Chapter 6: Mysterious?

149 8 1
                                    

Julie's P.O.V.

"Sige, susundan ko lang si Timothy, pinapasunod niya kasi ako e." Sabi ko at lumabas ng room.

Hindi naman talaga ako pinapasunod ni Timothy e, hindi ko rin alam kung nasaan yun. Pagkalabas ko napunta ako sa may park ng University, may narinig akong kanta. Sinundan ko yung sound, ang lungkot grabe, nagulat ako nang may nakita akong lalaking nakahiga sa may bench. Di ko siya kilala at lalong hindi ko pa siya nakita dati, Sino kaya to? Nilapitan ko siya, nakapatong sa dibdib niya yung cellphone, dun galing yung kanta. Ang Gwapo naman nito, maputi, makinis ang bawat detalye ng muhka at perpekto. Tulog kaya siya? Napaisip ako, tsaka anong ginagawa niya dito? Na-curious tuloy ako. Nakatabi yung black coat niya sa kanya, parte ng uniform ng mga boys. Halata sa katawan niya na naggi-gym siya. Naiintriga tuloy ako, Gusto kong malaman kung sino siya.

"Psst!..." Sinubukan ko siyang gisingin kaso ayaw. Walang epekto. Tinapik ko yung mga braso niya. Saka dumilat yung isa niyang mata. Nabigla ako yung mata niya kasi, Color brown. Nakita kong sumimangot siya at hinawakan niya yung Cellphone niya at umupo.

"What's your problem?" Sabi niya, ay English speaking?

"S-Sorry I didn't mean to wake you up." Palusot ko, nyung umupo siya mas lalo kong nakita yung Mukha niya. Grabe! Ang Gwapo talaga!Ngayon ko lang siya nakita dito, Transferee kaya siya? Teka, may hawig siya kay Timothy. O baka hindi dahil sa laging pag-iisip ko kay Timothy lahat naging kamukha niya sa paningin ko.

"You can go back to sleep." Dagdag ko.

"Don't you think it's a little too late for that." He sarcastically answered. Tumayo siya, at ang tangkad pala niya tapos ang bango pa.

"Do you have a name?" Tanong niya.

"Uhm... Julie" Sagot ko.

"Jath." Sabi niya tapos inabot yung kamay sa akin, tinignan ko lang.

"You're supposed to shake it." Dagdag niya.

"Oo" Inabot ko din yung kamay ko, at nag-shake hands kami.Ngayon ko lang siya nakita pero natataranta ako.

"Nagtatagalog ka ba?" Tanong ko.

"Oo naman, Anyway, I have to go. Bye" Sabay takbo niya.

Jath pala pangalan niya, di ko man natanong yung apelido niya. Teka! Naiwan niya yung Phone niya. May nakita akong papalapit na lalaki sa akin, Si Vander.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Vander.

"Ah. Hinahanap kita e." Palusot ko.

"Halika na, Balik na tayo sa room." Sabi niya.

"Cge." Sabi ko.

Vander's P.O.V.

Habang pabalik kami sa room biglang nag-vibrate yung phone ko.

*Julie, Don't forget to invite your friends mamaya para sa party niyo ni Vander.* Yan yung nabasa ko. Teka ndi ko naman Phone to ah, Kay Julie to. Kaya inabot sa kanya.

"Si Mama talaga!" Sabi niya.

"O, Isama mo daw ako ha?" Sabi ko sabay kindat sa kanya.

Kaya yun binatukan ako ni Julie. Sira talaga to. Kaya hinawakan ko yung kamay niya, at pumasok sa Room.

Pagkapasok namin may nagi-introduce sa harap.

"Hi, I'm Jathniel Hell Shin-Woo, Nice to Meet you." Sabi niya.

Bigla naming lumapit si Julie sa kanya at may ibinigay, Cellphone. Kaya hinila ko siya at kinausap sa labas. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking yun dito?!

"Bat mo ginawa yun?" Sabi niya.

"Ah. Eh. Kasi... Kilala mo ba siya?" Palusot ko.

"Oo, bakit?" tanong niya ulit.

"Ah.eh. wala." Sabi ko.

"Ah, alam ko na, Selos ka noh?" Sabi niya.

"Hindi noh! Asa!" Sabi ko.

"Anong Hindi? Bat namumula ka?" Tanong niya.

Dahil dun nagawa kong iwan siya. Ano bang balak niya dito?! Nandito ba siya para sirain nanaman ang pagkatao ko?! Para sa mga nagtataka kung sino yung tinutukoy ko, Si Jathniel Hell Shin-Woo, wala ng iba. OO, Si Hell, ang mapagpanggap kong kapatid! Anak siya sa labas ni Dad.

Hell's P.O.V.

"Hi!" Sabi ko kay Julie.

"Hi!" sagot niya sabay ngiti.

"Pwede ba akong maki-sabay sa inyo kumain mamaya?" tanong ko sa kanya.

"Ah. Oo! Ikaw pa! Ipapakilala kita sa kanila mamaya ha?" Sagot niya.

"Sige! Ayos!" Dagdag ko.

Bigla namang sumingit si Vander...

"Pare! Wag mong agawin Girlfriend ko ha!" Sabi niya.

So sila ni Julie. Ah. Okay, mas magiging Exciting to ah. Tama kayo ng hinala, aagawin ko si Julie sa kanya.

"Wag kang pakasiguro! Lalo na ngayon Best Friend ko na siya, diba Julie?" Paliwanag ko.

"Ah, Oo.!" Sagot naman ni Julie.

"Tiffany. Tara na." Sabi ni Vander.

"Ah. Cge." Sagot ni Julie.

Atpagkatapos nun. Umalis si Vander at Julie. Ang sweet naman nila. Balang araw,magiging akin ka din Julie, Just wait.    

What A Journey It Has BeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon