"Hi, guys. I am Laydon from Water Kingdom. Born and raised at the Sui Kingdom," he said and smiled at Thea. Mukhang may gusto pa yata kay Thea ang isang 'to. Dadaan muna sa amin ni Kai ang mga may balak na manligaw kay Thea.

"I am Nuraya from Ka Kingdom. Fire elemental," she said. Kapag ba nasa Fire Kingdom, seryoso ang mukha? I am wondering kung pareho kami ng itsura.

"Alright. So today, we will be having an orientation and tour around the Yoso. Later on, bubuksan ang battlefield pero hindi pa kayo pwedeng pumasok do'n. Sa ngayon, magsama-sama muna kayong walo. Remember this, nandito kayo para mag-aral and I am hoping that everyone of you here is responsible enough to follow the primary rule of the elemental world. What is that rule, again?" he asked.

"Don't fall in love with someone who belongs to other kingdom. If you do, you'll die," sabay-sabay na sagot namin.

"Very good. Okay, tara na." Lumabas si Ciero at sumunod kaming lahat.

"By two's ang partners. Wag ninyong hayaan na mawala ang partners ninyo. Sino-sino nga ang galing sa mundo ng mga tao?" Nagtaas ng kamay sina Ela, Tyrone at Aria.

"Okay. Ela, kay Kai ka sumama. Tyrone, Thea will be your partner and Aria, si Fire ang bahala sa'yo. Yoso academy is surrounded by elemental secrets kaya kailangan ninyong sumama sa mga may kakayahan ng gumamit ng kapangyarihan nila. As of you, Aria, Tyrone and Ela, wala pa kayong alam sa taglay ninyong kakayahan kaya kailangan may kasama kayong magbabantay sa inyo," Ciero said and I really want to complain. Bakit hindi na lang si Kai ang kasama niya?!

"Sama-sama naman po tayong walo 'di ba? Bakit pa kailangan ng partner?" Sino pa ba ang magtatanong ng ganiyan? Edi ang babaeng talent na ang mang-inis.

"Aria, mas okay kapag may talagang magbabantay sa inyo. I assume na ayaw mong bigla na lang mawala dito sa Yoso at mapunta kung saan mang parte ng elemental world?" said by Ciero at tumahimik na si Aria. Buti nga sa'yo!

Aria's POV

Nananadya yata ang mga elemento dito ah! Bakit kay Fire pa ako isinama e pwede namang kay Kai o kaya kay Thea! Bakit dito pa sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob?!

"Hoy, makinig ka sa tinuturo ni Ciero." O kitams. Ang bastos. Hindi man lang tawagin na sir o kaya prof si Ciero. Kanina pa kami naglalakad. Una naming pinuntahan ang Library at doon ko nakita ang isang kwago na nagsasalita. Siya si Owlesus. Siya ang nagpapalakad ng Library. Akala ko nga maliit lang ang loob e. 'Yon pala, may apat na pintuan ang library. Nahahati sa apat na elemento. At bawat isang pinto ay isang library ang katumbas at ang laki. Nakakatakot na baka kapag nalaglagan ka ng aklat e mapipirat ka. Ang kakapal ba naman kasi e.

"Aria saan ka ba pupunta?" Malamang susunod kina Ciero! Baliw yata itong si Fire e.

"Aria! Ano ba?!" he shouted.

"Ano rin ba?! Sumunod ka nalang, pwede?!" Kainis na lalaki 'to. Nagpatuloy ako sa paglakad at doon ko napansin na wala na akong sinusundan.

"Teka, Fire, nasaan tayo?" I asked. Akala ko wala na si Fire pero katabi ko na pala siya ngayon. Kanina kasi sumusunod lang siya sa likod ko.

"Kanina pa kasi kita tinatawag pero patuloy ka sa paglakad mo. Alam mo ba na ang madaling mapahamak dito sa Yoso ay ang mga katulad mong hindi nagfofocus at madalas lumipad ang isip?" Alam kong nag-eexplain lang siya pero ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako. Walang hiya na 'to!

"Tara na nga. Bumalik na tayo!" Tumalikod ako at nag umpisang maglakad pero 'yong daan na dinadaanan ko, ibinabalik lang ako sa kung saan ako nakarating kanina.

"Fire!" Sigaw ako nang sigaw ng pangalan ni Fire pero walang Fire na dumating. Walang hiya! Iniwan ako?!

"Fire! Nasan ka na?!" Unti-unting dumilim ang paligid ko. Ay TangnaJuice! Anong nangyayari?!

"Mamaaaaa!" Alam ko na ang weird ko lang para tawagin si mama e wala naman siya dito ngayon pero takot ako sa dilim! Lalo na kung wala akong kasama!

"Fire, nasaan ka na ba?!" Nakakainis na lalaking yun! Talaga bang iniwan niya ako dito?! How can I get out of here?! Part ba 'to ng Yoso?! Bakit may ganito? Ano 'to? Challenge agad? O baka naman katapusan ko na?

Aba naman! Wala pa nga akong nasisimulan dito tapos mamamatay na agad ako?! Hindi ko naman ata maimagine kung anong magiging itsura ng nanay ko kapag nakita niyang patay na ako na bumalik sa kaniya. I promised her na babalik ako sa kaniya at dapat gawin ko 'yon nang buhay! Kailangan kong makaalis dito!

Teka? Sabi 'di ba ni Fire, focus lang ang kailangan?! Kapag nakalabas lang ako sa kung ano man 'to, humanda ka sa akin Fire!

Aria, magfocus ka. Clear up your mind. Close your eyes. Focus.

"Focus lang Aria. Ayaw mo naman sigurong mag-stay dito forever 'di ba? Kahit wala naman talagang forever pero basta! Focus lang. Teka, magfofocus ako e ano naman ang fofocusan ko?" Sira ulo talaga 'yong Fire na 'yon! Ugh! Kasalanan niya kung bakit ako nagdurusa ngayon! Bwisit ka talagang Apoy ka!

Tapos bigla akong nakaramdam ng hangin. Si Fire kaya niyang kontrolin ang apoy. Si Kai kaya niyang kontrolin ang mga puno at halaman. Si Thea kaya niyang kontrolin ang tubig. So ikaw, Aria, kaya mong kontrolin ang hangin?! Kaya ko nga ba?

Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi na muna ako nag isip ng kung ano-ano. Pati ang pagpatay ko kay Fire sa isip ko, sinet aside ko na muna.

"Ano ka ba naman, Fire. Dapat binantayan mo siyang mabuti!" Teka, si Thea ba 'yong naririnig ko?

"I did! Kaya lang bigla siyang umalis at hindi ko na ulit siya makita. Wala akong kapangyarihan para makita siya, Thea. I tried to look for her pero wala siya kaya nga nagteleport na ako kung nasaan kayo para makahingi ng tulong." Aw! Kasalanan ko pala kung bakit ako nandito ngayon? Alangan namang si Fire ang nagdala sa'yo dito e ikaw ang umalis. My mind said. Pinagpatuloy ko ang pakikinig sa pag-uusap nila kahit na hindi ko alam kung paano ko ba sila naririnig na para bang ang lapit nila sa akin.

"Ciero, paano natin malalaman kung nasaan si Aria?" It's Kai.

"Sigurado ako na napunta siya sa black road." Black road?! Ano naman daw 'yon?

"Kayang gayahin ng black road ang kahit anong daanan dito sa Yoso kaya madali lang para kay Aria na makadaan do'n dahil hindi niya pa alam kung paano niya malalaman kung black road na ba ang dinadaanan niya o hindi." Gano'n?! E bakit hindi man lang ako ininform para hindi ko nadaanan ang black road na sinasabi nila, 'di ba? Ito naman kasing si Fire walang kwentang partner!

"Tara na po. Puntahan na natin siya sa sinasabi ninyong black road." Si Tyrone ang nagsalita this time. Wala akong narinig na sumagot. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ulit si Ciero na nagsalita. Halos himatayin ako matapos kong marinig ang sinabi ni Ciero.

"Walang iba na pwedeng pumunta sa black road, Tyrone. Dapat ay kusa itong lalapit sa'yo. Pero 'yong ikaw ang pupunta doon ay hindi pwede. At ang bawat nabibiktima ng black road ay dapat makaalis gamit ang kanyang kakayahan bago sumapit ang gabi dahil kung hindi, sila ay mananatili na sa loob ng black road bilang mga taga-biktima ng bago nilang makakasama. This time, wala tayong ibang pwedeng gawin kundi ang maghintay na makabalik si Aria." Say what?! Ako ang gagawa ng paraan para makalabas dito?! At kapag hindi ako nakalabas agad, for life na ako dito?! Ayokoooooo!

Miss Ai

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon