Chapter 5: Taken??

144 7 2
                                    

Julie's P.O.V.

Tuesday. Nandito ako ngayon sa Hallway. Hinihingal, at pawis na pawis, paano si Timothy, gusto niyang sabay kaming maglakad papuntang room. Ayaw ko nga, anong magagawa niya. Habang naglalakad, napansin kong malapit na ako sa room namin, tapos nakita ko si Tasha at Rain, nasa labas ng room.

"Julie, parang ang tagal mo naman!" Sabi ni Tasha.

"Oo nga, alam mo bang kanina ka pa namin hinihintay." Dagdag ni Rain.

"Bakit, nagpapahintay ba ako sa inyo?" Mataray kong sagot.

"Hinintay ka namin para malaman kung okay ka na." Paliwanag ni Rain.

"Ang aga-aga ang init ng ulo mo! Concern lang naman kami sayo e." Sagot ni Tasha.

"Sorry, Paano si Timothy kasi e." Paliwanag ko.

"Sino yun? Suitor mo?" Sabay nilang tanong.

"Si Vander yun." Sabi ko.

"Napano?" Tanong ni Rain.

"Tungkol sa amin ni Vander." Sabi ko.

"Bakit may something ba kayo?" Tanong ni Dianne. Agad namang sumusulpot tong babaeng to. Dianne Kathryn Padilla, BestFriend ko din to, Kahit di ko masyadong nakakausap laging nandiyan para sa akin. Ahaha.

"Si Vander, Ka—"Bago ko pa matapos yung sasabihin ko. Umepal na sila. :3

"Kayo na??" Sabay-Sabay nilang sabi.

"H-hindi, N-nagkakamali k-kayo." Sabi ko ng nauutal pa.

"Wag mo nang ang i-deny pa! Sige ka matu-turn-off sayo si Vander niyan" Sabi ni Kath.

"Tumigil ka na nga." Sabi ko kay Kath.

"Asus! Sabi na nga ba, may gusto ko nga sa kanya e." Pang-asar ni Rain.

"Ha?!" Tanong ko.

"Don't Worry! Hindi namin ipagkakalat yun." Sabi ni Tasha na may pasiko-siko pa sa akin.

"Wala nga sabi akong gusto sa kanya e." sabi ko sa kanila.

"Wag ka nang mag-deny pa. Alam na nila." Sabi ni Timothy.

Takte! Epal talaga tong lalaking to.

"Basta, wag niyo kaming inisin pareho ha? May pagka-shy type kasi kaming pareho." Sabi ni Timothy at inakbayan ako.

Dahil dun bigla ko siyang hinila palayo kina Kath, Tasha at Rain.

"Sira ka ba? Bat mo sinabi yun??" Tanong ko kay Timothy.

"Hayaan mo na lang! Baka gusto mong totohanin natin? Ano?" Pang-asar niya.

"Nakakainis ka talaga! Bwiset!" Sabi ko sa kanya.

"Maki-ride ka na lang, okay? Maganda nga yun e. Para lalo kanilang inisin." Sabi niya.

Hinila niya ako pabalik kina Kath ng naka -akbay pa sa akin. Ang sarap niyang sampalin! Kainis! Ngayon nasa loob na kami ng room, tapos biglang may "Ayiee! Factor" sila.

Si Hans naman parang sira! Ewan ko, paano ba naman kasi kung ano-anong ginagawang Sound effects sa bibig niya habang patuloy pa rin ang "Ayiee! Factor" nakalunok ata si Hans ng kung ano-ano! Pagka-upo namin ni Timothy, dumating si PS(Principal Sylvester!).

"Class!! Bakit ang iingay ninyo! Alam niyo bang hanggang labas ng room niyo naririnig kayo! Bakit ba kayo nagsisigawan?" Tanong ni PS.

"PS, sina Juliet and Vander kasi, sila na po! Diba po bawal ang relationship dito sa campus?" Sabi ni Bella. Inggit ka lang! Bahala ka nga! Paano na'to?

What A Journey It Has BeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon