Chapter 7: Second Home

64.3K 1K 242
                                    





“Hoyyy Kevvinnn!! San ba talaga tayo pupunta?”


Pangungulit ko sa kanya. Kahit na anong pilit ko, kahit na anong pacute ko hindi niya talaga sinasagot iyong tanong ko ng maayos.


“Maghintay ka lang kasi muna..Malalaman mo rin din naman mamaya eh. Ang mabuti pa ipikit mo nalang muna ang mga mata mo at matulog ka. Pag gising mo, andun na tayo.”


Sabi ni Kevin.


“Ayoko. Hindi ako inaantok eh.”


“Bakit ba napaka stubborn mo Maybelline? Sige ka. Ikaw din naman mapapagod. Mahaba haba pa ‘tong byahe natin.”


“Sige na nga. Pero idlip lang ha? Gisingin mo ako after 30 minutes.”


Tumango naman si Kevin kaya pinikit ko na iyong mga mata ko. Hindi naman talaga ako inaantok non kaya sigurado akong hindi ako makakatulog. Pero nagising nalang ako ng ginising ako ni Kevin.


“Maybelline.. Andito na tayo..”


Sambit ni Kevin.


Tumingin tingin ako sa paligid gamit ang bintana ng kotse.


“Anong lugar to?”


Tanong ko sa kanya. Hindi kasi pamilyar sa’kin ang lugar.


Sabi niya, pupunta daw kami sa isang lugar na matagal na naming hindi pa napuntahan pero sigurado akong hindi pa ako nakapunta don. Kahit sa panaginip ko.


“Hindi mo ba alam kung nasan tayo? hehe. Baka tulog pa iyong diwa mo. Mabuti pa lumabas na tayo.”


Sabi ni Kevin.


Nauna na siyang lumabas ng kotse saka niya ako pinagbuksan ng pinto.


Busy parin ang mga paningin ko sa kakasusi sa paligid namin. Hanggang sa makita ko iyong isang bahay na nasa tapat ko lang.


Siguro kung naging ahas iyon baka tinuklaw na ako.


Bakit hindi ko agad napansin ang bahay na’to? hehehe.


Kinuha ni Kevin iyong mga gamit namin sa likod ng kotse saka kami naglakad papunta don sa bahay.


Ahhh!!!!


“Antagal na nga nating hindi nakapunta ulit dito Kevin.”


Bulalas ko sa sobrang pag ka excited ko. Pinindot ko na iyong doorbell saka kami pinagbuksan ng mag-asawa.


Sina Manang at Manong.


Don din kami nakitira nong minsang na stranded kami ni Kevin dahil sa sobrang lakas ng ulan.


“Maybelline!!! Kevin!!!”


Bulalas ni Manang.


“Manang Josefa... hehehe”


Bulalas ko.


“Pasok na kayo pasok..Kanina ko pa kayo hinihintay..”


Sabi ni Manang.


Si Manong Pat naman tinulungan si Kevin na magdala ng ibang gamit namin.


“Talaga po Manang? Paano niyo po nalaman na pupunta kami dito?”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon