34TH STAMP
Tinali ko ang buhok ko at lumabas ng kwarto ko.
"Yuri, may sasabihin kami sa iyo." Yan agad ang bungad ng tito ni Benj sa akin nang makadaan ako sa kusina.
"No need, alam ko na ang lahat." Sabi ko at dumiretso sa kusina. Narinig ko ang pag-uusap ng tatlo kong tito. Alam ko dahil nagko-Korean sila. Kumuha ako ng isang maliit na box ng fresh milk at ininom ang laman nito. Dumaan ako muli sa sala para makabalik sa kwarto ko, nang magsalita ang isa kong tito.
"We're putting the mafia down." Napaharap ako sa kanila.
"What?" Kalmado kong tanong pero nakataas ang kilay.
"Not one of us wants to become the boss because of other business. Your stepfather thinks it's still right if you're the boss. Technically, you are the Fuego's boss... being his real daughter." Sabi ng isa kong tito.
"Look, I just want to go back to Yuri Wilson. Not Louisse Wilson nor Han Yuri and, most especially, not Yuri Fuego. You can't put what my grandfather built down just because of me. For pete's sake, you're all older than me. You experienced mo, you know more. You should be wiser." Sabi ko at nagmartsa papasok ng kwarto ko.
At ngayon mawawala ang mafia dahil sa akin. Ano ako? Puso ng mafia? Nabuhay ang mafia na wala ako, at noong naipanganak ako, for 20 years without me knowing that I am the boss, nabuhay ito! NapakaOA lang talaga ng mga taong iyon. I just want my pop princess life back!
Luke can become the Fuego's boss. Siya ang karapatdapat! At dahil lang ako ang may dugong Fuego kaya ako ang boss? Hello! It's i-don't-know-what-century-i-just-know-that-this-is-modern-generation! Straying from traditions is no longer a problem!
"Ok! That's it! I'm going back to being Yuri Wilson!"
***
Did Benj really forget her? Hindi naman malakas yung pagkakapalo sa kanya.
"How is she?" Tanong ni Sandie pagkabalik ko ng hospital.
"Fine. Babalik daw siya sa showbiz." Sabi ko.
"That's good. May pagkakaabalahan siya kesa naman isipin niyang kinalimutan siya ni Benj."
"Right." Napatingin kami kay Benj na ngayon ay kumakain ng dinner niya.
"What?" Tanong niya.
"Talaga bang hindi mo siya maalala?" Tanong ko. This could cause her to change.
"Kung naging girlfriend ko man siya at nasaktan ko, sorry. I am the notorious playboy." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Eh siya lang naman ang naging--" Tinakpan ko ang bibig ni Sandie at pinandilatan siya. Inalis niya ang kamay ko at hinila ako palayo kay Benj. Napatingin ako kay Benj na walang paki sa paglayo namin.
"Ano? Gusto mo bang maalala niya o hindi?" Bulong niya.
"Ako, gusto ko. Si Yuri, ayaw na niya. Well , gusto niya pero hindi sa ganyang paraan. Ayaw niyang mangyari kay Benj ang nangyari sa kanya." Sagot ko.
Napabuntong hininga si Sandie. Nilingon niya si Benj na nanonood lang ng TV. At concert pa talaga ni Yuri ang pinapanood! Tutok na tutok siya sa TV.
"You know what, gusto ko talaga si Yuri para sa kanya. Kusa siyang nagbago eh." Sabi ni Sandie.
"Lahat naman yata gustong silang dalawa ang magkatuluyan." Sabi ko naman at bumuntong hininga kaming dalawa.
Sabi ng doktor maaaring aabot ng ilang buwan or worse, taon ang pagbabalik ni Benj sa normal. Kung sino man yung taong pinalo siya sa ulo, namatay na sana. Pero syempre, joke lang iyon.
Nakalipas ang tatlong araw, pinalabas na si Benj ng hospital. At dahil ang mga Wilson ang huling kasama namin, nasa lakehouse nila yung mga gamit namin. Magkikita si Benj at Yuri. Pinark ko yung sasakyan sa ilalim ng puno. Bumaba si Sandie at Benj. Napatingin ako sa daungan, naroon si Yuri, nakaupo at nakatingin sa kawalan. Napatingin naman ako kay Benj na nakatingin kay Yuri. O kay Yuri ba talaga? Bumaba na rin ako mula sa sasakyan at tinawag si Yuri.
"Yuri!" Napalingon siya. Nakita niya ako pero iba ang tiningnan niya. Alam na kung sino.
"Yuri?" Napatingin naman ako agad kay Benj. Hinihintay ko ang susunod niyang sabihin. "Siya yung nasa TV kanina. Bahay niya to? What are we doing here?"
"Kukunin natin ang mga gamit natin at magpapasalamat tayo sa parents niya." Sagot ni Sandie. Bakas pa rin sa mukha ni Benj ang pagtataka pero hindi na siya nagsalita. Naunang naglakad si Sandie, sunod si Benj.
"Sandie!" Nilingon niya ako. Tumingin ako sa direksyon ni Yuri tapos balik na naman kay Sandie. Tinanguan niya ako at naglakad muli papasok ng lakehouse.
Tiningnan ko si Yuri. Nakahiga na siya doon at nakataas ang siko. Ano na naman kaya iniisip nitong babaeng to? Kakaiba kasi to mag-isip. Hindi niya inuuna ang pag-ibig. Nilapitan ko siya.
"Benj is here." Sabi ko at umupo sa tabi niya.
"Alam ko. Not blind." Sabi niya nang hindi umaalis sa posisyon niya.
"Babalik na kami sa Pilipinas bukas."
"Ok. Ingat."
Napailing ako at inalis ang kamay niya sa may mata niya. She's crying.
"Kung hindi dahil sa akin, hindi siya magkakaganyan." Sabi niya. Pinaupos ko siya at pinunasan ang luha niyang patuloy sa pag-agos.
Wala na akong masabi. Hindi ko naman pwedeng sabihing okay lang dahil hindi talaga okay. Niyakap ko na lang siya and let her cry.
"Luke." Napatingin ako sa nagsalita. Si Sandie. "Tara. Nagwawala na yung halimaw." Napatingin kami kay Benj na nakatayo sa may van at nakatingin sa orasan niya. Binalik ko ang tingin ko kay Yuri, "He remember's Aru."
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at bumalik naman agad ito sa normal. Bumuntong hininga siya at nagsalita.
"Of course he would. Sila yung may past." Ngumiti siya. Malungkot na ngiti. Narinig naming tinawag kami ni Benj. "Alagaan niyo siya. Hanapan niyo ng PA. Siguro naman hindi niya makakalimutan na tamad siya." Ngumiti na naman siya. This girl is such an eccedentesiast.
"Hoy huwag ka ngang ngumiti. Sarap mong sipain." Sabi ni Sandie. Mas lalong ngumiti si Yuri. Niyakap siya ni Sandie. Napailing na lang ako. "Don't cut your communication, okay?"
"Okay."
"Bye, Yuri." Sabi namin ni Sandie. Kumaway lang siya at bumalik ulit sa posisyon niya kanina.
Sumakay na si Sandie sa harap. Sa likod naman si Benj. Ako magmamaneho.
"Ingat kayo!" Paalala ng mom ni Yuri.
"Bye po! And thank you!" Sabi ni Sandie.
At umalis na kami. Buong byahe papuntang airport, si Yuri ang inisip ko. Kung anong magiging epekto ng paglimot ni Benj sa kanya. Napatingin ako kay Benj sa pamamagitan ng rear view mirror. Mukhang malalim ang iniisip niya. Nakasimangot at hindi ko alam kung anong tinitingnan. Pero iba talaga ang pakiramdam ko eh...
"Benj, did you really forget?"
***
8 months later...
"Thank you, Staples Centeeer!" Sigaw ko sa mic. Halos nabingi ako sa sigawan ng fans. Nagbow ako at kumaway habang palabas ng stage at unti-unting namatay ang stage lights.
"Congratulations!" Masayang bati ng staff ko sa akin nang makarating ako sa backstage. Nag group hug kami at tumalon-talon.
"Congrats to us for another successful comeback stage performance!" Sabi ko at tinaas ang kamay ko. Tinaas rin nila ang mga kamay nila.
It's been 8 months since that incident. Hindi ko makakalimutan iyon. Pero hindi ko rin iniisip dahil maraming mas karapatdapat kong isipin. Bumalik na ako sa stage for real. Mafia life is quiet. Well, of course, Luke being the boss of the other mafia... hinding hindi magkakaroon ng conflict. We're siblings! Well, half.
"Yuri." Habang nagsasaya kami sa loob ng waiting room, may isang lalaking dumating at tinawag ako. Nginitian ko siya at nilapitan. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Congratulations, babe!" Sabi niya.
"Chris!" Suway ko. Natawa lang siya.
"I missed this Yuri. Welcome back!" Sabi niya at kinurot ang ilong ko.
Si Chris. Remember him? Ang naging partner ko nang mawala si Xavier sa camp; naging crush ko rin. Siya yung nakakita ng kalungkutan sa likod ng mga ngiti ko. Siya yung nagpangiti sa akin tuwing pumapasok si Benj-na-kinalimutan-ako sa isipan ko. I don't blame Benj, anyway. He did save me. Kumusta na kaya siya? Siguro masaya na sila ni Aru.
Nasa condo na ako ngayon. Kasama ko si Chris at Courtney, at si manager. Nagpapahinga galing Staples Center. Syempre, napagod ako. Tao rin naman ako.
"When's the next performance?" Tanong ko sa manager ko. Kinuha niya yung phone niya at kinuri-kuri ito saka ako sinagot.
"5 days from now. In the Philippines." Agad naman akong napatingin sa kanya nang sabihin niya ang Philippines. "Within these 5 days, you have a TV guesting and 2 magazine interviews."
"Thanks."
"Who is this Aru? Why is she being compared to you? She's not that... pretty. I guess." Sabi ni Courtney. Napatingin ako sa kanya. Nagbabasa siya ng magazine na pinadala ni Luke sa akin.
Luke, as the brother who doesn't want me hurt, ironically, kept on sending me updates about Benj. Nagpapadala siya ng magazines na cover or feature si Benj; o di kaya'y poster ni Benj. Ewan ko kung anong balak nitong taong to. Hindi ako yung nagka-amnesia no!
"And who is this... Benj... Goowevarah? Your name is associated with him." Dagdag pa niya.
"Oh that magazine is probably talking about that Filipina who looks exactly like me." Sagot ko. Tumango-tango naman si Courtney.
Napansin kong nakatitig si Chris sa akin kaya naman binalingan ko siya ng tingin. He looks so handsome. Kung hindi lang ako broken hearted, pinatulan ko na 'to. Alam niyo bang nagconfess siya sa akin? Matagal na daw siyang may gusto sa akin. Sana naman matagal na niya iyon ginawa, noong bago ako pinatira sa Philippines.
"What?" Pagtataka ko. Ngumisi siya.
"Nothing. It's just... I..." Lost of words. Normal naman na iyan sa kanya kapag nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Hindi ko mai-deny na nakakafall pa rin ang personality ni Chris pero huwag muna ngayon, baka masaktan lang kaming dalawa. Si Benj pa rin ang laman ng puso't isipan ko. Hindi ko alam kung bakit nahulog talaga ako sa kanya. Ayaw na ayaw ko sa kanya eh.
~
3 days bago ang performance ko sa Philippines. It's actually just an intermission with one of the persons I missed the most, Sandie Anderson. Concert pala niya iyon at kakantahin namin yung music video na starring ako.
Katatapos lang ng recording ko para sa isang movie theme song ngayon. Nasa condo na naman ako nakatambay and it's almost lunch time. Ayaw ko pang magluto. Ayaw ko rin naman umuwi sa bahay. I can't do things on my own there. The maids always attend. It's good, but it's quite annoying, really. Pati paghugas ko ng sariling baso ko pinagvovolunteeran nila.
*DING DONG*
Napatingin ako sa pinto. Who could that be? Tumayo ako at lumapit sa security system sa may pinto. Tiningnan ko kung sino yung nagdoorbell.
"Delivery for Miss Yuri." Mailman lang pala.
Binuksan ko yung pinto at nakita ang nakangiting mailman. This mailman again. Siya din yung nagdeliver ng iba't ibang pinadadala ni Luke. Pinirmahan ko na yung paper niya at sinara ang pinto.
Nakabalot yung package gamit ang manila paper. Maliit lamang ito na parang kahon ng cellphone. Bumalik ako sa sofa at doon binuksan ang package.
Hi, little sis.
Remember your phone? Here. Benj gave it to me. Hindi daw sa kanya at naisip kong baka sayo to dahil puno ng mukha mo ang gallery. Anyway, I did not return this to you just because. Sa mga pinadadala kong magazines sayo, alam kong hindi mo binabasa ang important articles especially sa part ni Benj. So here, nasa phone mo. Please read it, I don't want you to be hurt anymore.
Binaba ko agad yung note niya at kinuha yung phone ko. Pinaandar ko to at pumunta sa recent files. Naka pdf yung mga articles na sinasabi niya. May limang articles. Binasa ko ang pinakauna. It's about Benj and Aru's vacation together. That Fuego is really... ano Yuri? Ano? Wala nang problema sa mafia! Huwag mo na idamay yung apilyedo niya. May past sila ni Benj at wala ka doon!
Kinuha ko muli ang note ni Luke at binasa yung I don't want you to be hurt. Saang parte naman ako hindi nasaktan doon?
PS: Hurting you know will only mean you not being hurt later. Take care, little sis!
Vaccination. Tama nga naman si Luke. Alam naman siguro niyang may perf ako sa Philippines. May hindi ba nalalaman ang mafia boss na iyon? I smirked at the thought. I probably won't see Benj during the show. May schedules rin iyon.
~
"Yuri, Sandie's manager said you are gonna sing a Love Story cover." Sabi ng manager ko. Nasa eroplano na kami ngayon papuntang Philippines.
"Taylor Swift?" Paninigurado ko. Tinanguan niya ako.
Nilagay ko ulit ang blindfold ko para makatulog. Nakakastress ang pagtawid ng prime merridean. Sabi ni Luke, van daw ng Fuego ang susundo sa akin since ang mga alagad ko daw ay nasa US. Well, tama siya. Naisip ko rin na since Han at Fuego ako, hinati ko ang sarili ko. Kapag nasa US ako, Han. Pag nasa Philippines ako, Fuego. I just got bored kaya naisip ko iyon.
Nagising ako sa sa tapik ng flight attendant sa akin. Patouchdown na kami kaya naman nagseatbelt na ako.
Pagkakuha ng staff ko ng mga gamit namin, agad kong nakita ang malaking cardboard na may nakalagay na YURI WILSON. Isang staff ng mafia. Nakasuit at nakashades. Nilapitan ko siya at kinuha niya ang bag na dala-dala ko.
"This way, madam." Sabi niya.
"Yuri na lang. Anong pangalan mo?" Sabi ko at nginitian siya. Ngumiti rin siya.
"Joe. This way, Yuri."
Sinundan ko siya. Sumunod rin ang staff ko. Isang van na kulay maroon ang naghihintay para sa amin. Pagbukas ni Joe ng pinto ng van, pagmumukha ni Sandie ang bumungad sa akin.
"Oh my gosh!" Pagtili niya. Hinila niya ako agad papasok, muntik pa akong nasubsob. Adik to! "I MISSED YOU!" Niyakap niya ako ng napakahigpit.
"Yes...I... too... S-Sandie." Halos hindi ako makahinga sa pagkakayakap niya.
"Sandie, don't squish your future sister-in-law." Napatingin ako sa harap. Narito rin si Luke. Napabitiw si Sandie at inayos ang damit ko.
"Right. Baka mawalan pa ako ng maid-of-honor." Sabi niya.
I froze. Eyes wide. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngumiti si Luke at alam kong kanina pa nakangiti si Sandie.
"Cover your ears!" Sabi ni Luke. Nagtakip naman ang lahat ng tenga at kasabay niyon ang pagsigaw ko. I can't believe it! Oh my gosh! I just can't.
Is it really? Real? Ikakasal na sila? Parang dati.... AAAAAHHH! Basta ansaya ko para sa kanila! Oh my gosh! No words can explain how I really feel right now for them. I am just so happy... and happy is not enough to describe my feeling right now.
"And you are gonna sing on our wedding day." Sabi ni Sandie. On the way na kami sa hotel.
"Seriously?!" Wait. Sa hotel? "Wait lang. Joe? Pwedeng sa apartment ko dati? Kung wala pang nakatira doon." Request ko. Napatingin sa akin si Joe sa pamamagitan ng rear view mirror.
"Pinacheck ni Luke sa akin yung apartment kanina. Walang nakatira. Yes, Yuri. You and your staff can stay there." Sagot niya. Napatingin naman ako kay Luke.
"I knew you would prefer that." Sabi niya.
"Thanks, Luke!" Sabi ko. Tiningnan ko ang staff ko. "How about you? Would you like to stay in our hotel room?" Nagtinginan muna sila bago sumagot.
"We'll stay with you."
"No, it's okay."
"Anywhere's fine."
Anyway, bumalik kami sa pag-uusap ni Sandie. Kakanta ako sa wedding day nila. I still can't explain my feels.
"Kailan?" Tanong ko.
"A month from now." Sagot ni Luke.
"ALREADY? Wow you guys are fast." Sabi ko.
"Yuri, 8 months ka sa US. Did you think na kahapon lang ako nagpropose?" I rolled my eyes. Syempre alam kong hindi kahapon no. Mahirap kayang planuhin ang wedding! Baliw.
Nakarating kami sa aparment at nagsettle muna kami bago pumunta sa Dream Entertainment.