Chapter 14: Two Options

52.5K 661 93
                                    



“Will you marry me muffin?”


Ganito din iyong tanong ni Kevin sa’kin non. Tumangi ako noon sa kanya, at sa tanong niya ulit sa’kin, hindi ko na alam kung anong isasagot ko.


“Kevin... Alam mo naman na mahal kita diba? Iyon ang dahilan kung bakit ayaw kitang itali sa’kin. Hindi naman kasi tayo sigurado kung hanggang kelan lang ako...”


“Hindi ko kailangan ang lahat ng paliwanag mo Maybelline.. I’m just giving you two options.. Is it a yes? or a yes?”


Natuwa ako sa sinabing options ni Kevin. Dahil don hindi ko na kailangan pang malito kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan ng husto kung ano ang tamang sagot ko para sa kanya.


Dahil dalawa lang naman ang pagpipilian ko. It’s between a yes or another yes. Kahit saan sa dalawang iyan ang pipiliin ko, pareho lang naman iyon.

Ngumiti ako kay Kevin saka ko siya sinagot.


“Yes....”


“Yes Muffin! I will marry You!!!”


Bulalas ko.


WOOOOOOOO!!!!!


YEEEEESSSS!!!


*CLAP CLAP CLAP*


WOOOOOOO!!!


CONGRATSSS!!!!


FINALLY!!!!!


Sigaw ng sigaw ang mga kaibigan namin ni Kevin at mga parents nadin namin dahil sa sobrang tuwa nila.


Pero alam ko, mas sobra ang tuwa na naramdaman ni Kevin dahil sa sagot ko. Literal na umabot na ng tenga niya ang ngiti niya sa sobrang lapad.


Bakas sa mukha niya ang sobrang tuwa na naramdaman niya.


Tinanggal ni Kevin ang singsing sa kahon saka niya kinuha ang kamay.


“Thank you Muffin. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon.”


Dahan dahang isinuot ni Kevin ang singsing sa ring finger ko.

“Halata naman sa mukha mo eh.”

Sambit ko kay Kevin.

Pagkatapos niyang isuot sa’kin ang singsing, itinaas ko ang kamay ko para tignan ng maayos ang singsing.

Ang ganda.


Akala ko talaga non na hinding hindi na ako makakasuot ng singsing na galing kay Kevin. Sino naman ang mag-aakala na sa dami dami ng pinagdaanan namin, kami parin pala hanggang sa huli.


Siya parin pala iyong lalaking, makakasama ko sa pagharap sa altar.


*CLAP CLAP CLAP CLAP*


“Congrats!!! Ipakita niyo naman sa’min kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa...”

Sigaw ni Axel.

Tumayo si Kevin mula sa pagkakaluhod niya saka siya humawak sa gilid ng wheelchair ko. Dahan dahan niyang dinikit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa naglapat ang mga labi namin.




------------------


Dalawang linggo na ang lumipas simula nong magpropose sa’kin si Kevin. Lumalaki nadin si Baby sa loob ng tiyan ko pero mabuti nalang at hindi pa siya ganun kalaki para mahalata siya habang suot suot ko ang wedding dress ko.

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon