Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin, hinahaplos ng hinlalaki niya ang pisngi kong basang basa ng luha. "Can I kiss you?"

"Kailan ba ako tumanggi?" natatawa kong sabi pero hindi siya nagpaligoy-ligoy at kinuha ang oportunidad na iyon para halikan ako. Agad kong ipinikit ang mga mata ko at hinalikan ang mga labi na kay tagal kong hinanap-hanap. 

"I missed you. So much..." sabi niya sa pagitan ng paghahalikan namin. Nararamdaman ko rin ang mga luha niyang walang tigil sa pag-agos. Kahit may pananabik ay marahan ang paraan ng pagdampi ng labi niya sa akin.

Sobrang maalaga.

I rested my hands on his nape. "I missed you so much, Jiro."

"I know." Humiwalay siya at may kinuha mula sa bulsa ng coat niya. Ang libro ko na pinirmahan ko noong booksigning. "I didn't want to assume, pero parang para sa akin lahat."

"Sa'yo nga." 

Binalot niya ako sa mainit niyang yakap. Kanlungan...

"That's enough proving that we can stand on our own, huh? I am not saying goodbye to you again. Trey, I barely survived without you..."

Ngumiti ako sa kaniya, pero hindi ko na kailangang pilitin ang ngiti ko. Dati ay napapagod akong magkunwari pero sobrang natural dumating ng ngiti na ito. "I love you, Ji."

"Mas mahal kita. You have no idea, Trey. I swear to God," 

Tumingkad ako para halikan siya nang mabilis sa labi. "Oo na."

Biglang may tumugtog mula sa kung nasaan ang mga kaibigan namin, mukhang may nagaganap na sayawan doon. Kinuha ni Jiro ang kamay ko at ipinatong sa balikat niya. 

Ang isang kamay niya ay hinawakan ako sa baywang habang ang isa ay hawak ang isa ko pang kamay. Si Ashriel at Nyx ang kumakanta. Walang ibang maririnig kung hindi ang musikang ginagawa nila at ang mahinang pagdaan ng hangin. 

Sa ilalim ng kalangitan kung saan nag-aagawan ang kulay kahel at dilaw, sumayaw kami. 

Ang mga braso niyang nasa akin, ang hininga niyang tumatama sa balat ko, ang pagmamahal niya, nawala sa akin dati... pero nandito na ulit.

Kasama ko na ulit siya. Ang pakiramdam na nasa mga bisig niya ay hindi nagbago, ganoon pa rin tulad ng mga sa alaala ko lang. 

"O irog, dinig mo ba ang pagtibok ng aking puso?" pabulong na sinabahan ni Jiro ang kanta. 

Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya, at tila nagsabay ang tibok ng puso naming dalawa.

"At kahit mawala ka pa, hinding hindi mawawala... ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo." nababasag ang boses niya sa pagkanta pero hindi siya tumigil. 

Nag-iba ang puwesto namin at ngayon ay magkayakap na lang kaming dalawa habang ang mga humahakbang naming paa na lang ang sumasabay sa musika. 

"Ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo," sabay naming bulong nang magkatinginan. 

"O irog dinig mo ba, ang pagtibok ng ating puso?" 

Hanggang sa huli, Jiro, ikaw ang ititibok ng puso ko. 

"Where have you two been?" tanong ni Kaius na may malisyosong tingin sa aming dalawa pagbalik namin doon. Nag-iba ang set up sa garden, mga upuan na nakapaikot na lang sa bonfire ito. Parang paborito nilang magkakaibigan ang ganito. 

Nagtinginan silang lahat sa direksyon namin at nanlaki ang mga mata sa magkahawak naming kamay.

Si Ashriel ang unang nagreact, tumatawa. "I knew you'd do it eventually, but I didn't expect that it would be this soon." 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now