Chapter 2: Welcome to W

358 14 0
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kwarto ni Owen, kung hindi pa may kumatok sa pinto ay malamang naghihilik parin ako. Ramdam ko na nakayakap parin siya sa akin at mukhang sobrang himbing ng tulog niya.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa bewang ko upang buksan ang pinto, mabuti nalang at hindi nagmamadali ang tao sa labas.

Inayos ko muna ang damit ko bago ko ito buksan. Yung lalaking blonde ang buhok pala ang kumatok. 

Ilang oras ba kaming nakatulog?

"Ipinapatawag kayo ni Tim. Sapat na naman siguro ang pahinga ninyong dalawa." Saad nito at napalingon ako kay Owen na naghihilik parin.

"Sige, gigisingin ko lang siya."

"I'll just wait here outside." Tumango ako sabay sara ulit ng pinto.

Bumalik ako sa kama upang titigan ang mukha ni Owen. Totoong napakagwapo niya at napakaamo pa ng mukha. Three years lang ang agwat ng edad namin. Masasabi ko na sobrang gentleman niya at alam kong totoo siya. Ang swerte ko at nakilala ko siya.

"Owen." Tinapik ko ang kanyang balikat pero umungol lang siya.

Aba, busy pa ata ito sa dreamland niya ah?

"Owen gising na, pinapatawag tayo ni Tim."

"Anong oras na?" Sabay tanong niya habang pikit parin ang mata.

"Aba malay ko, akala mo ba nasa bahay mo lang tayo?" Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay agad siyang bumalikwas at nagising. Lumingon lingon siya sa paligid na para bang sinisigurado niya na nandito parin kami.

"So, hindi pala ako nanag-inip?"

Umiling-iling ako sa kanya tapos ngumiti siya ng nakakaloko. "Mabuti nalang at hindi panag-inip. Ibig sabihin, totoo na hinalikan kita kanina? Kung ganun, girlfriend na ba kita?"

"Tinanong mo ba ako kanina? Hindi naman diba?"

"Edi tatanungin na kita ngayon."

Tumango nalang ako sa kanya at ready na sa magiging sagot ko pero may kumatok na naman sa pinto. Oo nga pala, may naghihintay nga pala sa amin sa labas.

"Sino yun?"

"Hinahanap tayo ni Tim."

"Bakit daw?"

"Ewan ko. Tumayo kana nga dyan para makaalis na tayo."

Sumunod naman siya at mabuti nalang hindi galit yung naghihintay sa amin. Bumalik kami sa lugar kung saan namin nakita si Tim at sa palagay ko ito ang pinakang base nila.

"Mas maganda na ba ang pakiramdam niyo?" Bungad na tanong sa amin ni Tim.

Ngayon gustong-gusto ko na talagang malaman kung ilang taon na siya. Sa palagay ko sa hitsura niya ay nasa 15 years old palang siya. Pero mas matangkad siya sa akin kahit na napakabata ng mukha niya. Tss. Unfair talaga kapag sa height ng mga babae.

"Oo, nakatulog nga kami ng maayos." I said with a big smile tapos ay inaya niya kaming umupo sa isang bilog na mesa.

"Pasensya na at hindi ako nakapagpakilala sa inyo kanina. May, inasikaso lang kami ng madalian." Paliwanag niya at naiintindihan ko naman na abala sila dito.

"So, sa nakikita ko, ikaw ang pinakang namumuno dito." Tanong ko.

"Ganun na nga, tawagin niyo nalang akong Tim." Napatango ako sabay baling sa aking katabi.

Unknown University Where stories live. Discover now