Si Arabelle naman ay busy sa dalawa nyang kaaway

"Yahh!!" Hindi ko nakita ang sunod na atake ni Almira kaya natamaan ng kamao nya ang mukha ko-Ang mukha ko!!! Yati mag te-take pa ako ng picture paea sa id ko mamaya!

Yung mukha ko hanggang ngayon ay nakabaling parin sa left side ko, nang makarecover ako ay nilingon ko siya at tinignan ng masama

Nawala ang ngiti nya ng makita na seryoso na ako

"Ahhh!!!"

*prrrrrtttt*

Nak ng pucha! Bat ngayon pa! Pano ako makaka resbak!

Tumingin ako sa kaliwa ako at nakitang papjnta na ang mga tanod, hindi lang tanod! Kasama nila si Madam Key!

"Tangina!" Nagkatinginan kaming lahat at parang iisa lang nasa isip namin

Tinignan ko si Almira at mukhang pareho kami ng sasabihin

"Takbo!"

Sa pagkataranta ko hindi ko na alma kung saan ako pupunta

Nagkubundol pa kami ni Almira

"Ayt sorry!" Sabi nya tinignan ko naman siya ng nakakunot ang noo

Pero hindi na kami nag usap pa, tumakbo sila sa opposite na direksyon sina Jessica ay di ko na alam kung nasaan

Habsng tumtakbo ako ay hindi ko sinasadyang mabundol

"Ahh!"

"Aray!" Sabay naming sabi

Nakatungo parin ako hanggang ngayon
Habang hawak hawak ang noo ko
"Aba'y-hindi ka ba marunong tu-" natigilan ako ng pagharap ko sa taong nakabangga sakin "mi..ngin..." pahina ng pahina ang boses ko

"So-sorry miss, wag mo ko'ng saktan please...nawawala lang po talaga ako...so-sorry po! Di na po mauulit! Di ko po sinasadya...wag mo po akong sasaktan..." napatulala nalang ako sa lalaking nasa harap ko, bigla nalang akong nakonsensya.

Pinsadahan ko siya ng tingin, naka white siyang polo nanakabotones lahat ng button yung tipong abot hanggang collar niya at hindi na siya mahinga
Nakabackpack din siya na parang si dora, Naka glasses at naka pants na black na maluwag

Ang mukha nya sobrang amo at parang binudburan ng isang botelya ng pulbos
Ang lips nya sobrang pula at liit, yung mata hindi ay bilugan at ang tangos ng ilong nya...

Hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya

Aalis na sana siya pero hindi ko alam kung bakit ko hinigit ang collar nya, may sariling isip ata 'tong kamay ko
Pero isa lang ang alam ko ayaw ko siyang umalis

"A-ano po yun?" Wala akong masabi, nawalan na ako ng mga salita

"Ah....ano! Kailangan mo akong bayaran dahil aa ginawa mo!" Mukhang yayamanin kasi siya yung bag niya nike eh
"Kung ayaw mo'ng bubugbugin kita dito!" Nagtapang tapangan ako kahit anv totoo naman talaga ay kanina pa ako lusaw na lusaw kakatingin sa kanya

"S-sige e-eto po...k-kunin nyo na a-ang walle-wallet k-ko" nauutal nyang sabi tinignan ko naman ang nakalahad nyang kamay sa akin na ngayoy may wallet na

Bigla nalang kumalam ang tiyan ko..

*ting!*

"Wag!" May hand gestures pa akong ginawa "bilhan mo...nalang ako ng pagkain! Tama! 'Kina Aleng Bebang!"

"A-ah s-sige"

Hinigit ko na ang kamay nya at pumunta na kaming karendirya kung hindi pa siya nakakakain sa mga ganun... di ko na problema yun

A wish upon a tambay (Brgy. di binalikan series [girls] )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt