HATE ME NOT (BOLS #1)

Por GemaInanna

41.7K 5.1K 733

Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behi... Más

Hate Me Not (Overview)
01: Harvend University
02: First Encounter
03: Broken Phone
04: Stupid Nerd
05: Paint
07: Changes
08: Can't Believe
09: New Look
10: Trouble
11: Leads to a Fight
12: Bathroom Encounter
13: Invited to Come Along
14: Story Telling with Jenny
15: Home
16: It's Changing Now
17: Script
18: Partner
19: Ms. Ivy Moore
20: Avoiding SVT
AUTHOR'S NOTE
21: Volunteer
22: Lisa's Friend
23: Helping Jenny
24: Arguing
25: First Time
26: House of Cortes
27: Overthink
28: SVT Performance
29: Parent President
30: Stella Imperial
31: Asthma
32: Pain
33: Plan
34: Sarah
35: Thank You Prince
36: Unknown Feeling
37: Marky's Birthday
38: The Party
39: Conscience
40: Confused
41: Childhood Friend
42: Jenny's Boyfriend?
43: HeartRate Monitor Watch
44: What's wrong With You
45: Exam
46: Jenny's Thoughts
47: Saving Jenny
48: Dance Partner
49: Whole day with Her
50: Will do Everything for a Friend
51: Already Prepared
52: Party Accident
53: Tyler's Back
54: Family Dinner (Date)
55: Province of Tabor
56: I don't let Myself Fall for this Guy
57: Underwater Kiss
58: Fortune Teller
59: Strange Feeling
60: Getting Better
61: Something between Them
62: Get Lost
63: Missing Him
64: In Danger
65: Protector
66: Trust
67: The Truth
68: The Reunion
69: Everything is New
70: Scarlet Imperial
END OF SEASON ONE

06: Vacation

646 75 10
Por GemaInanna


CHAPTER 6

Vacation



PRINCE POV


3 WEEKS LATER.

"OH MARKY, kanina ka pa tahimik. Ano bang problema?" tanong ko sa kanya bago sinuot ang sapatos ko.

P.E ang subject namin ngayon kaya nasa field kami at itong si Marky, kanina pa tahimik na tila ba may iniisip.

"Prince, hindi parin maalis sa isip ko ang ang sabi ni Ms. Kim tungkol sa uniporme niya noong nakaraang----"

"Lika na, andun na ang lahat" diko na siya pinatapos magsalita. Hinila ko agad siya papunta sa pwesto kung saan naroon si Mr. Vegas ang PE teacher at ang coach namin sa basketball.

Hindi pwedeng malaman nila na sa akin galing ang unipormeng iyon. Tatlong linggo na rin ang nakalipas simula nang dumating ang nerd na iyon sa Harvend. At minalas parin ako hanggang ngayon. Hindi nawawala ang inis ko sa kaniya. Ang pangit kasi.

Nakakasawa nang marinig ang mga salitang wala namang kwenta. At wala akong pakialam.

"AYANN NAA"

"ANG GWAPOOO NILANG DALAWAA!"

Tilian ng mga babae na naman ang sumalubong samin.

"TAHIMIK!" sigaw ni Mr. Vegas na ikinatahimik nila. "Prince, lumapit nga kayong dalawa ni Marky dito." utos nito samin.

Walang gana akong lumapit.

Sa paglalakad ko, nakasalubong ko ang mukha ni nerd sa may gilid.

'Nakasuot parin siya ng salamin habang maglalaro?! baliw.'

Gusto kong basagin ang eyeglasses niya.

Kita kong tumingin siya kay Marky na parang nanghihinayang. Napapansin kong gumagaan ang loob ni Marky sa kaniya.

'Pfttt.Kainis.'

"Ano yun coach?" walang ganang tanong ko.

"Sir ang itawag mo sakin ngayon Prince, dahil hindi naman oras ng basketball" tugon nito.

Walang gana akong tumango.

"Marky" lumapit naman si Marky. "Gusto kong ihanda mo sila para sa laro. Apat na grupo lang ang kailangan para hindi makalat" tumango si Marky at lumapit sa mga estudyante.

"Makinig lahat kay Marky. At magbibigay ako ng leader bawat grupo. Mga lalaki lang ang pwede maging leader kaya, si Prince, Marky, Jhon, at Jack ang maging leader ng bawat grupo." paliwanag ni Coach Vegas.

'Kagaya parin nung nakaraang taon, pftt'

Nagsimula na silang bumunot ng numero.

"Ngayon, si Jack Miller ang leader ng unang grupo. At kung sino man ang nakabunot ng 1 ay lumapit sa kanya." lumapit naman kay Jack ang lahat ng nakakuha ng 1.

"AYOS!"

Napatingin ako sa pwesto nina nerd at woah, ang isa niyang kaibigan na si Missy ay nasama sa grupo nina Jack?

'Naku, mukhang maglalaban na naman ang dalawang matalino. Pero, mas matalino parin si Jack'.

Ang sumunod naman ay si Jhon. Lumapit rin sa kanya ang mga ka-grupo niya. Pati yung Pauline, nasama rin sa kanya. Pfffffftt. Pangatlo namang tinawag ay ang grupo ni Marky. At ang kinaiinisan ko lang, si nerd, ay kabilang sa grupo ko.

'Bwisit. Bakit siya pa?!'

Naalala ko pa yung unang report ko na kasama siya. Pabida talaga siya sa mga teachers.

"Mukhang wala namang problema sa groupings eh kaya, magsimula muna tayo sa exercises. Sa paglalaro, kailangang maging aktibo. Siguro naman, alam niyo na kung ano ang gusto kong sabihin. May pupuntahan lang ako at ipapaubaya ko na kayo sa inyong mga leader." utos nito saming lahat.

Nang umalis si Mr. Vegas, nagsimula nang nagtilian ang iba.

"Grabe ang swertee ko talagaa" rinig kong tilian sa grupo nina Marky.

"Jackk, pwede ba ako na lang maging assistant mo?" rinig ko rin sa grupo nina Jack.

"Jhonn-"

"Tahimik!" tumahimik lang sila sa sigaw ni Liam.

'Oo nga pala, si Liam ang kanang kamay ni Mr. Vegas pagdating sa ganito'

"Pumunta na kayong lahat sa ka-group mates niyo, ng tahimik. Gawin niyo ang sinabi ni Mr. Vegas. Kung hindi niyo gagawin, lahat ay maglilinis sa buong field." paliwanag niya sabay ngiti.

Kahit babaero ang loko, nagagampanan niya parin ang utak niya ng maayos.

"Easy lang tol" sabi ni Lance sa kanya.

Si Lance ay kabilang sa grupo nina Marky.

"Geh, leaders.. kayo na ang mag-handle sa ka-grupo ninyo." pagpatuloy ni Liam sa lahat.

Maglalakad na sana ako ng biglang may babaeng humawak sa aking braso.

"Prince, gawin mo kong assistant mo. Promise--" bago niya pa natapos ang sasabihin, tinulak ko agad siya.

"Hoy hindi kita kailangan. At pwede ba, wag na wag mong hawakan ang braso ko." mariing sabi ko sa kanya bago nagsimulang maglakad.

Ang kapal ng mukha ng babaeng yun. Sinira ko na nga yung cellphone niya ta's hindi pa siya makuntento. Palibhasa kasi, spoiled brat!

"Prince, baka naman pwede mo kong gawing assistant?" ngiting salubong na tanong sakin ni Trisha Lim, ang student V.P ng paaralan.

"Nah, masyado kang matalino" simple kong sagot.

Mas matanda siya sakin kaya medyo, may respeto ako sa kanya. Hindi naman kasi siya katulad ng ibang tao dito. Besides, anak siya ng manager namin sa kompanya.

"So anong gagawin mo? gusto mo ba na ako na ang magsasabi sa iba nating ka-grupo?" tanong niya ulit.

"Well---"

May narinig akong boses kaya napahinto ako.

"Pauline, pwede bang change tayo ng number? pleasee, ayaw ko sa demonyong unggoy na yun..." mula rito, rinig na rinig ko ang nakaririndi niyang boses.

'Mapuntahan nga'

"Hey Prince!"

Hindi ko na pinansin ang tawag sakin ni Trisha dahil nasa direksyon ng dalawa ang atensyon ko.

"...Bes, hindi pwede eh kailangan ko ng pumunta sa group mates ko." nadatnan kong sabi ni Pauline sa kanya.

"Ayaw ko talaga sa kanya. Alam kong pahihirapan niya lang ako. Mukhang tama si Marky, mas mabuti yata kung lalayuan ko na lang siya para maging maayos ang pag-aaral ko dito. Pero, gusto ko namang lumaban kaso---"

"Talaga bang may gana ka pang kalabanin ako?" natigilan silang dalawa sa pagsasalita.

"Hoy Prince, wag na wag mong pahihirapan ang kaibigan ko. Dahil..." tumigil ito sa pagsasalita dahil sa pagtawag ni Jhon sa kanya.

"Hoy white lady! Kung ayaw mong bumagsak, pumunta ka na rito!"

"Tsk. Sige Jenny, punta na ako roon. Tinawag na kasi ako ng unano naming leader!" paalam nito at bakas sa mukha ang pagkainis.

Akma na sanang aalis si nerd ng bigla kong hinila ang buhok niya habang naglalakad papunta sa mga ka-grupo ko.

"Aray, ano ba!" reklamo niya na halatang nasasaktan.

Ang daming kasalanan ng babaeng to sakin. At lalong umiinit ang ulo ko sa kanya dahil sa sinabi niya kay Marky. Tinanong niya pa talaga si Marky tungkol sa lintik na uniporme na 'yon. Tapos si Marky, sinabi niya pa na lalayuan ako ng nerd na to? Aba, dapat lang!

"Alam mo, ikalawang araw mo pa naman sa paaralang 'to kaya may karapatan ka pang umalis at hindi na babalik." huminto ako. "Diba pinahihirapan kita, kaya umalis kana! Ayaw ko sa mga pangit!" galit kong giit sabay bitiw sa buhok niya.

'Baka may kuto ang nerd na to, yuck'

She laughed mockingly. "Hoy kahit anong paghihirap pa ang ibibigay mo sakin, hindi ako aalis sa paaralang 'to. At isa pa, hindi ikaw ang nagpapaaral sakin dito." bakas sa boses niya ang pagiging palaban.

"Naks. Alam mo, dapat nga magpasalamat ka pa dahil binigyan ka ng chance na makasama sa isang grupo, ang prinsipeng katulad ko." taas noo kong sabi.

"Hoy, isang bangungot ang makasama ka. At wag mo ring masyadong kilalanin ang sarili mo bilang prinsipe dahil, hindi naman bagay sa'yo!" giit nito na halatang nagagalit.

"What's going on here?" tanong ni Trisha sakin.

"Nothing. Nagtanong lang si nerd kung bakit raw napakagwapo ko."

"Anoo-" inunahan ko na si nerd.

"Tas ang sagot ko sa kanya, natural lang to sakin. Pinanganak akong gwapo kaya lumaki akong gwapo, diba?" sarkistong tanong ko kay Trisha.

"Loko ka talaga. Bilisan mo na, puntahan mo na yung group mates natin." tumingin ito kay nerd habang nakangiti. "And, your miss..."

"Kim, I'm Jenny Kim." pakilala nito sa sarili.

"Oh, ikaw ba yung tinatawag nilang ugly nerdy girl ng school? sorry sa sinabi ko ah dahil nababalitaan ko kasi lalo na sa faculty room.." bigla akong napatawa sa sinabi ni Trisha. "At ang alam ko, itong si Prince ang pasimuno." napahinto ako sa kakatawa.

"Well, I really thought kasi na dahil maganda ang paaralang ito ay maganda rin ang mga ugaling meron ang lahat ng estudyante kaso nagkamali ako. And yes, ako ang sinasabihan nilang ugly nerdy girl but then, it's okay. Kasi hindi naman nababase sa kagandahan o kapangitan ng tao ang panlabas na anyo. Kung pangit man ako sa tingin ng lahat, ang mahalaga ay may mabuti akong kalooban." mahinahong sabi niya pa.

Saan naman niya nakuha ang mga yun?

'Kung makapagsalita akala mo, kung sino. Tsk!'

Aalis na sana ako ng biglang nagsalita si Trisha.

"Well, your perfectly beautiful. Ang ganda ng sinabi mo. And that's right. By the way, ako na ang hihingi ng pasensya sa ginawa ng mga estudyante sa'yo dito. Bago ka pa lang kasi pero kapag tatagal ka rito, sigurado akong magugustuhan mo rin ang lahat ng andito." paliwanag niya pa.

"Tss. Tingnan natin." giit ko bago tuluyang bumalik sa mga ka-grupo ko.

"ONE, TWO, THREE! TALON!"

"ONE, TWO, THREE! TALON!"

"ONE, TWO, THREE! TALON!"

Ayaw na ayaw ko talaga sa mga ganito. Tangina.

"Hinto muna!" utos ko ulit sa kanila kasabay ng paghinto ko.

'Takte, pinagpapawisan ako'

"Prince oh, tubig" sabay-sabay nilang inabot sakin ang dalawang mineral water.

Kinuha ko yung dalawa. "Thanks." walang ganang sabi ko bago ininom yung isa.

"Kyaaaa ininum niya yung sakin!"

"Grabe, kinuha niya naman yung akin ackkkk!"

Tilian ng dalawa.

Walang gana akong naglakad papunta sa linya ng mga babae.

'Nasan naman kaya ang nerd na yun? Baka umalis na ang pangit, pfttt.'

Napailing ako sa inisip. 'Damn. Ano namang pakialam ko sa kanya!'

"Hey! sinong hinahanap mo?" nabigla ako sa biglaang pagsalita ni Lance.

"Hoy gago! dun ka nga sa ka-grupo mo!" iritadong sabi ko sa kanya.

"Lol, pahinga namin ngayon at sa katunayan niyan, may kausap si Marky." ngiting sabi niya pa.

"Who?"

"Edi, ayun oh!" tuwang sabi niya sabay turo sa direksyon kung saan naroon nga si Marky kausap si....

'The heck, si nerd?'

"Siya nga pala, kanino mo ibibigay yang tubig mo?" tanong ulit sakin ni Lance.

Walang pag-alinlangang binigay ko ang tubig sa kanya. "Sa'yo na yan. Puntahan mo ang pangit na nerd na yun at pakisabi sa kanya na tapos na ang pahinga. At kung hindi siya makakarating sa grupo namin, wala nang tatanggap sa kanya." malamig kong sabi bago bumalik sa mga kasamahan ko.

"Everyone, stand up! bawal maging lanta dito!" utos ko sa kanila na dali-dali naman nilang sinunod.

"Prince, wala pa ngang isang minutong pahinga oh!" reklamo ni Trisha.

"Wala akong pakialam. Basta magsimula ulit tayo!" utos ko ulit.

Tumango sila bago nagsimulang tumalon-talon at nag-stretching.

Napabaling ang atensyon ko sa pangit na kakarating lang. Inis ko siyang nilapitan.

"Hoy kapag nahuli ka pa sa susunod, hindi lang pagtalon ang gagawin mo."

"Binabantaan moko?" mariin nitong tanong.

"Pinagsabihan lang kita. Kaya, wag na wag mokong paghihintayin. By the way, ayusin mo ang pag talon mo. At mag-inat ka ng maayos. Dahil, hindi lang basta laro ang meron sa paaralang ito." mariin at seryoso kong sabi sa kanya bago bumalik sa pwesto ko kanina.

Nang natapos na ang P.E namin, nagbihis na kami para sa last subject na music. Kasama ko sina Marky, Jack at Jhon. Yung dalawa naman ay pumasok rin sa klase nila.

Medyo napagod ako kanina. Bwisit..

Nang nakarating kami sa music room, tilian ulit ang sumalubong samin papasok.

"Grabe parang galing lang sila sa ligo pagkatapos ng P.E kanina kyaaahhh ang hott"

"Ang gwapo talaga, nakakain-love"

Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang sa mga narinig.

"Good afternoon everyone, and welcome sa maganda nating subject which is ang MUSIC and ARTS. Remember, Monday to Tuesday ang subject na ito. Kaya now, start na tayo! Ang lahat ay pwedeng kumuha ng instrumentong nais nila at pagkatapos ay gamitin ito ng tama. Isa-isa ninyong ipapakita ang inyong mga talento sa paggamit ng instrumentong inyong napili." mahinahong sabi samin ni Mrs. Caones.

Nagsimula nang kumuha ang lahat ng instrumento.

"Sorry ma'am, ngayon lang kami" boses ng isa sa kaibigan ni nerd ang narinig ko kaya medyo napatingin ako sa kanila.

"Girls, tanungin niyo na lang ang mga kaklase ninyo sa gagawin niyo ngayon." rinig kong sabi ni Mrs. Caones sa kanila.

Tumango ang tatlo at nagsimulang magtanong sa iba.

'Tsk'

"Prince, ano? bakit hindi ka pa nagsimulang pumili ng mga instrumento? Diba dapat nasa may piano area ka? Magaling ka sa piano eh" biglang nagsalita si Jhon kaya walang gana ko siyang tinaasan ng kilay.

"Alam mo? imbes na magsalita ka diyan, ikaw na lang ang mag-piano." walang ganang sabi ko.

Bigla itong bumungisngis. "Wait...." napatingin ako sa turo niya. "Grabe, parang magkaibigan na si Nerd at Marky ah. Tingnan mo oh, nag-uusap sila at, mukhang maganda ang pinag-uusapan nila dahil may pa-ngiti-ngiti pang nalalaman si Marky at si Nerd. Hmmm.." nandiri ako sa aking nakita.

Kanina pa sila ganyan. Pftt. Nakakadiring tingnan.

'Eto namang si Marky, sa Nerd pa lumalapit. Ano bang pinakain ni nerd sa kanya? Baka naman, mangkukulam ang pangit'

"Tol, wala ka bang balak pagsabihan si Marky?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Jhon.

"Tinatamad ako. Kapagod maglakad." walang ganang sabi ko.

"Bahala ka, ikaw rin..." panunuya niya pa bago pinuntahan sina Marky.

"Bwisit!" singhal ko at sumunod sa kanya.

"Gusto mo bang turuan kita?..." huli kong narinig sa pinaguusapan nila.

"Marky!" tawag ni Jhon sa kanya kaya natahimik si Nerd sa kakatawa.

"Oh, nakapili na ba kayo?" tanong ni Marky samin.

"Obvious naman na gusto ni Prince na tumugtog ng piano" tugon ni Jhon sa kanya.

"Wala na bang vacant na piano?" tanong ni Marky.

Walang gana akong tumango.

"Ah sige Marky maghahanap na lang ako doon..." paalam sana ni nerd.

"Dito ka na lang muna---"

"Pabayaan mo siya. At mas mabuti nga yun. Hayaan mo siyang matuto ng mag-isa." pagputol ko sa sasabihin ni Marky.

"Prince, wag kang magsimula---"

"Bakit Marky? hindi ba totoo? mas mabuti ngang maging independent yang babaeng yan. Pasalamat pa nga siya dahil binigyan ko siya ng isa sa mga advice ko. Diba? ang swerte ng pangit! HAHAHA" diko rin mapigilang hindi matawa.

"Tol, pasalamat ka rin dahil wala si Mrs. Caones." tawang bulong sakin ni Jhon.

I smirked bago binaling ang tingin kay nerd na ngayon ay nakayuko at nakayukom pa ang mga kamay. Pftt.

"Ano pang hinihintay mo? Hoy nerd, pwede ka nang maglakad paalis." sarkistong sabi ko pa.

'Magalit ka lang, para mas lalo akong maganahan.'

"Prince, stop this. Gusto kong turuan si Ms. Kim kaya walang masama roon. At please, wag mo na siyang pagsalitaan ng masama." nabigla ako sa sinabi ni Marky.

"Marky, tinatanggap ko naman yang mga pakiusap mo dahil nirerespeto kita at pati na rin ang pagkakaibigan natin. Pero, yang pakiusap mo para lang sa babaeng yan, hinding-hindi ko tatanggapin." walang pag-aalinlangang sabi ko.

"Hoy, hindi ako nag-aral dito para lang makipag-bangayan sa isang taong, demonyo ang ugali. Ang linis-linis ng kasuotan mo pero di parin nalilinisan ang masama mong pagkatao!" bigla namang sigaw ni nerd dahilan kung bakit napunta samin ang atensyon ng lahat.

Gusto yata ng babaeng to na maging center of attraction na lang lagi. At iyon, ang napakandang pagkakataon para mapahiya ulit siya.

"Teka, anong konek ng damit sa ugali ko? HAHAHA!" tanong ko sabay tawa.

"HAHAHA"

"HAHAHAHAHA"

Kasabay ng pagtawa ko ay ang pagtawa rin ng iba.

"Hindi mo naintindihan? Ah, tama. Kasi naman, ang isang taong kagaya mo, hindi kailanman makaintindi ng mga bagay na nauugnay sa ugali ng tao." mariin niya pang sabi.

"Hoy, mga kaloka! baka magalit satin si Ma'am!" sigaw ng baklang si Joven.

"Tumahimik ka nga diyan!" sigaw nung Kira sa kanya.

"Hoy nerd, mahiya ka naman!"

"Oo nga!"

Sabi nung tatlong clown-ang cheerleaders.

"Hoy, Queen, sobra ka na ah! dapat nga si Prince ang mahiya dito. Dahil..."

"Dahil ano Pauline? Wala kang masabing dahilan? hahaha yan kasi, sabat ka ng sabat!" panunuya ni Jhon kay white lady.

"Bumalik na kayo sa mga pwesto ninyo kanina." utos ni Jack sa lahat dahilan ng kanilang pagsunod.

"Tama si fafa Jack uwuuuu buti na lang andito ka fafi!" malanding sabi ni Joven kay Jack.

'Kadiring bakla'

"Ambulansya o sementeryo?" mariing tanong ni Jack sa kanya dahilan kung bakit ito dali-daling bumalik sa pwesto kanina.

"M-Marky, sige sa susunod na lang" rinig ko pang paalam ni nerd kay Marky bago sumama sa mga kaibigan niya papunta sa kabilang gilid.

Bigla namang lumapit sakin si Marky. "Prince, napahiya yung tao dahil sa'yo.."

"Pakialam ko?"

"Prince naman, mas kuya ako sa'yo kaya makinig ka naman sakin." mariing sabi niya.

"Alam mo namang, wala akong pinakikinggan." simpleng sagot ko.

Noon palang, alam na niya ang dahilan kung bakit ayaw kong makinig sa mga sinasabi ng iba pati nga pamilya ko, wala akong pakialam.

"Prince, Marky is right. Try to listen first." wika naman ni Jack na nasa may likuran ko.

"I don't want to hear anything about that nerd. I know that you want to save her from my words at yun ang hindi ko gusto. Kaya kung tungkol din naman sa kanya ang sasabihin mo, i don't have time for that and I don't even care about it." singhal ko.

"Prince...."

"Guys, makinig muna ang lahat!" tamang-tama naman ang dating ni Mrs. Caones dahil nagawang putulin ni Marky ang sasabihin niya sana sa'kin.

"Everyone, bakit parang nakakita kayo ng multo?" tanong niya samin sabay umiling.

Napatingin si Marky sakin at ganun na rin ang iba.

I just gave them my bitter smile.

"Joven Tan, can you please explain this letter to your classmates? and try to translate it in Tagalog. Okay?" utos ni Mrs. Caones sa kanya.

Dali-dali naman itong naglakad papuntang gitna.

Nang binigay ni Mrs. Caones sa kanya ang dala nitong papel, agad naman niya itong binasa.

"Omyyyy!" biglang sigaw ng bakla.

"Joven!" giit ni ma'am kaya napatigil ito kakangiti.

'Mukha yatang may magandang balita'

"Magandang araw sa inyong lahat..." wala na akong balak marinig pa ang ibang sasabihin dahil wala naman akong pakialam.

Napatingin ako sa banda nina Nerd. Ganyan ba talaga siya ka-pangit? May gana talaga siyang kalabanin ako. Yung tungkol naman sa lintik na uniporme, talaga bang sinabi niya parin yun kay Marky?! Damn her.

"AYOS!"

"YAN ANG GUSTO KO?!"

"OMYYYY, SHOPPING!"

"Makapag-shopping narin tayo, girls!"

Napatigil na lang ako kakaisip dahil biglang nagsigawan ang lahat dahil sa saya.

'Ano naman kaya ang meron sa sulat?'

"Tol, narinig mo yun?!" tuwang tanong ni Jhon sa'kin.

Umiling ako. "Hindi, ano ba yun?"

"Loko talaga oh. Dapat kasi makinig ka na lang-"

"Ano ba kasi-"

"Dalawang linggong walang pasok" pagputol ni Marky sa tanong ko.

I just nodded and smiled.

"Naks, wala man lang reaksyon ah" ngiting sabi ni Jhon.

"Masaya ako dahil walang pasok" simple kong sagot.

"Lokong to, first time yun! Pero medyo nakakainis dahil pagbalik natin, dapat magawa na natin yung mga alam niyo na...."

"Mga activities? pfttt." sarkistong singhal ko.

Natahimik ang lahat nung nagsalita si Mrs. Caones.

"So, everyone... Sa pagbalik niyo, siguraduhin ninyong magagawa niyo na yung activity natin." paliwanag nito. "Ngayon, pwede na kayong umalis at umuwi ng maaga." pagpatuloy niya bago naunang umalis.

"Prince, saan kayo magbabakasyon?" tanong ni Queen kasama yung mga kaibigan niya.

Hindi ko siya pinansin.

"Wala pa kaming naisip." tugon ni Jhon sa kanya.

"Hmp. Basta, sisiguraduhin kong makakasama kami sa inyo!" ngiting sabi nito bago sila umalis.

"Losers, wag na kayong magplano na sa Boracay kayo magbabakasyon dahil, wala naman kayong pera. Oh, at isa pa hindi bagay sa inyo ang magsuot ng bikini kasi, look ang hagard niyo! HAHAHA!" may narinig akong malakas na boses kaya napatingin ako sa banda nila.

Si Kira at yung dalawang kambal na naman.

"Pwede ba, di porket ganito lang kami ay may karapatan ka nang magsalita ng ganyan?!" singhal naman nung Pauline.

"Ang pangit ng eksena." buntong-hiningang singhal ni Jhon.

"Mga babae talaga..." dali-dali naman silang pinuntahan ni Jack.

Sumabay na lang din kami sa kanya.

"Ladies, nasa music room pa kayo. Kung gusto niyong mag-away, sa labas kayo." utos nito sa kanila.

"Hmp! pasalamat kayo!" sabi ng tatlo bago nagsimulang umalis.

"Bye, Jhon!" ngiting paalam ni Kira sa kanya.

"Hayst!" singhal naman ni Jhon.

"Let's go!" anyaya ni Nerd sa kaibigan niya.

"Ms. Kim, pwedeng makahingi ng number?" nagulat kaming lahat sa sinabi ni Marky sa kanya.

"Ha? Eh...." nauutal pa nitong sabi.

'Tangina lang'








➤THANK YOU FOR READING.
don't forget to
VOTE AND COMMENT.
thank you gemanians.

keep safe everyone.

- Ate Gema love's ya'll~

Seguir leyendo

También te gustarán

35.1K 704 33
Gojo adds the wrong number to the gc. Ik i have enough stories but idc 😁. Also this will have two separate endings you can choose😼 also also geto d...
7.7K 182 27
Ma. Zerriana Talieghna has a happy and contented family until a tragedy happen that turn her life into a nightmare. Despite if that she will pursue h...
83.2K 2K 45
I noticed that some of you don't read the description. So I just wanted to clear up that this story was inspired by He's Into Her Now that it's clear...
4.9K 75 9
Valerie is a woman full of determination in everything. She always puts her best in everything but making decisions was her weakness all the time. H...