Eight

31 1 0
                                    

Velle's POV

Naglakad ako papunta sa room namin na magaan ang loob. Siguro dala ito ng pag iyak ko.

Pipihitin ko na sana ang pinto ng may narinig ako.

"Mrs. Mac, ayokong magsinungaling sayo."

Si Doc ba ito?

"Ano po iyon Doc?" Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at bakita ko si Crizel na natutulog at si Mommy at Doc na nakaupo sa sofa.

Nagbuntong hininga sya, "Hindi na magtatagal ang buhay nya.."

Parang winasak ang puso ko sa narinig ko, si Crizel? Hindi na magtatagal?

Narinig ko yung pagiyak ni Mom, "H-hindi yan totoo Doc.." Nakita ko syang umiling.

Mas dumoble ang pagkawasak ng puso ko ng nakita si Mommy na umiyak.

"Based on her tests, hindi nya na kaya."

Nag init yung ulo ko sa sinabi ng doctor at kahit labag sa kalooban ko, nilapitan ko sila.

"Ikaw! Wala kang karapatan na sabihin yan!" Sigaw ko at napatingin sila sakin.

"Velle!" Sigaw ni Mama.

"Hindi ka Dyos para sabihin yan! Doctor ka lang!" Tinuro turo ko pa sya at kinuyom ang kamay ko.

Alam ko sa sarili kong nagpipigil nalang ako ng galit. At para akong bomba, na isang segundo nalang, sasabog na. Isang maling galaw mo lang, sasabog na.

"I know hindi nyo kakayanin, pero I'm just here to tell you."

Sa sobrang inis ko binagsak ko sa harap nila yung bag ko, "Tangina! Ikaw ba kung isa sa pamilya mo may mamamatay, kakayanin mo?!"

Naluha na lang ako sa halo halong emosyon na nananalaytay sa sistema ko.

Nakita kong umiyak si Mama at umiling yung doctor.

"Mrs Mac and Velle, wag nyong masamain ang sinasabi ko. Nagiging totoo lang ako. It's my job." Malungkot nya akong tiningnan.

"That's my job, that's my job!" Sigaw ko, "Trabaho mong pagalingin ang kapatid ko, hindi diktahan kung kailan sya mamamatay!" Pinunasan ko yung mga luha ko at umalis sa kwartong yon.

Hindi ko na kayang makipag sagutan dun sa walang kwentang yun!

"Velle!" Narinig ko pang sigaw ni Mom pero hindi ko na sya tiningnan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't napaupo nalang ako at doon umiyak, umiyak ng umiyak.

Bakit ba kailangan sya pa? Pwede namang ako. Alam kong madaming pangarap si Crizel, pero bakit nagkasakit sya? Hindi pwede!

Napasabunot ako sa sarili ko, "Hindi sya pwedeng mamatay!"

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, "Miss?"

Pagkalingon ko, nakita ko si Toby. "T-Toby.." Mangiyak ngiyak kong sabi. Hindi ko na napigilang umiyak at yakapin sya.

"W-what's wrong Velle?" Bakas ang pag aalala nya sa boses nya.

Hindi ako makasagot, ayokong sagutin.

Hinila nya ang kamay ko at sinimulan nyang maglakad. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin, dahil hindi parin tumitigil ang mata ko sa pagpapakawala ng luha.

Huminto kami sa paglalakad, pinunasan ko ang luha ko at binuksan ang mga mata ko.

"Dito kita dinala sa rooftop. Tahimik kasi dito, at kita mo yung mga ilaw."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red String AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon