Toby's POV
"Kilala mo sya Toby?" Mom asked me, referring to Velle.
I nodded, "Yep. Ako nag dala sakanya sa clinic three days ago."
"Bat mo sya dinala sa clinic?" Pag uusisa ni Dad.
"She fainted, due to over fatigue daw." Then I shrugged my shoulders.
Tumango sila Mommy at Daddy, "Sige, mauna na kayo ni Topaz sa kotse. Mag babayad lang kami ng bills mo." Ani ni Mom.
"Okay ka na ba talaga kuya?" Tanong ni Topaz.
Ngumisi ako, "Wrestling pa tayo mamaya eh!" Tapos ginulo ko buhok nya, "Tara na?"
"Tara Kuya!"
Dumiretso na kami sa parking area netong hospital. Unexpected rin pag papa-confine sakin, buti nalang nasa Philippines parin yung doctor ng family namin. At least, sya nag handle sakin.
"Tagal naman nina Daddy!"
Umiling ako, "Patience is a virtue, Topaz. You should learn how to wait."
Tiningnan nya ko ng may halong pag tataka sa mukha nya, "Eh? Pag ba talaga nako-confine gumaganyan na?"
Tumawa nalang kami. Naputol ang tawanan namin ng may lumapit na isang matandang babae na may hila hilang sako.
"Apo..."
Umayos ako ng tayo at tumingin sa likod ko, pero wala namang tao. "Ako ho?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko.
Umirap pa si Lola, "Ay hindi. Yang magara ninyong kotse."
Tumawa ako, "Si Lola naman! Joker ha!"
Tiningnan lang ako ng masama ni Lola, kaya naman tumawa si Topaz, "Oh peace Lola, peace." Sabi ko saka ng peace sign.
"Ewan ko sayong bata ka."
"Ano po sadya nyo?" Magalang kong tanong.
Umubo ubo pa sya bago sumagot, "T-t-tubig!" Singhal nya.
Nataranta kami ni Topaz kung pano sya bibigyan ng tubig, "Teka po Lola! Don't die!" Natatarantang sigaw ni Topaz.
Napaayos ng tayo si Lola, "Wag na nga!"
"Yung totoo Lola, ilang taon ka na?"
Ngumisi sya, "69 years old nako."
Lumaki mata ko, "Weh? Wala sa hitsura nyo." I chuckled nung nakita kong kuminang mga mata ni Lola, "Kasi mukha ka pong 75." Sabay kaming tumawa ni Topaz, "Joke lang Lola! Alabyu!"
"Mag seryoso na tayo!" Halos paos nyang sigaw.
Tumango tango kami ni Topaz, "Aye aye Lola!" Sabay naming sigaw.
"Ikaw, batang puslit. Hindi bagay sayo tong usapan kaya." Tinuro nya yung likuran nya, "Kaya chupi."
Napakamot naman ng ulo si Topaz, "So choosy." Wala syang nagawa kundi pumunta sa likuran ni Lola.
"Ikaw Hijo, ano pangalan mo?"
"Toby po."
"Ikaw Toby, wag ka munang mag gegerlpren ha." Napasimangot ako, sasagot na sana ako ng magsalita sya ulit, "Hintayin mo muna yung babaeng nararapat para sa iyo."
Kumurap ako bago ko sya nasagot, "P-po?"
Ngumiti sya, "Hintayin mo ang babaeng hindi lang magpapatibok ng puso mo, kundi, ang babaeng tatanggap sayo ng buong buo. Hindi dahil sa estado mo sa buhay, kundi dahil sa mahal ka nya talaga."
Tinuloy pa ni Lola yung dialog nya, "Mararamdaman mo naman kung sya na talaga ang babaeng tinutukoy ko, mararamdaman mo. Mahalin mo sya ng buong buo at wag ng pakawalan pa. Oo, mag aaway kayo, pero dapat nyong malagpasan ang pagsubok na iyon. Mga pag subok lang iyon Hijo, hindi iyon dapat ang magdidikta ng magiging ikot ng pagmamahalan nyo.
Tanggapin nyo ang kahinaan ng isa't-isa, punan nyo ang pagkukulang ng isa't-isa. At doon, tiyak na magiging masaya kayong dalawa. Ipag laban mo sya ha? Pasayahin mo sya."
Hindi mo ka ma-digest ng maayos yung pinag sasabi ni Lola, "Lola, san mo nabasa yan?" Ang tangi kong nasabi.
"Loko loko ka talaga Hijo!" Napatawa sya, "Wag kang mag alala, mapapadalas naman ang pagkikita nyo."
Kumunot ang noo ko, "Sure ba yan Lola? Baka mamaya po, nasa Wow! Mali tayo ah."
"Siguradong sigurado ako."
"Ano po bang pang--"
"Topaz! Toby! 'Li na kayo, mag kakaroon pa ng family gathering saatin!" Nilingon ko si Daddy, "Sandali lang po Dad! May kausap pa po ako!"
"Nasaan kausap mo Toby?" Nagtatakang tanong ni Mommy.
Tinuro ko yung direksyon ni Lola, "Eto p--" Laking gulat ko. Wala na sya doon.
"Hay naku Kuya! Such a day dreamer! Let's go!" Hinila ako ni Topaz papasok ng kotse, "Then you're so bagal pa. Im hungry na Mommy!"
Tiningnan ko si Topaz, "Hey. Di mo ba natatandaan na may kausap ako? Si Lola? Yung jinoke time pa natin?" Bulong ko sakanya.
Tiningnan nya ako ng masama, "Are you hallucinating? Do you want to be confined again?" Umirap sya, "You know what Kuya, wala naman tayong na-encounter na Lola dun." Nagkibit balikat nalang sya.
What the fuck is that?
----
Di parin mawala sa isip ko yung si Lola na pinapaalalahanan ako, tungkol sa magiging girlfriend ko daw. Natapos na yung family gathering namin at lahat, pero di ko parin malimot limot.
Bumaba ako sa kwarto ko papuntang kitchen, I need something to drink to freshen up my mind.
Kumuha na ako ng gatas sa ref ng magulat ako sa pagsulpot ni Manang Luz, "Good evening Toby."
"Manang naman! Hilig mang gulat!" Napa paypay nalang ako aa sarili ko.
Tumawa sya, "Mukhang may gumugulo sa isipan mo."
Tumango ako, "Pano nyo po nalaman?"
"Alam mo namang matagal na ako dito sa inyo, simula bata ka pa lang, ako na nag aalaga sayo."
I sighed, "There's one thing strange that happened to me a while ago."
"Ano yun?"
Umupo ako sa counter, at kinwento sakanya ang lahat ng lahat ng nangyari, simula sa pag jo-joke time namin kay Lola at hanggang sa di maalala ni Topaz ang lahat.
"Talaga?" Malumanay nyang sagot.
Tiningnan ko sya, "Di po ba kayo nagulat?"
Umiling sya, "Hindi, ano naman nakakagulat dun?"
Napahilamos ako ng mukha, "Lola naman! Ay este Manang naman, napaka weird po kaya!"
Ngumisi sya at umiling, "Toby, anak. Basta sundin mo nalang yung sinabi nung matanda. Sabi nga nung favorite kong quote, 'There is no harm in trying.'"
Napatango nalang ako sa sinabi ni Manang Luz, kung sabagay, no harm nga. Tumayo na ako sa pag kakaupo ko, ng matapos kong inumin yung gatas.
"Sige po Manang, akyat nako sa taas. Pahinga na rin po kayo, wag po kay magpagod."
"Sige, magpahinga ka rin." Ngumiti sya. Bago ako umalis niyakap ko sya. Naging gawain ko na to, niyayakap si Manang Luz bago matulog.
Nahiga na ako sa kama ko, bago pa man tuluyang gumapang ang antok sa sistema ko. Parang narinig ko nanaman ang boses ni Lola, na nagsasabing..
"There is no harm in trying, Toby."
YOU ARE READING
Red String Attached
HumorWe can never dictate our heart to love someone, if we can't dictate ourself to accept them. "Thanks to the old woman I met. Because of her, I realize that it was you." "Me?" I asked shyly and of course curiously. "Because of her, I waited for the...
