Chapter 1: First Meet

268 10 8
                                    

Julie's P.O.V.

"Julie, matulog na kayo!" Sigaw ni Yaya habang naglilinis ng kwarto.

Uhm! Hi! My name is Juliet Tiffany Park, half Korean and half Filipina, you can call me "Julie".Sabi nila... Matalino ako, na kaya kong sagutin lahat ng Math Problems na ibinibigay sa akin, Friendly ako, na kaya ko daw makakuha ng kaibigan ng ganun lang kadali, Mayaman ako, na kaya kong bilhin ang lahat, Talanted ako, na napakagaling ko daw sa lahat ng mga bagay. At syempre Maganda ako, na kaya kong pahulugin ang sino mang lalaki. Just for short, Nasa akin na daw ang lahat... Pero para sa akin, hindi ako yung kung ano mang iniisip nila. Hindi ko kayang lagpasan yung mga problema na ako lang mag-isa, May mga tao na hindi ko mapahanga sa sarili ko, May mga bagay na hindi ko makuha, May mga bagay na hindi ko kaya at mga kinatatakutan ko, Hindi ako perpekto... pero may pamilya at kaibigan ako na laging sumusuporta para sa akin. Isang matalinong High School student na qualified sa isang High Class na University, sa CMRICTU. Unfortunately, brokenhearted but I wouldn't spend all my life crying just for the boy who left me, Just to make sense... Hindi ako TANGA!

"Opo, Yaya!" Sagot ni Josh.

Pinatay na ni Josh yung T.V. habang ako pumasok na sa kwarto ko. At natulog...

Meet my twin! JoshuaRomeo Park, "Josh" ang tawag sa kanya, dalawa lang kaming magkapatid. Our Parents, Justin Tyler and Jamilah Rylie Park, they are working around the world. Actually, Rich Kid kami ni Josh kung tutuusin at dahil dun konti lang yung time ni Mom & Dad sa amin puro kasi sila Business but that's for our own good!

At biglang nagring yung Alarm Clock ko...
"Kring! Kring! Kring!"

Bumaba na ako para kumain ng Breakfast pero bago yun naligo at nagbihis muna ako ng mabilis dahil ayaw kong masira yung record ko sa University lalo na first day of 4th year High School ngayon, kailangan mas responsible na ako.

"Good Morning!"Bati ko kay Josh.

Umupo na ako sa pwesto ko...

"Josh, sabay tayong pumasok ha??" Sabi ko.

"Ayoko." Sagot niya tapos sumubo ng pagkain.

"Please..." Sabi tapos ng puppy eyes sa kanya, hindi niya kasi matanggihan yung pagpapacute ko.

"Fine! Bilisan mong kumain male-late nanaman tayo niyan e." Sabi niya.

"Late? Wow! Ganun ba kalayo yung bahay natin para magbiyahe ng 1 hour and 30 minutes? Josh, 5:30 am palang oh, 7:00 am yung pasok natin. " Paliwanag ko sa kanya.

"Tch. Stop explaining and please stop using my weakness again." Cool niyang sagot.

Sabi na e. Wala siyang binatbat sa puppy eyes ko... ahaha.

At pagkatapos naming kumain lumabas na kami. Sumakay agad ako sa car para sure na hindi niya ako iiwan. After 15 minutes, nakarating na kami sa school.

"Cge, Mauna na ako Tiffany... iwan na kita dito ah... Hinihintay na ako ng mga tropa ko!" Sabi ni Josh.

Ganito kami ni Josh sa school hindi kami madalas na magkasama. Kung nagtataka kayo kung bakit Tiffany tawag niya sa akin? Well, gusto kasi niya special siya... siya lang daw may karapatang tawagin akong ganun.

"Cge, basta sunduin mo ako sa room namin mamaya ah?"Sagot ko.

"Cge!" Sabay takbo ni Josh.

Tumakbo narin ako papunta sa room ko, hindi ko na kailangan magpunta sa Bulletin Board para tignan yung section ko, dahil ang Family namin ay may 70% sa shares dito sa school, Si Mom din ang president ng school. Kaya pag may ginawa kaming hindi dapat agad makakarating kay Mom.

What A Journey It Has BeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon