The Princess And I

By annneo6

2.8K 63 0

In the world of Holypia, there are eight powerful fairies and they rule their palace. what if Ann gets a glim... More

The Princess And I
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Epilogue

Chapter 4

103 6 0
By annneo6

Zackery POV

Unang kita ko pa lamang kay kylish, parang tinamaan na agad ako. Para bang na-love at first sight ako sa kaniya. She's so beautiful and I think she's better than anyone. At sa tuwing magsasalita siya dapat sinusunod kaagad, ngumiti ako dahil pakiramdam nilalayo niya ako sa mga babaeng ayaw niyang pagselosan. Tulad ng ginawa niya kay chloe, damn I'm so assuming.

Tumingin ako kay tydish dahil pakiramdam ko, may gusto din siya kay kylish. Tsk, sino ba namang hindi magkakagusto sa isang anghel na tulad niya.

"Mauuna na kami" sambit ni ann, hanggang ngayon nalilito pa din ako sa kaniya. Delikado daw ang kapangyarihan ko? Psh! She's so weirdo. Maybe, dahil home studying siya noon. Syempre, wala siyang kasabayan na lumaki na kaedad namin. Her parents lang na lagi namang busy. Kaya sa tingin ko sa sobrang bored niya, pati sarili niya kinaka-usap niya na noon.

Hindi ko alam na totoo pala yung mga napapanood kong fantasy noon, na may mga kalaban sila na sobrang lakas. Akala ko puro ka-ekekan lang lahat yun. Well, marunong nga pala akong makipag-laban. Tinuruan ako ni lola, sabi niya maglaro daw kami ng laban-laban. Hindi ko naman alam na sinasanay na pala ako ni lola sa pakikipag-laban. Tsk, buti na lang nagamit ko yun sa mga baldezar.

"May gusto ka pa bang kainin?" Tanong ni kylish kaya agad akong umiling at ngumiti.

"Ayos na ako sa tinapay" tumango na lang siya at umalis na. Ngayon dalawa na lang kami ni tydish ang naiwan dito kaya napangisi ako ng magsalita siya.

"May gusto ka ba kay kylish?" Seryoso nitong saad kaya agad akong tumango, there's no reason para itago ko. I'm not the type of person who's gonna deny all the time. "Bakit? Eh, kakakilala mo pa lang sa kaniya? Hindi mo pa siya ganoon kakilala tapos may gusto ka na agad sa kaniya?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Walang oras o panahon kung magkakagusto ka sa isang tao, kusa itong nararamdaman kaya maraming nasasaktan"

"Baka niloloko mo lang siya"

"Kung niloloko ko siya, edi umiiyak na siya ngayon"

"Siguraduhin mo lang"

"Ikaw ang huwag magloko, aminin mo nga! May gusto ka din ba sa kaniya?" Ngumisi siya sakin at agad akong tinanguhan.

"Uunahan kita"

"Bet me"

"Oh, mainit yan ah!" Saad ni kylish habang nilalapag ang mga dala niyang pagkain. Umupo na din ang iba at nagsimula ng kumain. "Grabe, ang daming pila. Buti na lang maharlika tayo kaya nauna na agad tayong makabili" ngumiti sa akin si kylish. "Masarap ba?"

"Oo"

"Talaga?! Paborito ko rin yan, eh!" Palihim akong ngumisi kay tydish na kanina pa ako sinasamaan ng tingin. "Oh, prinsesa ann. Anong sadya mo? Bakit tila balisa ka? Ayos ka lang ba?" Sabay lapit niya kay weirdo na balisa nga. Bakit nga ba? Tumingin sa akin si weirdo kaya agad akong kinabahan. Why are she looking at me like that?!

"Maaari ba kitang isanay ngayon, prinsepe?" Agad akong napakunot noo.

"Bakit pa, ann? Eh, marunong naman na siyang gumanit ng espada?" Saad ni kylish na agad naming kinatango.

"Hindi lamang sa espada ang kailangan niyang matutunan sa mundong ito, kailangan na niyang mailabas ang kapangyarihan niya sa lalong madaling panahon"

"Para ano? Para maprotektahan ka na niya? Para masolo mo na siya?"

"Ano ba ang iyong sinasabi? Hindi kita maunawaan"

"May gusto ka ba kay zackery?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong gusto sa kaniya. Ang nais ko lang ay maturuan na siya"

"Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ni tydish, napailing na lang si ann dahil ang kukulit ng mga kausap niya.

"Kailangan ko pa bang sabihin ang dahilan?"

"Oo"

"Malapit ng bumalik si demon, sa tingin ko ay naghahanda na siya sa pwede niyang gawin satin"

"Ano?! Matagal ng wala si demon"

"Paki-usap, kung hindi kayo maniniwala sa sinasabi ko pwede bang maturuan ko na lamang si zack? Ako ay nagmamagandang loob lamang"

"Ako na ang magtuturo sa kaniya kung paano gamitin ang kapangyarihan niya at ako na ang magpapalabas ng kapangyarihan niya" napangiti ako ng palihim sa sinabi ni kylish, why are you doing this to me?

"Pwede bang samahan kita sa pagtuturo sa kaniya?" Bigla akong napasimangot sa sinabi ni tydish, pwede bang tumahimik na lang siya diyan?

"Pwede naman, mas masaya nga iyon, eh" ngumisi naman sa akin si tydish, argh.

"Kung ganun ay aalis na lamang ako, gusto ko lamang maging handa kayo" ngumiti na lang si kylish bago umalis si ann. I felt sad for her, gusto niya lang naman tumulong kaso mukhang siya pa ang napasama.

"Tara na" masayang aya ni kylish kaya umalis na kami.

Pumunta kami sa isang field at sobrang sariwa ng hangin dito, kami lang din ang tao dito.

"At dahil bihasa ka na sa pakikipag-laban gamit ang espada, tutulungan ka namin kung paano gamitin ang kapangyarihan. Ano bang kapangyarihan mo?" Napakunot noo ako sa sinabi ni kylish.

"Hindi ko alam"

"Ah? Bakit hindi mo alam?" Napahawak sa noo si tydish dahil sa sinabi ni kylish.

"Kaya nga natin papalabasin yung kapangyarihan niya, diba? Para malaman natin kung ano kapangyarihan niya"

"Hehe, oo nga"

"Umupo ka, zackery" napataas ang isa kong kilay bago nag-india seat. Tsk, ano toh ritual? "Ipikit mo ang mga mata mo at pakiramdaman mo ang mga dumadaloy na kapangyarihan sa buo mong katawan" ginawa ko nga ang sinabi niya, sinubukan kong mag-concentrate ngunit natakot agad ako, pakiramdam ko nababalutan ako ng kulay itim na aura. Sinubukan kong ikalma ang sarili ngunit mas lalo akong nagulat ng may lumitaw na babae sa harap ko.

"Sino ka?!" Sigaw ko dito, dahan-dahan siyang humarap sakin at ngumiti.

"Natutuwa ako at nabuksan na ang iyong kapangyarihan"

"Anong ibig mong sabihin? Ano ang kapangyarihan ko?"

"Dalawa ang iyong kapangyarihan, isang apoy, at ang isang napaka-lakas na kapangyarihan na bato. Hindi kakayanin ng dalawang taong kasama mo ang hagupit ng kapangyarihan mo, sila ay nahihirapan na kung kaya't tumigil ka na!! Hindi sila ang nararapat na tumulong sayo! Gising zackery! Gising!" Napamulat agad ako ng mata at hinabol ang hininga. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si kylish at tydish na sugatan at nanghihina.

Nilapitan ko sila at inalalayang tumayo, ngunit hindi atah nila kaya yun dahil sa labis na panghihina.

"Anong nangyari sa inyo?" Tarantang tanong ko.

"Ang lakas ng kulay itim na bumabalot sayo at hindi namin kinayang labanan ito kung kaya't kami ay napahamak, gusto ka na naming pigilan ngunit hindi namin magawa" saad ni tydish.

"Nagkamali ako, akala ko madali lang ang lahat. Pero, mukhang tama si ann. Si ann lang ang makakatulong sayo, zackery. Siya lang" napalunok ako sa sinabi niya, tama ang diwata na hindi sila ang makakatulong sakin. Pagkatapos naming paalisin si ann, may gana pa kaming humarap sa kaniya? Damn!

Nilabas ni kylish ang kapangyarihan niya at gumawa siya ng isang papel. May sinulat siya doon at pinalipad na niya ang papel.

"Hintayin natin sila" tumango na lamang sila.

Makalipas ang limang minuto, sa wakas dumating na sila. Puno ng pag-aalala ang mukha nila at agad kaming nilapitan.

"Anong nangyari?" Tanong ni zia.

"Nasaan si ann?"

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni ann na kakadating lang, tumingin siya sakin at agad siyang nagulat. "Hindi pa tuluyang lumalabas ang kapangyarihan mo ngunit nakakatakot na"

"Anong alam mo?" Seryosong sabi ko na kinalunok niya. "May alam ka na sa umpisa pa lamang, anong nangyayari sa sakin? Tell me!" Nagulat siya at nag-iwas ng tingin sakin.

"Isa kang makapangyarihang tao at ikaw lamang ang makakatulong sa akin kung paano patayin si demon"

"How can I help you?! Kung hindi ko naman alam ang kapangyarihan ko, ni hindi ko na alam ang pagkatao ko"

"Kalabanin mo ako at malalaman mo ang lahat"

"Are you crazy? Wala akong kapangyarihan!" Tinaas niya lamang ang kamay niya at may lumipad na espada sa himpapawid at dumeretso yun sa kamay niya. Sa totoo lang ang astig nun. Nagulat kami ng may lumabas na espada sa kamay niya.

"Tanggapin mo ang aking handog, mahal na prinsepe" inabot niya yun kaya agad kong tinanggap. "Mag-umpisa na tayo" agad siyang umatake kaya agad akong nagulat, umatras ako habang sinasangga ang mga atake niya. Damn, this woman!

"Hey! Stop it!" Umikot siya at pinagpatuloy ang pag-atake sa akin, yumuko ako at lumaban pabalik. Akala niya ba papatalo ako? Ngumisi siya at nilabas ang kapangyarihan niya na kinagulat ko.

"Ann, huwag mong itutuloy" sigaw ni peter. Mas lalo akong nagulat ng muntik niya na akong matamaan. Umilag lang ako ng umilag sa bawat patama niya ng kapangyarihan niya, argh!

Napakunot noo ako at sumeryoso sa laban, nagulat sila ng may lumabas na itim na aura sa buo kong katawan. Pero, si ann mas lalo lamang napangisi. Nakakatakot siya!

Tumalon siya at handa na sanang atakihin ulit ako ngunit agad kong pinagsaklob ang kamay ko at may lumabas na bolang apoy sa palad ko at agad yun inagis kay ann ngunit nakakamangha dahil bigla siyang naglaho at nagulat na lamang kami ng nasa likod ko na siya.

"Ang bagal mo, prinsepe" hinagisan ko ulit siya ng bolang apoy ngunit patuloy lamang siya sa pag-iwas. Tinuloy-tuloy ko na ang paghagis kaya mas lalo siya natutuwas. I was surprised when she fight back.

Inagisan niya ako ng maliliit ngunit patulis na gawa sa hangin kaya agad akong napa-iwas ngunit hindi ko naiwasan ang Isa dahilan upang masugat ako sa braso.

"Wala ka bang panangga?" Tanong niya at nagpakawala pa lalo ng madaming ganun, gumawa ako ng malaking bato dahilan upang masangga lahat yun na kinagulat na naman nila. Mukhang may iba ng nagco-control sa katawan ko, ngunit hindi ko dapat hinahayaan lang. "Sige pa, ilabas mo pa!"

Gumawa ako ng apoy na may kasamang maliliit na bato, pinalaki ko yun at agad hinagis sa kaniya ngunit isang pitik niya lamang ay bigla na itong naglaho. Wow! Amazing! Ngumiti ako at nagulat kaming muli ng kulay puti na ang lumabas na aura sa buo kong katawan, ang sarap sa pakiramdam at pakiramdam ko ay malaya na ako. Para bang ang tagal kong nakakulong at ngayon pa lamang ako nakalaya.

Bumaba si ann mula sa ere at ngumiti sa akin.

"Magaling prinsepe, ngayon ay isa ka ng ganap na makapangyarihan sa buong holypia" saad ni ann kaya ngumiti ako ngunit agad ko siyang sinalo ng muntik na siyang matumba.

"Mukhang nahirapan siya sa pagpapalabas ng kapangyarihan mo" sambit ni trisha na kinatango ng iba.

"Kailangan na nating bumalik sa dormikwela" saad ni paul na sinang-ayunan ng iba. Binigyan ni zia ng lunas si ann ngunit kaunti lamang ang tumalab kay ann.

"Kumapit kayo sakin" saad niya kaya ginawa nga namin yun at bigla na lamang kaming naglaho at napadpad sa dormikwela. Inalalayan ko si ann ngunit nahirapan ako kaya binuhat ko na lamang siya na kinagulat ng iba.

"Ako na ang bahala sa kaniya, total magkalapit lang naman ang kwarto namin" sumakay na ako sa elevator, hindi ito ordinaryong elevator dahil dito isisigaw mo lamang ang number ng unit mo at makakarating ka na agad sa harap mismo ng iyong silid. Hindi ko alam kung sino ang naka-isip dito, sobrang realistic psh.

Kinuha ko ang susi ni ann sa bulsa niya at binuksan ang pintuan niya. Pumasok kami sa loob at sinara ang pinto, hiniga ko siya sa kama niya kaya gulat siyang tumingin sakin.

"Nawalan ka ng malay pagkadating natin dito" napalunok siya at biglang nahiya.

"Salamat sa paghatid"

"Actually, bawi ko na yun sayo sa pagtulong mo sakin"

"Responsibilidad kong tulungan ka, sa katunayan ay kailangan mo pang magpalakas, hindi lang hanggang doon ang kaya mo may mas ilalakas ka pa, zack"

"Thank you for caring me" napakunot noo siya kaya natawa ako at ginulo ang buhok niya. "Magpahinga ka na, kailangan mo ng lakas para bukas"

"Salamat muli, prinsepe" ngumiti na lang ako at kinumutan siya.

Lumabas na ako sa unit niya at pumunta na ako sa unit ko. Ngunit pagkalabas ko pa lamang ay si kylish na agad ang bumungad sakin.

"Kamusta ang pakiramdam niya?" Ngumiti ako dahil nag-aalala siya para kay ann, Hindi deserve ni ann ang maling trato, she's an angel and she don't deserve a bad treatment. Like what we did earlier.

"Maayos na ang pakiramdam niya, kailangan niya lamang magpahinga sa ngayon" nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Salamat sa pagtulong sa kaniya"

"Walang anuman, hindi ka pa ba inaantok?" Ngumiti siya.

"Ako'y paalis na rin, gusto ko lamang malaman ang kalagayan niya. Ngayong alam ko na ay maaari na akong umalis" tumango na lamang ako.

"Good night and sweet dreams" napailing na lamang siya at umalis na. Napangisi ako at handa na sanang maglakad papuntang unit ko ng marinig kong dumadaing si ann.

Kinapa ko ang bulsa ko dahil naalala kong nasa akin ang susi ni ann, dali-dali kong binuksan ang pinto at bumungad sakin si ann na nanghihina habang hawak ang tagiliran niya. Nagulat ako ng may lumalabas na dugo doon, may sugat siya. Nilapitan ko siya at tinignan ang sugat niyang patuloy sa pagdurugo.

"Ang sakit, zack" umiiyak niyang sabi, tumingin ako sa mga mata niya at parang nagkusa ang kamay kong hawakan ang sugat niya. Pinikit ko ang mga mata ko at hiniling na gumaling ang sugat niya. "Z-Zack" dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at ganun na lang ang gulat ko ng gumaling ang sugat niya. "Nakakamangha ang iyong kapangyarihan, kaya mong magpa-galing"

"Napano iyan?"

"Natamaan mo ako kanina, nung tuloy-tuloy mo akong pinatamaan. Binigyan ko ang sarili ko ng kaunting lunas ngunit hindi yun sapat dahil ng bumangon ako ngayon ay bigla na lamang itong nagbukas muli at mas lalong lumakas ang pagdurugo. Mabuti at narinig mo pa ako?"

"Nasa labas pa ako ng marinig ko ang daing mo"

"Nakaka-pirwesyo na ako sayo prinsepe, pakiramdam ko ay napaka-walang silbi ko ngayon"

"Huwag mong isipin yan"

"Babawi na lamang ako sayo bukas" napataas ang isa kong kilay.

"Totoo ba yan?" Natawa siya at tumango sakin. "Kung ganun, matulog ka na. Huwag kang mag-alala dahil babantayan kita, hindi ako aalis hanggat hindi ka nakakatulog"

"Sigurado ka, zack? Mukhang nakaka-istorbo na ako. Pwede ka naman ng umalis dahil ayos na ako" umiling ako at umupo sa kama niya.

"Baka gusto mo pang kwentuhan kita ng storya para lang makatulog ka" natawa siya kaya natawa din ako.

"Salamat zack, ngunit kaya ko ng mapag-isa"

"Huwag mo akong alaahanin, ang importante ay makatulog ka para makakuha ka ng lakas" hindi siya sumagot at ngumiti na lang sa akin.

Pinikit niya ang mga mata niya kaya hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako, napailing na lamang ako. Maya-maya medyo lumalim na ang hininga kaya alam kong tulog na siya.

Inayos ko yung kumot niya at tatalikod na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya agad akong tumingin sa kaniya ngunit tulog naman siya, nananaginip siguro.

"Pakiusap, huwag mo akong iiwan. Kailangan ko ng tulong mo, pakiusap handa kong gawin ang lahat huwag ka lang umalis. Huwag mo akong iwan" tumulo ang luha niya kaya hinila ko ang upuan at umupo sa harap niya. Napabuntong hininga ako at pinunasan ang luha niya.

"Sshhh, I'll never leave you" napailing-iling siya kaya hinawakan ko ang kamay niya pabalik. Napabuga ako ng hangin dahil inaantok na ako, pinalahahanan ko ang sarili ko na huwag matutulog ngunit dahil na rin siguro sa sarap ng hangin ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

"Zack?" Nagising ako dahil sa boses ni ann, dahan-dahan akong umupo ng maayos at nag-unat.

"Ah!" Daing ko dahil ang sakit ng likod ko.

"Anong nangyari? May masakit ba sayo?" Tumango ako at tinuro ang likod ko. "Bakit kasi sa upuan ka natulog? Yan tuloy" wow! Sinisi pa ako. "Teka, kukuha ako ng maligamgam na tubig" tumayo siya at pumunta sa kusina, humiga ako sa kama at inunat ang sarili. Ang sakit ng braso, leeg at likod ko. Pakiramdam ko magkakasakit ako ng wala sa oras. "Ayos ka lang ba?" Piniga niya yung towel at pinatalikod ako, parang sobrang sarap sa pakiramdam ng ipatong niya yung towel sa likod ko, mainit siya ngunit ginhawa ang nararamdaman ko.

"Just stay like that"

"Ano?"

"Ganiyan lang"

"Gusto mo bang magtawag ako ng manggagamot?"

"No--hindi na kailangan"

"Sigurado ka?"

"Yeah" umupo na lang siya sa kama at hinawakan ang towel sa likod ko. Pinikit ko na lamang ang mata ko at pinakiramdaman ang kilos niya.

"Magluluto lamang ako ng agahan natin"

"Hmm"

"May gusto ka bang ibang kainin?"

"Yeah, pero wala naman dito ang gusto kong kainin"

"Gusto mo ba talagang bumalik sa mundo ng mga tao" agad akong humarap sa kaniya kaya agad sumakit ang likod ko. "Dahan-dahan lang"

"Oo naman, paano ba ako makakabalik?"

"Kapag natalo na natin si demon"

"Psh! Matagal pa yun"

"Malapit na, zack. Konting panahon na lamang ang natitira sa atin. Kailangan na nating maghanda"

Continue Reading

You'll Also Like

62.2K 825 106
para sa mga magkakaibigan diyan na wala na. FRIENDSHIP OVER
88.4K 2.8K 38
(On-Going)
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
279 158 13
This is just an open letter to my future partner for his birthday - May 19, 2020. Most Impressive Ranking #1 togetherforever (February 04, 2023)