We reminisced some of our memories at the restaurant. Tila nakalimutan ko ang panandaliang lungkot na naramdaman dahil sa naging oras kay Papa.

Sa kalagitnaan niyon ay nakatanggap ako ng text kay Jacob na naroon na raw ito sa beach kasama ang kanyang barkada. Sayang nga lang dahil ngayon pala ang kanilang lakad na iyon kaya hindi na nakita pa si Papa ngayon.

"Still friends with that Valdemora guy? Tagal niyo nang friends, ah?" sita sa akin ni Papa habang naroon ang mapanuring tingin. Kilala naman na niya si Jacob at sadyang nabibilib lang sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Jacob.

"Oo naman po. We can still be friends in our lifetime. Kahit nga tumanda kami, siguro mananatiling magkaibigan pa din. Walang kaso iyon."

"Hmm. Then what about Alonzo? Bakit hindi mo siya kasama?" sandali akong natigilan. Parang biglang umurong ang laway ko nang sandaling tanungin niya ako tungkol doon.

I cleared my throat once again. Tila naging tuyo ang lalamunan ko kaagad. Para akong napipi ng biglaan dahil sa hindi ko alam kung anong dapat na salita ang sasabihin ko ba.

Can I say that we're okay though we're not? Pwede ko rin bang sabihin na maayos lang din ako kahit na hindi naman? Our relationship is not in good terms. Alangan namang ipaalam ko pa iyon kay Papa?

Mas lalo lang akong mapanghihinaan ng loob kapag nag-open up ako sa kanya. Baka maiiyak na naman ako at mauuwi sa pagsumbong sa kanya kahit na ayoko naman.

I mean, hindi naman totally papalubog ang kung anumang meron sa amin ni Alonzo. It's just that I feel like we're both drowning and no one's saving us, even ourselves.

Minsan nga ay napapatanong na ako kung kaya ko bang sagipin kahit na mag-isa lang ako? Na kahit mag-isa lang ako ang hahatak pataas ng relasyon namin? Ilang linggo naman na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Maski text ay hindi ko rin magawa kasi baka hindi rin naman niya mapansin.

"We're doing good naman po. Busy lang po siya sa pag-aaral." Lagi naman. Iyon ang nagiging dahilan ko parati tuwing may magtatanong tungkol sa kanya. Nakakarindi na ring sabihin pero wala, eh. Iyon ang dahilan na laging kinakapitan ko.

Iniwas ko ang naging topic pagkatapos niyon. I don't want to talk about it now. Gusto ko munang sanayin ang sariling hindi binabanggit ang kanyang pangalan. And I don't want to hear his name even just for a day.

Kung sinasanay niya ako na ganito, edi sasanayin ko rin ang sarili. Mas kakayanin ko naman. Hindi naman ako iyong palaging umaasa sa presensya niya.

After my dad's treat for me, he insisted to drop me to our house but I have my car. Gusto ko man na makapunta siya sa bahay, ayaw naman niya. Ang sabi, susunod na lang daw kasi may gagawin pa siya.

Sa huli, mag-isa akong nakauwi at pagdating sa bahay ay wala pa si Mama. Hindi pa man ako nakakapagbihis ay kaagad na tumunog ang phone ko.

Jacob chatted me. May naisend itong dalawang picture at pagkabukas ko pa lang ay iyong magandang shots na ang bumungad sa akin. He's wearing his floral shirt together with his khaki shorts. Siya ay nakangiti sa unang photo habang sa pangalawa naman ay naka wacky.

From: Jacob

Saan mas maganda?

To: Jacob

Iyong una. Mukha kang gwapo dun.

From: Jacob

Talaga? Sige...

To: Jacob

Anong sige? Lutang ka na ba?

Ilang sandali pa bago siya makareply sa akin.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now