I guess everything paid off. 

"Noong nalaman ko ang buo mong pangalan at nickname lang pala ang Nikolai, nagkaroon ako ng trust issues." tumatawa kong sabi. Noong naghahanap ako ng arkitekto para sa bahay namin ay nakita ko na ang apelyido niya pero hindi ko akalaing siya nga iyon dahil iba ang pangalan!

"Yeah, I get that a lot. I forget my own name sometimes. I don't even respond to it." pag sang-ayon naman nito.

"Bakit niyo pa nga pala ako sinundo? I could have made it there on my own." 

Nagkibit-balikat siya, "Ashriel's dead if he let you go there alone."

Nagkunwari akong hindi ko naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, bakit naman? Wala naman nang koneksyon sa akin ang matalik na kaibigan ni Ashriel. Hindi ko nga lang alam ang gagawin ko kung nandoon siya.

"Hindi na yata siya tinatawag na Seth?" paglilihis ko sa direksyon ng usapan.

"Fans used to call him Seth, you know, to feel special, different from others. Makes no sense now that he's getting married. To his high school sweetheart at that,"

Balita ko rin ay hindi na tumutugtog si Ashriel. Sa kanilang lahat sa banda ay alam kong siya ang pinakagusto ang musika. Wala nga lang ako sa pwesto para alamin pa ang dahilan kung bakit. 

"Does he still play?" tanong ko. 

Si Jiro ang tinutukoy ko pero hindi iyon nakuha ni Nikolai, "Yeah. Only for Nyx."

Tumango na lang ako. Come to think of it, hindi ko alam kung bakit tumutugtog si Jiro. Kung ano ang dahilan niya. Sa tagal naming magkasama ay hindi ko man lang nakuhang tanungin iyon. 

Simula naman noong nagkolehiyo ay hindi na siya masyadong aktibo sa pagbabanda, pero magaling siya roon. Magaling siya sa lahat ng instrumento. 

But the drums, they were made for him.

Pumikit na si Nikolai at nirecline ang inuupuan niya, mukhang matutulog na. There he is. Alam ko rin ang patakaran na kapag ganito na siya ay huwag nang iistorbohin. 

Dahil sa katahimikan at hindi rin naman nagsasalita ang driver ay natulog na lang rin ako. 

Gumising ako nang nasa venue na kami. Sa tingin ko'y family house ito ng mga Zuniga. 

Namamangha kong inilibot ang mata ko sa hardin na puno ng iba't ibang mga bulaklak. Pati ang bulkan na kita mula rito sa cliff na tinatayuan ng kabuoan ng mansion. 

"Astraea! Lai!" tawag sa amin ni Nyx na saktong bumababa sa malaking staircase sa tapat ng malaking bahay. May kasama siya na bata, or teenager, na hawig ni Ashriel. Nakasuot sila pareho ng coordinated outfit, flowy dresses.

"Ang laki na ng anak nila?" bulong ko kay Nikolai.

"That's Ashriel's sister."

Ay. 

"Say hi to them, Shantel. This is Ate Astraea. You know Kuya Nikolai."

"Hello! Welcome to our home! I am Ashantelle!" bati sa amin nito. Girl version ng kuya niya. Pinagkaiba, palagi itong nakangiti. 

"Nice to meet you, Ashantelle."

Lumabas na rin si Ashriel, nakasunod lang kina Nyx. Kinamayan nito si Nikolai, tapos ako. 

"How was your trip on the way here?" tanong niya sa akin. 

Kapag siguro talaga in love at masaya sa lovelife, iba ang glow, ano? Si Nyx ay sobrang maamo pa rin ang mukha pero mararamdaman mo na masaya siya sa buhay niya.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now