Red Tape (Book Two of Red Rib...

By misterdisguise

97.3K 2.8K 497

[COMPLETED] BOOK 2 OF RED RIBBON (Rated PG-13) Alex Farr was just an ordinary girl before until she entered s... More

DISCLAIMER
Red Tape (PROLOGUE)
RED TAPE 1
RED TAPE 2
RED TAPE 3
RED TAPE 4
AUTHOR'S NOTE 1
RED TAPE 6
RED TAPE 7
RED TAPE 8
RED TAPE 9
RED TAPE 10
RED TAPE 11
RED TAPE 12
RED TAPE 13
RED TAPE 14
RED TAPE 15
RED TAPE 16
RED TAPE 17
RED TAPE 18
RED TAPE 19
RED TAPE 20
RED TAPE 21
RED TAPE 22
RED TAPE 23
RED TAPE 24
RED TAPE 25
RED TAPE 26
RED TAPE 27
RED TAPE 28
RED TAPE 29
RED TAPE 30
RED TAPE 31
RED TAPE 32
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

RED TAPE 5

3.4K 121 8
By misterdisguise

CHAPTER FIVE

When your Dreams become Worst Nightmares


MAY ibang nararamdaman si Alex sa kanyang pagbabalik. Kahit isaksak niya sa kanyang utak na natanggap na siyang muli ng kanyang Tiya Jennifer, may parte ng kanyang utak na ayaw paniwalaan ito. Siguro ay dahil na rin sa kakaiba niyang nakita kanina lang.

Ano bang mayroon sa ngiting iyon na ayaw niyang paniwalaan?

Naging mabilis ang proseso ng pagtanggap sa tingin niya. Hindi pangkaraniwan sa isang tao ang magpatawad agad depende sa naging kasalanan nito. Pero ang pagpatay? Ano nga ba ang katumbas na kapatawaran nito?

Bumalik mula sa kusina ang kanyang Tiya bitbit ang isang tray ng pagkain. Nakangiti itong lumapit sa kanya at saka binaba ang bitbit. Naupo sila sa mahabang sofa habang parehong hindi nakatingin sa mga mata ng isa't-isa.

Lumunok muna siya upang ayusin ang kanyang nanunuyot na lalamunan dahil sa kaba. "Tiya Jennifer, kumusta na po pala kayo dito?" tanong niya para mabawasan naman ang kanyang panghihinala.

"Maayos naman, Alex. Minsan ay nalulungkot dahil ako na lang mag-isa dito sa bahay. Pero ganoon talaga siguro ang buhay. May pagkakataon na kailangan mong mapag-isa," saad nito.

Imbes na mapanatag, nakaramdam pa tuloy siya ng bigat sa dibdib. Sa tingin ni Alex ay nagkamali siya sa pagtatanong sa kalagayan ng Tiya.

"Ganoon po ba?" maikli niyang tugon. Tumikim siya sa pagkaing dala ng Tiya. "Ang sarap naman po nito!" papuri niya para maiba kaagad ang atmospera. Ginantihan kaagad siya ng ngiti nito at nagpasalamat. "Hindi pa rin talaga kumukupas ang galing niyo sa pagluluto."

"Ikaw talagang bata ka. Hindi na naubos ang pambobola mo. Kahit noon pa ay mambobola ka na." Napatigil si Alex dahil sa sinabi nito. Para kasing may kakaibang kahulugan ang binitiwan nitong mga salita, parang patudtsada sa kanya. "May nasabi ba akong mali?" tanong nito nang mapansing tumahimik siya pansamantala.

"W-Wala po ito, Tiya."

Hindi naman mabasagang-pinggan ang mga sumunod na sandali. Magkakatinginan sila saglit pagkatapos ay mabilis ding mag-iiwasan. Pinagmasdan na lamang muli ni Alex ang kabuuan ng bahay, ang bawat sulok na noon ay kanyang tinataguan, ang bawat butas na kanyang sinisilip. Lahat 'yon ay biglang nanumbalik sa kanya.

"Hindi pa rin po nagbabago ang bahay na ito. Ito pa rin ang bahay na kinalakhan ko simula nang..."

"Huwag mong isiping ampon ka namin. Tunay ka naming anak, Alex. Hindi ka na naiba sa amin... sa akin," anito. "Sa tingin ko ay kailangan mong magpahinga. Pagod ka pa 'ata. Doon ka na muna sa kwarto ko. Hindi ko pa kasi nalilinis ang kwarto mo simula nang umalis ka," suhestyon nito.

"Siguro nga po. Sige, magpapahinga na muna po ako."

"Mayamaya ay ako naman ang dapat mong kwentuhan tungkol sa 'yo," untag nito.

Dumiretso na sa kwarto ng kanyang Tiya si Alex at pabagsak na humiga sa kama. Tiningnan niya ang maagiw na kisame at nag-isip nang malalim. Kahit pa sabihin na nakabalik na siya sa kanyang 'tunay' na tahanan, hindi niya pa rin maramdaman ang bagay na hinahanap niya.

"Bakit parang may kulang? Hindi na ito ang dating bahay ko. Parang may ibang nakatira. Parang may ibang buhay," saad niya sa sarili.

Binalikan niya ang mga alaala na nagpapasaya sa kanya. Gusto niyang balikan ang panahong iyon kung kailan totoo siya at hindi ang kilala ng nakararami na 'Alex Farr'. Pero unti-unti na siyang hinahagkan ng kasakiman ng kasikatan at hindi na niya kayang kumawala pa. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Unti-unti na niya itong nagugustuhan pero unti-unti rin siya nitong binabago.

"Gusto ko na ulit ng normal na buhay," aniya. Narinig niyang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi isang kilalang numero ang nakarehistro. Binuksan niya ang mensahe at binasang mabuti.

Naïve. Naive. Naïve.

Bring back what you've received,

Spill out the fame you swallow,

Before the killings are soon to follow.

I am maybe a friend or an obsess fan,

Or a monster like a bogeyman.

Look at your back and be aware,

Once your dream becomes your worst nightmare.

Nanginig kaagad ang kanyang mga kamay at hindi sinasadyang naibagsak ang kanyang cellphone. Nanlalaki ang mga mata niya habang tinititigan ang bumagsak na cellphone.

"S-sino k-kaya s-siya?!" tanong niya sa sarili habang hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib. Agad siyang lumabas ng kwarto at hinanap ang kanyang Tiya. Ngunit sa kanyang paglabas ay hindi matagpuan ng kanyang mata mata ang kanyang Tiya. Isa-isa niyang pinasok ang mga kwarto. Nagpapaalam naman kasi ito kung aalis para pumunta sa bayan.

"Tiya! Tiya!" paulit-ulit niyang sigaw.

Isang kwarto na lang ang hindi pa niya nabubuksan. Kinakabahan siyang pinihit ang doorknob nito, para kasing may hindi maganda siyang makikita. Sa pagbukas niya ay nakita niya ang larawan niyang nasa lapag.

"Tiyaaaa!" sigaw niya nang makitang sa ibabaw ng larawan ay ang Tiya niyang nakabigti. Lawit ang dila nito na animo'y nilabanan pa ang humihigpit na tali sa leeg. Mabilis niya itong nilapitan upang maisalba.

"Tiya! Hindi ka pwedeng mamatay!" naiiyak niyang sabi habang pilit na binubuhat ang katawan ng Tiya upang hindi masakal. Pero huli na ang lahat, naubusan na ng hininga ang kanyang Tiya at tuluyan ng pinanawan.

"S-sinong may gawa nito?" naluluha niyang sabi. Patuloy lang siya sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman. Napansin niyang nakabukas ang bintana dahil sa nililipad na kurtina. Lumapit siya roon at napansing may bakas ng dumi sa bintana na halatang pinagpatungan ng sapatos.

"Hayop ka! Sino ka?! Bakit mo dinamay ang Tiya ko?!" sigaw niya pang muli. Gusto niyang maghiganti. Ngayon lang ulit sila nagkasama ng kanyang Tiya at ganito pa ang kinalabasan. Iniisip niya na kasalanan niya kung bakit namatay ang kanyang Tiya.

Bumalik siya sa kanyang kwarto upang kunin ang kanyang cellphone. Nang matagpuan ay napansin niyang may mensahe na naman mula sa kaninang numero.

'Uunti-untiin kita.'

Napamura siya nang malakas dahil doon. Napahagulgol na siya ng iyak. Nawala ang mga taong mahal niya dahil sa kanyang kagagawan. Parang bumabalik na naman ang dati. Akala niya ay tapos na ang lahat. Kailangan na niya sigurong pagbayaran ang kanyang kasalanan.

"Kung si Celine man ang taong ito, papatayin ko ulit siya!" gigil niyang sabi.

Bumalik sa kanyang alaala ang gabi kung kailan namatay si Celine, sa mismong kaarawan nito. Naroon siya sa Palarma's Theatre and Art Museum nang gabing iyon. Balak niya kasing patayin si Celine bilang isang regalo at para na rin maangkin niya ang trono nito pero nabigla siya nang may gumawa na nito para sa kanya.

Kitang-kita niya kung gaano kabrutal na pinatay si Celine. Naroon lamang siya nagtatago sa isang sulok at masayang pinapanuod ang paglapat ng bawat kutsilyo sa katawan nito. Sa tingin niya ay parehas sila ng galit na mayroon para kay Celine.

Isang obra maestra ang ginawa nito na sinundan pa ng ilang nakakapanindig-balahibong obra. Musika sa kanyang tainga ang mga palahaw na pagsigaw at pagmamakaawa ni Celine.

Matapos patayin ng taong 'yon si Celine ay oras naman niya para gawin ang kanyang obra. Dahan-dahan siyang lumapit sa bangkay at sinigurong nakaalis na ang killer bago magsimula. Itinali niya ang mga paa ni Celine gamit ang lubid na ginagamit sa pagbukas ng mga kurtina sa stage. Isinulat niya sa isang papel ang salitang 'Shame' at inilagay sa katawan ni Celine bago niya hinila pataas ang katawan nito.

Tuwang-tuwa siya nang mga sandaling iyon. Kamatayan ni Celine para sa katanyagang hinahangad niya ang magiging dulot nito. Pero sana ay hindi na lang nangyari dahil sa kanyang kasakiman, unti-unti na rin siya nitong pinapatay.

Minabuti niyang tawagan ang numero ngunit huli na siya dahil 'cannot be reached' na ang numero. Binalikan na lamang niya ang katawan ng kanyang Tiya at doon iisip ng paraan kung paanong hindi madadawit ang kanyang pangalan sa nangyari.

Magiging malaking balita ito na ikasisira ng kanyang pangalan.

"Nasaan na si Tiya Jennifer?" takang tanong niya nang makitang wala roon ang katawan ng kanyang Tiya. Sumilip siya sa bintana pero walang taong mamamataan sa labas.

"Ibalik mo ang Tiya ko!" sigaw niya mula sa bintana. "Ibalik mo siya! Hayop ka!"

Sa kabilang banda, magiging kapaki-pakinabang ang pagkawala ng katawan ng kanyang Tiya Jennifer. Walang balitang maididikit sa kanyang pangalan... sa ngayon.

Napaupo na lamang siya dahil sa panghihina. Hindi na niya alam ang dapat na gawin. Kailangan na muna niya siguro bumalik sa kanyang mundo at doon na lamang hahanapin ang salarin. Pero nakatitiyak siya na sa susunod na mga gabi ay hindi magiging isang magandang gabi.

nse+an}#qT

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
9K 732 56
Sonya, the cat, will always be here. She will always remain here. *** Cover art by Joey J. Makathangisip
5.1K 191 15
The Story is inspired by the Film John Denver Trending. All Rights Reserved 2020
10.6K 679 54
"If loving you is a sin, sinner I'm ready to be."