"Nasa Pampanga lang sila Amiel."

Kasabay ng pagkasamid ko sa iniinom ko ang pagtawa niya. "Nandoon lang sila all along?! Napadpad pa ako sa kung saan saan!" reklamo ko habang tinutulungan akong magpunas ni Jiro.

"Yeah. After all that, you'd expect them to go somewhere far."

Naghanap kami ng mga araw kung saan libre kami pareho para mapuntahan na namin sina Amiel. Kung ako lang ang masusunod ay agaran ko na iyon ginawa pero alam kong hindi ko dapat madaliin. 

Kailangan ko ring ihanda ang sarili ko sa iba't ibang mga posibilidad dahil maraming nangyayari sa loob ng limang taon. Isa pa, sobrang laki ng responsibilidad ko sa trabaho. 

Buong byahe namin papunta sa kung saan nakatira sina Amiel ngayon ay hindi ako mapirmi sa kinauupuan ko. Pawis na pawis ang mga kamay ko at nanginginig ang mga binti ko. 

"Relax." paalala ni Jiro. 

And then we saw them. Sa gitna ng tahimik at magarang village na ito ay naglalaro si Amiel sa tapat ng gate ng isang malaking bahay. Kasama si Tita.

Hindi nila kami napansin na paparating dahil hindi nila nakikilala ang bagong sasakyan ni Jiro. 

"Oh my, Jiro. Jiro, it's them!"

Ngumiti si Jiro sa akin. "We found them."

Ang laki na ni Amiel. Kamukhang kamukha na niya ang tatay at kuya niya. Nagkaiba lang sa mata dahil iba ang kay Jiro. Si Tita ay parang hindi man lang tumanda.

God, I miss them so much.

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at sabay silang napatingin sa banda namin dahil sa marahas kong pagbagsak ng pinto. "Treya," gulat na sambit ni Tita. 

Nabitawan ni Amiel ang bola na hawak niya. Big boy na... 

I spread my arms wide open. Hinihintay ko na tulad ng dati ay tumakbo siya papalapit sa akin. Na yayakapin niya na ako pagkatapos ng ilang taong hindi namin iyon nagawa. 

Pero tumakbo siya palapit kay Tita at nagtago sa likuran nito. Tulad noong huli naming pagkikita.

"Come on, baby... It's Ate Trey." sabi ko, nagpipilit ng ngiti. Tiningnan niya ako gamit ang mga matang walang pagtitiwala. Hindi niya na ako kilala, at parang binibiyak ang puso ko nang paulit-ulit.

Nakatingin sa amin si Tita Ameliora na parang kaawa-awa ako. "Who is she, mama?"

"S-she's your ate, Amiel. Don't you remember?" nauutal si Tita at hindi rin alam ang sasabihin. Umiling si Amiel. No way. 

Hindi pwedeng hindi niya na ako kilala. I was his whole world when he was younger...

Kumurap-kurap ako para pigilan ang mga luha ko sa mata. Kailan ba sila mauubos? Nakakasawa na. Hindi naman ako madaling maiyak pero pagdating sa pamilya ko ay parang isang kalabit lang ay magbubukas na ang gripo.

"This is your Kuya Jiro," pagpapakilala ko sa kaniya nang bumaba na si Jiro at binuksan ang trunk ng sasakyan kung nasaan ang lahat ng pasalubong na dala namin.

"Kuya!" sigaw ni Amiel at tumakbo para yakapin si Jiro. Natigilan kaming lahat at tumingin kami kay Tita, puno ang pagtataka. Why Jiro? 

"Pinapaalala ka ni Dad niyo sa kaniya palagi... Kaya ayan,"

Matangkad na si Amiel kaya nang buhatin siya ni Jiro ay parang sobrang laki niyang baby. Nakakapit siya sa leeg nito at ipinatong ang baba sa balikat ni Ji. Old habits die hard.

"Do you really not know your Ate Treya?" tanong ni Jiro sa kapatid. 

Lumapit si Tita sa akin at hinaplos ang likuran ko. Sobrang rahan ng paraan ng paghagod niya rito't tila puno ng pag-aalaga. Isang bagay na ikinagulat ko. 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now