When a Gay Fell in Love with...

By JoeyJMakathangIsip

1.6M 44.1K 9K

He has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs... More

Prologue - i
Introduksyon - ii
Kabanata 1.0: Heaven?
Kabanata 2.0: The Shelf
Kabanata 3.0: 1000th Guy
Kabanata 4.0: Laway
Kabanata 5.0: The Five Fingers
Kabanata 6.0: Sorry
Kabanata 7.0: Classmates
Kabanata 8.0: Weird
Kabanata 9.0: Desperate
Kabanata 10.0: Akbay
Kabanata 11.0: Fake Kiss
Kabanata 12.0: Amoy Alak
Kabanata 12.5: Bakit Ganoon?
Kabanata 13.0: Stop the bus!
Kabanata 14.0: Anong Ginawa Ko?
Kabanata 15.0: Huwag Ka Munang Umalis
Kabanata 16.0: Happy Birthday.
Kabanata 17.0: Girlfriend?
Kabanata 17.5: Girl<Space>Friend
Kabanata 18.0: Ruin The Party
Kabanata 18.5: Piccolo
Kabanata 19.0: Ang Matres
Kabanata 19.5: Kiss
Kabanata 20.0: Ang Matigas Na Bagay
Kabanata 21.0: Kakayanin
Kabanata 22.0: Lakas Tama
Kabanata 22.5: Magpapabuntis Ako
Kabanata 23: The Tutorial (Part 1)
Kabanata 23.5: The Tutorial (Part 2)
Kabanata 24.0: Lalake! Lalake!
Kabanata 25.0: Sino?
Kabanata 25.5: I like You
Kabanata 26: Ang Mainit na Yakap
Kabanata 26.5: Ang Dalawang Tanga
Kabanata 27.0: Nasaan Ka?
Kabanata 27.5: Ang Hindi Narinig na I Love You
Kabanata 28: Let's Go Out
Kabanata 29.0: Panties For You
Kabanata 29.5: Motel
Kabanata 30.0: Ang Misteryosong Lalake
Kabanata 31.0: Cheesy!
Kabanata 31.5: Siya
Kabanata 32.0: Edison
Kabanata 33.0: She's there
Kabanata 34.0: Chansing!
Kabanata 35.0: Paglisan
Kabanata 36.0: Rubics Cube
Kabanata 36.5: You Caught Me
Kabanata 37.0: Heaven?
Kabanata 38.0: Babalik ako
Kabanata 39.0: Hindi na Kita Kilala
Kabanata 39.5: Ang Masakit na Biro
Kabanata 40.0: Maghihintay Ako
Kabanata 40.5: Maskara
Kabanata 41.0: Nasaan ka na?
Kabanata 41.5: Laro
Kabanata 42.0: Maari ba?
Kabanata 42.5: Mas Masakit
Kabanata 43.0: Heaven Vs. Hell
Kabanata 43.5: Nganga
Kabanata 44.0: Chocolate
Kabanata 44.5: One Bad Move
Kabanata 45.0: Kill My Brother
Kabanata 45.5:The 18th Rose
Kabanata 46.0: Ang Pagtatagpo
Kabanata 46.5: Ang Madilim na Panag-inip
Kabanata 47.0: The Plan
Kabanata 47.5: The Letter
Kabanata 48.0: Far Away From Me
Kabanata 48.5: The Date (Part 1)
Kabanata 49.0: The Date (Part 2)
Kabanata 49.2: The Date (Part 3)
Kabanata 49.5: The Seven Minutes Dream
Kabanata 50: Ang Pagwawakas
Epilogue
Mysterious Chapter
Other Works by JoeyJMakathangIsip
Published Books by JoeyJMakathangIsip
#WAGFILWAG PART 2
FIVE FINGERS SERIES
FFS1: WAGFILWAG (When A Gay Fell In Love With A Girl)
FFS2: The Parting (WAGFILWAG Part 2)
FFS3: Chasing the Wind
FFS4: Crucify Me
Hey Girl (WAGFILWAG OST Part 1)
Special Chapter (2024)

Kabanata 37.5: Wilson Chavez

11.8K 363 97
By JoeyJMakathangIsip

When A Gay Fell Inlove With A Girl

Kabanata 37.5: Wilson Chavez

Written by: JoeyJMakathangIsip

Fear De Guzman
"Heaven?" Nang marinig ko ang pangalan niya ay may tumawag din sa kanya. Isang lalaki na kasing-tangkad niya lang na nakasuot ng pink loose shirt at oriole pants.

Agad naman niya itong nilingon at makalipas ang ilang sandali ay bigla niya itong hinigit, inilapit sa katawan niya at niyakap.

"I miss you," sabi ni Heaven sa lalaki. Kumurap ako ng tatlong beses sabay napalunok. Bigla namang may bumara sa lalamunan ko nang makita ko ang senaryong iyon sa harapan ko, nanigas ako at nanghina ang katawan ko.

"I miss you too," sagot nung lalaki kay Heaven at makalipas ang ilang sandali ay agad na hinalikan ng lalaki si Heaven na naging sanhi upang makaramdam ako ng sobra-sobrang sakit sa kaloob-looban ko. Pakiramdam ko ay tinutusok ako ng libo-libong karayom nang makita ko iyon.

Kumurap ulit ako. Tulalang-tula ako ngayon. Para akong nabato. Parang umuong ang dila ko.

Agad naman akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko, maglalakad na sana ako kaso bigla akong nawalan ng balanse at nadapa sa sahig dala na rin siguro ng pinaghalo-halong emosyong nararamdaman ko.

Inis, galit, at kirot sa puso, lahat ng yan ay walang hiyang nagsabay-sabay na rumagasa sa kaloob-looban ko. Pilit ko mang isipin na biro lang  'yung nakita ko pero hindi e, totoo e.

Halos nangudngud 'yung nguso ko sa flooring na naging dahilan upang mag-singhap 'yung mga tao na nakakita sa akin, may mga nagulat, may natawa ay may nagkomento rin na ang tanga ko raw.

Tama nga naman. Ang tanga-tanga ko nga! Ang tanga-tanga!

Kahit sobrang sakit ng tuhod, siko at nguso ko ay nagawa ko pa ring tumayo at maglakad palabas habang patuloy na bumubuhos ang mga luhang hindi ko napipigilan.

Matapos ang ilang linggo na hindi ko siya nakita ay matatagpuan ko lang siya sa ganoong sitwasyon? Bakit parang ang sakit-sakit? Masakit pero mas nangibabaw 'yung pagkagulat ko. Kung babae 'yung humalik sa kanya, talagang mapapangawa ako pero lalaki e. Lalaki ang humalik sa kanya.

"Bakit?" Naitanong ko sa sarili ko nang pilit na bumabalik sa isip ko ang nakita ko. Bakit ganu'n? Bakit siya naging ganu'n?

Nilingon ko ulit si Heaven sa loob at kahalikan n'ya pa rin  'yung pesteng lalaking 'yun. Naipikit ko na lang mga mata ko habang pilit na nilabanan ang emosyong bumabara sa lalamunan ko.

Naglakad ako ng naglakad habang pilit na sinasabi sa sarili na ilusyon lang ang nakita ko pero..

..hindi e. Totoo talaga e.

Pero ano naman kung totoo? Walang namamagitan samin kaya wala akong karapatan na masaktan ng ganito. Tama! Wala! Pero potcha naman e! Ba't kailangan ko pang makita? Heaven.. bakit?

"Taxi!" umiiyak at nangangarag na pagpara ko sa isang taxi na dumaan sa harapan ko pero nilagpasan lang ako nito. Dahil galit ako ay kumuha ako ng malaking bato at binato ko  'yung salmin ng taxi kaso hindi tumama.

"Huwag kang umiyak Fear," sabi ko sa sarili ko pero hindi  ko talaga mapigilan ang sarili ko.

Dahil wala namang taxi na pumapansin sa akin ay napaupo na lang ako sa may sidelines habang pinagmamasdan ang mga naghahalong ilaw ng mga sasakyan, ng poste at ng mga establesyemento sa paligid.

Panay ang pagsinghot ko ng sipon habang natutulalang inaalala ang nakita ko kanina lang.

"Ang sakit!" Naisuntok ko bigla ang sarili kong kamao sa dibdib ko. Kahit naman siguro walang namamagitan sa amin ay may karapatan naman siguro akong masaktan. Mahal ko si Heaven kaya natural lang ng magkaganito ako. Hindi ako robot o android! Tao ako! Pesteng taong nagmahal sa isa pesteng bakla. Peste talaga!

"Haaaay." Nang marinig ko ang pagbuntong hiningang iyon ay agad akong napalingon, agad namang bumugad sa paningin ko ang isang Hell Fortunado na nakasuot ng bartender na attire na kasalukuyan na palang nakaupo sa tabi ko.

Tinignan ko lang siya at ganu'n rin ang ginawa n'ya sa akin, binigyan n'ya ako ng nag-aalalang mga titig at makalipas ang ilang sandali ay hinawakan ni Hell ang ulo ko at idinantay sa balikat n'ya at doon ay iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Last na talaga 'to. Promise 'yan. Hindi na ako iiyak ng dahil sa kanya. Promise yan!
*   *   *
Third Person
:Heaven, pwede bang magkita tayo sa Patay-Cindy Bar? 7pm, maghihintay ako, this is Fear.
From: +639002392991, 3:45pm.:

Nang mabasa ni Heaven ang mensaheng iyon ay agad siyang nagbihis at tahasang lumabas ng condo n'ya, nakipagpisikalan pa siya sa mga bodyguards ng Dad n'ya na nandoon sa harap ng condo unit n'ya para bantayan siyang hindi makalabas.

Sa isip ni Heaven ay kailangan niyang makita si Fear. Hindi na niya kaya. Ilang linggo na rin n'yang hindi nakikita ang dalaga kaya ginawa n'ya lahat ng paraan para makalabas sa condo unit n'ya.

Oo, hindi makalabas-labas si Heaven sa condo n'ya. Pinipilit n'ya kasing bumalik sa Wilson University para makita si Fear kaso hindi n'ya magawa-gawa sa kadahilanang ang anim na bodyguards ng Dad n'ya ay nakabantay lang sa likod ng pinto ng unit n'ya na handa siyang pigilan sa oras na tangkain n'yang makalabas.

"Get off me!"  pagpupumiglas ni Heaven sa isang bodyguard nang mahuli s'ya nito.

"Sir, pasensya na po pero kami po ang malalagot sa tatay n'yo 'pag hinayaan namin kayong makaalis. Pasensya na po sir," untag ng body guard habang hawak-hawak ang parehong kamay ni Heaven sa likod nito. Maging ang bodyguard ay naaawa na rin sa binata. Nakita n'ya kasi kung gaano kagusto ni Heaven makita ang babaeng palagi nitong binibanggit sa oras na nagtatangka itong tumakas.

"FEEEEEEARR!" Umalingawngaw ang boses ni Heaven sa pasilyo. Sinisigaw n'ya ang pangalan ng babaeng gusto niyang makita. Bakas ang kagustuhan na makalabas ni Heaven sa sigaw na iyon. Ang pinaghalong lungkot at pagmamakaawa ay madidinig sa sigaw na iyon. Gusto n'yang makita si Fear. Gustong-gusto n'ya.

"Ser! Takbu!" Sa kalagitnaan ng pagpupumiglas ni Heaven ay biglang nanghina ang bodyguard sa pagkakahawak nito sa kanya nang biglang dumating si Lukrecia at tahasang itinakip ang panty niya sa ilong ng bodyguard. Ang mismong panty na isang linggo na niyang suot-suot.

Natatawang sinaluduhan ni Heaven si Lukrecia, agad naman siyang tumakbo pero bigla siyang napahinto nang sumigaw ulit ang personal maid, "Ser, sosi sa kutse! Salohin n'yu!" Agad na binato ni Lukrecia ang susi ng sasakyan ni Heaven. Nasalo naman ito ni Heaven at tahasan na itong pumanaog papunta sa parking area kung saan nakapark ang kotse n'ya.

Nang makarating siya roon ay agad n'yang pinaandar ang kotse niya at paspasang pinatakbo. Habang minamaneho ni Heaven ang kotseng iyon ay isa lang nasa isip n'ya; gusto n'yang makita si Fear.
*   *   *
"Ang angas ah." Nang makababa si Heaven sa kotse n'ya agad n'yang nakita ang mga tambay na paparating sa kanya.

"Ang kinis ng kotse, bigay mo na lang 'to samin brad. Mukhang mayaman ka naman e." Walang plano si Heaven na makipagbasag-ulo sa mga taong iyom pero nang higitin siya ng isa sa mga ito ang kwelyo n'ya ay biglang uminit ang dugo ni Heaven na naging dahilan upang sunggaban n'ya sa mukha ang tambay na iyon. Nagsuntukan ang dalawa hanggang sa nauwi ito sa madugong labanan.

Tatlo laban sa isa.

Anong panama ni Heaven?

Pinalibutan si Heaven ng tatlong lalake, nanlalabo na rin ang kanyang paningin dahil sa mga pasang natanggap.

Wala na siyang laban, alam niya iyon.

Pero kahit ganun ay matatag sa isip niya na kailangan niyang mapatumba ang dalawang iyo. Gusto n'ya ng makita si Fear. Gustong-gusto niya.

Nakipagbasagan ng mukha si Heaven sa dalawang tambay na iyon pero wala pa rin siyang naging panama.

"Nagmamakaawa ako, I just want to see Fear" Sa kalagitnaan ng pambubugbog sa kanya ay biglang lumuhod si Heaven sa harap ng dalawang lalake habang iniinda ang sakit ng katawan n'ya. Hindi na niya kayang lumaban. Talo na siya.

"Pwe! Walang kwenta! Tara na nga."

Nang makaalis ang dalawang tambay ay pinilit naman ni Heaven na itayo ang sarili n'ya. Habang nakahawak sa tiyan ay paika-ika siyang naglakad papunta sa isang bar.

Nang makapasok siya roon ay agad siyang umupo sa isang chair stall na nakapwesto sa counter ng mga barista. Katabi ng upuan niya ay isang kolehiyala. Nakayuko ito at tila nalulungkot habang pinapakinggan musikang pinapatugtug ng banda. Si Fear. Katabi ni Heaven si Fear ngayon pero hindi niya iyon ala..

"Dude..." May lumapit na lalaki kay Heaven. Nang marinig ni Heaven ang boses na iyon ay agad siyang napalingon at agad na sumalubong sa kanya ang isang malabong pigura ng isang lalaki .

"Hey?" tugon ni Heaven sa lalaking akala niyang si Fear. Sobrang nanlalabo na ang paningin niya. Puno ng kalungkutan ang boses n'ya. Ang pinaghalong sabik at saya ay ang mismong nararamdan ni Heaven sa oras na ito. Miss na miss n'ya si Fear.

"I miss you," sabi naman ng lalaki at agad naman nitong hinalikan si Heaven.

Malabo ang pag-iisip ni Heaven sa puntong ito. Ni hindi n'ya alam kung totoo ba ang nakikita n'ya o hindi. Basta't ang alam niya ay nakita na niya si Fear. Kapiling na niya ito.

"Kiss me more." The man said that causes Heaven to stop.

"Who are you!?" Kunot noong tugon ni Heaven nang itulak n'ya ang lalaking iyon nang mapagtanto niyang hindi pala si Fear ang kahalikan n'ya.

"Just kiss me dude, ano ba? Gusto mo naman 'to 'di ba?" Agad namang hinila ng lalaki ang mukha ni Heaven papunta sa mukha nito. Muntikan ng dumampi ang labi ng lalaki sa labi ni Heaven kaso bigla namang pumiglas si Heaven nang makita niya ang isang pamilyar na babae na tumatakbo papalabas ng bar. Si Fear. Si Fear De Guzman. Tumakbo siya papunta roon kaso hindi na niya ito nahabol.

"Fear!" sigaw ni Heaven sa malungkot na gabi, umalingaw-ngaw ang boses n'yang iyon sa malawak na espasyo ng syudad, hinahagilap ang dalagang nagngangalang Fear De Guzman.

Ilang beses na ba niyang sinisigaw ang pangalang iyon? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi na niya mabilang.

Takbo lang ng takbo si Heaven sa oras na ito, umaasang makikita niya ang babaeng hinahap niya.

Makalipas ang ilang sandaling pagtakbo ay napahinto si Heaven. Agad na puminta ang isang mapait na ngiti sa bugbog sarado n'yang mukha nang nakita na niya sa wakas si Fear na nakaupo sa may sideljnes.

Dahan dahan siyang lumapit dito kaso bigla naman siyang napahinto nang may isang lalaking lumapit sa dalaga. Isang lalaking nakasuot ng pang-bartender uniform. Si Hell. Si Hell Fortunado.

Natigilan bigla si Heaven nang biglang idinantay ni Fear ang ulo nito sa balikat ni Hell.

Naipikit ni Heaven ang mga mata niya nang biglang may tumakas na mga butil ng luha rito, "Huli na ba ako, Choco Girl?" mapait na tugon ni Heaven sa kanyang sarili. Agad naman siyang tumalikod at dahan-dahang naglakad papunta sa nakapark niyang sasakyan sa 'di kalayuan.

"Am I too late?" paulit-ulit na tugon ni Heaven sa sarili n'ya nang tuluyan na siyang makapasok sa kotse.  Idinantay niya sa headrest ang kanyang ulo at sa ganoong posisyon niya ibinuhos ang lahat ng nararamdaman niya.
*   *   *
"Boss? Nagawa ko na po." Sa kaparehong lugar ay maririnig ang boses ng isang lalaki na kinakausap ang isang lalaking nakasuot ng hood. Nagtatago ito sa medyo madilim na bahagi ng lugar na iyon habang pinagmamasdan ang isang binatilyong humihikbi sa loob ng isang kotse sa 'di kalayuan, si Heaven. Ang kapatid ng BOSS na pinapatungkulan ng babaeng kausap nito.

"Wala na. Maraming salamat," malamig na tugon ng BOSS sa lalaki, yumuko ng kaonti ang lalaki sa harapan ng boss bilang respeto at agad naman itong umalis.

Napangisi naman ang boss dahil sa tuwang nararamdaman niya sa puntong ito nang umayon ang lahat ng pagmamanipula niya sa mga bagay-bagay sa paligid niya.

Inutusan niya ang isang tao na papuntahin si Fear De Guzman sa isang bar kung saan ay pupunta rin ang minanipula niyang si Heaven. Siya ang may pakana sa sitawasyong ito.

Ang lalaking kausap n'ya kanina lang ay ang lalakinh nagpadala kay Heaven ng mensahe sa katuhan ni Fear, ito rin ang mismong lalaking hinalikan si Heaven sa mismong bar kung saan tumambay din ang big boss kanina.

Sa mga sandaling iyon ay nandun lang ang Big Boss sa madilim na bahagi ng bar habang pinagmamasadan ang mga eksenang nagaganap.

Napangisi ang boss sa kinahinathan ng ginawa niyang plano, natutuwa siya at sobrang nagagalak.

Sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ng big boss ay naisipan niyang kunin ang telepono niya para tawagan ang kanyang butihing ama--ang ama nilang dalawa ni Heaven.

:Sunny Chavez..dialing...:

Makalipas ang tatlong pag-ring ng telepono sa kabilang linya ay agad niyang naring ang boses ng taong gusto niyang patayin. Si Sunny Chavez.

"Hello!" pabagsak na tugon ni Sunny sa kabilang linya.

"Magsalita ka!" Biglang kumurba pakanan ang manipis ng labi ng boss. Sa wakas ay naring na niya ang boses ni Satanas. Natutuwa siyang pakingggan nito.

"Kamusta?" tanong ng boss sa ama niya.

"Kamusta ka na dad?" pagpapatuloy n'ya. "Nakalimutan mo na ba ang anak mo?" malamig ngunit may kaakibat na  pagbabanta niyang usal. Hindi nakapagsalita si Sunny Chavez. Tila nabato ito sa kabilang linya. Tila panandilaang nawalan ng hininga.

"Wilson?" patanong na tugon ni Sunny Chavez.

Ang maliit na kurbang puminta sa labi ng big boss ay nadagdagan pa ng isang kurba hanggang sa lumapad ito at naging isang halakhak.

Natatawa siya.

Natatawa siya sa ama niyang tila nababahag ang buntot.

Siya si Wislon Chavez. Ang kapatid ni Heaven sa ama niyang si Sunny Chavez.

"Unti-unti kitang papatayin, tandaan mo 'yan," tugon ng big boss sa kabilang linya bago niya ibaba ang tawag.

Mabilisan siyang naglakad sa madilim na daan ngunit bigla siyang napahinto nang bigla niyang nabangga ang isang babae. Si Charnel Fate Cazro, ang babaeng hadlang sa mga plano niya.

It took him a lot of seconds to analyze the situation.

Tila nabato siya nang makita ang babaeng iyon subalit bigla siyang nahimasmasan ng kakaibang sensyayon ng pangamba ng nagsalita ang babeng nasa harap niya.

"Edison?" tanong ng babae na siyang naging dahilan upang maidilat niya ang naninigkit niyang mga mata.
*   *   *

When A Gay Fell Inlove with a Girl

Kabanata 37.5: Wilson Chavez

Writtenby: JoeyJMakathangIsip

#CharSon #FearVen #CheeNiko #DarKie #WAGFILWAG

Continue Reading

You'll Also Like

68.7K 5.7K 30
Kuwento ng isang makulit na Aristokrata at ng crush na crush niyang Mr. Principal. Latest Book Cover: Coverymyst Image Credits: Jeon Ji-hyun and Lee...
6M 197K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
3.7K 235 4
Short story #1 (GayxGirl): Messiah Eleazar Alvaro & Samuelle Wynona Fabio / Mess & Sam People would walk out of our lives, once they're gone, they'd...
13K 1.3K 28
BRIDE SERIES 1 The guy wanted her to forget him. Because the guy won't be free if the girl will always remain her feelings for him. Their love to eac...