Savage Sandiwa

By paraiso_neo

9.7K 658 34

(Completed) TCPAA - New Generation: In a world filled with deception and hidden truths, a story unfolds. One... More

Prologue
The Birth
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55 (Last Chapter)
Epilogue
Farewell
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3

Kabanata 14

193 11 2
By paraiso_neo

Third Person POV

"Wag mo idamay yung bata dito hayop ka.." sigaw ng isang babae na nakatali sa isang silya. Habang pinagmamasdan ang batang lalaki na tulog at nakabusal ang bibig at wala pa ring malay. "..wala silang alam sa galit mo, kaya ibalik mo na siya sa kung saan mo man sila nakuha." sigaw niya pang muli.

"Tumahimik ka, anak siya ni Coleen kaya damay siya. Kaya manahimik ka diyan.." sigaw pabalik ng lalaki sa babae.

"Wala siyang alam sa mga nangyari kaya di siya dapat nadadamay dito. Oo anak siya ni Coleen pero wala siyang alam." sigaw muli ng babae.

"Manahimik ka na, wala kang karapatang utusan ako. Pag di ka nanahimik, papatayin na kita ngayon." naaasar na sabi ng lalaki.

"Nakikiusap ako sayo, wala silang alam kung galit ka sa mga magulang niya wala siyang alam sa galit mo na yun." pangungulit pa ng babae dahil awa nararamdaman niya para sa anak ni Coleen na walang malay at namumutla na.

"Wala man siyang alam, pero anak pa din siya kaya tumahimik ka na diyan peste." sigaw nung lalaki at lumabas at iniwan ang dalawa.

Ng makalabas ang lalaki ay napatitig siya sa anak ni Coleen at mahinang napahikbi.

"Anak ka pala ni Coleen, ang isa sa aking mga kaibigan. Hindi ka dapat nadadamay sa walang kakwenta-kwentang galit ng lalaking yun. Wala ni isa man sa inyo ang dapat nadadamay dito. Pero narito ka at nadamay ka na.." malungkot na saad niya. "..kailangan ko makawala rito, kailangan nating makawala. Kailangang malaman na hindi mga sirena ang kalaban nila." mahinang dagdag niya at pilit na kinakalas ang tali sakanya.

Maraming bantay sa labas na siyang ginamitan ng spell ng lalaki para sumunod sakanya. At sa paglipas ng araw ay marami na siyang nabibiktima at napapasunod.

'Kuya Kei, kailangan kita'

Tanging naibulong nalang niya sa hangin ng mapagtanto niyang mahigpit ang tali at ginamitan ng spell para si matanggal.

Criszette

Nasa Academy kami lahat ngayon para hanapin si Clyde, at bakas na bakas sa mukha nila Coleen at Miguel ang pag-aalala sa mukha.

"Clyde, anak nasaan ka na ba?" umiiyak na saad ni Coleen na inaalalayan ni Miguel.

Halos lahat kami ay napasugod dito ng malaman naming nawawala si Clyde at tinangay ng di nakikilang lalaki. Lahat kami ay talagang naalarma sa nangyari, dahil isa lang ibig sabihin nito. May panibagong digmaan na naman na magaganap sa kasaysayan ng Normsantandia.

This time wala kaming ideya kung sino ang kaaway, dahil wala na naman ang Bathalang Eumee para maghasik pa ng kasamaan dito.

Kaya nahihirapan kaming alamin kung sino at nasaan ang kalaban namin, kung nasa paligid lang ba siya at pinapanood lang ang galaw namin.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang..

"Reyna Criszette, narito pala kayo. May dapat po kayong malaman." biglang sulpot ni Nurse Romina kaya napalingon kami sakanya lahat. Btw pinabalik na namin sa klase ang mga bata at sinabing kami na bahala maghanap kay Clyde dahil naabala na ang klase nila. Kaya kami nalang nandito na mga magulang nila, wala nga lang si Kuya at Gabby may inaasikaso kasi sila sa palasyo. At naiintindihan naman namin pero pinarating niya samin na tutulong din sila sa abot ng makakaya nila.

Nagtataka akong lumapit kay Nurse Romina at tsaka walang pasubaling nagtanong.

"Ano yun? Anong dapat kong malaman?"  kinakabahang tanong ko sakanya, di ko maintindihan sarili ko pero bigla akong kinabahan.

"Si Sandiwa Kyline po kasi ay kasalukuyang nasa clinic.." panimula niya kaya natahimik ako at doon nagtuluyang nag-aalala. Anong nangyari sa anak ko? Napansin ko namang biglang napalapit si Keiron kay Nurse Romina at bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Anong ginagawa niya sa clinic?" nag-aalalang sabat ni Keiron.

"..dinala po siya dun ng isang estudyanteng nangangalang Brylle. Bigla raw nawalan ng malay ang Sandiwa dahil nagpaulan ito sa ulan na mismong siya ang gumawa." paliwanag pa ni Nurse Romina dahilan para mapalingon ako sa ulan na patuloy bumabagsak.

Anak ko may gawa nito? May problema ba si Kyline?

Bakit nagawa niya ito?

"Si Sandiwa Kyline may gawa nitong ulan?" gulat na sabat ni Chariz. Kaya napatango si Nurse Romina sakanya.

"Isa lang ibig sabihin nito Zette, apektado siya sa pagkawala ni Clyde. Alam naman nating mahal ng anak mo si Clyde." konklusyon ni Jenica dahilan para matahimik ako.

Akala ko ba okay na siya, nakamove-on na siya. Nagpapanggap lang pala siya at pilit niya itinatago yun samin at tinakpan niya ito ng ugaling savage niya.

Kyline bakit? Bakit di ka nagsabi samin? Makikinig naman ako sayo ah.

"Criszette puntahan natin anak natin." yaya ni Keiron sakin.

Kaya tumango nalang ako dahil natulala talaga ako sa nalaman ko.

Akmang aalis na kami ng biglang..

"Ina anong nangyayare?" biglang sulpot ni Jaryl na anak ni Jenica kaya napalingon si Jenica sakanya.

"Anak bat nandito ka?" tanong ni Jenica sa anak.

"Gusto ko lang po sana kamustahin ang paghahanap niyo kay Clyde." sagot niya sa kanyang Ina.

"Anak, alam mo na ba ang nangyari sa pinsan mo?" out of nowhere na tanong ni Jenica sa anak.

"Hindi po bakit? Ano pong nangyari kay Kyline?" nagtataka at may halong pag-aalala na tanong niya sa kanyang Ina.

"Mabuti pa pumunta na kayo dun, baka kung ano ng nangyayari kay Kyline dahil wala pa ring tigil ang ulan. Ibig sabihin lang nito ay may nangyayaring di maganda sa anak niyo." sabat ni Jarret samin kaya napaisip kami at sabay-sabay na napatingin sa ulan at tsaka sabay-sabay na umalis. Nagpaiwan si Jarret para tumulong sa paghahanap kay Clyde. At si Ina naman ay di ko alam kung malakas lang ang pakiramdam pero halos kasabay naming dumating siya.

At pagdating namin doon ay agad akong sumigaw at nanakbo kay Kyline na nanginginig ang buong katawan.

"Kylineee." sigaw ko at niyugyog sa kama si Kyline.

"Binabangungot si Fria, kailangan natin tong agapan." nag-aalalang saad ni Ina at tsaka lumapit din kay Kyline.

"Kyline please wake up! Anak!! Stop calling Clyde's name." sigaw ko Kyline dahil patuloy pa rin siya sa  panginginig, ginamitan na namin siya  ng kung ano-anong spell pero di pa rin nila siya nagigising hanggang sa nakialam na si Nurse Romina samin.

"Kung papayagan niyo po, pwede po bang lumayo po muna kayo. Susubukan ko pong gisingin siya gamit ang kapangyarihan ko manggamot, maaaring natrap siya sa bangungot na yun." suhestiyon ni Nurse Romina. At walang pasabing pumayag kami dahil wala na kaming nakikitang ibang paraan para magising si Kyline. Ni hindi ko na ngang maiwasang umiyak dahil sa sitwasyon ng anak ko. Yung ulan na kasi yun is kanya, kaya iba ang epekto nito sakanya pag siya ang naulanan nito. Kaya naglayuan muna kami, at tsaka nagbigkas ng spell si Nurse Romina dahilan para magliwanag ang paligid at napatakip kami lahat ng mata dahil nakakasilaw ito.

At sa pagwala ng liwanag ay lahat kami ay napanganga sa nakita namin.

"May pakpak na si Fria." mahina at masayang saad ni Ina at habang ako natulala na lamang.

Mas maganda siya kaysa sa pakpak ko. At unti-unti na siya nagigising at kusa ng sumara ang pakpak niya at nagtago. Agad akong lumapit sakanya at niyakap.

"Kyline pinag-aalala mo kami, nag-aalala kami sayo." mangiyak-ngiyak na saad ko sakanya. Alam kong lagi kaming magkaaway pero Ina pa din ako at ayokong may nangyayaring masama sakanya.

"Ina di pa ko patay kumalma ka tsk." pagsusungit niya. At naramdaman namin ang pagtigil ng ulan senyales ito na okay na si Kyline. Kaya lahat kami ay nakaramdam ng tuwa dahil okay na siya.

"Ikaw nga bata ka tigil-tigilan mo paggamit ng kapangyarihan ng ulan mo. Jusq ka alam mo naman epekto nan." panenermon ko sakanya agad.

"Criszette ano ba? Pagpahingahin mo muna yung bata mamaya mo na sermunan." saway ni Ina sakin kaya napanguso ako at nagtawanan ang mga kasama namin.

After nun ay nagpasalamat kami kay Brylle dahil sa pagdala niya kay Kyline sa clinic at magaan ang loob namin sakanya na para bang kilala namin siya. At tsaka siya nagpaalam na babalik na sa klase.

Sa kalagitnaan ng pagbabantay namin ay halos nagulantang kami sa narinig namin.

'Kuya Kei, kailangan kita'

Kaya nagkatinginan kaming lahat, kasalukuyan ng nagpapahinga si Kyline habang si Jaryl ay bumalik na na sa klase niya at si Ina naman ay bumalik na sa palasyo para bantayan ito dahil may mga kaaway na nakamasid.

"Tama ba narinig ko?" di makapaniwalang saad ni Jenica samin.

"Narinig mo din?" takang tanong ko kay Jenica. Kaya napalingon ako kay Keiron na bakas ang magkahalo-halong nararamdaman niya sakanyang mukha.

"Si Serena yun, Criszette di ako pwedeng magkamali. Buhay ang kapatid ko at humihingi siya ng tulong satin." mangiyak-ngiyak na saad niya kaya niyakap ko siya senyales na masaya ako para sakanya dahil sa wakas mahahanap na niya ang kapatid niya.

Pero nasaan na nga ba si Serena?



Continue Reading

You'll Also Like

87K 2.6K 67
(Completed) Book 2 of TCPAA: In the world of pain and haunting mistakes, Criszette, presumed dead, resurfaces as a cold and sarcastic figure at Ainab...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
12.3K 557 34
Virago, salitang nanganghulugan ng isang babaeng malakas, matapang, at maikukumpara sa isang mandirigma. Isang babae na nagpapakita ng kakaiba at kah...
222K 6.3K 64
A fantasy story that will prove that power isn't that important to protect your love ones. The warmth that you give, the love that you share and the...