Our Strings (Strings Series 3...

Par SweeTTabooH

140K 3.6K 660

"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I... Plus

... Our Strings...
OS- Simula
OS- kabanata 1
OS - Kabanata 2
OS -kabanata 3
OS- Kabanata 4
OS- Kabanata 5
OS-kabanata 6
OS- Kabanata 8
OS-Kabanata 9
OS- Kabanata 10
OS- Kabanata 11
OS- kabanata 12
OS- kabanata 13
OS- Kabanata 14
OS- Kabanata 15
OS- Kabanata 16
OS- Kabanata 17
OS- Kabanata 18
OS- Kabanata 19
OS- Kabanata 20
OS- kabanata 21
OS- kabanata 22
OS- Kabanata 23
OS- Kabanata 24
OS- Kabanta 25
OS- Kabanata 26
OS- Kabanata 27
OS- kabanata 28
OS- Kabanata 29
OS- kabanata 30
OS- Kabanata 31
OS-kabanata 32
OS- Kabanata 33
OS- Kabanata 34
OS- kabanata 35
OS-Kabanata 36
OS -kabanata 37
OS- Kabanata 38
OS- kabanata 39
OS- kabanata 40
OS- kabanata 41
OS-Kabanata 42
OS-Kabanata 43
OS- kabanata 44
OS- kabanata 45
OS- Kabanata 46
OS- Kabanata 47
OS- Kabanata 48
OS- kabanata 49
OS- kabanata 50
OS- kabanata 51
OS- kabanata 52
OS- kabanata 53
OS kabanata 54
OS kabanata 55
OS kabanata 56
OS EPILOGUE- 1
OS Epilogue 2
OS Epilogue 3
OS Epilogue-4
Finale

OS- Kabanata 7

2.3K 79 7
Par SweeTTabooH


" Ayos ka lang ba, tita?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Today is my 17th birthday. Hindi pa din nakabawi ng lakas si tita Salve sa naging karamdaman. Ang makita siyang pilit na kumikilos para ipagluto ako ay nakakapanlumo.

Hindi ko naman kailangan ng handa o kahit ano. For now, all I want is her life to get longer and be better.

"Ayos lang ako, Gotica." Sabi ni tita. Tipid siyang ngumiti sa akin kahit halatang halata ang pagod sa kanya. Hindi ko pa din maiwasan na hindi mag alala sa kanya. Iba na kasi ang lagay ni tita Salve ngaun kumpara noon. She looks weaker and weaker each day.

Kadalasan nga ay inaako ko na ang mabibigat na gawain bahay kahit ayaw niya. Sinasabi niya na magpahinga ako at mag-aral. But then, hindi ko kayang magpahinga kapag nakikita ko siya na trabaho ng trabaho sa kabila ng panghihina niya.

Bumuntong hininga ako at tumango nalang. Ayaw ko naman tratuhin na imbalido si tita, pakiramdam ko kasi ay lalo lang siyang manghihina kapag tinigil ang mga nakasanayan ng gawain. And besides, hindi naman siya makikinig sa akin.

Mag aalas otso na ng umaga. Tinulungan ko nalang siya ng mga dapat pang gawin. Inimbita ko kasi si Jace at Raffy para dito mag-lunch.

Umupo ako saglit. Kinuha ko ang laptop ko at inopen ang Facebook ko. Natawa pa ako ng makita ang post ni Jace na naka wacky kasama si Raffy habang kumakain kami ng ice cream nung nakaraang araw..

Nag scroll pa ako sa timeline ko hanggang makita ko ang post ni Raj kasama si Astrid sa El Nido.

Kaka-graduate lang din ni Raj ng college last month. I was there. I saw everything and his achievements. He finished his studies and got the girl of his dreams. Hindi ko alam kung ano ang nangyare but suddenly, Astrid changed. Bigtime.

Nandon ako pinapanood siya sa malayo. Pumapalakpak sa malayo. Nandoon ako, pero hindi niya nakita.

Nandon ako para tahimik na sumuporta sa kanya kahit hindi naman niya kailangan na. Nandon ako para kahit papano, nasasaksihan ko how he grow kahit hindi niya ako kasama.

Hindi ko alam kung ilalike ko ba ito o ano. Taste of bitterness rolled over my system, again. Hindi ko maiwasan mainggit kay Astrid. Sa huli, I decided to just turn off everything. Nang papatayin ko na ang laptop ko ay may message na nag appear mula sa messenger.

Rajan Duke Esquivel

Hi, how are you? Happy birthday!

Ilang minuto akong tumunganga sa message niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko. Parte sa akin ang natutuwa dahil naalala niya ako. But then, a part of me still empty because of him.
He has the power to make me and also the power to break me, effortlessly.

Gotica Dior Gatchalian

Thank you.

Sa huli ay pinili ko nalang magpasalamat sa kanya. Nagsimula ng mag ingay ang messenger ko sa Facebook kaya pinatay ko na tuluyan ito.

Binuksan ko ang Zoom account ko coz' Alice told me that she will call me. Hindi naman ako nagkamali, ilan segundo lang ay tumawag na si Alice.

"Hey!" Bungad niya. Lumabas ang maliit niyang dimples sa magkabilang pisngi niya. Lalong gumanda si Alice. Kita mo ang pagbabago sa kanya physically and how she managed her life being matured. Kumukuha siya ngaun ng psychology sa isang paaralan sa Australia.

Ngumuso ako sa screen at hinawi ang side bangs ko. "Happy birthday! Kamusta nang baby ko?" Mahinhin siyang humagikgik sa screen.

"Dalaga kana ah," she gigled. "Alam mo, baka magbakasyon ako sa Pilipinas this year." She said excitedly.

"Talaga? When?" Hindi ko din naitago ang pagkasabik ko sa kanya. Kahit araw araw kaming nag uusap ni Alice, iba pa din yung feeling na kasama mo siya. Iba pa din yung feeling kapag niyayakap niya ako kapag nagsusumbong ako sa kanya.

Iba pa din yung feeling na nakakasama ko siya kapag may situation sa buhay ko na halos hindi ko na makaya. I just missed her so much.

"Maybe by Christmas sembreak. Medyo busy din kasi ako sa school at nagpapartime ako kapag may libreng oras." Bumuntong hininga si Alice.

"Bakit?" Tanong ko. Maganda ang trabaho ng magulang mi Alice. Pwede naman siyang mag focus sa pag aaral niya. Nevertheless, hindi halata na stress siya sa hectic ng schedule niya.

"Well, that is being independent Icai, I want to earn money so I can decide for myself. Hindi naman kasi katulad jan ang culture dito so I need to pay for my travel ticket." She said seriously and then winked at me.

"Oh okay." Tanging nasagot ko. I must say that I'm so astounded at her maturity. And I can help to be proud of her. Siya ang perfect definition ng independent woman.

"Balita ko good girl kana?" Tumaas ang kilay niya. Tila ba nang iintriga.

"Palagi naman." Umirap ako kaya bahagyang natawa si Alice sa akin.

"That's good then. I'm so proud of you, Icai. Anyway, I got to go. I missed you." She ended the call.

Napabuntong hininga ako. Somehow, I want to be like her. I want to grow fast and earn for myself. I want to be independent.

"Ako na," tinapik ni tita Salve ang kamay ko ng tulungan ko siya maghain sa lamesa. Madami din kasi ang niluto niya kahit si Jace at Raffy lang naman ang bisita ko.

"Tita, kaya ko na to'. " tinuloy ko pa din ang ginagawa kahit ayaw niya. Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan namin at iniluwa si Raffy at Jace na nagtutulakan habang may dalang lobo at cake. Nanliit ang mga mata ko sa dalawa habang natatawa.

"Hindi talaga kayo marunong kumatok no?" Bungad ko sa kanila. Wala manlang pasintabi at dirediretso nalang pumasok. Pumameywang pa nga ako habang nakataas ang kilay.

"Si Raffy, sumunod lang naman ako." Sagot ni Jace. Binaba niya ang mga lobo na dala sabay upo sa sopa.

"Anong ako? I'm holding the cake! Stop the drama dude, kulang nalang madapa ka kakamadali." Iritadong sagot ni Raffy. Panay ang palitan ng salita ng dalawa kaya nailing nalang ako. Palagi silang magkasama pero kahit kailan ay hindi sila magkasundo. Minsan nga mas madala pa yung pag aaway nila kaysa sa maayos sila.

"Nanjan na pala kayo. Tara at makakain na." Bungad ni tita Salve sa dalawa. Mabuti nalang at dumating si tita kaya natahimik ang dalawa na feeling ko kanina ay magsusuntukan na.

"Magandang tanghali tita." Sabay sabi nila kay tita Salve.

Sumunod ako kay tita Salve at ganun din sila. "Kapal niyo ha! Ni hindi niyo pa nga ako binabati." Salita ko salita ko nang makaupo sa hapag. Nauna kase ako sa kanila papunta sa dining.

"We did." Sabay ulit na sagot nila. Pareho silang nagmura kaya umiling nalang ako. They greeted me on Facebook timeline earlier. Medyo nagdrama lang talaga ako.

Maingay ang hapag dahil sa kwento nila. Natutuwa naman akong nakatingin sa kanila. Natutuwa ako kasi napapatawa nila si Tita Salve. Hindi talaga sila nauubusan ng kwento.

"Mayroon ba sa inyo na may gusto sa anak ko?" Biglang tanong ni tita Salve sa dalawa. Sa hindi inaasahan dahilan ay sabay sabay kaming nasamid na tatlo. Ano ba naman tanong yan!

"Tita naman!" Nahihiyang sabi ko. Pakiramdam ko pa nga ay nag namula ang pisngi ko sa kahihiyan.

Nanliit ang mga mata ni tita Salve sa dalawa." I don't like, Gotica." Matigas na ingles na sagot ni Raffy. Uminom siya ng tubig at nag iwas ng tingin.

"Ouch," pabirong sabi ko habang nangingiti. Nanatiling nakayuko si Raffy habang pulang pula ang pisngi.

"Ako, I will figure it out." Sagot naman ni Jace. Natawa ako ng batuhin siya ng butil ng mais ni Raffy. "Figure? mukha mo." Iritado na naman siya kay Jace. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nakakasama ko sila kahit hindi naman talaga nila gusto isa't isa.

"Grabe naman kayo sa akin! Panget ba ako?" Ngumuso ako at nagkinwaring nalungkot sa sagot nila. Si tita Salve ang tipid na ngumiti nalang sa gilid habang nakamasid sa amin sa lamesa.

"No!" Sabay ulit sagot ng dalawa. Ang tahimik namin bahay ay napuno ng ingay dahil sa kanila. Panay ang sagutan at turuan. Kaha imbes na matuwa ako a nagsimula na akong mairita.

Panay pa din ang kulitan namin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Ganun pa man ay nagpatuloy sila sa paghaharutan. Hindi ko naman sila inaawat dahil masayang masaya si tita Salve sa kanila.

Tumunog ulit ang cellphone ko. This time tumayo na ako para tignan kung sino ang tumatawag. Para akong binuhusan ng tubig ng mag appear ang pangalan ni mommy.

I never expect her call or maalala niya na birthday ko. Kung noon ay pinapangarap ko ito, nasanay na ako at hindi na umasa sa kanila ni daddy.

"Hi, Gotica. Happy birthday." Salita niya sa kabilang linya. For a moment natahimik ako. Sa lahat ng tao sa mundo, pangalan niya o ni daddy ang hindi ko inaasahan mag appear sa cellphone ko.

"Gotica?" Tanong niya ulit. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. "Yes. Uh, thank you po." Sagot ko. Narinig ko ang ingay sa kabilang linya marahil ang nasa Illustre's siya. Naririnig ko pa ang tawanan ng mga kapatid ko sa kanya.

"Sorry, I couldn't make it." She said. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "I know." Sagot ko at hindi ko na din naman ineexpect na. Kagaya ng sabi ko. The less expectation the better.

Bumuntong hininga siya sa kabilang linya."I talked to your dad and we agreed to let you choose any country for a vacation. All expenses paid by us." She said proudly.

Maganda ang offer niya kahit dismayado ako. Hindi ko kailangan ng kahit ano aside from them. I need their presence. Well, that's the reality I couldn't change. Because that's the thing they couldn't give.

When I was 12 naalala ko na gustong gusto ko ng magagandang buildings. Sabi ko nga sa sarili ko ay balang araw gagawa ako ng sarili ko. I dreamt to go to Dubai. Kasi, most of beautiful buildings were there. And I want to see Burj Khalifa myself. I want to go to Burj Al Arab and go to Dubai Mall. I want to see the Dubai museum and so many more.

"Dubai po," sagot ko.

"Sure? It's hot there Gotica. You can go USA, Australia or Japan instead?" She said convincing me maybe. Hindi na ako nagsalita. Tinanong niya ako kaya sinagot ko siya. What's the purpose of asking me then?

"Okay Dubai then. We will fix it. Bye Gotica." And she ended the call.

Hindi ko alam kung bakit mas nalungkot lang ako sa tawag ni mommy. Siguro, indenial lang ako. A part of me of course, still wanted to be accepted and be their family. Accepted by my parents atleast.

Unknowingly nasa Facebook application na ako sa cellphone ko. Lutang na lutang akong nagscroll sa timeline ko.

Gotica Dior Gatchalian

They promised to take me to my dream country. I hate promises!

Nag status ako kasama ang broken heart na emoji. Hindi naman kasi ako naniniwala kay mommy. Ilan pangako naba ang nasabi niya pero ilan lang doon ang natupad.

Madaming beses na at sa bawat pangako na hindi natutupad ay napapagod na ako.

Sumalampak ako sa sopa at malalim na bumuntong hininga at pumikit.

Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay. To be accepted by my parents. Hindi ko kailangan ng mga luho. Ang kailangan ko ay subaybay at pagmamahal nila. Kailangan ko ng magulang. Kahit ginampanan iyon ni tita Salve ay iba din ang pakiramdam kapag sila mismo ang nagparamdam noon sa akin.

Napadilat lang ako sa tunog ng messenger ko kasabay ng pag vibrate ng cellphone ko. I was hesistant at first pero pinili ko pa din tignan.

My jaw dropped when I opened Rajan's message.

Rajan Duke Esquivel

- If they don't. I will.

Pinatay ko ang cellphone ko sa sobrang galit! I don't believe you either! Isa ka sa taong pinaniwalaan ko pero isa ka din sa tao na sinaktan ako. Tumakbo ako papasok ng kwarto ng hindi nagpapaalam sa kanila.

Pabagsak kong tinalon ang kama hanggang tuluyan na akong umiyak.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

30.9K 1.7K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...
11.7K 230 32
This is a story of two lonely hearts, whose fate is to meet each other's lonely hearts. Andro & Feb *** vastphantasm2019
542K 16.7K 49
Moon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa k...
85.7K 2.1K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...