Chapter 1: Where Are We?

Comenzar desde el principio
                                    

"Nandito kayo ngayon sa W. Ang nakatagong unibersidad ng may mga special powers na tulad ni Erin."

I widened my eyes.

No way?! Totoo ba itong naririnig ko? As in, ulterior university for my kind? So, does it mean na walang destroyer na makakahanap sa amin dito?

Am I really in a safe place now?

"A-ano? Totoo ba ang lahat ng ito?" Hindi makapaniwalang tanong ng kasama ko. Of course he's surprised and shock samantalang ako ay pinagmamasdan ko lang ang aking paligid, hindi ko pinapakita ang sobrang pagka-shock ko. Sa totoo lang excited ako na malaman na mayroon palang University sa mga katulad ko.

Bakit hindi ko man lang ito nalaman noon?

Siguro sa sobrang higpit ng security nila ay hindi talaga lumabas ang impormasyon tungkol sa lugar na ito.

Napakaganda talaga dito, pakiramdam ko napunta ako sa isang sci-fi movie o kaya naman main station ng mga alien sa sobrang advance ng technologies nila dito.

Sobrang liwanag ng paligid at lahat ng nandito ay puti. Madami ding mga kakaibang technologies sa paligid tapos yung mga computer ay masyadong malalaki.

"Alam kong naguguluhan ka pa dahil hindi ka namin kauri pero, hindi ka namin maibabalik sa mundo mo agad agad hanggang hindi pa namin nasi-secure a kaligtasan mo." Sabi ng bata na sa dinig ko ay Tim ang pangalan.

"Erin, ano bang nangyayari?" Bulong na tanong sa akin ni Owen. Pagalit siyang tumayo pero nahilo na naman siya kaya napaupo na naman siya sa tabi ko habang hawak niya ang kanyang ulo.

"Mas mabuti pang h'wag ka munang gumalaw, dahil sa biglaang paghigop sa inyo ng portal ay naapektuhan ang katawan ninyo." Pagpapaliwanag ni Tim. Pakiramdam ko naman na may mabuti silang intensyon at hindi talaga sila kalaban. Hindi ko nakikitang nagsisinungalin siya dahil sa kalmado niyang postura.

"Maraming salamat sa pagliligtas sa amin." I said in a husky tone kasi medyo nag-a-adjust parin ako sa aking boses. Pakiramdam ko kulang pa ang tubig na ininum ko kanina.

"Hmm. Tungkulin namin na sagipin ang mga katulad natin Erin. Ang mga destroyer ay mas nagiging active pa sa pag hunting sa paglipas ng panahon at, marami na rin silang napapatay."

Nakatahimik nalang si Owen sa tabi ko habang kausap ko si Tim. "Kung ganun, matagal niyo na ba akong minamanmanan?" Tanong ko earning a nod from him.

"Oo pero, palagi kang lumilipat ng lugar. Nahihirapan kaming bumuo ng isang portal at kailangan ng panahon upang magawa yun. Sa tuwing natutuntun ka namin ay nahahanap ka din naman ng mga destroyer. Mabuti nalang at nagawa naming iligtas ka kahit na alam kong kaya mo naman ipagtanggol ang sarili mo.  Masasabi ko rin na, mas nagiging advance na ang technology ng mga destroyer kumpara sa atin." Tama siya. Habang tumatagal mas nakakatakot na ang mga destroyer.

"Ang sabi mo, isa itong tago na unibersidad. Kung ganun, marami ba tayo dito?" Tanong ako at agad na naman siyang ngumiti sa akin.

Tumalikod siya upang iutos sa mga nag-o-operate na ipakita sa naglalakihang monitor ang mga nangyayari sa labas.

I'm shock nang tumambad sa amin ang mga video ng mga superhuman na katulad ko. Ang iba ay nasa training room, ang iba ay nasa library, mayroon din sa field upang maglaro at mayroon din sa pag-ga-garden. Ang lugar na ito ay parang paraiso sa mga katulad ko. Marami pang ipinakita na lugar kung nasaan ang iba pang mga estudyante at ngayon lang ako nabuhayan ng ganito.

I can't believe na meron palang lugar na katulad nito. Akala ko wala ng safe place pero, nandito na ako ngayon, kasama sila. Upang palakasin pa ang mga kakayahan namin.

"Sabihin niyo, nanag-inip ba ako?" Nagsalita na naman si Owen habang manghang-mangha naman siya sa nakikita sa monitor.

"Owen, totoo ang lahat ng ito." I said, holding his right hand to assure him. "Ipapaliwanag ko sayo lahat."

"Mabuti pa na ihatid na muna kayo sa sarili ninyong mga kwarto upang makapagpahinga at--makapag-usap in private." Sabi ni Tim at nagpasalamat naman ako sa kanya.

Sinamahan kami ng dalawa niyang kasamahan pero napagpasyahan kong sa kwarto na muna ako ni Owen magtitigil. Inabutan nila kami ng mga damit na masusuot namin pagkatapos ay umalis na din nang maituro sa amin ang kanya-kanya naming kwarto.

Bumulusok si Owen sa kama na para bang pagod na pagod at hindi man lang nagsalita. Umupo ako sa isang single couch at masasabi ko na maganda at malawak ang kwarto.

"I'm sorry." I started pero hindi man lang siya gumalaw at nanatiling nakahiga.

"I'm sorry kasi hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa akin and I'm sorry kasi, nadamay ka pa sa mga nangyayari sa akin. I'm sorry kung naranasan mong habulin ng mga destroyer and I'm sorry kung napunta ka dito ng hindi mo naman gusto. I'm so sorry Owen. I promise ibabalik kita." Sabi ko ng malumanay praying na hindi siya magagalit sa akin.

"Erin." Tawag niya ng mahina kaya naman itinuon ko ang buo kong atensyon sa sasabihin niya.

"Nang habulin tayo ng mga goons kanina, gusto ko lang na mailayo ka sa kapahamakan." Medyo napatawa ako dahil tinawag niyang goons ung mga destroyer. "At, hindi ako takot kung nasaan man ako o kung may kakaiba mang nangyayari sa paligid ko, ang gusto ko lang naman, malaman kung safe ka talaga dito." Sobra akong na-touch sa sinabi niya at alam ko namang sincere siya. "Don't be sorry Erin. I chose to run with you earlier. And I want to stay here to keep you safe kahit na, ito ang safe place mo."

I'm so relieved dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman iiyak ako dahil sa galit niya pero heto siya, saying those sweet words to me despite of his weird situation. I'm thankful na naiintindihan niya ang kalagayan ko ngayon kahit na hindi kapani-paniwala ang lahat.

"Kung ganun, hindi ka galit or, natatakot sa amin?"

"Bakit naman ako matatakot? Ang cool nga eh. Knowing about this place is like my dream. Sa totoo lang, dapat sobra na akong nagpa-panic but I don't want to lose control in front of you. You know it's not cool if I did that." Natatawa niyang pagkasabi pagkatapos ay nagkatitigan kami sa mata, nagkaroon ng katahimikan at para bang gusto ko nalang lumapit at halikan siya.

Yes, I like him kahit na hindi pa gaano katagal na magkakilala kami. Yes, mabait siya pero hindi ko alam kung gusto niya rin ba ako. Kung ang mga ipinapakita niya bang sweetness ay dahil may pagtingin siya sa akin.

"Erin, I like you." Nakatulala lang ako at para bang nabasa niya ang naiisip ko. Wait. Sinabi niya bang gusto niya ako?

"H-huh?"

"Ang sabi ko, gusto kita Erin. Simula palang ng una kitang makita sa lugar namin. I've been holding myself to confess pero ngayon na hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa akin dito, gusto ko lang na malaman mo na totoong gusto kita."

A big smile crept on my face at automatic na gumalaw ang katawan ko upang yakapin siya ng mahigpit. Sa sobrang saya ko ay nahalikan ko pa siya! Oh my gosh!

Bigla akong natigilan habang hawak-hawak ko ang mukha niya pero agad din naman siyang ngumiti at gumanti ng halik sa akin.

Oh my gosh talaga! Sobrang swerte ko naman ngayon! Nahanap ko na ang safe place ko tapos gusto din pala ako ng crush ko!

Kanina lang hinahabol kami ng mga destroyer tapos ngayon naghahalikan na kami!



Unknown University Donde viven las historias. Descúbrelo ahora