His Story To Tell (R-18)

By darlinreld

555K 19K 8.4K

How will you correct the mistake that you've done because of your past? More

Teaser
HSTT - 1
HSTT - 2
HSTT - 3
HSTT - 4
HSTT - 5
HSTT - 6
HSTT - 7
HSTT - 8
HSTT - 9
HSTT - 10
HSTT - 11
HSTT - 12
HSTT - 13
HSTT - 14
HSTT - 15
HSTT - 16
HSTT - 17
HSTT - 18
HSTT - 19
HSTT - 20
HSTT - 21
HSTT - 22
HSTT - 23
HSTT - 24
HSTT - 25
HSTT - 26
HSTT - 27
HSTT - 28
HSTT - 29
HSTT - 30
HSTT - 31
HSTT - 32
HSTT - 33
HSTT - 34
HSTT - 35
HSTT - 36
HSTT - 37
HSTT - 38
HSTT - 39
HSTT - 40
HSTT - 41
HSTT - 42
HSTT - 43
HSTT - 44
HSTT - 45
HSTT - 46
HSTT - 47
HSTT - 48
HSTT - 49
HSTT - 50
HSTT - 51
HSTT - 52
HSTT - 53
HSTT - 54
HSTT - 55
HSTT - 56
HSTT - 57
HSTT - 58
HSTT - 59
HSTT - 60
HSTT - 61
HSTT - 62
HSTT - 63
HSTT - 64
HSTT - 65
HSTT - 66
HSTT - 67
HSTT - 68
HSTT - 69
HSTT - 70
HSTT - 71
HSTT - 72
HSTT - 73
HSTT - 74
HSTT - 75
HSTT - 76
HSTT - 77
HSTT - 78
HSTT - 79
HSTT - 80
HSTT - 81
HSTT - 82
HSTT - 83
HSTT - 84
HSTT - 85
HSTT - 86
HSTT - 87
HSTT - 88
HSTT - 89
Epilogue
HSTT: Special Chapter 1

HSTT - 90

6.6K 233 388
By darlinreld

I told Rej what happened. Hindi ko nga lang kinwento sakaniya ang ibang mga detalye tulad nang pananakit na ginawa ko kay Red. I know she is scared of that kind side of me kaya hindi ko na lamang sinabi. Baka mamaya matakot pa siya sa akin. Kakabalik ko palang baka may LQ nang maganap.


"But you two weren't still okay." Rej told me beside me who's still hugging me. Para siyang linta na nakakapit sa akin.

Umupo ako sa kama at sinoot ang mga damit ko. I picked up all of her clothes and I pulled her. Sinuotan ko rin siya ng damit at humiga ulit kami sa kama.

"Simply because I am not done yet with him." Seryosong sabi ko.

He went out of the mansion without settling with our problems, and I still have to do something about what he did to me and to Rej. I want to make him feel what I have felt. Hindi ako magmamalinis at magpapaka plastic sa sarili ko. Hindi ako santo at masama rin akong tao.

"Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang tanungin sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa atin."

"Hayaan mo munang ako ang makipag usap sakaniya. Iringan naming magkapatid 'to."

Ayoko nang masali pa siya sa gulo namin ni Red. Nadamay na siya noon, at tama na 'yon.

"Even though. I still want him to explain. It pains me that he did terrible things towards us samantalang noong kasama ko siya sa loob ng anim na taon na kaming dalawa lang ay wala siyang pinakita sa akin kung 'di puro kabutihan."

"Sus! Inuuto ka lang non. Funny ka naman masyado. Funnywala." Inis na sabi ko atsaka niya ako binatukan.

"Napaka mo."

"Huwag mo 'kong mabatuk batukan Reginy at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan na nagkagusto ka sakaniya. Ang baba ng taste mo. Iww."

"E kasi nga mabait siya sa akin!"

"Yuck! Porket mabait gusto mo na agad? Hala sige. Pumunta ka ng simbahan. Gustuhin mo lahat ng mga santo ron tutal mababait din ang mga 'yon."

"Ito naman parang ewan."

"Doon ka nga. Huwag mo akong hawakan." Kunwari na pag iinarte ko atsaka ko siya tinulak. Pingilan kong matawa dahil muntik siyang mahulog sa kama.

"Hala nakaraan na 'yon e." Malambing na sabi niya atsaka niya ako yinakap ulit. I bit my lower lip to stop myself from smiling. Because ghorl! Kinikilig ang koya mo.

"Ako, hindi ako nagkagusto kahit kanino. Kahit maraming tukso ang sumubok sa kalandian ko hindi ako naging marupok."

Pero syempre joke lang 'yan. I kissed other women while I was looking for her. Sorry na. Nastress lang.

"Epal mo no? Kakabalik mo lang tapos ganyan ka na agad." Pikon na sabi niya.

"Lambingin mo muna ako. Limang taon akong patay sa isipan mo. Kasalanan 'to ng tatay ko."

Sana man lang kahit si Reginy lang ang sinabihan niya sa pamilya ko kahit hindi na ang mga anak ko kaso hindi e. Sinama niya rin ang isang 'to sa mga listahan ng mga naniniwalang patay na ako sa loob ng limang taon. Isa ring bobo si Raine dahil hindi niya sinabi sa kapatid niya na buhay naman talaga kami at natutulog lang. Funny rin masyado sa ama ko 'yon e.


"What about Kuya Luke? Is he okay?"

"He's okay, but you know. He's broken hearted."

Nauna akong magising kaysa kay Luke. Nauna ako ng anim na buwan. Isipin mo, anim na buwan kong tiniis na huwag makita ang pamilya ko para sakaniya. Napaka kapal ng mukha e pinagpalit naman.

"Ah, about his ex fiance? Sinabi nga sa akin ni Kuya Raine ang tungkol don. Grabe no? Nagawa niya 'yon?" Disappointed na sabi nito.

Yinakap ko na lamang siya at kinulong sa mga bisig ko.

"Huwag mong husgahan ang ex fiance niya. You all don't know what she's been through." I said.






Nagising ako nang maaga at agad akong dumiretso sa kusina. Nagluto ako ng almusal para sa mga bata at para na rin sa asawa ko. Naks! Nanay at tatay na talaga kami. Hindi na namin kailangan maglaro ng bahay bahayan dahil legit na talaga 'to. Kinikilig nanaman tuloy ako. Sana always ganito ang feels. Luke can't relate! 

My phone suddenly rings and speaking of our future kabit, heto siya at tumatawag. Malungkot siguro ang umaga niya.


"Bakit?" Sagot ko habang inaayos ang mga pagkain na lulutuin ko.

"Punta ka rito?" Aya niya sa akin at malungkot ang tono nito.

He's at his condo alone. Sabi ko sumama nalang siya sa akin dahil nandirito rin naman si Raine kasama namin pero ayaw naman niya. Gusto niya ng alone time. Ayaw siguro niyang makita namin siyang umiiyak at malungkot sa isang tabi. Sad boy na sad boy ang galawan.


"Ge man. Lutuan ko lang ng pagkain ang mag iina ko." Diniinan ko ang salitang mag-iina para mainggit siya.

"Sana all may mag-ina." He said and the next thing I heard was his sobs.

Luh? Naiyak?

"Kawawa ka naman." Tumatawa na sabi ko. "Hayaan mo ipagluluto rin kita ng almusal mahal ko. Sasama ko rin si Cole para kunwari kami ang mag ina mo. We are a happy family, Daddy."

"Gago." Mura niya and he ended the call.

Napailing na lamang ako at sinimulan magluto. Luke needs to be strong. He has still a battle to fight for.





I had my first breakfast with my family. 'Yon ang unang breakfast na kasama ko sila at never ko 'yon makakalimutan kailan man. I just couldn't remove my smile while eating with them. May asungot nga lang at si Raine 'yon. Dapat dito umalis na e.





"Raine, umalis ka na ng bahay namin. Dapat kami lang apat dito e." I said while we are washing the dishes.

Kami na ang naghugas dahil busy si Rej sa taas at pinapaliguan ang dalawa. Ivan will go to his swimming training at isasama ko naman si Cole sa akin.

"Bakit ako lalayas?" Iritado na tanong niya.

"Kasi nga dapat apat lang kami ng pamilya ko rito."

Binuhusan niya ako ng tubig sa mukha at napaatras ako. Tangina nito. Ugali talaga nito kahit kailan e. Hindi na nagbago.

"Bahay ko 'to gago. Kung meron mang dapat lumayas, kayong apat 'yon. Sampalin kita riyan e."

"Luh? Sa'yo pala 'to?" Natatawa na tanong ko.

"Hindi ba obvious? Ano? Nakalimutan mo na bang bahay namin 'to at ako ang mayari nito? Kaya nga nakakalat ang mga pictures namin ni Rej 'di ba? Ang kapal ng mukha mong magpalayas. Kinanya mo ah."

"Sorry na. Samahan mo nalang pala ako bumili ng bahay."


Naligo ako sa ibaba at nang matapos ako ay dumiretso ako sa kwarto nila Rej. Tapos na rin silang maligo at si Cole na lamang ang inaayusan niya at pinapatuyo nito ang buhok. Napakaarte ng isang 'to. Kanino ba nagmana 'to?



"Mommy, I think this is not good?" He said while facing the human size mirror.

Inaantok na kami ni Ivan sa paghihintay sakaniya magbihis.  I saw Reginy's annoyed face at handa na siyang mamalo ng maarte na bata.


"Cole, pang pitong palit mo na 'yan! Ano ba talagang gusto mong damit?"

"Mom, just let him go out without his clothes. Napaka arte." Irita na sabi ni Ivan at ginulo ko na lamang ang buhok niya.

"Is he like this all the time?" I asked Ivan.

"Yes, Dad. Ang choosy sa damit. Gusto laging maayos ang buhok. Halos ubusin 'yung pabango. Akala mo naman po may rampa na pupuntahan e wala naman."

I just smiled with his answer. I am still coping up with them. I can say that I don't really know my sons' personalities yet. Ngayon lang kami nagkasama sama kaya kinikilala pa rin namin ang isa't isa. I don't know yet what do they like, what do they hate, and what are their personalities. I still need time though.

Naghintay pa kami nang panibagong halos isang oras bago siya natapos sa pag aayos. Muntik na akong ma highblood habang naghihintay pero naisip ko na mabait pala akong tatay kaya pinagpasensyahan ko na lamang. Nagpaalam na kami kay Reginy at sumakay kaming tatlo sa kotse at nasa front seat si Ivan, sa tabi ko. Cole is busy at the back habang tinitignan ang sarili niya sa salamin.

"Ang gwapo kong bata." Dinig kong paulit ulit na sinasabi niya. Hindi ko nalang pinansin dahil gwapo naman talaga siya kahit para na siyang ewan na gwapong gwapo sa sarili niya.

"Ryoga, sa Wavy Swimming Center mo ihatid si Ivan." Bilin ni Reginy sa may bintana habang naka baba ito. "Alam mo naman kung saan 'yon, 'di ba?"

"Why are you calling me Ryoga? You should call me baby." I said and I gave her a peck on her lips. Nagulat siya dahil don at mabilis niyang hinampas ang braso ko. Kilig nanaman si ate mong ghorl. Pabebe masyado at may pahampas pa sa braso!

"Sige na. Umalis na kayo. Late na 'yan oh."

"Bye, baby. See you later." I said and I pouted my lips. She kissed me and smiled at me.

"Bye. Ingat kayo. Ivan ha? Wait mo si Daddy mamayang afternoon. Keep your phone with you."

"Yes, Mommy."

"Cole, huwag makulit ah. Nandiyan na 'yung perfume at alcohol mo. Huwag pasaway kay Daddy."

"Sey, Ymmom." Sagot niya at natawa na lamang ako.

"Sige na. Bye na." I said and I kissed her again.

"Bye." She said while smiling.



Hinatid ko si Ivan sa swimming center kung saan siya nagtitraining. I could still remember that he loves water and swimming and I didn't know na nag titraining na pala siya. He told me that he is a swimming player at Rockwell. At bilang isang ama, hindi ko maiwasang maging proud lalo na't nang sabihin niyang lagi siyang nananalo sa mga competitions. Syempre kanino pa ba magmamana 'yan? Edi sa'kin!

Dumiretso kami ni Cole sa building kung nasaan ang unit ni Luke. Sana hindi pa siya gutom lalo na't nalate kami ng dating dahil sa maarteng bata na kasama ko. I pressed the code and the door opens. Hindi pa rin pala niya pinapalitan ang passcode? Birthday pa rin nila ni Lancie at anniversary ang numbers e. Pumasok nalang kaming dalawa ni Cole at naabutan namin siya na nakahiga sa sofa habang umiinom. Ang aga mag walwal!



"Lasinggero po ba ang bestfriend niyo?" Cole asked me.

"Broken lang 'yan."

Luke looked at us and he immediately spread his arms wide for Cole. I pushed Cole lightly and he walked towards Luke and hugged him. Luke hugged him so tight as he started crying. Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang braso nito.

"Ayos lang 'yan man. Gawa ka nalang ng bata." Pangumgumbinsi ko sakaniya.

"Ganito na s-sana kalaki ang anak ko 'di ba? Magkasing edad lang s-sila." He said while crying. Hindi na lamang ako sumagot dahil ayaw ko nalang mag talk.

"Bakit naman kamukhang kamukha mo 'to?" He asked nang humiwalay siya sa pagkakayakap nito. He made him sit on his lap.

"Malamang anak ko 'yan. Alanganamang maging kamukha mo? Edi napatay kita."

"Huwag kang magmamana sa tatay mo ha? Dapat maging mabait ka." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang gwapo niyo po Uncle Luke. Bakit po kayo umiiyak?"

"Pinagpalit kasi siya sa iba." Sagot ko.

"Ganon po ba? Edi humanap din po kayo ng iba. Babae lang 'yan." Cole answered.

"Bakit ganito sumagot 'to? Nagmana yata sa'yo 'to man?"

"Feeling ko rin."


Luke stopped drinking and he played with Cole the whole day. Gaya nang sinabi ko kanina ay ipinagluto ko siya ng pagkain. Pinakain ko siya, silang dalawa and I felt like a wife feeding a husband and a son. Nang hapon na ay nagpaalam na ako sakaniya dahil may pupuntahan pa ako. I need to talk to someone amd meet someone bago ko sunduin si Ivan.


"Sabihan nalang kita kapag naayos ko na 'yung partnership mo sakaniya."

"Sige man. Salamat."

"Huwag ka nang umiyak. Kung gusto mo ng chix sabihan mo lang ako. Marami akong mairerecommend."

"Suntukin kaya kita sa mukha?"

"Manununtok yern?" Pang aasar ko sakaniya pero inirapan niya lamang ako.



Sinakay ko na lamang si Cole sa sasakyan at bumyahe kaming dalawa papunta sa isang bahay hindi kalayuan kung saan nagtitraining si Ivan. Brandon told me that she lives there.




"Ano pong gagawin natin dito, Daddy?" Cole asked habang nasa harap kami ng isang gate.

"I'll meet my ex girlfriend." I answered after kong magdoorbell.

"Hala! Mahal niyo pa po ba ang ex niyo?! Paano si Mommy?! Susumbong kita!"

"Baliw. Ex nga 'di ba? Closure 'to." Sagot ko atsaka na lamang siya tumango.

The gate opened and I smiled when I saw her face. She looks shocked and very surprised.



"Kamusta?" Nakangiti na tanong ko at pansin ko agad ang pangingilid ng mga luha nito. Nilipat niya ang tingin niya kay Cole na nakahawak sa kamay ko.

"W-what are you doing here?" She asked when she looked at me again.

"I want to talk to you."

"H-hindi naman na kailangan 'yon, Ryoga."

"Why don't you just let us come in, Jowana?" I asked while still smiling.


She opened the gate widely at pumasok kami ni Cole. I heard her closing the gate at hinintay ko siyang makalapit sa amin. Nauna siyang maglakad papasok ng bahay nila at sumunod na lamang kami. We entered in the living room and I sat on the couch.

"Mama, shino po shila?" I looked back when I heard a child's voice. So, she has a daughter?

"A f-friend anak."

"I'm your Mom's ex. I am her first love."

"Ryoga." Bawal niya sa akin. "Coleen, punta muna kayo ron ni..." She paused.

"Cole igop po ang pangalan ko, Auntie." Cole answered. Very nice namang sumagot!

"Ni Cole. Play with him."

Tumayo si Cole mula sa pagkakaupo niya at siya na mismo ang lumapit kay Coleen. I suddenly remember something at natawa na lamang ako. So, this is Coleen, huh? I can't wait for Ivan to meet her.

"Bakit ka nandirito?"

"Ang payat mo. Nagdadiet ka ba?" I chose not to answer her question.

"I am asking you, Ryoga. Why are you here?"

"Hindi ba dapat mas masaya kang makita ako ngayon? Ilang taon na 'yung anak mo? Nasaan ang tatay niya?"

"You don't have to know."

"But atleast tell me I am not her father. I know you and Yoshikawa had a thing."

"You are not her father kung 'yon ang kinababahala mo."

Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko pa naman magkaka anak na ako sa labas. Baka mapatay ako ni Reginy 'pag nagkataon. Pero kung sasabihin niyang anak ko 'yon, ay okay lang naman sa akin. It would be Yoshikawa's daughter and my daughter too.


"Jowana, galit ka ba sa akin?" Tanong ko.

Pinirmi ko ang mga mata ko sakaniya at tinitigan siya. Nag iwas siya ng tingin sa akin at pansin ko ulit ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata niya.

"Okay na ako, Ryoga. Tanggap ko naman na. Hindi talaga tayo ang para sa isa't isa at isa pa wala naman akong karapatang magalit." Malungkot na sabi niya at may luha na lumandas sa mata niya na mabilis niyang pinunasan.

"Mahal mo pa rin ako."

"Hindi ikaw, Ryoga. Si Yoshikawa ang mahal ko."

"Ako rin naman 'yon."

She looked at me and tears are starting to fall in her face. Her beautiful face which made me fall inlove when I was young. Maraming nagbago at nagmature sakaniya pero ganon pa rin siya kaganda tulad noong una ko siyang nakilala.

"So, ano nga? Pumunta ka ba rito para paiyakin lang ako?"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at tumabi sakaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at mas lalong dumoble ang luha sa mga mata niya.

"I'm sorry." I said. "I'm sorry if I failed protecting you from Tristan and from Jace. I'm sorry if all our promises didn't happen."

"Don't worry about it. N-nangyari na e. Alam ko naman na noon pa, hindi tayo pwede. Ako lang 'tong makulit. N-nahulog ako e. Hulog na hulog ako sa mga kalokohan mo." Nakangiti na sabi niya. "Pero 'di ba? Kita mo naman kung nasaan ka na ngayon. You have your own family w-with Reginy. You are also a f-father of t-two."

Pumiyok siya sa huling salita na sinabi niya atsaka siya tumawa para pagtakpan ito. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sakaniya. I don't know what should I exactly feel right now. I feel so sorry, I feel pain, I feel so guilty for hurting someone who loves me with all of her heart.

"Masaya ako para sa'yo, Ryoga. Kahit na hindi na ako ang kasama mo. Kahit hindi na ako ang dahilan niyang pag ngiti mo. I am at peace knowing that you're happy with someone who you truly love now."

"Naguguilty ako. Nasasaktan akong makita kang ganito ngayon sa harapan ko." Pag amin ko.

"Ano ka ba? Huwag uy! Umiiyak ako hindi dahil malungkot ako o ano. Umiiyak ako dahil masaya talaga ako para sa'yo. I want you to know that I am a Ryoga and Reginy shipper ever since." Nakangiti na sabi niya pero hindi ako magpapadala sa mga ngiti niyang 'yan. Her eyes are telling different.

"Bakit hindi ka nagpakita sa akin? Bakit mo pinili na paniwalain akong patay ka?"

"Ang kapal naman ng mukha ko kung magpapakita pa ako sa'yo. I brought trouble in your life. I was the reason why your Mom died, why Raine's parents died. Nilagay ko sa kapahamakan ang buhay mo at ang buhay ni Reginy. I couldn't face you, R-Ryoga. Inisip ko na mas mabuting alam mong patay nalang ako."

"If you showed yourself, maybe, just maybe I wouldn't fall inlove with Reginy. Hindi ka ba nanghihinayang?" Tanong ko.

"Silly. You love Reginy ever since she was young. Nagpakita man ako o hindi, alam kong doon din ang punta mo. That would be better kaysa naman magcheat ka pa sa akin, right?"

Ngumiti na lamang ako sa sagot niya. I don't want to give hope for her and I don't want her to feel regret. But I know to myself, if she only showed herself up, Reginy and I wouldn't happen. Malandi lang ako pero kapag mahal ko, mahal ko. I won't cheat because I love faithfully. Nagkataon nga lang na nagmahal ako ng iba dahil alam kong patay na siya.




We talked more and more about what happened between us. Kinwento niya sa akin kung paano sila nagkakilala ni Yoshikawa kahit pa na alam ko na ang lahat. Dahil lahat ng alaala ni Yoshikawa ay nasa akin na. Mas pinili ko na lamang na makinig sakaniya at pakinggan ang mga kwento niya. She's still the old Jowana that I used to know. Palakwento pa rin siya.


"So, I think this would be our closure then?" I asked her.

"It is." Nakangiti na sagot niya. "Thank you for coming here."

"Gusto mo ba ng kiss? Hindi naman kita pagdadamutan tutal nakarami ka na rin naman sa akin noon." I said playfully.

"Gago. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng asawa mo."

"Kiss lang naman e. Five seconds walang malisya oh."

She pushed me and I stood up. Nginitian ko siya atsaka ko hinila ang kamay niya patayo. I pulled her towards me and I hugged her so tight.

"I may not love you now as much as I have loved you before, but always remember that you have a special place in my heart, Jo. I am speaking as Ryoga who was your first boyfriend. Because I know Yoshikawa loves you forever." 

"But he loves Reginy too, right?"

"But he loves you more." I answered back and she hugged me back.

Ako at si Yoshikawa ay iisa pero nagkaroon rin siya ng sariling buhay. He met friends who are not my friends, and he loves someone whom was my first love. In fact, one of the reasons why Yoshikawa came out was because of her.

"Thank you. Thank you for telling me this." Bulong niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakaniya at pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya.

"So, okay na tayo?"

"Okay naman ako. Okay ka na rin, so yeah. We're good."

Pakiramdam ko ay umiwalas ang dibdib ko dahil sa pag uusap namin na 'to. Hinanap ng mga mata ko si Cole at nakita ko sila sa labas ni Coleen habang naglalaro ng lupa.

"Grabe naman 'yung anak mo. Naka gloves pa." Tumatawa na sabi nito at natawa nalang din ako because Cole is wearing a fucking gloves! Jusko!

"Maarte 'yan e."

"Mana sa'yo? Maarte ka rin e."

"Hindi no! Una na pala kami. Susunduin ko pa si Ivan e."

"Sa Wavy?" Tanong niya. "Nagsiswimming din doon si Coleen e. They are friends."

"Talaga?"

"Yes. Sa ibang school nga lang nag aaral si Coleen dahil hindi ko afford na paaralin siya sa RU. So sa Wavy lang sila nakakapag meet during their training sessions."

Naglakad kaming dalawa palabas ng bahay niya at agad kong sinenyasan si Cole na lumapit na sa akin at may hawak pang pala.


"Eh buti nandirito ang anak mo? Hindi siya nag training ngayon?"

"Nilagnat kasi 'to noong isang araw. Hindi tuloy nakapag swimming ngayon dahil baka mabinat. Tinatawagan nga siya ni Ivan kanina at hinahanap."

Pinigilan ko ang sarili kong matawa. Ivan niyo concerned.

"Gusto mo ipagkasundo nalang natin ang mga anak natin tutal hindi rin naman tayo nagkatuluyan?" Bulong ko sakaniya.

"Hmm, pwede rin naman?" Sagot niya at parehas nalang kaming natawa.

We walked again going outside of their gate at binuksan ko ang pinto ng kotse. Pinasok ko si Cole doon at sinara ko ang pinto. I looked at Coleen who is hiding behind her Mom.

"Say bye bye na kay Tito Ryoga, anak." Jowana said.

"Bye, Tito." She shyly said at nagpunta ako sa likuran ni Jowana at binuhat siya.

"Don't call me Tito. Call me Daddy, okay?"

"Mama." Tawag niya kay Jowana. "Daddy?" She asked.

"Okay. Call him daddy then." Jowana said while smiling.

I don't know what happened to her father at ayaw ko na rin namang tanungin si Jowana kung ayaw niyang sabihin sa akin. Kaya ko namang alamin kung anong nangyari at 'yon ang gagawin ko. Gumagana nanaman ang pagiging tsismoso ko e. Bakit ba?

Binaba ko na si Coleen mula sa pagkakabuhat ko sakaniya. Kinuha ko ang wallet ko mula sa bulsa ko at inalis ang mga cards at id ko ron.

"Oh, sa'yo na. Pambili mo ng chocolate at toys." I told her and Jowana stopped me.

"Gaga ka ba?! Bakit mo binibigay ang wallet mo?!" Sigaw niya sa akin.

"Run now, baby." I told Coleen at nilagay sa kamay niya ang wallet ko. She really ran inside the house at naiwan kami ni Jowana rito habang umiilimg siya. Masunurin naman palang bata ang anak niya.


"I know you need help." I said and she looked away. "You can't hide it from me, Jo."

"Stage four. Hinihintay ko nalang ang ending ko." She answered while smiling. "Kapag may nangyari sa akin, ikaw nang bahala sa anak ko ha?"

"Papagamot kita." Sabi ko pero umiling lamang 'to habang nakangiti.

"Wala na, Ryoga. I've tried everything and lost almost of my savings pero wala na talaga e."

"Come on. Let's give it a try."

"Umalis ka na. Labasan na nila Ivan niyan." She showed me her watch. "Baka magtampo 'yon kapag nalate ka."

"Babalikan kita. Mag uusap pa tayo." I said and I went inside my car.

"Ingat kayo. Bye, Cole!"

"Bye po Auntie ganda na ex ni Daddy!"







Just like what I promised, I went back to her. I pursued her to go to the hospital and see a doctor at napilit ko naman siya. Raine helped us too just to save her from her cancer but even Raine told me na wala na talagang pag asa.


"Sorry man. Pero wala na talaga e." Umiiling na sabi ni Raine habang chinicheck niya lahat ng test results ni Jowana. "Malala na 'to."

I looked at her on the bed while she's peacefully sleeping. She is one of the kindest people I've ever met, but she is experiencing this. I sat beside her and I kissed her forehead.

"It's okay. I got you and your daughter."



Hindi nga nagtagal ay binawian siya ng buhay. I prepared everything for her burial. Coleen was crying all day when I told her that her Mom went to heaven.  Tatlong araw akong hindi umuwi sa amin dahil inasikaso ko ang lahat. Agad ko rin naman siyang ipinalibing dahil ayaw ko nang patagalin ang burol niya. Wala rin namang nadalaw kung 'di ang mga kapit bahay lang at iilang mga kaibigan dahil wala siyang masyadong mga kaibigan rito.




I was carrying Coleen at my arms while we are entering the house. Agad kong hinanap si Reginy and I saw her in the living room habang binabantayan si Cole na gumagawa ng mga assignments niya.

"Rej." Tawag ko sakaniya. She looked at me and she looked surprised nang makitang may buhat buhat akong bata.

"Ano 'yan?! Tatlong araw kang hindi umuwi ah?!" Sigaw niya at mukha na siyang kakain ng tao. "Sino 'yan?! Anak mo sa labas?!"

Binaba ko si Coleen at pinalapit ko siya kay Rej. Agad naman itong nagbless and Reginy smiled sweetly to her. She even kissed Rej's cheeks.

"Ang ganda ganda mo naman." Reginy said happily. Bilis magbago ng mood ah?

"Thank you po."

"Coleen, baby. Akyat ka muna sa taas. Sama mo si Kuya Cole." I said and Cole stood up.

Hinawakan niya ang kamay ni Coleen atsaka sila umakyat sa taas. Umupo ako sa couch at pinikit ko ang mga mata ko. I suddenly feel so tired. Sobrang pagod ko nitong mga nakaraang araw dahil ako ang kasama ni Jowana at nag aalaga sakaniya.


"Starting from now, she'll be a part of our family. Treat her as your own."

"Nag ampon ka ba?" Tanong niya atsaka siya umupo sa tabi ko. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya and she hugged me.

"I'm sorry I didn't tell you but she's Jowana's daughter."

"S-si Ate Jowana?"

"Yeah. Jowana died for real. The reason why I didn't come home was because I was busy with her burial. She was also the reason why I was always busy for the past few days. Sorry."

"Ryoga naman! Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" Sigaw niya.

"Ayaw kong mag alalala ka pa. Ayaw niya na ring ipasabi sa'yo. Saka ko nalang daw sabihin kapag inuwi ko na rito ang bata. Kapag wala na siya."


Kinwento ko kay Reginy ang nangyari. I told her that Jowana was suffering from a stage four cancer that ended her life. Noong gabing kumpleto na kami ay kinausap ko silang lahat. I told them that Coleen will be our new family member. Masayang masaya naman si Cole dahil meron na raw siyang baby girl.




"Isasama ko ang apelyido ko sa pangalan ni Coleen. Gagawin kong Sibal imbes na Bartolo lang." I told Rej while we are in our room. Dala dala ni Coleen ang apelyido lamang ni Jowana. Wala siyang middle name dahil hindi sinama ni Jo ang apelyido ng totoong tatay nito at sinunod niya lamang ito sakaniya.

"That's good, but please don't remove Ate Jowana's name on her name." She said and I looked at her.

"Why? Ayaw mo bang ikaw ang magiging nanay niya rin sa papel?" Tanong ko.

"Gustong gusto ko syempre. Pero huwag nating alisin ang ka isa isang bakas ni Ate Jowana sakaniya. We will let her live living with her Mom's name. You can give her your last name together with Ate Jowana."

"Ayos lang sa'yo 'yon?"

"Oo naman. Wala namang problema sa akin 'yon."

"But what if other people bully her? What if other people might think differently about it? Baka isipin nila nagcheat ako sa'yo."

"May point ka. Baka asarin siya no?"

"Alam ko na. Pagagawan ko nalang siya ng bago. 'Yon ang ipapakita natin publicly but she will still remain as Sky Yoshie Coleen Bartolo."

"So sa public, she will be Sky Yoshie Coleen Mendoza Sibal?"

"Oo."

"Okay! That sounds nice naman." She happily said and she hugged me.




Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip na meron na kaming sariling pamilya ni Reginy. Everything is so perfect na hindi ko maiwasang ipanalangin sa Diyos na sana mamuhay kami nang mas mahaba pa rito para magkakasama pa kami ng mas matagal. Pero may isa pang kulang sa pagsasama namin at ngayon ko lang naalala.



"Baby, hindi pa pala tayo kasal no?" I whispered atsaka niya kinurot ang tagiliran ko.

"Hindi pa! Hindi ka pa kaya nagpopropose sa akin!" Nagtatampo na sabi niya at natawa na lamang ako.

Kailangan ko pa bang mag propose? Wala ng propose propose kay Ryoga dahil oo naman niyan ang sagot niya. Pero kailangan ko munang hintayin na maikasal si Luke at Lancie. Hindi papayag si Luke na maikasal ako nang wala ang pinakamamahal niyang partner.








Tinipon ko ang mga kaibigan ko para utusan sila isa isa. Kasama ko ngayon sila Raine, Luke, Brandon at Jayden. Sinabi ko na sakanila ang balak kong pagpapakasal at gulat na gulat ang mga gago.

"Weh? Ikaw? Ikakasal? 'Diba pokpok ka?" Luke asked at sinamaan ko siya ng tingin.

"Gago ka. Dapat mas nauna pa akong magpakasal sa'yo pero hinintay kong mauna ka tapos gaganyanin mo 'ko?"

"Oh, sorry na."

"Tangina, ikakasal na si Reginy?" Naiiyak na tanong ni Raine.

"Man, hindi ka nga naiyak nung buntisin siya ni Ryoga tapos ganyan ka ngayon?" Brandon said.

"Oo nga." Pag sang ayon naman ni Jayden sakaniya.

"Makinig na nga kayo. Iniinis niyo 'ko e." I said. "So ito na ang plano. Toka toka kayo para may silbi naman kayo sa buhay ko. Huwag kayong mag alala, may TF 'to."

Alam kong hindi papayag ang mga 'to na utus utusan ko sila ng walang bayad. Mga mukhang pera 'tong mga 'to e. Kala mo mga dukha at hindi kumikita.

"Ako sa invitation?" Tanong ni Luke sa akin.

"Oo. Hindi ba friendly ka? Ayain mo lahat ang gusto mong ayain pero siguraduhin mo ring  maiinvite mo ang mga kaibigan ko ha. Gusto ko marami kaming audience. Ipa TV mo na rin."

"Aayain ko ba si Red?" Tanong niya at bigla akong nainis dahil don.

"Ayain mo siya sa burol ko pero hindi sa kasal ko." Seryosong sabi ko at nanahimik silang lahat.

"Man, hindi pa rin ba kayo okay?" Jayd asked.

"I'm still not done yet with him."

Patatapusin ko lang 'tong kasal ko, at uumpisahan ko ulit na  guluhin ang mundo niya. Magpakasaya na siya ngayon dahil makakatikim na ulit siya ng ganti ng isang demonyong inapi.








"Man, naiiyak ako." Bulong ko kay Luke habang pinagmamasdan si Reginy na naglalakad papalapit sa akin.

"Edi umiyak ka. Huwag mo nang pigilan para kang engot." Sagot niya sa akin at sinampal ko ang bibig niya. Panira ng moment ampota!

Kasamang maglakad ni Reginy si Raine, Ivan at Cole. 'Pagka gising niya kaninang umaga ay wala na ako sa tabi niya. Sila Leinah, Lancie, Anne, Lucia, Bella at Crane ang bumungad sakaniya at nagsabing ikakasal na siya. Tawang tawa ako nang magsend sa akin ng video si Lucia dahil shocked na shocked siya.

Sino nga ba namang hindi magugulat kung ako ang groom? Sa gwapo kong 'to? Halos yata ng babae gustong pakasalanan ako. Hindi sa pagmamayabang dahil purong katotohanan lamang 'yan.



I wiped my tears when she stopped in front of me. Luke tapped my shoulder at tinatawanan ako ni Raine.

"Rej, pwede ka pang mag back out. Retired pokpok 'yang pakakasalanan mo." Bulong niya sa kapatid niya.

"Gago ka ah." Mura ko sakaniya. "Sorry, Papa Jesus." Dagdag ko nang marealize na nasa simbahan nga pala kami. Minus points nanaman 'to sa langit.

"Halika na nga. Baka magbago pa isip ko na pakasalan ka." I said and I pulled her towards me.

"Wow ha. Ikaw pa talaga ang magbabago ang isip?" Luke said.

Naglakad kami ni Reginy papuntang altar at hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko habang iniisip na ikakasal na talaga ako. Shet! Ito na talaga 'to. Itotodo ko na 'to!




"Do you Reginy Raven Mendoza take this man Ryoga Yoshikawa Sibal to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?" Tanong ng pari sakaniya. Tinignan ko ang pari at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit niyo pa po tinatanong 'yan? Kaya nga kami nandirito father e. Tsaka lahat naman yata gusto akong maging asawa kaya kahit huwag mo nang itanong 'yan." Sabi ko.

"Huy! Ano ba?!" Bawal sa akin ni Rej.

"Parte ng seremonya 'to iho."

"Okay. Sumagot ka na para matapos na."

"Yes, father. I do."

"Do you Ryoga Yoshikawa Sibal take this woman Reginy Raven Mendoza to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?"

"I do."



"By the power vested upon me. I announced you husband and wife. You may now kiss your bride."

Tinaas ko ang belo na soot soot niya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Naiiyak ako dahil ang ganda ganda niya.



"I've waited for this for so long baby. I've waited for this perfect time. Didn't I tell you before? Na darating ang araw na maipagmamalaki natin sa lahat, na mahal kita, na pwede tayo, at wala nang hahadlang pa sa atin. Just look how many people are watching us now."

Tumingin siya sa mga nanonood at nakangiti ito habang tinitignan kung gaano karami ang nanonood ng kasal namin. Luke did really his job inviting a lot of people. Halos mapuno na ang simbahan sa dami ng tao. Binalik niya ang tingin sa akin at hinawakan ang mga kamay kong nasa mga pisngi pa rin niya.

"Thank you. Thank you so much for everything, Ryoga. Thank you for loving me until the end. Thank you dahil hindi ka sumuko. Dahil tinupad mo pa rin ang mga pangako mo sa akin. I can proudly say that you are worth loving and fighting for. Worth it lahat ng pain na naramdaman natin because look at us now. Here we are, exchanging vows and all."

"Let's make a lot of happy memories together with our kids. Let's continue being a happy family. I love you so much, Reginy baby."

"I love you so much, Kuya Ryoga ko." She answered which made me smile.

I kissed her lips and everyone here started clapping their hands. Humiwalay ako sa paghalik nang maramdaman kong may mga bata na yumakap sa mga hita namin. I saw my three kids looking up to us. Binuhat ko si Coleen and she kissed my cheeks.

"Ang kaunti pa pala ng mga anak natin, baby. Dagdagan natin?" I suggested and she pinched me.

"Baliw."

My sight stopped at the entrance of the church and I smiled widely when I saw who it was. Did he just watch my wedding even though he wasn't invited? I think he just did.





We did our honeymoon for one week in Japan. Syempre tinodo ko na rin ang performance ko ron though Reginy told me na ayaw niya munang mag anak pa kami ulit. Gusto niya after two years daw, yawa! Pigil na pigil tuloy akong magpafireworks sa loob dahil sa labas lang pwede!

Umuwi rin naman kami agad dahil kina Raine muna nakitira ang tatlo. Naaawa nga ako sakaniya dahil nadagdagan ng tatlo ang mga alagain niya. Kawawa naman siya at baka mabaog.






"Ano ba 'yan? Maglinis nga kayo ng bahay! Anag kakalat niyo!" Sigaw ni Reginy habang nagwawalis siya sa living room.

Inagaw ko ang walis sakaniya at siya naman ang pinaupo ko. Ayaw ko siyang mapagod, dahil gaya nang sabi ko noon ako lang dapat ang pumapagod sakaniya.


"Mommy, bakit hindi po kasi tayo kumuha ng katulong? Kesa naman nagrereklamo ka riyan." Ivan said.

"Ayoko. Baka magkacrush pa 'yon sa Daddy niyo."

"Ryoga lang sakalam!" Sigaw ni Cole at natawa na lamang kami ni Reginy sakaniya.

"Mommy, can you do my hair? Tignan mo po ginawa ni Kuya Ivan sa hair ko. Ang pangit." Coleen said habang naglalakad at inaayos ang buhok niyang parang sinabunutan.

"I am not a woman of course. How would I do that properly?"

"Come here. Mommy will fix it." Rej said at kumandong sakaniya si Coleen.

I stopped weeping the floor at napatulala na lamang ako habang pinapanood ang mag iina ko sa mga ginagawa nila. I smiled while thinking about my dream family.

A family that I haven't experienced being as happy as like this.

A family that was once dreamed by my mom and me.

And a family that I will be forever cherishing.


My phone started to ring at nang bunutin ko ito mula sa bulsa ko ay agad kong nakita ang pangalan ni Ritsumi. Napakunot ang noo ko dahil napakalaki niyang istorbo!

"Ano?!" Bulyaw ko sakaniya.

"K-Kuya...T-tulungan mo ako." Umiiyak na sabi niya at bigla akong kinabahan.

"What the fuck? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa'yo?" Nag aalala na tanong ko at napatingin sila Reginy sa akin.

"Someone g-got me and they were looking for you and Kuya Red. Please, Kuya. B-bilisan niyo. Hindi ko silang kayang lahat-ahh!"

"Ritsumi!" Sigaw ko when the phone ended.

"Pucha!" Mura ko and I tried dialing her number but it was out of reach.

"Anong nangyari?"

"Nothing. Diyan lang muna kayo at may pupuntahan lang ako." Mabilis na sabi ko atsaka ako lumabas ng bahay.



Saktong paglabas ko ay ang paghinto ng isang pulang kotse sa harapan ko. Bumaba ang bintana at nakita ko ang pagmumukha ng taong ayaw kong makita. Ang pangit niya. Sobra!

"Get in." He said and I didn't think twice atsaka nalamang ako sumakay.

"Who did this to her?" I asked while he is driving so fast.

"'Yung taong pareho nating pinwerwisyo noon. Austin."

"Putangina buhay pa pala 'yon? Akala ko ba pinatay mo na 'yon?"

"E buhay pa nga. I swear to God if anything happens to our sister, damay lahat ng buong pamilya niya. Wala akong ititira." Seryoso na sabi nito.

"Call." I answered.

I looked at the window while thinking how will I kill those people who would touch her. Kumukulo ang dugo ko. Siguraduhin lang nila na hindi nila sinaktan ang kapatid ko, kung 'di minus points nanaman ako sa langit nito.

My phone started to ring again and when I looked at it, it is nothing but Ryutaka Aloncio Sibal. I just answered the call.



"Ano? Ha? Ano?" Pang aasar ko sakaniya.

"Nasaan ka? Ritsumi is in trouble because of what you and brother did!" Galit na sabi niya.

"Oh, kalmahan mo lang. Papunta na kami. We got this."

"Bring my princess safe and sound kung 'di malilintikan kayong dalawa sa akin."

"Kabado ka naman masyado. Isang good luck naman diyan." Pang aasar ko ulit sakaniya but I just heard the end tone.

"Ay pinatay?"

Wala talagang GMRC at kasupport, support 'tong tatay ko. My phone vibrated and I saw a message from him.





Tatay kong hindi naman kagwapuhan 🖤

Good luck. Let's have dinner once you three come back home. Call me right away if you need help.

"Dinner daw sabi ng ama mo pagkauwi." Sabi ko sakaniya atsaka ko ibinalik sa bulsa ang cellphone ko.

"G lang." Sagot naman nito.



But maybe no matter what we do, masaya man o hindi ang pamilya na meron ka, nagkaalitan man at iringan, uuwi at uuwi ka pa rin sakanila. Because after all, they are all what we've got.

Red did something terrible to me and I did terrible in return which I call quits. And here we are now. Teaming up and saving the pathetic bitch princess in our family.




And if you all were curious about my life, on how people call me mysterious, these. These were all the answers.

This is the story of my dramatic life which you all should know. On how terrible life to me, on how did I survive with all of the problems that have been thrown to me.

A story which I should be the one to tell.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 469 37
SCHOOL SERIES #1 | 18+ Ending your high school days journey is almost like ending your teenage life and to open again a new book to embrace the adult...
187K 3.5K 31
A perfect girl and a perfect boy results to a perfect combination.
7.6M 247K 98
Rian Nieves will crawl to hell and back for money to support her family, and if that means being Drake Montemayor's personal assistant, then so be it...
983 344 20
After numerous heartbreaks and countless disappointments from her relationships, it didn't take that long for her to turn into the wild, sexy, confid...