasimangot ito. "Unang kotse ko iyon, Misis. Hindi madaling palitan ang mga nauna! Hindi ganoon kadaling basta na lang balewalain ang unang minahal. Mabilis silang palitan kapag may pampalit, pero sa puso, hindi!" Napangisi ito. "Ha! Hugot iyon!"

She rolled her eyes. "Bakit mabilis ka namang naka-move on kay Czarina?"

"Ay. Ibang usapan naman iyon."

"Paanong naiba?"

"Involved ka, eh."

"So?"

Ngumiti ito. "Laging may excemption kapag ikaw." Inakbayan siya nito. "Ibalik natin ang usapan sa kotse ko. Hayun nga, tumirik. Babalikan ko na lang. Pero," Binigay nito sa kanya ang susi ng kotse. "Mamaya pumunta ko doon at tignan mo kung mag-sta-start. Minsan kasi ganoon lang ang kotse ko. Totopakin sandali pero pagkatapos ng ilang oras, back to normal. Parang ikaw."

Tinulak niya ang mukha nito at tawa naman ito ng tawa.

"Basta, ah? Umuwi ako ulit para ibilin talaga sa'yo iyong kotse. Iuwi mo rito kapag gumana."

"Pahila na lang natin sa tow truck."

"Huwag. Baka magasgasan pa iyon. Ingatan mo rin iyang susi. Wala akong spare key," bilin pa nito.

Mahal na mahal talaga ni Johann ang sasakyan nito na Toyota Vios 2007. Kahit bulok na ang model ay hindi nito nile-let go. "Fine, fine. Iyon lang ba?"

"Ahm, naka-pupu ka na ulit?"

"Ha? Ah, oo. Yeah, yeah I did."

"Good. Wala ka nang dinaramdam na sama ng loob diyan?"

Umiling siya. "Nada." Hinawakan niya ito sa kamay. "Puwede mo na ngang ituloy ang ginagawa mo kanina, eh. Hmm." Lumapit pa siya rito at hinalikan ito sa leeg.

He chuckled. "Kundi lang ako male-late sa meeting..." Humawak ito sa baywang niya. "Mamaya na lang, ha?"

She pouted her lips. "Sabi mo kanina, mas importante ako?" Bumaba ang mga kamay niya sa puson nito.

Napapikit ito at pinigilan ang kamay niya. "O, tukso... layuan mo ako. Kailangan ko pumunta sa faculty meeting."

"Kanina, gustung-gusto mo. Ngayon, ayaw mo na."

"Mayroon pa kasi akong kotse kanina. Ngayon, magko-commute na lang ako. Baka hindi pa 'ko agad makasakay." Tinaas nito ang kamay niya at hinalikan. "Bawi ako mamaya," sabay kindat nito sa kanya.

"Alright. Sige na. Ako na bahala sa kotse mo."

"Sige. Pero may pag-uusapan din tayo mamaya."

Kumunot ang noo niya. "Tungkol saan?"

"Bakit nandito ang driver mo kanina?"

Mahinang napasinghap si Sapphire at napakurap. Damn! "M-May inutos lang ako."

"Ano iyong box na binigay mo sa kanya?" seryosong tanong nito.

Nakita nito iyon?!

"I-It's just some stuff na...luma...and...ahm," Iniwas niya ang tingin rito. "Inutos ko na ilagay na lang sa kuwarto ko sa mansyon para hindi dagdag kalat sa kuwarto natin," naisip niyang palusot.

Johann held her chin up. "Misis..." malambing na sabi nito. "Bakit ka nagsisinungaling sa'kin?"

"Hindi nam—"

"Ayokong humahalik sa labing sinungaling."

"I-I'm not lying!" tanggi niya pa. Pero sa loob-loob niya ay napapangiwi na lang siya.

"May nagtanong sa'kin na kapitbahay. Bakit daw napapansin nila, araw-araw may magarang kotse na dumadaan dito sa bahay natin? Nakakantiyawan pa nga ako na may bago na daw akong kotse."

Napangiwi na talaga siya. Close nga pala si Johann sa mga kapitbahay nila. So, more on napapansin nga ng mga it sa tuwing pinapadaan niya doon si Mang Willy para kunin ang mga package na natatanggap niya araw-araw.

"Okay, kotse nga iyon sa mansyon. May inuutos ako kay Mang Willy araw-araw."

"Anong inuutos mo?"

"B-Basta. Ano...tungkol sa bookstore..."

Napailing-iling si Johann habang pumapalatak. Napatingin ito sa orasan. "Kailangan ko nang umalis. Mag-usap tayo mamaya. Habang wala ako, mag-isip ka pa ng magandang palusot, ha? Galingan mo. Dapat mapaniwala mo 'ko mamaya."

Napalabi siya. "Johann naman, eh."

Mabilis nitong hinalikan ang mga labi niya.

"Akala ko ba hindi ka nanghahalik ng labing sinungaling?"

"Excemption ka nga lagi, ano ba?" Napangisi si Johann. "At tignan mo, ikaw na mismo nagkumpirma na nagsisinungaling ka nga."

Aw, shit! Inirapan niya lang ang asawa. "Bahala ka. Isipin mo ang gusto mong isipin." Nagmartsa na siya papasok ng bahay.

"Sinungaling na, nag-walk out pa?" pang-aasar ni Johann.

"Damn you!"

"I love you, too!"

Pagkaalis ni Johann ay naiinis na binalibag pasara ni Sapphire ang pinto. Umupo siya sa sofa na nakabusangot ang mukha.

Naiinis siya hindi dahil sa pang-aasar ng asawa sa kanya. Naiinis siya sa sarili niya dahil nahuli siya ni Johann na nagsisinungaling rito. Mas naiinis siya dahil kahit nagbibiro-biro pa si Johann, alam niyang medyo disappointed ito sa kanya dahil nagtatago na naman siya rito.

Kailan ba naging magandang makahuli ng taong nagsisinungaling? Argh!

***

PAGKAKITA pa lang ni Sapphire kay Johann na palabas ng Math building ay agad siyang tumayo mula sa kinauupuang bench at sinalubong ang asawa.

            "Hi!" nakangiting bati niya rito.

            "Uy!" gulat na sambit nito nang basta na lang siya lumitaw sa harap nito. "Misis!"

            She sweetly smiled at him and kissed his lips. "I have good news. Ayos na ang kotse mo. Hindi ako tumirik on my way here."

            Tumaas-baba ang tingin nito sa kanya. Halatang nagtataka kung bakit siya nakasuot ng classy pastel dress. Kinulot niya rin ang dulo ng kanyang mahabang buhok at nag-apply ng make-up.  "Naka-ayos ka, ah. Saan ang fashion show?"

            Tumawa siya at kinuha ang kamay nito. "Gusto kong kumain sa labas, eh. Kaya sinundo kita, Mister."

            Hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya. "Hmm."

            "Anong 'hmm'?" tanong niya habang naglalakad na sila papunta sa parking lot.

            "Saan naman tayo kakain?"

            "Italianni's."

            "Wow. Pumili ka pa ng magandang venue para sa pag-uusapan natin, ha? Nakaisip ka na ba ng mas magandang palusot? Kabisado mo na ba script mo?" pang-aasar nito.

            She pouted her lips. "You're so annoying. I really wanted to have a dinner date with you." Malambing pa siyang sumandig sa balikat nito. "We don't often go out. Kaya naisip ko, gusto ko mag-date tayo."

            "Utot mo."

            Malakas na hinampas niya ito sa dibdib. "Nahihirapan na nga akong magpaka-sweet, eh! Maki-cooperate ka naman!" naiinis niya nang sabi rito.

            Nakuha pa nitong tumawa at huminto sila sa paglalakad nang nasa tapat na sila ng kotse nito.

            Hinarap siya nito at hinawakan sa magkabilang pisngi.  Parang nanggigil na pinagkiskis nito ang mga tungki ng ilong nila. "Kasi naman, Misis ko, aamin ka lang naman. Hindi mo na kailangang magpaka-sweet at may paaya-aya ka pa sa labas."

            "Pero gusto ko naman talaga na mag-date tayo ngayon, Johann," she sincerely said. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Libre ko naman, eh."

            Kinuha nito ang susi ng kotse mula sa kanya. "Wala namang kaso na sa labas tayo maghapunan. Gusto ko lang makasiguro na hindi mo 'to ginagawa para lang makalimutan ko saglit iyong usapan natin kaninang hapon. Hindi naman siguro 'to suhol sa caught-in-the-act lying mo?"

Pinagbuksan siya nito ng pinto sa front seat. "Ahm, slight?"

Natawa ito. "Ay, magaling na babae." Sinara nito ang pinto at saka mabilis na sumakay ng driver seat. Ini-start nito ang makina ng kotse pagkatapos ay nagmaneho na.

"Johann."

"Bakit?"

Huminga siya ng malalim at napayuko. "Ayoko naman kasing magsinungaling sa'yo, eh. Sana wala ka doon para hindi mo 'ko nahuli, and I don't have to lie."

"Ako pa may kasalanan? Sorry, ah?" sarkastikong wika nito.

Na-realize ni Sapphire na mali ang sinabi niya. Natawa tuloy siya. "No, mali pala. It's not what I mean. Basta, ayoko namang magsinungaling talaga sa'yo. May mga bagay lang talaga na...I want to keep for myself first. I have secrets of my own. And to be able to protect that, I have to lie para hindi mo malaman."

Hindi nagsalita si Johann ng matagal. Mukhang ina-analyze nito ang mga sinabi niya. Hinintay ni Sapphire ang sagot nito ngunit parang ang buong atensyon nito ay nasa harap lang ng kalsada.

"Mister?"

"Wala akong maisip na punchline."

"What the hell? Hindi ko kailangan ng funny punchlines mo ngayon."

Tumahimik na naman. Nainip na si Sapphire.

"Nag-iisip ka pa rin ng punchline? Ano ba—"

"Alam kong nasabi ko na sa'yo noon na kahit pa mag-asawa na tayo, gagalangin pa rin natin ang privacy ng bawat isa. Dahil isang sign iyon ng pagtitiwala," seryosong sabi nito habang nililiko ang kotse palabas ng EDSA.

Totoo naman iyon. Wala silang pakialaman ni Johann sa kanya-kanyang cellphones, laptops, at kung ano pang personal gadgets nila. Hindi rin nila alam ang password ng isa't isa sa mga social accounts na mayroon sila. Sabi ng asawa niya, maganda daw na napa-practice pa rin ang privacy ng bawat isa para hindi nakakasakal.

"Pero ngayong nalaman ko na may nililihim ka, gusto kong malaman iyon," patuloy nito.

"Bakit? Don't you trust me?"

Napasulyap ito sa kanya. "Trust agad? Hindi ba puwedeng curious lang ako, 'teh?"

Lumabi siya. "Sasabihin ko rin naman sa'yo sa tamang oras." Basta kapag tapos niya nang paimbestigahan kung sino ang mga nagpapadala sa kanya ng package ay saka niya sasabihin ang lahat rito.

"Baka ikaw ang hindi nagtitiwala sa'kin," biglang sabi nito.

"Huh?"

"Am I not trustworthy enough for you to share that secret to me?"

Hinawakan niya ito sa braso. "It's not that, Mister. Some secrets are not shared not because you don't trust someone to hide it, too. You just have to keep it to yourself for a while."

"Alright." Napabuntong-hininga ito. "But really, curiousity is killing me."

"You're the one who needs to trust me, then. Afterall, whatever secret am I hiding for now won't harm our marriage."

"Won't it harm you too?"

"I think so, yeah." Nagkibit-balikat siya. "I'm sorry for lying earlier. I don't want to lie to you, believe me."

Tumango ito. "I'm just mocking you. You looked so pretty when you lie."

Napangiti siya. "So, I'll just lie, then?"

"Nah. You're much gorgeous when that delicious mouth speaks the truth," he smilingly said.

"Okay... So, next time, if I have a secret, I'll just tell you it's a secret when you caught me again."

"Uh-huh," tango nito. "Don't make a lie just to cover it. I'll understand all the secrets you are keeping as long as it won't put you in any danger." Inabot nito ang kamay niya at hinalikan iyon.

Kiniling ni Sapphire ang ulo. May napansin kasi siya. "Mister, bakit nag-i-English ka?"

"Tinamad ako mag-Tagalog."

She laughed. "May ganoon ba?"

"Oo. Pero, ginanahan na ulit ako mag-Tagalog. Ubos na baon kong English! Nasimot!" natatawang sabi nito.

"You sound hot and handsome when you speak in English kaya." Hinalikan niya ito sa leeg.

Napangisi ito at tumingin sa kanya nang huminto ang kotse dahil sa traffic. "So next time, magdi-dirty talk ako ng English sa susunod na 'Kumot Escapade' natin?"

Nag-init ang buong mukha ni Sapphire. "Johann!"

Humalagapak ito ng tawa. "O, ano? Mas maganda Tagalog! Mas hard!"

Natawa na lang rin siya pero nag-iinit pa rin ang mga pisngi. Johann can be really naughty!

Nito na lang nila nasubukan na dagdagan ng "dirty talks" ang kanilang "Kumot Escapades" as Johann labeled it. Well, she must admit, mas nakaka-turn on kasi. Mas may thrill.

"Pero, Misis, huwag ka na talaga magsisinungaling, maliwanag? Kahit  sa ibang tao. Liars go to hell." Hinaplos nito ang mga labi niya at tumingin sa kanya ng mataman. "Ayokong mapunta ka sa impiyerno. Wala kang poging mister doon, sige ka."

"Hindi mo 'ko sasamahan doon?"

"Mainit doon, eh. Baka mas maging hot kapag nandoon na 'ko."

"Ewan ko sa'yo!" natatawang batok niya rito.

"Iyang secret mo, hihintayin ko hanggang sa ready ka nang i-share sa'kin. Basta, hindi mo ikapapahamak, ah?"

"I promise," she smilingly swore to him. Ugh! She was loving Johann more for respecting her decision.

Umusad na ang traffic. "Okay! Maliwanag na lahat. Puwede mo na 'ko ulit landiin."

            Sapphire laughed. Lumungkis siya sa braso nito. "Let's go home na lang, what do you think?"

            Kumislap ang mga mata nito. "Under the kumot?"

            "Under the kumot."

            "Masaya iyan!" At saka nito niliko ang kotse pauwi sa bahay nila.

***

"NANINIWALA ako sa kasabihang 'Ang mag-asawang nagsasama ng tapat, may forever'."

            Napa-faceplam si Sapphire sa isa na namang "quotable quote" mula sa asawa. "Mister, ano ba naman iyang sayings mo? Puwede bang lagyan mo ng rhyme?"

            Sumimsim ito ng kape. "Ha? Dapat ba nagra-rhyme?" he playfully said.

            She rolled her eyes and drunk her glass of milk.

            "Pero aminin mo, natawa ka doon."

            "Whatever," natatawang sabi niya. Humiwa siya ng pancake at sumubo ng sliced strawberry. "Tapusin na natin 'tong breakfast natin para makapasok ka na."

            "Sandali. Ine-enjoy ko pa 'tong pancake ko. May cream cheese pa at strawberry. Talaga naman kayong mga sosyal! Mantikilya at asukal lang, masarap na 'to, eh."

            Kasalukuyan silang nasa isang sikat na café at kumakain ng agahan. Since hindi sila natuloy sa dinner date nila kagabi, nag "breakfast date" na lang sila ngayon.

            "Ngayon ka lang ba nakakain niyan?"

            "Hindi naman. Amazed lang talaga ako sa mga kaartehan ng mga mayayaman." Sumubo ito ng pancake.

            "You know, dapat masanay ka na rin sa mga ganyan. More or less, aaraw-arawin na natin na kumain sa mga fancy places like this."

            Kumunot ang noo nito. "Bakit naman?" tanong nito habang ngumunguya.

            "Para nga masanay ka. Practice na rin so you can memorize the spoons, forks, and knives used in fine dining. Sigurado kasi pagdating ng reunion, ganoon ang set up ng table."

            Nagkibit-balikat ito at nagtuluy-tuloy sa pagkain.

            "Mister, huwag mo kong ipapahiya sa mga batchmates ko pagdating ng reunion, ah? Para rin naman sa'ting dalawa iyon. Leave your carefree manners muna sa bahay kapag um-attend tayo ng party next month," diretsang sabi niya rito. "Dapat iyong dating mo parang si Reeve or like your cousins.  Classy, handsome, intimidating, intelligent... ganoon."

            Tumango lang si Johann at wala nang sinabi. Inabot nito ang isang diyaryo at binuklat-buklat iyon.

            "Bakit natahimik ka?" tanong niya rito.

            "Wala naman," iling nito. "Pinag-iisipan ko kung paanong hindi maging 'ako' kapag dumating iyang reunion party niyo."

            "You're doing that, again."

            "Ang alin?" kunot-noong tanong nito.

            "Belittling yourself."

            Napasandal ito sa kina-uupuan. "Maliwanag naman sa'kin na hindi ko puwedeng dalhin ang pag-uugaling kong 'to kapag sinamahan kita sa party," mahinahong sabi nito at saka ngumiti. "Huwag ka mag-alala, kakayanin kong magmukhang hari para sa reyna ko."

            Inabot niya ang kamay nito na nasa ibabaw ng lamesa. "Thank you, Mister. But you're really a king to me naman, eh. It's just that, you know, we need to impress the people more."

            Tinignan siya nito nang matagal bago niya naramdaman ang pagpisil nito sa kamay niyang nakahawak rito. "Papasok na 'ko. May klase ako ng alas-otso. Pero ihahatid muna kita sa bahay." Binitiwan nito ang kamay niya. Kinuha nito ang sariling wallet, binigay iyon sa kanya at saka tumayo. "Ikaw na magbayad. Una na 'ko sa kotse."

            Nalaglag ang mga balikat ni Sapphire. Hindi mapagkakailang, issue pa rin sa kanilang mag-asawa ang tungkol sa pag-a-adjust nito sa mundo niya kahit isang gabi lang naman iyon.

            Nagtuluy-tuloy na si Johann palabas habang siya ay nagbayad na ng pinagkainan nila. Kailangan pa talaga nilang mas mag-usap ng asawa niya tungkol sa gagawin nitong adjustments.

            Hindi naman niya kasi alam kung ayos lang ba talaga kay Johann na sumama na sa kanya sa party o pinipilit lang nito na maging "okay" para hindi na sila magtalo pa.

            Naglalakad na siya palabas ng restaurant papunta sa kotse ni Johann nang may tumawag sa kanya.

            "Sapphire Monteverde?"

            Napalingon siya nang marinig ang pangalan niya.

            "Sylvia?" she recognized her high school classmate. Ito ang nag-aya sa kanya sa reunion party dahil ito rin ang nag-organize niyon.

            "Oh, my god! Ikaw nga, Sapphire! Nice seeing you here!" magiliw na sabi nito at saka bumeso-beso sa kanya na parang close friends sila.

            But out of courtesy, bumeso na rin siya rito at ngumiti. "Hi, Sylvia! Nice seeing you here, too."

            "Aalis ka na ba?"

            "Oo, eh. Hinihintay ako ng asawa ko sa kotse namin."

            "Oh, I see. See you na lang sa reunion party next month?"

            "Yeah. Sure. We will be there."

            "That's cool!" Nagpalinga-linga ito. "So, where's your car? Did you bring your Porsche with you? Oh wait. You married an Anderson, right? So, most definitely, mas mahal pa doon ang car niyo?"

            "Ahm..." Napalunok si Sapphire. OMG. Hindi nito puwedeng malaman na ang kotse na sinasakyan niya ay isang old model lang. "Y-Yes. Of course. My husband owns a...M-Mercedez. Merdecedez-Benz! The latest model?" pagsisinungaling niya. Lihim siyang napangiwi.

            Nanlaki naman ang mga mata ni Sylvia sa sinabi niya. "Really? Oh my god! Iyong husband ko, bibili pa lang niyon by next week. Ang ganda kasi di'ba?"

            Tumango lang siya.

            "Alright, papasok na 'ko sa loob. Bye, Sapphire! See you next month!"

            Nang makapasok na Sylvia sa loob ng restaurant ay tumalikod na si Sapphire para hanapin ang Mercedez-Benz—ay este, ang kotse ni Johann.

            Pagkatalikod niya ay napasinghap siya nang makita ang asawa. At base sa ekspresyon ng mukha nito, narinig nito ang pagsisinungaling niya sa dating kaklase.

            "M-Mister..."

            "Mercedez-Benz pala, ah?" Mapait na napangiti ito at naunang naglakad sa kotse nito.

            Sumunod siya rito. "S-Sorry... Kasi, ano lang—"

            "Sakay ka na sa 'Mercedez-Benz' natin," sarkastikong wika nito.

            Napasimangot siya at sumakay na ng kotse.

            Tahimik sila sa loob habang nagmamaneho ito.

            "Buti pala hindi ako nakita ng kaibigan mo. Baka mamaya, mapakilala mo pa 'kong driver kaysa asawa mo."

            Napayuko si Sapphire. "Hindi ko naman gagawin iyon..." mahina niyang sabi.

            "Tsk. Tsk."

            "Can we not fight?"

            "Hindi naman kita inaaway, ah?"

            "I know I lied, again. I'm sorry. Hindi ko lang kasi—"

            "Hindi mo lang kaya na malaman ng sosyal mong kaibigan na nakasakay ka lang sa isang kotse na outdated na ang model at tumitirik-tirik na." Napailing-iling ito at pilit na natawa. "Naintindihan ko naman, Sapphire. Oo, naiintidihan ko. Lagi ko namang ginagawa iyon. Umintindi."

            Nang tignan ni Sapphire si Johann ay alam niyang may problema na naman. Malaman ang mga huling salita nito.

Jeez!

Araw-araw na lang may problema silang mag-asawa! Ugh! Is this the real marriage people are talking about?!

Hindi na lang iyon basta natatawanan kung ganoon nga.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
88.5K 7.6K 38
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
684K 15.4K 23
Nagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mab...
321K 18.9K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022