KINT....
"Anong ginagawa mo dito?" taka kung tanong kay Xyrill
Nag lakad muna ito palapit sa akin at saka umupo rin sa inuupuan ko
"Sinundan ka?" Patanong na sagot nito
"Alam ko pero bakit?" Tanong ko
"Wala! Gusto lang kitang tanungin!" sagot nito
Hindi ako nag salita at pinunasan ko na lang yung mukha ko
May mga sipon na kasi kadiri
"Tanogin saan?" Tanong ko sa kanya
"Di ka ba masaya na mag kaka anak na yung kaibigan mo sa Boyfriend mo?" Tanong nito sa akin
Ng aasar ata ang lalaking ito pero,
Taka ko siyang tiningnan
"Hindi kita maintindihan!..." Ika ko at nag iwas ng tingin
"....Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko dahilan para tumawa siya ng bahagya
"Wag ako KIM ISAAC!" Sagot nito
Kim kim kim? Isa ito sa mga tawag sa akin bukod sa Isaac
taka ko siyang tiningnan
"Hindi talaga kita maintindihan!" Pag kukunwari ko pa, sige lang Kint ipag patuloy mo iyan
"Alam kung nakaka alala kana!" Ika nito sa akin
Nag iwas ako ng tingin paano niya nalaman
"Okay ka lang?" Tanong pa nito ng mapansing hindi ako mapakali
Tumango lang ako, sabay tayó sa aking pag kaka upo at saka bahagyang lumakad palayo sa kanya pero agad din naman akong napahinto dahil hinawakan ako nito sa bewang
"I Know your not okay, I'm here I'll stay!" Bulong nito sa tainga ko
bahagya ko siyang tinulak, Alam kung hanggang ngayon may nararamdaman pa rin ito sa akin pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pag kaka yakap sa akin
Tanging iyak na lang ang naging tungon ko
"Shhh!" ika nito at bahagyang hinimas ang likod ko
"Sakit lang kasi Xy! akala ko magiging okay na kami, dahil bumalik na yung alaala ko..."
"...Yun pala akala ko lang! bat kasi nag ka amnesia pa ako! Bat kasi nag yare pa to!" iyak ko
Hindi naman ito nag salita at hinayaan lang ako nitong umiyak sa balikat niya
Hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak siguro kung naging tunay na babae lang ako siguro hindi ako ipag papalit ni King at hindi ito mag hahanap ng iba
ang sakit lang kasi na sa dami ng ipapalit sa akin yung Kaibigan ko pa na tinuring ko ng kapatid
Inalayan ako ni Xy na dalahin sa Guest Room nila Charles siguro kasi kaming wala na sila sa pool dito rin kasi kami tutulog dahil malalim na yung gabi buti yung iba naka uwi dahil may sundo at may kani kanila silang sasakyan
pag karating doon agad kung napansin yung damit sa ibabaw ng kama kaya agad ko iyung sinout dahil basa pa ako ng kunti at saka ako nahiga at nakatulog dahil na rin siguro sa pagod at sa dami ng iniisip
Pagod ako doon sa pageant na yun at sa mga nag yari pagod ako kaka isip, kaka isip na hindi na maiibalik yung dati yung dating kami dahil mag kaka roon na ng anak si King sana babae na lang din ako sana kaya ko rin siyang bigya ng anak
Ito yung kahinaan naming mga katulad ko hindi namin kayang bigyan ng anak ang lalaking mahal namin, maaring maligaya namin pero hindi pa rin iyun sapat dahil kulang at ito ay ang anak
****
"Wala kang sasabihin wala kang pag sasabihan!" Sigaw niya sa akin
"Mali yun! mali yung ginagawa niyo!" Balik na sigaw ko naman sa kanya akala niya siya lang ang marunong sumigaw pwes! nag kakamali siya kahit kaibigan ko siya ay sisigawan ko siya
"Bakit sa ginagawa ba niyo ni King tama huh?" Sagot naman niya na animoy nandidiri, wala naman kaming ginagawa ni King sadyang mahal namin ang isa't isa
"Pero mali pa rin yung sa inyo makaka sakit kayo, kaya dapat malaman na nila to ng mas aaga kung ayaw mong sabihin ako ang mag sasabi sa kanila" mahaba kung sagot alam ko namang mali yung relasyon namin ni King pero mas mali ata yung sa kanila
Nagulat ako ng bigla ako nito hawakan sa may pulsuhan pinilit kung tangalin yung kamay niya pero di ko nagawa
nasasaktan na rin ako dahil sa haba ng kuku niya
"Wala kang pag sasabihan! at hindi ko hahayaan na makarating ito sa iba!" Galit na sagot niya sa akin
at saka ako bahagayang tinulak
*****
Pawis na pawis akong nag habol ng hininga anong klaseng panaginip iyun hindi ko makilala yung mukha at boses ng kausap ko sa panaginip dahil sa labo
Tumayo ako at saka sinilip yung oras sa Cellphone ko 9 a.m na pala
"9 a.m?" Gulat na sabi ko ng makita yung oras
Agad kung binulsa yung cellphone ko at saka lumabas ng kwarto na ito
pag labas ko tanging mga maid lang ang nakita ko
asan kaya sila
"Ahm! ate asan po kaya yung mga kasama ko?" Tanong ko sa isang maid na busy sa pag wawalis
"Wala na po sir naka uwi na po sila" Sagot nito sa akin kaya tumango naman ako
kakahiya naiwan ako dito sa bahay nila Charles buti wala yung mga magulang niya dito
Nag paalam muna ako sa mga maid bago lumabas
pag labas ko bumungad sa akin si Xyrill na naka sandal sa kanyang kotse halatang bored na bored na ito
lumapit ako sa kanya pero hindi niya naramdaman ang presinsya ko dahil naka tingin ito kung saan
Tulala ang luko
"Oyyy!" Tawag ko sa atensyon niya kaya agad itong napatingin sa akin
"Tagal mo!" Reklamo nito sa akin
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko kasi buong akala ko na una na sila at hindi na ako inantay
"Inaantay ka! tagal mong magising!" Sagot niya
"Sino ba kasing nag sabing antayin mo ako?" Pag tataray ko
"Wala!" Sagot niya at saka binuksan yung pintuan sa passanger seat kaya pumasok na lang ako
Tahimik lang kami boung biyahe walang nag salita kung ayaw niyang mag salita edi hindi rin ako mag sasalita baka nakakalimutan niyang may kasalanan pa siya sa akin doon sa pool lalo na't nakita iyun ng ilan sa section A1 may issue pa naman yung mga yun
lumiko yung kotse niya pero hindi ko na lang pinansin alam kung hindi iyun ang daan papunta sa mansyon nila King
Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng bahay namin
Bahay namin?
Taka ko siyang tiningnan
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko
"Dito ka na tumira kesa doon kila King!" Sagot nito
"Nasisiraan ka na ba?" Medyo pasigaw na sagot ko paano ba naman dito ako dinala sa mansyon namin sa dati naming bahay buti kung sa isang bahay niya pa ako inuwi
"Nakaka alaala ka na diba? Bat hindi ka pa umuwi sa inyo!" Sagot naman niya
"Ayaw ko!" Sagot ko bat ba kasi namamaki alam siya sa mga desisyon ko
"Uwi mo na lang ako sa bahay nila tita Juliet" Sagot ko na ang tinutukoy na juliet e yung buong akala kung magulang ko
wala siyang nagawa kung hindi paandarin ulit yung kanyang kotse para maka rating sa bahay namin mas gusto ko muna dito
Nami-miss ko na rin naman sila mom pero ayaw ko munang ipaalam sa kanila na nakaka alaala na ako gusto kung malaman muna kung bakit ako nag ka amnesia alam kung hindi aksindenti iyun alam kung sinandya iyun yung panaginip ko kagabi parang totoong nag yare yun, at kung doon naman ako titira sinong kasama ko diba nasa korea sila mom and dad si kuya Reian naman ay nasa condo nito
"Alam kung hindi ka pa handa para sabihin na naka alala kana!" Ika ni Xy
Hindi ako nag salita bahala siya dyan
Minsan nakaka asar din kasi ang isang to
"Isaac! since nakaka alala ka na rin naman baka pweding...!"
"....Baka!"
"Ano?" tanong ko
"Baka pwedeng" Ika niya
"Pweding ano?" Tanong ko
"Pweding manligaw ulit ako!" Diretsyong sagot niya
Napasinghap naman ako
Hindi ako nag salita at binuksan na lang yung pinto
Nasa tapat na kasi kami ng bahay namin
Baba na sana ako nag hilahin ako ni Xy
taka ko siyang tiningnan ngumiti lang siya at niyakap ako kaya bahagya ko siyang tinulak
ayaw kung umasa na naman siya katulad ng dati ayukong masaktan na naman siya
Hindi ko na nagawang mag salita para mag paalam at sagutin yung tanong niya kasi dumiretso na ako papasok at hindi na siya liningon
bagsak ang balikat kung hininga yung katawan ko sa medyo matigas na higaan ko
Ilang minuto din yung lumipas ng tumayo ako at pumunta sa banyo para maligo inantay kung mapuno yung tubig sa timba bago ko basain yung katawan ko gamit ang tabo
pag katapos nun agad akong nag tuyo ng katawa at dumiretso sa Kusina
Medyo mabaho ng kunti yung kusina kaya nilinis ko muna bago ako mag luto
Mag isa kung kinain yung pancit canton na niluto ko
Habang kumakain napaisip ako what if? sabibin ko sa kanila na nakaka alala na ako? Ano kayang magiging reaksyon nila?
Gusto ko mang sabihin na nakaka alala na ako pero diko magawa dahil nag tatampo rin ako sa kanila
Dahil binigay nila ako kila tita Juliet yung yaya nila King
Alam ko naman na may pag kamasama rin yung ugali ko noon pero dapat hindi nila ako pinaalaga sa iba pide ko pa rin maman silang maging magulang kahit nag ka amnesia ako diba? hindi yung pinaalaga nila ako sa iba nakaka aaar lang kasi
Hinugasan ko muna yung mga plato bago ako mahiga
mahihiga na lang ako siguro mag hapon para maiwasan ko rin yung pag iisip ng kung ano ano, at para maka iwas sa sakit