My Husband Is A Teacher

Bởi Agent_Sg

130K 2.6K 236

Im such a young kid that doesn't now what is love and marriage?! All people want freedom and to have a happy... Xem Thêm

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
CH 9"New teacher"
CH 10 "Help"
CH 11 "New"
CH 12 "Partner"
CH 13 "School Festival"
CH 14 "Affected"
CH 15 "Representative"
CH 16 "Feelings"
CH 17 "Closeness"
CH 18 "Music Fight"
CH 19 "The Song"
CH 20
Author's Note
CH 21
CH 22
CH 23

Chapter 6

6K 119 4
Bởi Agent_Sg

Ricca's POV

Ang bilis ng araw at ngayon nandito na kami sa tagaytay madami sinasabi sina mama at papa samen lalo na kay Luiz kasi siya ang mas responsable saming dalawa baka daw may naiwan kame na importante nakailang check na nga sila sa mga gamit namin. Si manang na daw ang bahala sa bahay habang wala pa kami kaya wag daw kameng mag alala.

Eto ako ngayon hindi ko padin kinakausap si Luiz nahihiya kasi ako sa kaniya, hindi ko naman sinasadya yung nangyari tulog lang naman ako hindi ko namamalayan ang mga nangyayari.

*FlashBack*

Ang sarap ng tulog ko nakayapos ako sa malambot na pillow  at ang bango bango pa pero teka bat may kamay ang pillow ko at malaman minulat ko ang mata ko para malaman ko kung ano ba tong yapos yapos ko.

Napasigaw ako at hindi sinasadyang naitulak ko si Luiz sa kama at nalaglag. Pano nangyaring mag kayapos kame samantalang mag kabilang dulo kame!

"ano ginawa mo sakin?! Bakit mag kayapos tayo?! Luiz bata pa ako! Hin--" hindi ko na inisip ang mga sinabi ko basta basta na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.

"Anong pinag sasasabi mo? Wala akong ginawa sayo tignan mo nga may damit kapa tsaka diba ang likot mo matulog ilang beses kanang muntikan mahulog sa kama pasalamat ka nga nilapit kita." sabi niya at nakaupo na siya sa sahig at oo nga nakadamit ako at naalala ko yung kagabi

"Ah sorry" ayun na lang ang nasabi ko at tumungo nakakahiya ako edi hindi siya nakatulog kagabi kasi binabantayan niya ako. Ang pangit ko pag tulog!

"Tss" sabi niya at tumayo dumiretso sa CR

Naguguilty tuloy ako sa ginawa ko sa kaniya kasi naman Ricca hindi ka nag iisip! Lumabas na ako sa kwarto niya.

*EndofFlashback*

See hanggang ngayon hindi niya ako pinapansin ni kibo wala din hindi ko na alam gagawin ko.

"Iha eto pala susi ng kwarto niyo, wag kang mag-alala malapit lang kwarto niyo samin kaya anytime pwede kang pumunta" sabi ni mama kinuha ko yung susi at pumunta na sa kwarto namen

Pagkapasok ko sa kwarto mapapa wow ka sa ganda namangha ako kasi kitang kita mo yung view sa labas nakaka relax talaga siya hindi nakakasawa. Gusto ko sanang mag picture kaso wala naman kukuha saken pag ako ang kumuha hindi magandang tignan ano ba yan.

Nahiga ako sa kama at ang lambot para akong nasa cloud hanggang sa hindi ko na namalayan nakatulog na ako.

Kristan Luiz POV

Nandito na kami sa tagaytay mag rerelax muna ako dito kailangan ko din pa minsan minsan nakaka pagod din ang mag turo at mag suway sa mga students. Nandito kaya siya? Siguro hindi at siguro nakalimutan niya na ako. Pumasok na ako sa kwarto namin naabutan ko si Ricca na tutulog lumapit muna ako at kinumutan siya napagod sa biyahe kaya bagsak agad. Naligo muna ako at nag bihis bago lumabas ng kwarto namin magpapahangin muna ako.

Pagkalabas ko napatingin ako sa katabing kwarto mukang kwarto to nina Mama, akala ba nila hindi ko napapansin na sinadya nilang sa iisang kwarto kami ni Ricca.

Bumaba na ako at naglibot libot muna ako ang tagal ko ding hindi nakakapunta dito and last time na pumunta ako dito is when i was kid at umalis din kami dahil kailangan namin munang lumipat gawa ng business nina mama at papa

Umupo ako sa buhangin at tinignan ang view 

"Excuse me, do you mind if I sit here?" Tanong sakin ng isang babae

"Yeah, hindi ko naman pag mamayari ang lupa eh kaya pwede" sabi ko at siya naman ay tumabi

"Ako nga pala si Riza Sanchez and you are?" Tanong niya sakin

"Kristan Dela Vega" simpleng sagot ko at siya naman ay nag kukwento samantalang ako hindi nakikinig nakatingin lang sa harap. Pero habang tumatagal napapatawa ako sa mga sinasabi niya tungkol kasi sa mga epics niya at yung iba hinahaluan niya pa ng mga biro kaya napapa ngiti ako kahit papaano.

Ricca's POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom napansin ko din na nakakumot ako, siguro kinumutan ako ni Luiz bumangon na ako at naligo pagkatapos ay nag suot lang ako ng simpleng short at crop top bumaba ako at nakita ko kaagad ang resto nila, sumilip ako nandun na sina Mama at Papa pero wala si Luiz

Umalis ako sa tapat ng resto para hanapin si Luiz wala din kasi siya sa kwarto namin kaya sa tingin ko nasa may pool or beach siya nag iikot mag isa. 

Wala siya sa may pool side kaya sa tingin ko nasa may beach siya nag lakad lakad ako tinignan ko na din ang view pero may napansin ako isang lalaki at isang babaeng masayang nag uusap kung hindi ko kilala yung lalaki mapag kakalaman kong mag kasintahan sila.

Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko may part saken na gusto ko silang lapitan at palayuin yung babae pero sino nga ba ako? kasal lang kami sa papel pero wala siyang nararamdaman para saken.

Hindi ko na lang sila nilapitan at bumalik na sa resto nakita ko naman agad ako ni mama at papa binati pa nila ako pero nguti lang ako sa kanila. Tinanong nila kung nasan si Luiz pero umiling na lang ako na nag papahiwatig na hindi ko alam. Nakahain ang pagkain masasarap ang mga iyon pero wala akong ganang kumain.

Pag katapos namin kumain lahat wala padin Luiz na dumating, Lumabas ako pero hindi ako pamunta sa lugar kung nasan ang dalawa bagkus sa kabilang daan ako pumunta. Bago muna ako makalayo ay tinandaan ko muna kung saan ako babalik baka maligaw ako dito  namamangha ako sa nakikita ko maraming alitaptap at ang ganda nilang pagmasdan

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta lakad lang ako ng lakad may papagubat sa lugar nato pero hindi siya nakakatakot bagkus ang ganda pa dahil sa mga alitaptap. Ang ganda tahimik dito lumingon lingon pa ako may nakita akong isang Malaking puno lumapit ako dahil may napansin akong naka ukit sa puno. 

Hinawakan ko ang naka ukit sa puno MK & R mahina kong binigkas ang naka ukit. Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito.

*Flashback*

'Riri! Tara bili may papakita ako sayo'

'Teka lang,ang bilis mo naman mag lakad'

'Riri mabagal ka lang talaga' sabi ng batang lalaki at tumawa ito

'Ihhh ang bad mo talaga'

'Eto naman, halika na nga' sabi ng isang bata at hinawakan nito sa kamay ng batang babae para mapabilis sila

'Wow! Ang ganda naman! Ikaw ang may gawa?' anas ng batang babae

'Oo para satin dalawa yan inukit ko palatandaan na ikaw at ako mag kasama' naka ngiting sabi ng batang lalaki

'The best ka talaga--

*EndofFlashback*

Ano yun sino sila? sumasakit ang ulo ko napaupo ako at hawak hawak ko padin ang ulo ko hinahampas hampas ko baka sakaling mawala ang sakit.

"Miss? Miss? Ok ka lang anong nangyayari sayo?" Tanong ng isang lalaki pero nahihirapan akong mag salita

Namilipit ako sa sakit ngulo ko the next thing I know someone help me then everything went blank.

Third Person's Pov

Nang mawalan ng malay si Ricca tinulungan kaagad siya nung lalaki at binuhat ito hindi alam ng lalaki kung anong gagawin at ni hindi niya alam kung saan ang room niya.

Samantalang si kristan nag-aalala kung nasan ba si Ricca pagbalik ni kristan walang tao sa kwarto nila bumaba ito at nakita ang magulang niya na nag papahinga.

"Oh iho kumain kana ba? Nasaan si Ricca?" Pagkatanong ng ina ni kristan ay bahagyang kumunot ang noo nito

'Kung hindi nila alam kung nasaan si Ricca ibig sabihin umalis ito ng walang paalam?!' isip isip ni Kristian

"Oh iho san ka pupunta? Tawagin mo muna si Ricca mag ikot ikot kayo"

"Ma wala si ricca wala siya kwarto namin umalis siya mag isa hindi niya kabisado ang lugar na to" sabi nito sa ina bahagyang nag-alala ang mga ito

"Hanapin mo muna siya nak baka naman nag ikot ikot lang"  umalis na si kristan at hinanap si Ricca

Kanina oa siya nag hahanap pero hindi niya ito makita nasa isip isip nito ay kung ano nang nangyayari kay Ricca

Tinuloy niya padin ang pag lalakad may nakasalubong itong isang lalaki na may buhat buhat na babae pinag masdan niya ito ng mabuti ng mamukaan niya ito

"RICCA!" agad agad niyang nilapitan at inagaw sa lalaking may buhat dito

"Anong ginawa mo sa kaniya!" Sigaw ni kristan

"Wala basta nakita ko siya dun na nasigaw at nawalan ng malay" sabi nito hindi na lang siya pinansin at iniwan nito ang lalaki

'Ano bang nangyari sayo' yan lang ang tanging nasa isip ni kristan habang papunta sa kwarto nila

Ricca's Pov

Ang sakit ng ulo ko, bumangon ako at tinignan ang buong paligid teka nasa kwarto ako? Pano ako napunta dito?

Napatingin ako sa isang tao na mahimbing na nakaupo sa tabi ng kama ko at hawak ang kamay ko teka si luiz to ah, dahan-dahan ko itong tinatangal baka kasi magising ko siya pero too late gumalaw siya

"Ricca ok ka na ba?" Tanong niya sakin

"Ha? Ah oo"

"Gutom kana ba? Gusto mong kumain?"

"Ah s-sige kakain ako" sabi ko at tumayo inalalayan naman niya ako

"Ok na ako kaya ko na" sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya at muntik na ako madulas buti na lang at nasambot niya ako

"Tss, wag kana kasing matigas ang ulo" sabi niya at inalalayan niya akong bumaba hindi na ako pumalag dahil medyo nanghihina narin ako eh

Pansin ko lang asan sina mama at papa

"Wala sina ma at pa umalis sila, may emergency daw kasi sa trabaho kaya tayo lang dalawa" sabi nito hindi na ako nagulat dahil sanay naman akong kasama siya

Kumain lang kami ng tahimik, hay kain lang ako ng kain ng basagin ni luiz ang katahimikan

"Ano nga pala nangyari sayo kanina?" Tanong niya pero hindi siya natingin sakin

"Ewan, basta nakakita lang ako ng tree house tas may nag flashback sa utak ko tas biglang sumakit ang ulo ko" sabi ko at tumingin sa kaniya at nakatingin din siya sakin

"Tree house? Bat ka nandun?" Tanong niya

"Ewan ko basta nag ikot-ikot lang ako dito tas dun ako dinala ng mga paa ko" sabi ko at kumain ulit

"Wag ka nang babalik don"

"Bakit? Tsaka gusto kong pasalamatan yung lalaki kanina" sabi ko at nakita ko siyang salubong ang dalawang kilay

"Hindi, hindi kanq ulit babalik don at mukang delikado tignan mo nangyari sayo baka maulit pa yan" sabi niya at tumayo at tumaas na, problema nun?

Inayos ko na yung lamesa pagkatapos kong malinis at mahugasan tumaas na ako at naligo

Napaisip isip ako bat may nag flaflash sa utak ko na hindi ko maaninag ang itsura

Hay nahiga na ako sa kama at itutulog ko na lang, hindi ko na siguro maaalala yun....

---

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...