Chapter 14

16.6K 384 22
                                    

"Matulog ka na." Sabi ni Lance na tila nahihirapan.

"H-huh? Pero.." I looked at his erected manliness. He clenched his jaw before nodding.

"I know, you.. have to take a rest." Sabi niya at walang sabi-sabing iniwan ako sa kinaroroonan ko. Nagmamadali siya na para bang may hahabulin.

Nahirapan akong matulog, pero sa sumunod na araw ay nagpatuloy ako sa paghahanap kay Jared.

"Ma'am, yung mga pina-cancel mo pong deliveries ay hindi naaprubahan. Dadating daw po ang mga 'yon sa susunod na araw." Imporma sa akin ni Marky na siyang inutusan ko para sa deliveries.

Tumango na lang ako bilang sagot. Wala naman na akong magagawa kung hindi inaprubahan ng may-ari ang cancellation ko. Mas mamo-mroblema lamang ako kung ipipilit ko pa ang ayaw nila.

As usual, many people are helping. Wala pa si Lance. Hindi sa hinahanap ko siya, but he usually comes here in the morning before going to his office and after a few hours, nandito siya ulit para tumulong din. Hindi kami gaanong naglalapitan kapag ganito, dahil masyado akong busy sa sariling pagdidikit.

"Marky, may mga meryenda pa ba d'yan?" Tanong ko nang pumasok sa isip ko ang pagkain ng mga taong tumutulong sa paghahanap kay Jared.

"Ah, ma'am, meron pa ho. Nagugutom po ba kayo?" Tanong niya, umiling ako.

"Marami pa? Magkakasya pa ba sa inyo? Magpapadeliver na lang ako mamaya." Sunod sunod na sambit ko.

We have tried to locate Jess' cellphone. Isa pa, yung gamit ng anak kong iba ay naiwan. Gaya nung mga pinapabaon ko sa kanya tuwing lumalabas sila ng kaniyang mga Tita Ninang. Of course, Jess knows about it.

Maraming eksperto ang ni-hire ni Lance para dito, but we still couldn't find any clue.

"Magkakasya pa naman po siguro, Ma'am, pero mas mabuti na rin po ang ready." Sabi ni Marky tungkol dun sa mga pagkain.

He is right. Baka mamaya ay ubos na pala ang pagkain namin tapos ay may iba pang hindi nakakakuha ng para sa kanila.

May inutusan akong tauhan ko na magcheck bawat oras sa pinost ko sa social media. Sabi nito kanina sa akin ay marami rawng nagshare doon at nagcocomment. Sinabi ko sa kanya na basahin ang bawat comment dahil baka may makalap kaming inpormasyon doon.

"Ma'am, oras na po ng pahinga ninyo." Si Ben 'yon habang nakatingin sa kanyang relo sa palapulsuhan.

"Tara na po." Sabi naman ni Rio.

Tumango na lang ako sa dalawa.

Simula nang maidala ako sa hospital, binigyan ako ng oras kung kailan ako magpapahinga at kung kailan ako magpapatuloy ulit.

At first, ayaw kong sumang-ayon. I don't need that. Kaya ko naman ang sarili ko. I was just stressed and worried. Wala naman akong high blood o ano para ganituhin ako, but I still couldn't do anything lalo na noong pati ang mga kaibigan ko ang sumang-ayon sa ideya ni Lance tungkol dito.

Sa harap pa ng doctor ang pagkakasabi niya noon doon kaya sumang-ayon din si Doc! Pinagkaisan nila ako!

"Tubig po." Binigay sa akin ni Rio yung tubig na para sa akin. Kinuha ko 'yon, dahil nauuhaw rin ako.

"Mamaya po ay dadating si boss, Ma'am. Pinapasabi niya po." Si Ben habang pinapaypayan ako.

Hindi ko alam kung bakit kailangan nila akong ganituhin talaga! Sinubukan kong hingiin kay Ben ang pamaypay.

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, Ben. Mahangin naman at saka.. nasaan ba yung fan na binili ni Lance?" Tanong ko. May binili kasi itong mini fan noon ngunit wala naman ngayon.

One Hot Night with a StrangerWhere stories live. Discover now