My Quarantine Girl

Autorstwa UnoNimusS

139K 763 139

SPG 🔥 For 18+ only 💦 Więcej

My Quarantine Girl I
My Quarantine Girl II
My Quarantine Girl III
My Quarantine Girl IV
My Quarantine Girl V
My Quarantine Girl VI
My Quarantine Girl VII
My Quarantine Girl VIII
My Quarantine Girl IX
My Quarantine Girl XI
My Quarantine Girl XII
My Quarantine Girl XIII
My Quarantine Girl XIV
My Quarantine Girl XV
My Quarantine Girl XVI

My Quarantine Girl X

2.8K 47 13
Autorstwa UnoNimusS


CHAPTER X:

"Alex Anak, ikaw na ang gumising kay Lou, mukhang masama ang panaginip, may luha sa mga mata niya.." usal ni Papa sakin bago siya tuluyan bumaba ng Van

Ano kayang napapanaginipan nito? Mukhang nakaka-takot at may pag-luha pa ang mga mata niya...

"Oyyy Lou..." pag-gising ko sakanya

Pilit ko siya tina-tawag kanina pa kahit na malayo ang upuan ko sakanya..

"Lou..." pag-uulit ko

Hindi pa rin siya nagi-gising samantalang naka baba na ang lahat sa Van..

"Alex Anak, lapitan mo na si Lou para gisingin.." pag-uutos ni Papa sakin bago siya pumasok sa loob ng bahay

Hayyyy ano ba naman siya, imbes na ayoko pa siyang kausapin mapi-pilitan ako ngayong imikin siya..

Pumunta ako sa unahan na upuan kung saan siya naka-upo, tumabi ako sakanya at dahan-dahan ko siya tinitigan...

"Totoo nga yung luha niya.." usal ko sa sarili ko

"Oyyyy Lou... ano ba gumising ka na.." usal ko

"Alam mo? Siguro nagtu-tulog tulugan ka lang para kausapin na kita, syempre alam mo na sakin ka ipapa-gising ni Papa.." dagdag ko

Pero hindi pa rin siya nagi-gising..

😑😑😑😑😑

"Lou ano ba? Gumising ka na nga!" inis na usal ko

"Alex..." usal niya na para bang hina-hanap ako

"Lou hindi ako nakikipag-biruan sayo ah.."

"Alex... Alex... Ale---"

"Lou? Lou! Lou ano ba!" usal ko at hinawakan siya sa mag-kabilang braso niya para gisingin

Agad siyang dumilat at mabilis na tumulo ang luha sa mga mata niya..

"Ano ka ba? Kanina pa kita gini-gising ah.."

Wala siyang imik, at para bang naka-kita siya ng multo habang tini-titigan ako..

Hinawakan niya ang mga pisngi ko, kinapa niya rin ang kaliwa at kanang dibdib ko..

"A---ano ba Lou!" inis na usal ko

"Buhay ka?"

"A---ano??"

"Hindi ka nabaril? Nasan sila? Yung Papa mo? Yung mga kapatid mo? Okay lang ba sila?" nag-aalalang usal niya habang umiiyak

"Ha? Nasa loob na sila.." takang tugon ko

"Hindi tayo ligtas dito, umalis na tayo dito Alex! Maniwala ka sakin, darating si Gabby!"

"Lou panaginip mo lang yon.."

"Alex please! Please maniwala ka! Marami siyang tauhan, lahat sila may baril, kukunin nila tayo, Alex totoo yon.."

"Lou nananaginip ka lang, baka pagod ka sa--"

"Alex!!" pasigaw na usal niya

Seryoso siya at alalang-alala kaya namam natigilan ako...

"Alam mo ba yung nakita ko? Pinatay ka ni Gabby! At ayokong mangyari yon!"

"Lou buhay ako, tingnan mo---"

"Eh kung dumating siya? Eh kung magka-totoo yon?"

"Lou hindi ako mamamatay..."

"Namatay ka dahil sakin! Dahil niligtas mo ako! At yon yung pinaka-masakit na parte ng panaginip ko!" umiiyak na usal niya

😳😳😳😳😳

Parang kinurot ang puso ko nang makita kong umiiyak siya habang sinasabi yon, ngayon ko lang siya nakitang ganito, hindi mapakali at wala sa sarili...

"Alex ayoko, please ayoko mawala ka.." nag-mamaka awang usal niya sakin

Agad niya akong hinila at niyakap ng sobrang higpit, iba ang yakap na yon ni Lou..

Tila ba wala ng bukas ang higpit ng yakap niya ngayon sakin..

🥺🥺🥺🥺🥺

"Wag ka na umiyak.." usal ko sakanya

"Ayoko mawala ka, hindi ko kaya Alex.."

😳😳😳😳😳

Totoo ba ang sinasabi niya??? Hindi kaya lasing siya??? Pero hindi naman siya uminom..

"Ahhh--- hi---hindi naman ako mawawala.."

"Ayoko mawala ka sa tabi ko kahit saglit simula ngayon.."

"Ahhh---ha?" takang usal ko

Seryoso ba siya? Grabe naman ang epekto ng panaginip na yon sakanya..

"Please Alex... wag na wag mo ko iiwan.." paki-usap niya

"Hmmmm--- sige..." tipid na tugon ko

Hindi kaya teknik niya lang ito para batiin ko na siya???

🤔🤔🤔🤔🤔

Humiwalay siya ng yakap sakin at tinitigan ako..

"Mahal kita.."

😳😳😳😳😳

"Lou..."

"Totoong mahal kita Alex.." pag-uulit niya

"Mahal ki---"

Natigilan ako nang bigla niyang halikan ang labi ko...

Naka-dilat ako kaya kitang-kita ko ang ekspresyon ng mukha niya..

Seryoso iyon at dahan-dahan na dinadama ang bawat halik niya sa akin...

"Kuya Alex!!"

Agad siyang natigilan nang tawagin ako ni Sam...

"Kuya hina-hanap na po kayo ni Papa.."

"Ahhhh--- sige, pasabi susunod na.." tugon ko

"Hmmmmm... tara?" usal ko kay Lou

"Nakita kaya niya tayo?" nahi-hiyang tanong niya

"Malamang hindi, nasa pinto naman siya, malayo dito.."

"Sigurado ka?" pag-aalala ni Lou

"Hahalik-halik ka tapos takot kang makita ng iba?" nata-tawang tugon ko

"Tsss! Hindi ako takot, syempre bata pa si Sam at bawal niya pang makita ang mga ganong bagay.."

"Hmmmmm..." tipid na tugon ko

"Excuse nga! Bababa na 'ko.." mataray na usal niya

"Teka! Bakit parang ang taray mo nanaman?"

"Eh na-realise ko na panaginip lang pala yon.."

"Pagka-tapos mo ko yakapin at halikan?!"

"Kahit kapag ikaw ang nanaginip ng ganon, baka gawin mo rin sakin yung ginawa ko sayo!"

"Tsss! Tyansing ka lang!"

"Asa ka naman! Baba na sinabi..."

😑😑😑😑😑

"Napaka-moody mo! Sana totoo nalang yung panaginip mo!" inis na usal ko

Agad akong bumaba ng Van at sumunod naman siya...

"Anong sabi mo?"

"Wala..."

"Sana totoo yung panaginip ko?"

"Wag mo na isipin..." pag-iiba ko

Hinila niya ang kamay ko at natigilan ako sa pag-lalakad papasok sa loob ng bahay...

Hinawakan niya ang kanang pisngi ko at hinarap ako sakanya..

"Kung alam mo lang kung gaano kasakit sakin yung mawala ka.." seryosong usal niya

"At isa pa totoo yung sinabi ko kanina..."

Hindi naman ako sumagot pa sakanya...

"Totoong mahal kita at ayokong mawala ka.." dagdag na usal niya

Hindi ako maka-sagot sakanya, alam kong seryoso ang mga sina-sabi at nararamdaman niya..

"Kuya Alex!!"

😳😳😳😳😳

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong halikan ni Lou sa labi matapos ako tawagin uli ni Sam...

"Ano takot pa?" naka-ngiting usal niya

Natameme ako sa ginawa niyang yon..

Ngumiti siya sakin at tsaka ito nag-lakad papasok sa loob ng bahay...

😖😖😖😖😖

Bakit ganon?! Parang hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko!

Yung puso ko, parang lumuwag sa pagkaka-kapit!

"Yung Kuya mo sunduin mo na, natulala nanaman..." dinig kong usal ni Lou kay Sam

"Po?"

😖😖😖😖😖

Agad akong nag-lakad at nag-madali na ring pumasok sa loob...

"Kuya okay ka lang?" nagta-takang usal ni Sam sakin nang maka-salubong niya ako

"Ha? O---oo naman, tara kumain na tayo.."

"Sabi kasi ni Ate Lou---"

"Nako gutom lang yon! Wag mo na isipin.." pag-iiba ko

Nakita kaya kami ni Sam??? Hayyy si Lou talaga...

ALEXANDER POV:
(UNO/SHIN'S FATHER)

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga Anak ko lalo na kay Alex na kailangan ko silang iwan...

Tumawag si Gabby sakin noong isang gabi upang makipag-kita at tapusin na ang lahat ng ito..

Hindi ko man alam ang plano ng Panganay kong si Gabby, pupuntahan ko siya bilang Ama niya na magpapa-kumbaba sakanya at makiki-usap para sa kaligtasan ng mga kapatid niya..

Alam kong ligtas si Alex kasama si Lou, kaya naman agad na naki-usap ako kay Lou..

Sinamantala ko ang mga oras na mag-isa si Lou sa kwarto niya, at doon kinausap ko siya..

"Tito Alex pasok po kayo, upo po kayo.." masayang usal ni Lou sa akin

Pumasok ako sa loob ng kwarto at na-upo sa study table na nandoon..

"May problema ba Tito?" takang usal niya

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang paligid...

"Hindi ko alam kung paano hihilingin sayo ang kaligtasan ng Anak kong si Alex.."

"Ba---bakit Tito? Ano pong balita?"

"Naka-usap ko si Gabby, at gusto niyang mag-kita kami.."

"Nga---ngayon?"

"Sa katapusan ng buwan.."

"Katapusan? Pero 25 na po ngayon Tito.. Limang araw nalang at palugit na niya.."

"Kaya nga hihilingin ko sayo na isama mo si Alex, kahit saan, yung hindi siya maha-hanap at mata-tagpuan.."

"Pero---paano po kayo? Sila Tita Mau?"

"Ako na ang bahala kila Mau, alam na ng Ama niya ang sitwasyon kaya siguradong ligtas ang mga ito sa puder ng Biyenan ko.."

"Siguro po isasama ko nalang muna si Alex sa probinsya namin.."

"Saan iyon? Ligtas ba siya don?" nag-aalalang usal ko

"Opo, sa Laoag po.."

"Pasensya ka na Lou, wala akong ibang mapag-iiwanan kay Alex, alam kong mag-tataka siya kung isasama ko siya kila Mau at wala ako.."

"Okay lang Tito, ako na ang bahala kay Alex.."

"Bukas na bukas sana, kung maaari bumiyahe na kayo.."

"Agad po?" gulat na tugon nito

"Oo Iha, hindi ko alam kung nasaan na si Gabby ngayon, hindi na ligtas dito.."

"Alam po ba ni Doctora? Ang Mama ni Alex itong mga nang-yayari?"

Huminga uli ako ng malalim sa tanong niyang yon...

"Wala na akong panahon alamin pa yon Lou, dahil kung totoong nag-aalala siya sa Anak namin, nasaan siya ngayon?" seryosong usal ko

"Isa pa, bakit hindi man lang niya naga-gawang kamustahin si Alex? O hanapin man lang? Ano? Nata-takot siyang madamay? Sa gulong inumpisahan nila?" galit na dagdag ko

"Tito..."

"Ang hirap kay Quine sunod-sunuran siya masyado sa Ama niya! Kahit mali na.."

"Tito Alex, wag na natin isipin, pasensya na po at tinanong ko pa.."

"Hayaan mo, naging masama man ako sa paningin ng Anak ko, balang araw maitatama ko rin ang maling paniniwala niya.."

Hindi na sumagot pa si Lou...

Kaya naman tumayo na ako at nag-paalam sakanya..

"Ikaw na ang bahala kay Alex, ipangako mo na magki-kita pa tayo.."

"Opo Tito, pangako magki-kita pa tayo, at magkaka-ayos pa po kayo ni Alex.." naka-ngiting tugon ni Lou

Gabi na kaya naman bumalik na ako sa kwarto namin ni Mau...

"Naka-usap mo na si Lou?" agad na usal ni Mau pag-pasok ko ng kwarto

"Oo.."

"Kailan sila ba-biyahe?"

"Bukas ng umaga.."

"Sigurado ka ba na ayaw mong sumama nalang sila sa amin sa bahay ni Papa'? Mas ligtas don"

"Mau, alam ko yon, pero alam kong hindi iiwanan ni Lou si Alex.." seryosong tugon ko

"Paano ka?"

"Wag mo ako isipin, tatapusin ko 'to, at pangako magiging okay rin ang lahat.."

"Babalik ka ng buo Alex.." naiiyak na usal ng Asawa kong si Mau

Ngumiti ako at agad na nilapitan siya para yakapin ng mahigpit...

"Babalik ako, buong-buo.." bulong ko sakanya

Sa ngayon wala ng lugar ang takot sa isip ko, disidido na akong tapusin ang gusot na ito..

Makaharap ko man si Gabby, buo na ang loob ko kung sakaling tapusin niya ang buhay ko..

LOU'S POV:

Gabi na kaya nag-madali akong pumunta sa kwarto ni Alex para sa planong gagawin ko..

Naka-higa na siya, pikit na ang mga mata niya, hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya na hindi siya mag-tataka..

"Alex?" nahi-hiyang usal ko

Hindi siya suma-sagot, siguro tulog na siya..

Dahan-dahan ako lumapit sakanya at umupo sa tabi niya..

Ang sarap titigan ng mukha niya habang natu-tulog siya, tila napaka-amo ng pagka-tao niya..

"Hanggang ngayon naaalala ko, kung paano ang tulad mo dumating sa buhay ko.." naka-ngiting bulong ko sa sarili

Nadala ako sa mga labi niya kaya unti-unti akong lumapit pa para mas matitigan siya..

"Sorry sa mga panahon na wala ako sa tabi mo, wala ako para ipagtanggol ka.." usal ko habang naka-titig sakanya

"Haayy... ewan ko ba bakit hindi man lang ako natakot sa pagka-tao mo, gayong binantaan naman ako ng kaibigan mo noon tungkol sa trauma mo, mas naging intresado pa ako sayo, mas ginusto ko pang makilala ka.." mahabang usal ko

Tila napaka-sarap na ng tulog ni Alex, ni-hindi siya kumukurap..

"Pero alam ko naman, na si Gab pa rin, siya pa rin, at siya lang talaga ang gusto mo.. Ako? Nandito lang naman ako para iligtas ka, nakilala mo lang ako para maging mabuting kaibigan sayo, yun lang ang purpose bakit ako dumating sa buhay mo.."

Tila para bang nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi kong 'yon..

Mahimbing na ang tulog niya kaya naman napag-isip isip ko na bukas ng umaga ko nalang sasabihin sakanya ang balak ko..

Patayo na sana ako nang biglang...

😳😳😳😳😳

Hinawakan niya ang kaliwang palad ko at agad na natigilan ako..

Gulat na gulat akong nilingon siya...

😖😖😖😖😖

Naka-dilat na ang mga mata niya at naka-titig ito sa akin..

"Ahhhh---ka---kanina ka pa gising?" nahi-hiyang usal ko

"Hmmmmm..." naka-ngiting tugon niya

"Hindi ka pa talaga tulog?"

"Hindi pa.."

"Eh bakit---?!"

Natigilan ako nang bigla niya hilain ang kamay ko at nilagay ito sa tapat ng dibdib niya..

"A---Alex..." nauutal na usal ko

"Tumi-tibok diba?" seryosong tugon niya

"Ma---malamang..."

"Kasi andito ka.."

"Tsss! Kahit naman yung sakin tumi-tibok!"

"Tumi-tibok para mag-pump ng dugo, yon ang trabaho ng puso para sa isang tao.." seryosong usal niya

"Tumi-tibok para sayo kasi natutong mag-mahal ng totoo, yon ang dagdag na trabaho ng puso ko mula nang dumating ka sa buhay ko.."

😮😮😮😮😮

Halos hindi ako makapag-salita sa sinabi niyang yon...

Bihira kay Alex ang ganitong mood..

"Thank you kasi nakilala kita, you made me realize that love is not about lust or sex.."

"Ahhhh---Alex..." nahi-hiyang tugon ko

"Sa dami rami ng babaeng nakilala ko, ikaw ang babaeng hindi ko kaya bastusin, hindi ko kayang gawin sayo yung nagagawa ko sa iba.."

"Dahil??"

"Dahil mahal kita.."

😳😳😳😳😳

Seryoso siya at naka-titig lang sa mga mata ko..

"Hmmmm... sige, babalik na ako---"

Natigilan ako nang hawakan niya ang kanang pisngi ko at mabilis na hinalikan niya ang labi 'ko..

Sa gulat ko ay naitulak ko siya palayo!

Agad na nanlaki ang mga mata niya at halatang nagtaka ito sa naging reaksyon ko..

"So---sorry.." nahi-hiyang usal niya

"Okay lang, babalik na ako.."

Agad akong tumayo at nagmadali lumabas ng kwarto niya..

Pero agad rin siya bumangon at mabilis na hinarangan ako tsaka ni-lock ang pinto ng kwarto..

"Lou please..." usal niya habang naka-harang sa pinto

"Alex matu-tulog na ako..."

"Yon lang ba talaga ako sayo?"

"Ha?"

"Kaibigan... Nakilala para maging kaibigan?"

"Alex..."

"Lou answer me.."

😑😑😑😑😑

"Bukas isasama kita.." pag-iiba ko

"Sa---saan?"

"Sa probinsiya ng Mama ko.."

"Ha? Bakit? Hindi pwede, hindi ko pwede iwan si Papa.." pag-tanggi niya

"Kailangan ko ng kasama, paano kung masundan ako ni Gabby at ng mga tauhan niya?"

"Paano si Papa at ang mga kapatid ko?"

"Ligtas naman na sila rito, at malabong matunton sila ni Gabby dito.." paliwanag ko

"Baka hindi ako payagan ni Papa sumama sayo, at baka hindi ka niya paalisin delikado pa at mapanga---"

"Nag-paalam na ako sa Papa mo, at yon talaga ang sadya ko bakit ako pumunta dito sa kwarto mo.." pag-puputol ko sa mga dahilan niya

"Pumayag siya?"

"Oo naman, at bukas ng umaga na tayo ba-biyahe.."

"Agad?!" takang usal niya

"Oo, may kailangan akong asikasuhin sa Laoag, isa pa matagal ko na napabayaan ang trabaho ko kaka-sunod sayo.."

Bigla naman nag-salubong ang kilay niya sa sinabi kong yon..

"Hiniling ko ba na sundan mo ko?" inis na tugon niya

"Hi---hindi.. kaya nga bilang kapalit samahan mo ako umuwi samin.."

"Okay.." walang ganang tugon niya

Alam kong nainis siya sa sinabi ko, pero kailangan eh..

Wala kasi akong maisip na ibang ida-dahilan para sumama siya sakin..

"O sige matu-tulog na ko..." paalam ko sakanya

"Lou, gusto kita ligawan.."

😳😳😳😳😳

Ligawan? After ng mga halik na binitawan namin sa isat-isa? Ligaw? Hindi ba dapat linawin niya nalang kung ano na kami sa isat-isa?? Ang labo niya talaga..

😏😏😏😏😏

"Bahala ka..." walang ganang tugon ko

"Hindi pa man ako nag-uumpisa, mukhang wala na akong pag-asa sayo.." malungkot na usal niya

"Kasi nga kaibigan lang tayo para sa isat-isa.."

"Pag-katapos mo sabihing mahal mo rin ako?"

😑😑😑😑😑

Eh kasi naman ang manhid mo! Ang manhid manhid mo Alexander! Gusto mo yata ako pa mag-sabi sayong tayo na...

"Alam mo Alex malabo ka, kaya mas okay na maging kaibigan lang ako sayo.. Pag-nahuli na si Gabby lalayo na ako, at alam kong kakayanin mo.." pag-iiba ko

"Lou..."

"Kakayanin mo kasi si Gab naman talaga ang mahal mo.. Si Gab na katrabaho mo noon.."

"Lou hindi.."

"Alex please, isipin mo na gina-gawa ko 'to kasi bina-bayaran ako ng Papa mo, hindi dahil mahal kita.."

Natigilan siya sa sinabi kong yon..

"Excuse me, matulog ka na rin.." paalam ko sakanya

Hindi na siya nag-matigas pa humarang sa pinto at agad akong naka-labas ng kwarto niya...

Alam kong pala isipan sakanya ang mga sinabi ko, pero yon ang nararapat sa ngayon..

KINABUKASAN....

Maaga ako nagising, pag-baba ko sa sala ay nandon na si Alex at naka-handa na ang mga maleta niya..

Text Message:
"Lou ikaw na ang bahala kay Alex, umalis kami ng bahay para sa ganon ay hindi na siya mag-taka at mag-tanong pa sa akin. Hinatid ko na rin ang mga bata kasama ang Tita Mau mo sa Biyenan ko, ligtas sila don. Mag-iingat kayo, ihahatid nalang kayo ng private helicopter papunta sa Laoag, alam na ni Mang Ando 'yon siya ang maghahatid sainyo sa paliparan. Ingatan mo si Alex, alam kong hindi mo siya pababayaan. Maraming salamat Lou."

Mahabang mensahe ng Papa ni Alex sa akin..

Hayyy talagang na-plano na ni Tito Alex ang gagawin para sa araw na ito..

Mananatili akong tahimik para hindi na mag-tanong pa si Alex sakin, tutal mukhang wala pa rin siya sa mood dahil sa nasabi ko kagabi..

Nang makita ako ni Alex agad niya binitbit ang mga gamit niya palabas..

Sinundan ko siya, mabilis niyang sinakay ang maleta niya sa sasakyan at wala ni anong imik sa akin..

"Maam tulungan ko na po kayo.." usal ni Mang Ando

"Ahhhh sige po, salamat.."

Agad akong sumakay sa sasakyan nang mai-sakay na lahat ng gamit ko, tumabi ako sakanya pero dali-dali siya nag-suot ng earphones at napaka-lakas ng tugtog non dahil dinig na dinig ko ang kanta...

😑😑😑😑😑😑

Mainit nanaman ang ulo niya sigurado..

Hanggang sa makarating kami sa paliparan ay tahimik siya, medyo nakaka-konsensiya..

"Maam ayon si Pilot Enriquez siya ang mag hahatid sainyo sa Laoag.." usal ni Mang Ando

"Sige po Mang Ando, salamat.."

"Ser Alex ingat po kayo.." paalam nito kay Alex

Pero sa lakas ng sounds niya eh hindi niya narinig yon at hindi pinansin si Mang Ando..

😑😑😑😑😑😑

Mukhang ako lang ang kakausap at haharap sa lahat ng taong makaka-salamuha namin..

Sa tahimik niya ngayon, mukhang sasagarin niya ang hindi pag-pansin sakin..

Lumakad ako palapit sa helicopter at sumunod naman siya sakin..

"Hi, ako po si Lou, kayo po ba si Pilot Enriquez?" usal ko nang malapitan ko ang Piloto

Agad itong lumingon sakin at naka-ngiti habang tini-tingnan ako..

😳😳😳😳😳😳

Napaka-gwapong Piloto!

"Yes Maam, Erick Enriquez your Pilot for today.." masayang tugon nito

"Ahhhh--- Sir alam niyo na po ba--"

"Na papunta kayong Laoag? Yes Maam, well informed na ng Father niyang kasama mo.."

"Okay po.." tipid na tugon ko

"Sige Maam, isakay na natin mga maleta niyo.."

Agad kami kumilos para i-transfer lahat ng maleta namin sa helicopter..

Naka-earphones pa rin si Alex, at talagang wala siyang pakialam sakin..

Ni-hindi niya ako tinulungan mag-buhat ng mga gamit ko, buti nalang mabait yung Piloto..

"Okay Maam/Sir fasten your seatbelt, were about to depart in 5minutes.." paalala ni Pilot Enriquez

Maya-maya pa ay umangat na ang helicopter at nag-umpisa na itong umalis..

Takot ako sa heights kaya naman halos manlamig ang mga palad ko at hindi ako maka-tingin sa labas..

Ang tagal ng biyahe, inip na inip na ako hindi pa maka-usap si Alex..

"Mag-kasintahan kayo?"

😳😳😳😳😳😳

Nagulat ako sa tanong na 'yon ng Piloto..

"Ahhhh--hi--hindi po.." nahihiyang tugon ko

"Bagay kayo.." naka-ngiting usal niya

😏😏😏😏😏😏

Nilingon ko si Alex pero tila naka-idlip siya..

"Ahhhh kakilala niyo po ba si Mr. Yrastoroza?" pag-iiba ko sa usapan

"Oo, actually business partner namin siya ng Asawa ko sa Pangasinan.."

"Ma---may Asawa na po kayo?" takang usal ko

"Oo nasa Pangasinan, Mayor siya ron.."

"Mayor?"

"Oo..."

"Napaka-swerte niyo naman po sa isat-isa.."

"Mas swerte ako, kasi tinalikuran niya ang pagiging Mayor niya para sakin at sa mga Anak namin.."

"Ibig sabihin mahal niya po talaga kayo.."

"At mas mahal na mahal ko si Don.." masayang tugon nito

"Ilang taon na po ba kayo?"

"42 na ako, bakit? Mukha ba akong binata?" pag-bibiro niya

"Mukha po kasi kayong 30 lang.."

"Nako! Salamat! Pero may tatlong Anak na ako.."

"Talaga po?"

"Oo, isang Doña, isang Prinsipe at isang Hari!" masayang tugon nito

"Po?" takang usal ko

"Yon kasi ang gusto ng asawa ko, kaya ganyan ang first name ng mga Anak namin.."

"Ang sosyal naman po pala.."

"Yung pangalawa wala naman talagang Prince ang pangalan niya, pero dahil sa kagustuhan ni Don ayon, pina-lakad niya at pina-palitan sa PSA.."

"Ano po ba ang pangalan ng mga Anak niyo?"

"Ang panganay ko si Doña Erika Arkiee Mari sinundan ni Prince Dominique McArkiee na dapat ay Dominique Ethan McArkiee ang pangalan, at ang bunso ko na si King Caeden Theo!" masaya at proud na kwento ni Pilot Enriquez

"Grabe ang hahaba naman po ng pangalan nila, buti hindi sila nahihirapan isulat yan kapag may exams?"

"Nako minsan nga first name lang ang nilalagay nila!" nata-tawang tugon niya

"Buti pa po kayo masaya ang buhay niyo.." usal ko nang napa-tingin ako kay Alex

"Marami rin akong pinag-daanan, kami ni Don.. Alam ko ang pinag-dadaanan ng kasama mo, nai-kwento sakin ni Don.."

"Alam niyo po?"

"Oo, bukod sa business partner namin si Mr. Yrastoroza parang pamilya na rin ang turing namin ni Don sakanya.."

"Matagal niyo na po siyang kilala?"

"Nako mahabang kwento Iha, o siya gisingin mo na ang kasama mo in 5minutes arriving na tayo sa Laoag City.."

Haayyyy nag-eenjoy pa ako sa mga kwento niya, sayang malapit na kami...

Kinalabit ko si Alex sa kanang kamay niya para gisingin..

"Gumising ka na, nandito na tayo.." usal ko

Dahan-dahan siya dumilat, at wala pa ring imik..

Hapon na nang makarating kami..

"O paano ba yan? Hanggang sa pagkikita natin uli! Mag-iingat kayong dalawa.." paalam ni Pilot Enriquez nang matapos niya akong tulungan ibaba ang mga gamit ko

"Ingat rin po.." masayang tugon ko

Hayyyy! Hindi talaga ako tinulungan ni Alex bitbitin ang mga gamit ko!

Sumakay kami ng sasakyan, pero seryoso siya at walang imik! Mukhang matatapos ang araw na 'to nang hindi siya nag-sasalita!

Padilim na nang makarating kami sa bahay bakasyunan namin dito sa Laoag..

Walang tao, nasa Manila ang mga kapatid ko.. Sila Mama at Papa naman ay nasa Mindoro doon sila ngayon nananatili dahil sa trabaho ni Papa..

"Nasa taas ang mga kwarto, tatlo yon mamili ka nalang kung saan mo gusto matulog.." usal ko kay Alex pag-pasok namin sa loob ng bahay

Nag-lakad siya, at laking gulat ko nang umakyat na siya sa taas na wala man lang paalam o salitang binitawan sa akin!

😑😑😑😑😑😑

Napa-hinga nalang ako ng malalim, alam ko naman kung bakit siya ganyan dahil rin sakin..

Hindi na kami nakapag-hapunan, nang silipin ko kasi siya sa kwarto ay tulog na siya..

Pero nagu-gutom ako...

KINABUKASAN...

Maaga ako nagising at nag-asikaso ng maka-kain, sobrang gutom ako dahil tiniis ko ang gutom ko kagabi!

10am na pero hindi pa rin bumababa si Alex..

Ayoko naman siya gisingin baka napuyat siya..

😤😤😤😤😤😤

1pm na pero hindi pa rin bumababa ni anino niya!

Umakyat ako at pinuntahan na siya sa kwarto niya!

Bubuksan ko na sana ang pinto pero naka-lock yon kaya naman malakas kong kinatok ito!

"Alex ano ba!!" inis na usal ko

Agad naman niya binuksan ang pinto..

😳😳😳😳😳😳

Nagulat ako nang makita kong naka-hubad siya at towel lamang ang naka-takip sa babang bahagi ng katawan niya..

"Ahh---ahhh---ka---kain na.." nauutal na usal ko

"Wala kong gana.." supladong tugon niya

"Ha?"

"Ayusin mo na yung dapat mo ayusin, pag natapos ka babalik ako agad sa Bicol.."

"Hindi pwede!"

"Bakit hindi?"

😖😖😖😖😖😖

Ano nanamang ida-dahilan ko sakanya???

"Ehh---kasi--- ano--ano ehh.."

"Delikado mag-isa si Papa.." seryosong tugon niya

"Diba galit ka naman sa Papa mo?"

"Pero hindi sapat na dahilan yon para iwanan at talikuran siya.."

In fairness, concern na siya sa Papa niya..

"Baka kasi matagalan ako.." pag-iiba ko

"Kaya nga umpisahan mo na.."

"Bakit ba nag-mamadali ka?"

"Hindi mo babayaran ang oras at panahon ko.."

"Ha?"

"Sumama ako sayo ng walang bayad, hindi tulad mo, all this time bina-bayaran ka pala ng Papa ko.."

"Alex--"

"Akala ko concern ka kaya ka sumunod sakin hanggang Bicol, yun pala bayad lahat ng 'yon"

"Hindi mo alam ang---"

"Kung wala ka ng kailangan, tawagin mo nalang ako kung magpapa-sama ka lumabas.."

Tinalikuran niya ako at sinara ang pinto..

😞😞😞😞😞😞

Galit talaga siya...

Bumaba nalang muna ako sa sala, hihintayin ko nalang na lumamig ang ulo niya..

4pm na pero hindi pa rin siya bumababa..

Nag-aalala na ako, kahapon pa siya walang kain..

Umakyat uli ako para katukin siya at ayain mag-meryenda sa labas..

"Alex???" usal ko habang kuma-katok

Pero hindi siya suma-sagot..

"Alex buksan mo naman ohhh.."

"Alex mag-meryenda tayo sa labas, kahit saglit lang.. Libre ko!"

Hayyyyy! Ayaw niya talaga ako pag-buksan!

"Alex please! Bukas na bukas aayusin ko na yung dapat ko gawin dito.."

Maya-maya pa ay binuksan na niya ang pinto..

"Galit ka ba?" nag-aalalang usal ko

Naka-titig lang siya sakin at walang imik..

"Sorry na... sorry na Alex please.." naiiyak na usal ko

Pero para siyang bato at walang nararamdaman sa mga sinasabi ko..

"Alex! Ano ba!" inis na usal ko

"I love you, kasi akala ko totoo ka.." naka-tulalang tugon niya

"Alex..."

"Pero gaya ka rin ni Gabby, after nito iiwan mo lang rin ako.."

"Alex hindi! Hindi totoo yan.."

"Mag-kano ba ang ibabayad ni Papa sayo?"

😢😢😢😢😢😢

"Alex..."

"Dodoblehin ko, just get lost at wag ka na babalik pa sa buhay ko.."

😞😞😞😞😞😞

Ang sakit ng sinabi niyang 'yon, pero hindi ko magawang magalit dahil kasalanan ko naman..

"Alex.."

"Meryenda? Sige, tara na.."

Lumabas siya ng kwarto at nilagpasan lang ako, masakit sakin ang gina-gawa niyang pag-iwas at pambabalewala pero dapat ko siya intindihin..

Dinala ko siya sa malapit na kainan sa amin..

Tahimik siya at walang imik, naaawa na ako sa inaakto niya, alam kong nasaktan ko siya ng sobra...

"Lou!!"

Agad ko nilingon ang tumawag sakin na 'yon..

"Yna?"

"Lou!!!!"

Agad ito lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit!!

Si Yna, kababata ko, bestfriend ko noong tumira ako dito..

"Kamusta ka na?! Hindi ka man lang nag-sabi na uuwi ka.."

"Okay naman ako, biglaan eh! Ikaw kamusta?" masayang tugon ko

"Ayos naman! Nako! Matutuwa si Jeff pag nalaman non na umuwi ka!"

"Ano ba yan! Hanggang ngayon si Jeff pa din? Ang lalaki na natin!"

"Inlab na inlab sayo yon! High school pa lang tayo gustong-gusto ka na talaga non diba?!"

"Yna, may girlfriend na yung tao.."

"Lou!! Matagal na silang hiwalay!"

😑😑😑😑😑😑

Tiningnan ko si Alex at seryoso ang mukha niya, siguradong iniisip na niya kung sino si Jeff..

"Ahhhh---oo nga pala, si Alex.." pakilala ko sakanya

"Wow! Nobyo mo?!"

"Uy hindi! Kaibigan ko lang.." pag-tanggi ko

"In fairness! Gwapo..."

Seryoso ang mukha ni Alex, ni-hindi man lang niya binati si Yna..

"Kaso suplado.." dagdag na usal ni Yna

"Ahhh--wala lang siya sa mood!" pag-iiba ko

"Saan kayo pupunta?"

"Mag-memeryenda sana.."

"Gusto mo sumama sakin? Kakain ako diyan sa Farinas! Masarap ang empanada don!"

"O---okay lang?" usal ko kay Alex

"Hmmmm..." tipid na tugon niya

Sumama kami kay Yna, pero parang nag-sisi ako.. Wala siyang ibang bukam-bibig kundi si Jeff! Mas mukhang nag-iinit tuloy ang ulo ni Alex sa mga naririnig niya..

"Tapos alam mo? Yung wallet ni Jeff yung picture niyo pa rin dalawa ang naka-lagay!" kwento pa ni Yna

"Ahhhh--- haha! Wala ka bang ibang kwento?"

"Ikaw naman Lou! Hindi mo ba na-miss si Jeff? Dati inlab na inlab ka don, may pasulat-sulat ka pa nga!"

😖😖😖😖😖😖

Yari na talaga!!

"Ahhh---ha? Sulat? Meron ba?" pag-tanggi ko

"Oo! Nakalimutan mo na?! Kayo nga ang mag-sweetheart noon sa classroom! Sayang lang kasi tumigil si Jeff sa panliligaw sayo.."

"Kasi naka-kita siya ng iba.." seryosong tugon ko

"Eh kasi naman ang tagal mo siyang sagutin!"

"Ano naman? Dahilan ba yon para mapunta sa iba yung feelings niya? Isa pa mga bata pa tayo noon!"

"Tapos noong naka-hanap si Jeff ng iba tsaka ka aamin na mahal mo na pala! Tsk tsk tsk!"

"Ano ka ba? Kalimutan mo na nga yan, bata pa kami non, puppy love lang yon.."

Magka-salubong na ang mga kilay ni Alex..

😖😖😖😖😖😖

"Ayan na pala siya eh!! Jeff! Andito kami!!"

😳😳😳😳😳😳

Agad na lumingon si Alex sa likod namin!

Lumingon rin ako at si Jeff nga!!

"Lou! Pasensya na ha? Hindi ko sinabi na pina-sunod ko si Jeff, alam kong iiwas ka eh.." kini-kilig na usal ni Yna

😖😖😖😖😖😖

Lagot ako, siguradong mas maga-galit si Alex sakin!!

"Hi Lou..." masayang bati ni Jeff pag-lapit niya

"Ahhhh----hi..." tipid na tugon ko

"Kanina pa ba kayo?"

"Ahhhh hindi naman.."

Agad na umupo si Jeff sa tabi ni Yna at pumuwesto pa talaga ito sa harap ko..

"Umorder na kayo?" masayang usal ni Jeff

"Oo kanina pa.." masayang tugon ni Yna

"Ahhhh---si Alex pala, kaibigan ko.." pakilala ko kay Jeff

"Hi Pare!" masayang bati ni Jeff kay Alex

Pero wala pa rin itong imik at hindi ngumi-ngiti...

"Mukhang wala sa mood yung kaibigan mo.." usal sakin ni Jeff

"Ha? Ahhh oo kasi masama gising niya.."

"Ganon ba? Ako maganda ang gising ko.."

"Ahhh---ha?" takang usal ko

"Kasi magki-kita na pala uli tayo.."

😖😖😖😖😖😖

Ano bang pinag-sasabi niya? Hindi ko na magawang tingnan uli si Alex...

Tahimik lang si Alex hanggang sa matapos kami kumain, masaya ang naging kwentuhan namin nila Jeff at Yna at alam kong na-OP si Alex samin..

Padilim na kaya naman hinatid na nila kami ni Alex sa bahay..

"Bye Lou!!" paalam ni Yna

"Paano ba yan Lou? Bukas nalang uli?" paalam ni Jeff sakin

"Hmmmm sige... Ingat kayo.."

Iniwan naman ako ni Alex at na-una na siya pumasok sa loob...

"Okay, ingat rin. Masaya ako na andito ka.." naka-ngiting usal ni Jeff

Hindi na ako sumagot pa at ngumiti nalang..

Matapos non ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay...

Wala na si Alex sa sala, siguradong nasa kwarto na siya..

Umakyat ako para i-remind sakanya ang oras ng lakad namin bukas..

Bukas ang pinto kaya pumasok na ako sa loob..

"Alex??" usal ko

Tahimik siya at naka-higa na sa kama..

"Ahhh bukas 8am tayo aalis.." paalala ko

"Sasama pa ba ako? Kasama mo naman ang mga kaibigan mo.." supladong tugon niya

"Ayaw mo ba kasama sila?"

"Oo, kaya kayo nalang.."

"Nagse-selos ka ba kay Jeff?"

Natigilan siya at tiningnan ako, tumayo siya at nilapitan ako..

Titig na titig si Alex sa mga mata ko..

"Hindi ako nagse-selos, narinig ko lahat kanina, at hindi na ko nagse-selos.."

"Di---diba sabi mo mahal mo ako?"

"But you don't deserve it..."

😞😞😞😞😞😞

Huminga siya ng malalim, at unti-unti ko nakita ang mga luha na nangingilid sa mga mata niya..

"Alex..."

"Lou maling saktan mo ako, after knowing na mahal kita hinayaan mo lang marinig ko lahat ng 'yon kanina.."

"Hindi ko naman gustong---"

"Napaka insensitive mo alam mo ba yon?!"

"Alex iniiba ko naman--"

"Sana pina-uwi mo nalang ako! Sana nag-aya ka na umuwi kung ayaw nila ibahin yung usapan!"

"Bakit ba naga-galit ka? Diba hindi ka nagse-selos?!"

"Hindi na! Kasi tinigil ko na maramdaman yon mula nang marinig ko kanina na si Jeff ang first love mo! Kahit pinag-palit ka, kahit humanap ng iba, kahit sinaktan ka.."

"Alex.."

"Kahit nagawa niya yon pinili mo pa ring mahalin siya.."

"Alex naman--"

"Pero ako, kahit ipamukha ko sayong mahal kita pilit mo pa ring nilalayo sakin yung loob mo.."

"Hindi totoo yan.."

"Yon ang pina-paramdam mo!"

😞😞😞😞😞😞

"Alex..."

"Sabi mo malabo ako, mas malabo ka Lou.."

"Sorry Alex.." naiiyak na tugon ko

"After this please mawala ka na sa buhay ko.."

"No..."

"Please Lou... please.."

Iniwan niya ako at tumakbo ito palayo sakin..

Shet!! Nakakainis!!

Bakit ba nasasaktan ko siya?! Sa lahat nalang ng gina-gawa ko, hindi ko naman intensiyon saktan siya pero yon ang nagiging epekto sakanya..

Mahal ko si Alex, pero ewan ko bakit hindi ko magawang aminin sakanya..

Siguro dahil natatakot ako na kapag bumalik si Gabby mas piliin niya ito at iwan ako..

Yon naman talaga ang laging pumi-pigil sa sarili kong mahalin siya kahit gustong-gusto ko..

😞😞😞😞😞😞

ALEX / UNO'S POV:

Napaka insensitive niyang tao! Dahil don ayoko na bigyan pa ng kahulugan lahat ng gina-gawa niya para sakin!

At alam ko lahat yon gina-gawa niya dahil bayad siya!

Sa inis ko sa sofa na nasa sala ako natulog, ayoko na bumalik pa ng kwarto at ayoko makita muna si Lou..

KINABUKASAN....

Alam kong gising na siya dahil nari-rinig ko ang mga yabag ng paa niya..

Maya-maya pa ay naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, sa gilid ng sofa na kina-hihigaan ko..

"Alex??" usal niya pero hindi ko dini-dilat ang mga mata ko

"Sorry kagabi..." dagdag na usal niya

"Ayaw mo ba talaga sumama? Alam ko namang gising ka na eh.."

Huminga ako ng malalim tsaka dumilat..

😳😳😳😳😳😳

Laking gulat ko pag-dilat ko!

Sobrang lapit ng mukha ni Lou sa mukha ko!

Titig na titig siya sa mga mata ko at halos hindi ako maka-galaw dahil sakanya!

"Good morning..." naka-ngiting usal niya

Hindi ako maka-sagot dahil hindi pa ako nagsi-sipilyo!

"Sumama ka na please..." pagpi-pilit niya sakin

"Hmmmmmm..." tugon ko

"Anong hmmmmmmm?"

Tinakip ko ang kanang palad ko sa tapat ng bibig ko!

"Ayoko.." tipid na tugon ko

"Patakip-takip ka pa, akala mo naman hahalikan kita.." nata-tawang usal niya

"Hindi ko iniisip yon! Hindi pa kasi ako nagsi-sipilyo!" inis na tugon ko

"Pa-amoy nga.." usal niya at hinawakan ang kamay ko

😳😳😳😳😳😳

"Ano ba!"

"Sige na! Titingnan ko nga kung mabaho eh!"

Mapilit si Lou at ina-alis niya ang kamay ko na naka-takip sa bibig ko!

Mas malakas ako sakanya kaya hindi niya ako ma-pwersang tanggalin yon!

"Ahhh ayaw mo talaga?" nata-tawang usal niya

"Ano ba Lou!"

"Ayaw mo ah!"

Tumayo siya sa kina-uupuan niya at pinatungan ako!

Umupo siya sa bandang puson ko dahilan para mang-hina ako..

😳😳😳😳😳😳

Agad niya hinawakan ang mag-kabilang pulso ko at inilagay ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng ulo ko!

Nang-hina talaga ako sa ginawa niyang yon!

Unti-unti siya dumapa palapit sakin habang naka-titig siya sa mukha ko..

"Aamuyin ko na ba?" nata-tawang usal niya

Hindi ako sumagot at naka-titig lang sa mga mata ni Lou...

Napansin niyang seryoso ako kaya naman unti-unti ring nawala ang ngiti sa mga labi niya..

"Galit ka pa ba?"

Hindi pa rin ako sumagot...

😒😒😒😒😒😒

Mahal ko si Lou, at alam kong totoo ang nararamdaman ko para sakanya..

Pero kailangan ko pakawalan yung nararamdaman ko, kasi hindi kahit kailan magka-karoon ng puwang sa isip at puso niya ang tulad ko..

Siguro natakot siya dahil sa mga nalaman niya tungkol sakin, sa buhay ko, sa pamilya ko, sa trauma ko, sa nakaraan ko..

"Alex..." usal niya nang makita niyang tumulo ang luha sa kanang mata ko

"Alex I'm sorry please.." nag-aalalang usal niya

Binitawan niya ang mga kamay ko at agad niya akong niyakap ng mahigpit..

"I'm sorry Alex, hindi ko gustong saktan ka maniwala ka naman sakin ohh.." malungkot na usal ni Lou

Pero para akong namanhid, ni-wala akong maramdaman ngayon na kahit na ano para kay Lou...

Siguro napagod na rin ang puso ko mahalin siya..

😏😏😏😏😏😏

Mukha naman kasing walang pag-asa sakanya..

"Alex sumagot ka naman please!" usal niya at mas hinigpitan pa ang yakap niya sakin

"Wala naman ako sayo diba?" tipid na tugon ko

"Hindi naman totoo yan eh!" naiiyak na usal niya

"Ano bang gusto mo gawin ko? Samahan ka ngayong araw? Sige sasamahan kita, pero pag-tapos ng mga dapat mo gawin, aalis na ko.."

"Ayoko!"

"Lou pinahihirapan mo lang ako.."

Hindi naman siya sumagot...

Unti-unti akong bumangon kahit pa naka-yakap siya at kapit na kapit sakin..

"Pakawalan mo na ako.." usal ko

"Ayoko!" tugon niya at mas niyakap ako ng mas mahigpit

Naka-bangon naman ako, naka-upo na ako sa sofa pero naka-patong pa rin siya sakin at naka-yakap!

"Lou... mag-aayos na ako.." usal ko

"Ayoko! Dito ka lang.."

Tssss... ayaw naman pala niya ako sumama..

"Okay.. sige na baka hini-hintay ka na nila.."

"Dito lang ako, dito lang tayo.."

😳😳😳😳😳😳

"Ha? Diba may aasikasuhin ka?" takang usal ko

"Ayoko Alex, dito nalang tayo.."

"Pero---"

"Kahit buong araw, kahit buong oras, dito lang tayo Alex, hindi na 'ko aalis.."

"Pero Lou hini-hintay ka ng mga----"

"Ayoko sinabi!" inis na tugon niya

Kakaiba talaga siya, ngayon naman pina-paramdam niyang may halaga ako sakanya..

Hindi ko talaga maintindihan 'tong babaeng 'to..

"Paano yung aasikasuhin mo?"

"Hayaan mo na 'yon.." walang ganang tugon niya

"Ha? Eh kaya nga tayo pumunta dito kasi mahalaga 'yon.."

Humiwalay siya ng yakap sakin at tiningnan ako sa mata..

"Alex..." seryosong usal niya

"Sorry na kagabi, hindi ko naman gustong kasama si Jeff.." paliwanag niya

"Wala na sakin yon.."

"Wala na rin ako sayo?"

😏😏😏😏😏😏

"Mas okay siguro Lou kung magiging matalik na magkaibigan nalang tayo.."

"Yon ba ang gusto mo?"

"Yun na ang gusto ko Lou.."

Natigilan siya at naka-titig lang sakin..

"Tara na? Asikasuhin na natin--"

"Ang bilis pala mawala ng feelings mo.." usal ni Lou

Tiningnan ko siya sa mga mata niya at seryoso ang awra ng mukha niya..

"Nakalimutan mo na ata yung sakit ko? Baka nakalimutan mo na rin na wala lang sakin ang pakikipag-talik sa ibat-ibang babae.."

"So kung may mang-yayari satin, nangyari yon dahil sa init lang na nararamdaman mo?"

"Oo, pero hindi ibig sabihin non mahal kita.."

😖😖😖😖😖😖

Pilit ko tina-tago sakanya ang emosyon ko, dahil hindi naman totoo ang lahat ng sina-sabi ko sakanya ngayon..

"Pero sabi mo noon mahal mo---"

"Naniniwala ka don?"

Natigilan si Lou at tila nag-iisip...

Ayoko siya saktan, pero kailangan ko gawin 'to..

Ayoko na darating ang araw na ako nanaman ang maiiwan, ako nanaman ang masa-saktan kasi pipiliin niya si Jeff tulad ng hindi pag-pili ni Gab sa akin noon..

Dahan-dahan siya tumayo at lumayo sakin..

"Sige, kahit wag ka na sumama, kami nalang.."

"Sure ka?" usal ko

"Oo... alis na ako.." paalam ni Lou

Agad niya ako tinalikuran, hindi na niya ako nagawang tingnan matapos nang mga sinabi ko..

Umalis nga siya at iniwan ako..

Choice ko naman 'to kaya hindi ako dapat magalit sakanya, sigurado siya ang galit sakin..

HI GUYS!
KINDLY LEAVE A COMMENT, VOTE AND FOLLOW MY PAGE TOO IF YOU LIKE THE STORY 😊🔥 THANK YOU! 🔥

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

917K 1.6K 6
💦PLEASURE SERIES #1💦 W A R N I N G : SPG - Start: 09-30-18 End: 12-26-18 xxxx
F Buddy Autorstwa Leen

General Fiction

144K 647 7
We WERE a couple; but now we're Fvck Buddies
92.7K 1.3K 23
( ON-GOING ) What if one day, Kiana moved where liam (her bestfriend) lives. Liam is a horny and pervert gay. yes, he's a gay! What will happen? wil...
880K 30.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.