EPIPHANY

By clockwork_chaser

13.8K 946 309

Hannah Santillana was bruised, scarred, and ruined by her past. She lost her self-worth by loving someone too... More

EPIPHANY
Dum Spiro, Spero
Vivamus, Moriendum Est
Pro Bono
Cuiusvis Hominis est Errare, Nullius Nisi Insipientis in Errore Perseverare
Alis Volat Propriis
Nil Homini Certum Est
Audere Est Facere
Acta, Non Verba
Umbra
Astra Inclinant, Sed non Obligant (Part 1)
Astra Inclinant, Sed non Obligant (Part 2)
Apricus
Ad Astra per Aspera (2)
Brutum Fulmen (1)
Brutum Fulmen (2)
Solis Occasum
Ubi amor, ibi dolor
Timendi causa est nescire (1)
Timendi causa est nescire (2)
Discendo, Discimus (1)
Discendo, Discimus (2)
Discendo, Discimus (3)
Discendo, Discimus (4)

Ad Astra per Aspera (1)

472 37 5
By clockwork_chaser




Through hardships to the stars.



HANNAH


It's already the second week of October and the semestral break is fast approaching. I'll be having a week off from school before my final semester starts.

"Why don't we go abroad?" Ciara suggested.

Nasa isang nail salon kami ngayon. Tulad ng madalas ay bigla na lang sumusulpot ang mga pinsan ko sa bahay namin. Hobby na nila na napapadpad sa bahay kahit walang paabiso. Mabuti na lang at nitong mga nakaraang araw ay madalas lang ako sa bahay kaya may naaabutan sila.

Madalas ako sa bahay nitong mga nakaraang arawdahil walang kahit na anong paramdam si Carrack.

I sighed. I checked on my phone, and my heart sank for the nth time because there's still nothing from him.

Halos isang buwan na mula nang huli kaming magkita. Mula noon ay hindi pa kami nagkakausap muli. Kahit isang simpleng text ay wala.

Gusto ko na sana na ako na ang mangumusta sa kanya, pero hindi ko naman alam kung paano. Natatakot ako na baka ayaw na n'ya sa akin. Dahil noon naman, palaging s'ya ang sumusubok na lumapit at kumausap sa akin. Palaging text n'ya ang una kong nababasa sa umaga. Palaging boses n'ya ang una kong naririnig dahil tumatawag agad s'ya kapag nag-reply na ako sa 'good morning' text n'ya. Pero ngayon... wala kahit isang 'hi'.

Natatakot ako na baka na-turn off na s'ya sa akin.

Nang huli kaming magkita, I was ashamed of myself because I was mad at Marron for something petty. Galit ako kay Marron dahil kapatid s'ya ni Skipper Clint Vergara. Bukod pa sa galit ako kay Marron dahil sa nagawa n'ya sa Kuya Frigate ko, nakadagdag pa ang pagiging kapatid n'ya ng lalaking nag-reject sa akin noon.

At ngayon na binabalik-tanaw ko na lang iyon, nakakaramdam ako ng matinding hiya. Lalo na at nasaksihan ni Carrack ang pangyayaring iyon.

What if he's now thinking that I'm a horrible person? He accepted that I was once depressed over a broken heart, and now I am being petty by holding on to my grudge. I was taking it against Clint that he rejected my love for him.

Right after I left the nail salon, I met up with Selene on a restaurant for lunch. Hindi na sumama ang mga pinsan ko sa akin dahil may nakita silang poster ng isang pelikula at manonood daw sila.

"I'm sorry I'm a little late. I was held a little by the boss. May pinapagawa lang na budget plan for a conference," Selene said after taking the seat in front of me. Nauna na kasi ako sa kanya sa pinagkasunduan naming restaurant.

"Okay lang naman. I wasn't here long," I smiled at her kahit na half an hour na akong naghihintay.

Nalibang din naman ako sa pag-iisip kung paano ko kaya makaka usap ulit si Carrack. At wala pa rin akong maisip na magandang alibi para hindi magmukhang sabik na sabik akong mag-reconnect sa kanya.

"Let's place our orders. I'm famished," Selene rolled her eyes.

Habang naghihintay na ma-serve ang pagkain namin ay nagkuwento na muna si Selene ng tungkol sa trabaho n'ya. Natutuwa ako na marinig na mukhang enjoy naman s'ya doon. Masaya rin ako na mukhang smooth ang relationship nila ni Kuya.

"Anyway... malapit lang dito ang pupuntahan natin," Selene said, dismissing the topic about her works.

We met up today dahil pupunta raw kami sa pagpapagawaan namin ng costume for the Halloween party we'll be attending. According to Selene, custom made ang papagawa namin at ipapa-rush na sa kakilala n'yang sikat na designer para sa mga cosplayer.

"Kaya ba na madalian? Ilang araw na lang, 'di ba?"

"Don't worry. Magaling 'yong si Quilla. And she's an expert naman na. Ipapakiusap ko na lang na unahin na n'ya ang atin kaysa sa ibang ginagawa n'ya," Selene giggled. "Kapag hindi tumalab ang charms ko, si Carrack na ang bahala," she smirked.

My lips parted a little at the mention of his name. Sa totoo lang ay kating-kati na ako na tanungin si Selene ng tungkol sa Kuya n'ya. Hindi ko lang alam kung paano namin mapag-uusapan si Carrack na hindi ako magmumukhang masyadong interesado. Mabilis kasi makapansin si Selene. Ayoko na magtanong s'ya ng tungkol kay Carrack dahil alam ko na magsasabi ako ng totoo sa kanya. At isa pa, hindi ko rin naman alam kung ano ba talaga kami ni Carrack.

Sasabihin ko ba kay Selene na wala namang kami ni Carrack pero naghahalikan na kami at in love na ako sa kapatid n'ya?

"K-Kilala rin s'ya ni Carrack?" I asked. Para akong nabuhayan ng loob dahil si Selene na ang kusang nagbukas ng topic tungkol kay Carrack.

"Boss n'ya si Kuya. Mamaya pupunta tayo d'on sa company nila," Selene explained. "If we're lucky baka nand'on si Kuya. We'll have him pay our costumes," she grinned.

Halos hindi na ako mapakali sa kaalaman na may tsansa na makita ko si Carrack. Wala na akong gana sa pagkain pero binilisan ko na lang ang pagkain ko. Naiinis na nga ako kay Selene dahil napakabagal n'ya.

Dahil may trauma pa si Selene sa pag-drive na may pasahero, nag-taxi na lang kami papunta sa sinasabi n'ya. Malapit nga lang at wala pang fifteen minutes ang byahe.

Very modern ang itsura ng apat na palapag na gusali. Hindi s'ya typical na rectangular prism na building. May nakalawit na korteng triangle sa third floor na isang malaking bintana. Ang topmost floor ay masyadong nagawi sa kanan na parang malalaglag na. Sa second floor naman ay may parte na parang nag-wave at pilipit. Ang ground floor ay purong salamin ang mga dingding kaya kitang-kita ang loob na parang museum ng mga action figures ang isang parte.

"Xyz, Rayleigh and Carrack own this company. They manufacture action figures and other merchandise ng mga anime at Japanese manga. Ang alam ko, sikat din sila sa paggawa ng mga costume ng mga cosplayers at mabenta ang mga events nila. I'm really not into anime kaya 'di ako interesado dito."

"AGC din 'to?"

"Nope," Selene chuckled. "Puro tourism ang AGC. Mostly hotels, resorts, leisure parks and casino. Plus the airlines," she explained. "Pero si Kuya mas invested dito. Syempre kasi hilig n'ya ang ganito. Sila ni Xyz."

"Nakakatuwa naman na may ganito pala si Carrack. Tapos may posisyon pa s'ya sa AGC. Buti may time pa s'ya sa sarili n'ya."

"Magaling naman kasi si Carrack. Sadyang tamad lang s'ya sa AGC dahil 'di naman n'on hilig ang mga gan'on."

Nakapasok na kami sa loob at dumeretso lang si Selene sa elevator lobby. Mukhang kilala s'ya ng mga tao dahil madami ang bumabati at bahagyang nagbibigay galang pa sa pagyukod sa kanya.

Habang naghihintay sa lift ay napagmasdan ko ang lobby ng gusali. Parang totoong mga tao na naka-costume ang mga action figures. Sa mga dingding naman ay puro posters at drawings. Kalat kalat rin ang mga glass cabinet na may mga display na figures gawa sa resin at may mga ilaw pa.

Nang bumukas ang elevator ay nakakaliw na naka-costume pa ang operator. Naka-suit at may wig na blue na buhok.

"Good afternoon, my ladies," magalang na bati n'ya. "What floor?"

Selene and I stepped inside the elevator car.

"Quilla's office, please," Selene said.

I watched as the dressed operator pressed the third floor. Hindi naman nagtagal ay nasa tamang palapag na kami. Kinausap ni Selene ang receptionist sa floor na iyon at hinatid kami sa isang opisina.

"Napaka-kalat naman," reklamo ni Selene the moment na maiwan kami sa loob ng opisina ni Quilla.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng opisina. Madaming mga materyales ang nagkalat tulad ng mga tela, foam, at wigs. Madami rin ang mga mannequins na may mga suot na mga costume. Ang iba ay mukhang hindi pa tapos.  May silid pa sa loob ng opisina na salamin ang dingding kaya kita na workshop iyon. Mas malaki ang work space kaysa sa opisina mismo.

"Well... Kill is the one in charge sa mga bagong designs ng lahat ng products nila. I can say na magaling talaga s'ya. Sila ni Rile. Kaso si Rile kasi more on sa mga display display na figures."

"Kill?"

Selene nodded. "Kill is Quilla's nickname. She chose it herself because it sounded badass."

Hindi mapakali si Selene sa kinauupuan n'ya kaya nag-ikot na s'ya. She started picking up food wrappers and empty soda cans. Ganyan talaga s'ya dahil may pagka-OC s'ya.

"Pogi ni Carrack dito a," Selene said which caught my attention. Nasa bandang lamesa na s'ya ni Quilla. She lifted a photograph up and showed it to me.

My lips parted upon seeing his handsome face.

Mukhang candid shot dahil sa malayo ang tingin ni Carrack. What captivated me was his sweet smile. Tila nangingiti sa iniisip n'ya. His face looks gentle.

Hindi ko na napigilan kaya lumapit na rin ako kay Selene. And I felt a thud on my chest when I saw few more pictures of Carrack. May isang kuha na nakasimangot s'ya. Mayroon din na humahalakhak s'ya. The pictures show his different expressions.

Bakit may mga ganito s'ya? Bakit puro si Carrack?

Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi ni Selene. Nabibingi na ako sa pagkabalisang nararamdaman ko.

May gusto ba si Quilla kay Carrack?

Napabaling ang atensyon namin ni Selene sa banda ng pintuan nang bumukas iyon.

My heart sank on my stomach when I saw a beautiful woman clutching Carrack's arm.

Mukhang nagulat si Carrack nang magsalubong ang tingin namin. Agad na iniwas ko ang paningin ko.

I did my best para hindi mangilid ang luha ko.

"Hola!" The woman greeted in a cheerful way. "What demon brought you here, Sari-manok?"

"You're so makalat!" Selene hissed.

Sinuri ko ng tingin ang babae. Maganda s'ya. She have a slim body with fair skin complexion. She got hooded eyes, pointed nose and thin lips painted with bloody red lipstick. Her curled long hair was dyed green on the roots and changing into purple by the ends. She's into a black fitted jeans, brown combat boots and a midriff loose shirt. Maamo ang mukha n'ya pero mukha s'yang pilya dahil sa ngiti n'ya.

Just like Selene, the woman carry a confident air around her.

She let go of Carrack's arm then she smiled at me. "Hi! Sorry medyo makalat dito. Naka-leave kasi 'yong assistant ko, nangingitlog pa. 'Yong isa naman pinatapon ni big boss sa Japan."

"Explain ka nang explain, nagpapalusot ka lang naman," Selene said. "Explain mo kaya kung bakit puro pictures ni Carrack dito. Stalker ka ba?"

The woman laughed. "So what if I am? Lugi ka pa ba kung magiging sis-in-law mo ako?" she playfully asked.

"I don't like you as a sister-in-law, ang burara mo."

"Masinop naman si Carrack. 'Di ba, darling?" Baling ng babae kay Carrack.

Can I just walk out on this?

I can feel that anytime, my jealousy will eat me alive.

______________
January 26, 2021

Sorry that it took me long. I'm super busy with work.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...