PORTAL

By WackyMervin

10.8K 787 65

PORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: Wacky... More

PROLOGUE
PORTAL 1
PORTAL 2
PORTAL 3
PORTAL 4
PORTAL 5
PORTAL 6
PORTAL 7
PORTAL 8
PORTAL 9
PORTAL 10
PORTAL 11
PORTAL 12
PORTAL 13
PORTAL 14
PORTAL 16
PORTAL 17
PORTAL 18
PORTAL 19
PORTAL 20
PORTAL 21
PORTAL 22
PORTAL 23
PORTAL 24
PORTAL 25
PORTAL 26
PORTAL 27
PORTAL 28
PORTAL 29
EPILOGUE

PORTAL 15

242 25 0
By WackyMervin

********

PORTAL 15

********

                “Ivy,” mahinang sabi ko sa kanya, habang kapwa kami nakatingin sa langit. Nasa itaas kami ng bahay sa may bubungan. Gusto ko lang kasing Makita ng maayos ang mga bituin sa langit.

                “Ano yun?” kagaya ko, busy din siya na tinititigan ang mga bituin sa langit, saka ito napatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya. At muli akong tumingin sa langit. Sa tono ng boses niya alam kong nagtataka siya sa pagbulong ko ng minutong iyon at isa pa ang mabilisan kong pag-iwas ng tingin sa kanya. Siguro sa isip niya naiinis na siya. Kahit ilang linggo palang kaming nagkakasama, alam ko na ang ugali niya. Mainitin man ang ulo niya, madalas man kaming mag-away. At napakatahimik man niyang tao, alam kong may puso siya.

                “Salamat.” Matipid kong sagot sa kanya.

                “Tss.” Sagot niya. Napatingin ako sa kanya. Namangha at napangiti rin. Natututo na siyang umasta at sumagot ng ganun.

                “Saan mo natutunan yang pagsagot ng ganyan?” taas kilay kong tanong sa kanya.

                “Sa ‘yo.” Sagot niya. So ibig sabihin kasalanan ko pala kung magbabago ang ugali niya? Lagot tayo nito.

                “Wag kang mag-alala,” bigla niyang sabat.

                “Bakit naman?” pag-aalala ko.

                “Di ako magbabago para lang sa iyo.” Bigla akong nakaramdam ng sakit sa sinabi niya. Isa pa pala sa ugali niya, ang di nito pagpigil sa tunay niyang nararamdaman. Straight forward siya kung magsalita. Di niya alam na nakakasakit na siya minsan. Ngumiti lang ako sa sinabe niya at muling tumingin sa langit.

                “Kapag ba nawala na ako, ma-mimiss mo rin ba ako?” tanong ko sa kanya. As usual di siya sumagot. Nag-antay ako ng ilang minuto pero di parin siya sumagot. Inisip ko nalang na ‘silence means yes’. Pero di ko rin sure kung yun nga ba ang nararamdaman niya. Ang daya niya kasi. Siya lang itong nakakaramdam ng iniisip at tibok ng puso ko. Sana may ganun din akong kakayahan kahit ngayon minutong lang na ito. Nang malaman ko naman kung ano nga ba ang isasagot niya. Tumayo na ako pagkalipas ng limang minuto, at bumalik na sa loob ng kwarto ko. Di ko na siya inantay na bumalik. Alam ko naman kasi na kaya niyang makabalik sa kwarto niya kahit na di niya ako kailangan.

                Kasi di naman niya talaga ako kailangan.

********

                Kina-umagahan.

                Tahimik akong bumaba galing sa kwarto ko. Wala akong ganang kumain, pero dahil sa pinilit ako at si Tita Esme pa mismo ang umakyat sa kwarto ko para gisingin ako. Noong nasa harapan na ako ng hapagkainan, wala akong ganang umupo at di man lang pinansin si Ivy di gaya ng karaniwang ginagawa ko sa umaga. Mahahalata at mahahalata talaga nilang may problema kaming dalawa. Alam na rin nila na di kami magkasundo, pero alam ko na iba ang pakiramdam nila ngayon araw na ito.

                Habang kumakain, ay napapansin kong nakatingin silang lahat sa akin. Maliban lang kay Ivy na busy sa pagkain nito ng minutong iyon. Naunang natapos si Ivy na kumain pero di pa ito kaagad tumayo. Dahil kabastusan raw ito sa pagrespeto nila sa pagkain. Kapag nauna kang natapos kumain, kailangan mong antayin na matapos silang kumain. So nag-antay siya. Nakatingin lang siya sa plato niya at noong natapos na silang kumain ay tumayo na sila tita at tito. Nagprisinta akong mag-ayos ng hapagkainan at maghugas na. pero nagpumilit si Ivy. Nagkasagutan kaming dalawa, muling bumaba sina Tita at Tito upang pigilang kaming dalawa.

                “Ano bang problema niyong dalawa?” singhal pa sa amin ni Tita Esme. Minsan ko lang siya makita na magalit. Pero ng minutong iyon alam kong galit siya sa akin at lalong lalo na sa inaasal ni Ivy ng minutong iyon. Tumingin ako kay Ivy, pero umiwas lang ito ng tingin sa akin.

                “Wala po,” mahinang tinig na tugon ko sa kay Tita.

                “Kung wala bakit kayo nagsisigawan?” tanong naman ni Tito sa amin. Muli akong tumingin kay Ivy, inaantay ko na ipagtanggol nito ang sarili niya, ngunit di parin siya sumasagot.

                “Ivy, ano?” inaantay ni Tita na sumagot ang anak niya. Ngunit bigla nalang nitong binitawan ang mga plato at bigla nalang itong umakyat sa itaas at pumasok sa kwarto nito. Napailing nalang si Tito Samuel sa inasal ni Ivy. Doon na lumapit si Tita Esme sa akin at nagtanong.

                “Ano ba Ebong?” pagtatakang tanong niya.

                “Di ko po siya maintindihan Tita,” sagot ko sa kanya, saka ko ini-ayos yung mga plato at pumunta na sa kusina. Binuksan yung gripo at sinimulan ko nang paghiwalayin yung mga natirang pagkain sa isang timba sa gilid na siyang lalagyan ng mga kaning baboy.

                “Anong di mo siya maintindihan?” pagtataka pa nito.

                “Kagabi po kasi… nag-usap kami.”

                “E lagi naman kayo nag-uusap diba?”

                “Tinanong ko po kasi siya kung kapag ba nawala ako? Mamimiss ba niya ako.” Biglang nalungkot ang mukha ni Tita noong marinig niya ang dahilan ng di namin pagkakaunawaan ng kanyang anak.

                “Yun ba?”

                “Opo,” sagot ko.

                “Sige kakausapin ko nalang siya. Pagpasensyahan mo na siya Ebong ah?”

                “Walang ano man po. Gusto ko lang po na sana kapag nakabalik na ako sa panahon ko. E okay parin kaming dalawa.”

                “Magiging okay din kayo,” saka niya ginulo ang buhok ko ng minutong iyon. Habang hinuhugasan ko ang plato, mukha ni Ivy ang nakikita ko. Pati sa pagpatak ng tubig sa gripo. Ano bang nangyayari sa akin? Binasa ko ang mukha ko ng minutong iyon, baka mahimasmasan ako sa kahibangan kong iyon. Pero di e nakikita ko parin ang mukha niya. Tae! Mahal ko na ba siya?

                Mahal ko na ba si Ivy?

********

                Pwede ko ba siyang mahalin? Siyempre hindi! Baka patayin ka pa ng magulang niya.

                Bakit naman hindi? Ewan ko! Di ko rin alam.

                Bakit di mo subukan? May mga kapangyarihan ang pamilya niya, baka di ka na makabalik sa panahon mo kung magkaganun.

                Takot ka lang kasi… Oo na takot ako. Pero ano naman kung sabihin kong gusto ko siya? Paano kung di naman pala ganun din ang nararamdaman niya sa akin?

                E paano mo malalaman kung di mo nga itatanong? Ayaw ko!

                E di takot ka nga! Tae! Takot na kung takot!

                Para akong gago!

               

                Kinakausap ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Kahit yung kunsensya ko, di sumasang-ayon sa akin. Ebong 10 years old palang siya. Napakabata pa niya. Sabihin na natin na nahuhulog ka na sa kanya. Di naman maiiwasan yun dahil babae siya at lalake ka. Normal na nangyayari yun lalong lalo na sa edad mo. Pero ang tanong? Paano kung sobra ka nang nahulog sa kanya? At ganun din siya sa iyo? Kailangan mong mamili.

 

                At ang dalawang bagay na pag-pipilian mo ay… to stay? Or to leave.

 

                Kaya ko bang iwan ang kasalukuyan, para lang makasama ko ang tamang babae na sa aking nakaraan? Tama naman siya, kung mamahalin ko si Ivy? Masasaktan ko siya. Dahil darating ang panahon na kailangan kong mamili. Sa pagpili kong iyon, doon ko siya masasaktan.

                At ayaw kong saktan si Ivy. Ayaw ko! Ayaw ko!

Continue Reading

You'll Also Like

941K 23.7K 43
Sino nga ba ang karapat-dapat na magmana ng Hacienda Barosa?
185K 7.5K 19
May nagbalik mula sa kamatayan. May bumangon mula sa kailaliman. At isang batang Clairvoyant ang nanganganib. Sinu-sino ang mga muling nabuhay? At an...
14K 1.3K 72
A cold hearted, walang pakialam sa paligid, Salot ang tingin ng mga tao. Nag-iisa sa madilim at malamig na kwarto... Niyayakap ang kadiliman sa buhay...