Chapter 2

205 4 0
                                    

When going to school, Alonzo's always doing his best to fetch me. Kahit na may kalayuan masyado ang kanyang university na pinapasukan sa akin, nagagawa niya akong ihatid kahit medyo hassle sa kanya.

Today, after my breakfast, he fetched me. Aside from being the son of the famous doctor who owns a hospital in the country, he also owns a car.

Pinaghirapan niya at hindi inasa sa magulang. I know that being the son of someone who's famous can gain you some privilege.

Pero hindi niya ginagamit iyon at mas piniling maging isang parang normal na tao lang.

"No important agendas today?" tanong ko sa kanya. Pansin ko kasing medyo nagiging maayos na ang kanyang mukha.

Maaliwalas na at walang bahid ng kahit anong puyat. I guess, he really cares for his health.

"Nothing. Vacant kasi isang subject namin kaya good mood ako."

"Oh? Then that means, you have free time with me, then," kapag sinusundo naman niya kasi ako, umaabot ng kalahating oras ang takbo ng sasakyan. Ngayon ay medyo mabagal, sinusulit ang oras sa akin.

"Yup. Can I borrow you for a moment? Hindi naman siguro makaaapekto sa subjects mo," tumango ako.

I suggested some places but he chose to be with me inside his car. Napapayag naman ako sa ganoong set-up lalo pa't kagagaling lang namin sa dinner kagabi.

We agreed to buy some food. It's a drive thru.

Alam naman niya kasing kaunti lang ang kinakain ko sa umaga kaya heto ang kanyang nagiging paraan. He buys me some food which I am accepting.

Hindi naman ako maarte sa kanyang ibinibigay. As long as I am with him, I can like it.

We only stopped to a place. Umaga pa lang naman at dahil pareho kaming libre ang oras, nagawa niya akong dalhin sa isang farm.

Well, not literally inside the farm. Tanging sa labas lang kung saan kitang-kita namin ang mga hayop na nasa loob.

Naupo kami sa likuran. Dahil pick-up naman, malaya naming nailagay iyong mga pagkain.

I am wearing my uniform, same with him also. Tanaw na tanaw namin ang malawak na lupain na napupuno ng mga punong tingin ko'y mga prutas.

"I use to stay here everytime I want to review alone. Hindi maingay at bukod sa mga hayop na nakapaligid, maaliwalas," we began eating. Tama nga siya. Maaliwalas naman dito at talagang nakakaginhawa sa pakiramdam.

Hindi ako nakakasama tuwing review niya dahil mas nakakapag-concentrate siya kapag mag-isa. We both have the same likes.

Ganoon din naman ako kaya hindi rin siya nakakasama tuwing reviews ko.

"Hmm. We can go inside if you want."

"Nah. Alam mong takot ako sa baka," he chuckled and then looked at me.

Palihim akong napangisi.

Bukod kasi sa ibang hayop, may mga baka ring narito. And I know that he's scared to cows! Ni minsan ay hindi ko kasi nakita siyang nagkakainteres sa baka tapos dito rin pala siya nagre-review?

"You can try overcoming that fear. Malay mo, baka magkaroon ka ng alaga minsan," I laughed at my own thought. Tumawa lang ito.

"That won't happen. Takot na talaga ako dyan."

"Know what? You have me when you needed someone to hold. Ako na ang tumutulak sa'yo para i-overcome 'yan kaya wala kang dapat ikatakot," I sincerely said. He sighed and then shook his head again.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now