Chapter 6: Surprise

70.1K 940 160
                                    



“Alam ko Maybelline...Nalaman ko kahapon...”


Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Kevin. Paano niya nalaman ang tungkol sa? Sinabi ba ni Jun?


“Pano mo nalaman ang tungkol sa kodisyon ko? Sinabi ba ni Jun iyon sa’yo?”


Umiling si Kevin saka siya nagkwento.


“Dahil hindi sinabi ng doctor sa’kin kung anong ginawa niyo ni Jun sa ospital. Bumalik ako at hinintay na makalabas ang sekretarya ng doctor. Binayaran ko siya.. Kaya niya sinabi ang lahat sa’kin.”


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nalaman ni Kevin sa iba ang tungkol sa’kin o hindi. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Kevin.


“Hindi ko alam..Hindi ko alam na sobrang hirap pala ng pinagdaraanan mo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nilihim mo sa’kin. Bakit hindi mo sinabi sa’kin? Bakit hinayaan mong harapin ang lahat ng iyon ng mag-isa Maybelline? Bakit hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na malaman ko ang lahat? Lalo na sa magiging baby natin. Kung hindi ba tayo nagkita ulit, hindi ko ba malalaman ang lahat?”


Hindi ko napigilan na umiyak dahil sa mga sinabi ni Kevin. Kung alam lang niya na pinagsisihan ko na ang lahat.


Nagsisisi ako dahil inakala ko na ako lang iyong masasaktan sa ginawa ko. Nagsisisi ako dahil pati rin si Kevin nasaktan dahil sa naging desisyon ko.


“I’m sorry Kevin.. Ginawa ko lang naman iyon dahil mahal kita at ayokong masaktan ka. Pero hindi ko alam na dahil sa ginawa ko, mas lalo kitang nasaktan...”


Hindi ko na natapos ang mga sinabi ko dahil niyakap nalang ako ni Kevin. Dahil sa yakap niya, nakalimutan ko lahat ng sakit at kirot na naramdaman ko.


Nakalimutan ko kahit sandali na may sakit pala ako. Na may cancer pala ako.


Ang nasa isipan ko lang, kasama ko si Kevin at buntis ako. At pagkatapos ng ilang buwan, magiging buo na ang pamilya namin. Magiging masaya kami.


“Shhh.. Kalimutan nalang natin ang lahat ng iyon. Pareho tayong nasaktan at wala sa’tin ang may gusto non..”


Hinawakan ni Kevin ang baba ko, saka niya inangat ang mukha ko para magkatinginan kami.


“Pwedeng kalimutan nalang natin ang lahat ng masamang nangyari? Pwede bang magsimula ulit tayo? Pwede bang bumalik nalang ulit tayo don sa araw na masaya tayo?”


Tanong ni Kevin sa’kin habang tumulo ang luha niya mula sa kanang mata niya.


Halos gabi gabi kong napapanaginipan ang mga nakaraan namin ni Kevin. Ang masasayang araw na magkasama kami. Ang lahat ng simpleng bagay na ginagawa namin, pero nagdudulot ito ng malaking tuwa sa aming mga puso.


Hindi na ako nag-alinlangan pa na tumango sa kanya.


“Hindi pa naman huli ang lahat diba Kevin? Pwede pa naman tayong magsimula ulit. Pwede naman tayong bumalik don sa araw na masaya tayo.”


Tumango lang si Kevin saka niya ako hinalikan sa labi. Sobrang namiss ko siya.. Sobra sobra..



--------------------



“Ikaw ba ang ama ng bata?”


Tanong ng doctor kay Kevin.


“Opo doc.”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Where stories live. Discover now